Share

Kabanata V: The Bullies

Agad akong humingi ng tawad sa nabangga ko na mukhang mataray at maarte, mukha ring galing siya sa mayamang pamilya. Ito ang iniiwasan ko, ang makasalamuha ang mga anak ng mga mayayaman dahil karamihan sa kanila ay nakakairita ang ugali tulad lamang nitong nabangga kong babae. Siguradong gulo ang kalalabasan nito.

"Bakit hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?! Tingnan mo tuloy, namantsahan na ang uniform ko!" singhal niya.

Iniyuko ko ang ulo ko at humingi ulit ng tawad. "Pasensya na talaga, hindi ko sinasadya, kung nais mo ay lalabhan ko na lamang iyan."

"Nagpapatawa ka ba?! Baka sirain mo pa ito kaya huwag na lang. Alam ko namang ang mga kagaya mo ay walang gagawing tama lalong-lalo na't kabilang ka pa sa pinakamahina at talunang hampaslupang pack," aniya na ikina-hinga ko na lang ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"Ngayon hindi ka na makapagsalita? Hampaslupa kasi kayo!" aniya ulit. Nakita ko na ring medyo pinagtitinginan na rin kami ng iba pang mga estudyante, napakalakas kasi ng boses niya na gusto talaga ipaalam sa lahat kung paano niya ako apihin.

"Tapos ka na ba?" Narinig kong boses ni Yosh na naka-krus na ang mga braso, kita ko sa kilos at pananalita niya ang inis. Lagot na...

"Yosh..." mahinang tawag ko sa kanya.

"Huwag ka ngang makisali! Well, parehas lang naman kayong hampaslupa," maarteng usal ng babae na inirapan pa si Yosh.

"Ikaw amoy lupa," anang naman ni Yosh na ngumisi pa. Lagot na talaga.

"What did you say?!"

Dahan-dahan at pa-simple akong lumapit kay Yosh at palihim na hinila ang ang manggas ng damit niya para patigilan siya pero ayaw talagang magpaawat ni Yosh. Kanina ay naiinis siya ngunit ngayon ay galit na siya.

"I said, you smell like a poop in the soil," pag-eenglish din ni Yosh na mas pinalawak ang ngisi niya sa labi.

"I-ikaw!" Akma na sanang hihilahin ng babae ang nakapuyod na buhok ni Yosh ngunit napigilan siya ni Yosh sa pamamagitan ng paghawak sa pulu-pulsuhan nito at buong pwersang binitawan dahilan para mabuwal sa kinakatayuan ang babae.

Kita ang galit sa mga mata ng babae na dahan-dahang tumayo habang hawak-hawak ang pulu-pulsuhan niya.

"How dare you!" singhal ng babae.

"How dare you ka rin!" singal din ni Yosh.

"Makakarating talaga ito kay Daddy at nakasisiguro akong paparusahan niya kayo---" Nagulat ako sa sunod na nangyari. Sinampal lang naman ni Yosh ang babae ng napakalakas pati nga ang babae ay gulat din na napahawak sa pisngi niyang sinampal ni Yosh.

"Huwag kang masyadong umarte sa akademya na ito, babae, dahil sa loob ng akademyang ito ay pantay-pantay tayong lahat, walang mayaman o mahirap dahil sa pagsapit ng ika-apat na taon natin rito ay maaaring mamaalam na tayo sa mundong ito o maka-survive at sa tulad mong babae na umaasa lang sa kayamanan at kapangyarihan ng magulang mo... sigurado akong mamatay ka, mabilis kang mamatay at kapag nasa bingit ka ng kamatayan ay walang tutulong sa 'yo!" nakangising sabi na naman ni Yosh.

Akmang sasampalin din siya ng babae ngunit hindi ito natuloy. "Sige ituloy mo ngunit siguraduhin mo lang na handa ang mga pisngi mo dahil tripling hapdi ang ibabalik ko sa iyo," pagbabanta ni Yosh.

"Argh! Kainis ka!" singhal ng babae at naglakad na paalis habang hawak-hawak ang panga niya na sigurado akong namamanhid na dahil sa malakas na pagkakasampal dito ni Yosh.

"Oh? Ano tinitingin-tingin niyo riyan?" tanong ni Yosh sa mga nakatingin sa amin, agad naman silang nagsibalik sa mga ginagawa nila at ang iba naman ay nagsilakad na paalis.

"Alyosha..."

"Bakit? Ipinagtanggol lang kita at saka wala siyang karapatan na manliit ng kapwa niya," rason naman ni Yosh na kinailing-iling ko na lang. What a short-tempered woman.

"Halikana nga! Kumuha na tayo ng pagkain sa loob," aya niya na inakbayan na ulit ako at sabay kaming naglakad papunta sa loob ng canteen.

Pagpasok namin sa loob ay sinunod kami ng tingin ng karamihan, sigurado akong alam nila ang nangyari sa labas.

"Huwag mo na silang pansinin Demi, alin ang gusto mo?" tanong ni Yosh na kinatingin ko naman sa harapan ko kung nasaan ang mga pagkain.

Pumili na ako ng akin maging si Yosh ay pumili na rin. Libre kasi ang pagkain rito at walang kahit anong babayaran, sagot ito ng Great Alpha basta't ang gusto niya ay pumasok kami at tapusin naming ang apat na taon namin bilang estudyante ng akademya.

"Dito na lang tayo Demi," anang ni Yosh na itinuro ang table na may kakaunti lang na nakaupo ngunit nang umupo kami ay nagsi-alisan na silang lahat, dahil ata sa akin. Ang sabi kasi Linda ay kinaiilagan ng ibang pack ang pack namin dahil ayaw nilang madamay sa mga bully na ginagawa sa amin kaya umiiwas sila.

"Siguraduhin niyong wala talagang uupo rito ha?!" Malakas na boses ni Yosh na hindi ko na lang pinansin at naupo na lamang sa tabi niya at kinain ang kinuha kong pagkain.

"Yosh, huwag mong pailarin ang init ng ulo mo, pakiusap," bulong ko kay Yosh na inirapan lang ako at nilantakan na ang ka’y daming pagkain na kinuha niya.

Kumain na rin ulit ako at inilibot-libot ang paningin ko. Hindi masyadong maingay sa canteen dahil na rin sa bawal ang mag-ingay o gumawa ng kung anong kaguluhan dito, Mabuti nga't sa labas ng canteen nangyari iyong kanina dahil kung sa loob ng canteen ay malalagot kami.

Marami ang mga nag-uusap-usap din na mga estudyante na karamihan ay magkakakilala na bago pa pumasok sa akademya pero marami ring mga nabuong bagong pagkakaibigan dito sa akademya kagaya namin ni Sofia.

"Sa tingin mo... Ka-ano-ano kaya ni Sofia iyong tatlong lalaki kanina?" natanong ko na lang bigla pagkainom ko ng tubig. Tapos na rin kasi akong kumain dahil na rin sa kakaunti lang naman ang pagkain na kinuha ko.

"Malay ko? Hindi ko rin naman sila kilala," aniya na kina-buntong hininga ko na lang ulit. Wala talaga akong matinong sagot na makukuha sa kanya.

Umiling-iling na lang ako at hinayaan na siyang mag-focus sa pagkain niya, inilabas ko na lang ang hairpin na nakuha ko noong kaarawan ko sa lawa. Kakaiba ang desinyo ng hairpin na ito na para bang pinasadyang pinagawa talaga para sa isang espesyal na werewolf pero hindi ko pa rin malaman kung sino ang nagmamay-ari nito. Wala akong ideya kung sino ang may-ari.

"Hairpin? Ang ganda naman niyan," anang ni Yosh na kinuha sa kamay ko ang hairpin at pinagmasdan.

"Sa 'yo ba ito?" tanong niya na puno pa rin ng pagkain ang bibig niya na nakatingin na sa hawak niyang hairpin na inagaw sa akin.

"Hindi," sagot ko.

"Edi, dapat binenta mo na ito, sigurado akong malaking halaga ang makukuha mo rito lalong-lalo na't kakaiba ang desinyo nito at mamahalin pa ang bato na nakadikit," aniya na nilunok na ang pagkain niya at uminom ng tubig ngunit hindi niya inaalis ang tingin niya sa hairpin.

"Hindi nga iyan sa akin, napulot ko lang at balak ko ngang ibalik sa totoong may-ari niyan kaso hindi ko naman alam kung sino ang may-ari," anang ko na nakatingin na rin sa hairpin.

Humarap na sa akin si Yosh at iniipit sa buhok ko ang hairpin. "Huwag mo ng ibalik, sa 'yo na lang, bagay naman sa iyo eh," aniya na pinagmasdan pa ako sa iba't ibang anggulo.

"Hindi, ibabalik ko ito sa may-ari nito," sabi ko at inalis ang pagkakaipit ng hairpin sa buhok ko.

"Okay, bahala ka," sabi ni Yosh na kumain ulit, inuubos niya kasi ang natirang pagkain sa plato niya.

Nangunot ang noo ko nang may maramdaman akong presensya sa likuran ko, pagharap ko roon ay bumungad sa akin ang lalaki kanina na may makakapal na kilay, nakatingin siya sa hawak na hairpin ko.

"Sa 'yo ba 'to?" tanong ko na kinatingin niya sa akin, nagtama ang paningin namin at may kung ano akong naramdaman na para bang kailangan kong iiwas ang paningin ko sa kanya at maging ang sarili ko rin.

"No, that's not mine," sagot niya at naglakad na palagpas sa akin, sinunod ko lang siya ng tingin na naupo sa isang upuan sa pinakadulo, maliit lang itong lamesa na pang-apat lang na katao habang ang pinupuwestuhan namin ay isang mahabang lamesa.

"Anong mayroon doon?" tanong ni Yosh nang makita niya ata ako na nakatingin sa lalaki.

"His presence, threatening me," sagot ko at tumingin ulit sa hairpin na hawak ko saka ibinulsa ito at saka iniangat ang mukha ko dahilan para makasalubong ko ang seryusong mukha ni Yosh na nakaharap sa akin.

"You should not come near him," aniya. I must.

**

Natapos na kami sa pagkain pero nagtagal pa rin kami ng ilang minuto sa canteen at lihim ko namang sinusulyapan ang lalaki kanina, sa katunayan lahat ng mga mata ng mga estudyante rito ay nakatutok sa kanya, marami nga ring kinikilig na pinapanuod siya habang wala namang pakialam na kumakain siya ng mag-isa.

"Alis na tayo? Tinatawag na rin kasi ako ng kalikasan," anang ni Yosh na ngumiti pa sa akin.

Tumayo na ako at dinala ang plato ko upang ilagay sa designated area kung saan nilalagay ang mga ginamit na plato, kutsara at tinidor at saka mga baso na hinuhagasan naman agad.

"Ahm, Demi. Punta muna ako CR, hindi ko na talaga mapigilan," pagpapaalam ni Yosh na tinanguan ko na lang.

Ngayon ay mag-isa na lamang ako naglalakad, napakatahimik at maganda sa pakiramdam maglakad mag-isa lalo na sa taglay na ganda ng tanawin sa loob ng akademya pero ramdam kong may mangyayaring masama dahil sa mga matang kanina pa nakatingin sa akin. Tumigil na ako sa paglalakad at humarap sa likuran ko.

"Ano ang kailangan niyo sa akin?" tanong ko na mayamaya ay may lumabas nang tatlong babae na alam kong ka-uri ng babaeng nakaaway ni Yosh kanina.

Walang emosyon ko lang silang tiningnan habang naglalakad sila palapit sa akin.

"You’re the girl, right? Ikaw yung bumangga kay Kara?" mataray na tanong ng isa sa kanila.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa kanila.

"Pipi ata ang isang 'to," sabi ng isa pa.

"Tsk! Walang hiya kayo ng friend mo, sinaktan niyo siya," singhal ulit noong unang nagsalita kanina at saka binuhusan ako ng isang balde ng tubig.

Napapikit na lang ako dahil sa lamig na naramdaman ko, naramdaman ko rin nga ang ilang maliit na cubes ng yelo na tumama sa ulo ko.

"Kilalanin niyo ang binabangga niyo ha? Lalong-lalo ka na dahil ang pack mo ay laruan lang namin." Hindi ako nagsalita o kumilos man lang sa kinatatayuan ko. Tulad ng kanina ay marami namang mga matang nakatingin sa amin na kinaayawan ko naman; ang mapunta ang atensyon ng lahat sa akin.

"We should throw paint na lang sana sa kanya, mas maganda 'yon eh," anang ng isa sa kanila.

"Cold water na muna para ma-realize niya na mali ang binangga nila."

"Oh! Bakit hindi ka man lang nag-rereact? Nasaan ang tapang mo?!" anang nito na dinuro-duro pa ako.

Tulad ng kanina ay hindi ako nagsalita o kumilos na ikapapahamak ng sarili ko. Ayaw ko ng gulo.

"Aba't nakakainis ka na---" Hindi naituloy ng babae ang gagawin niyang pagsampal sa akin dahil sa biglang dumaan ang lalaki kanina sa canteen sa gilid niya. Nanindig rin ang balahibo ko ng dumaan siya dahil na rin sa nagkadikit ang mga braso namin.

"Tama na 'yan, Kara," pag-awat ng isang lalaki na namumukhaan ko naman, siya iyong lalaking humingi ng tawad sa akin kaninang umaga.

"Aeneas... Ito kasing babaeng 'to..."

"Tama na," anang ulit ng lalaki.

"Umalis na kayo," utos naman ng babaeng kasama ng lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay siya yung kalaro kaninang umaga ng lalaking nangangalang Aeneas na may biloy sa pisngi.

"Okay ka lang?" tanong niya. Sa muli ay hindi ako nagsalita.

"Thea, pahiramin mo siya ng extra uniform mo," sabi ng lalaki sa babae na kasama niya bago tumingin sa akin.

"I am Aeneas Ralf Camerron, nice to meet you Ms. Ruiz," pagpapakilala niya, sigurado akong alam na niya ang pangalan ako dahil sa nag-roll call si Propesor Baleza nang matapos na ang klase namin sa kanya.

"Let's go?" aya nitong babae na nakangiti sa akin. Maganda siya at nararamdaman kong malakas siya, hindi basta-bastang babaeng werewolf; may mapapatunayan.

"Ako pala si Alethea Zillon," pagpapakilala niya.

Aeneas and Alethea? Sino kayo… sa buhay ko?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status