Share

Kabanata IV: Werewolves History

Naguluhan ako sa sinabi ni Madam Fe, hindi ko maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin ng mga binitiwan niyang salita o kung sino ang tinutukoy niya. Ang gulo, ang hirap at ang labo ng mga salitang binitawan niya. Sana ay kasing talino ako ng mga matataas na opisyales na nakatira sa Palati upang agad kong naintindihan ang mga salitang binitawan ni Madam Fe.

"Tila masyado kang tahimik Demi?" anang ni Yosh na nakakunot pa ang noo.

"Hindi ko maalala kung kailan ako dumaldal nang kagaya mo," sabi ko na kina-irap niya naman sa akin.

"Napakasaya niyong pagmasdan na dalawa, magkaiba man ang ugali ninyo pero nagkakasundo pa rin kayo," nakangiting usal ni Sofia.

"Of course, she doesn't have choice," sabi naman ni Yosh na kinailing-iling ko na lang.

"Sana magkaroon din ako ng kaibigan na kasing tibay ng sa inyo, isang kaibigan na matatakbuhan ko sa oras ng kagipitan, kaibigan na dadamayan ako sa problema ko at kaibigan na mananatili sa tabi ko gaano man kasama ang ugali ko," tila naiinggit na usal ulit ni Sofia.

Inakbayan naman siya ni Yosh. "Andito naman kami, maaari mo naman kaming maging kaibigan, diba Demi?" anang ni Yosh na nakatingin sa akin ganoon na rin si Sofia na naghihintay ng sagot ko.

"Oo naman, maaari mo kaming maging kaibigan," simpleng sagot ko.

"Hindi siya galit, ganyan lang talaga siya, palaging walang emosyon," sabi naman ni Yosh na bumuntong hininga pa at tinapik-tapik pa ang balikat ni Sofia.

Hindi ko na lamang pinansin ang sinabing iyon ni Yosh at nagpatuloy na lang sa paglalakad habang hawak ko na ang nakabukang payong na binili ko. Ilang minuto rin ang tinagal namin sa paglalakad upang hanapin kung saan ang silid-aralan namin pero nalungkot ako nang malaman kong hindi ko pala kaklase si Yosh pero mabuti na lang ay kaklase ko si Sofia, kahit papaano ay may makakausap ako.

Pagpasok namin sa silid-aralan ay bumungad ang mga magiging kaklase namin na may mga sari-sariling mundo, ang iba ay nakikipag-usap sa mga kakilala nilang kaklase, ang iba naman ay natutulog, may nagbabasa at may mga nagbabatuhan na para bang mga bata. Hindi ko inaasahan na matatamaan ako ng kinumpol-kumpol na papel na hinugis bilog, kahit papel ito ay masakit pa rin dahil sa pwersa nang bumato. Lahat sila napatingin sa akin habang ako ay walang emosyon pa rin na makikita sa mukha.

"Okay ka lang ba Demi?" nag-aalalang tanong ni Sofia. Tumango lang ako bilang sagot at naglakad papasok, naghanap ako ng bakanteng upuan at napili kong upuan ang mga bakanteng upuan na nasa likuran. Mayamaya ay tumabi na rin sa akin si Sofia.

"Pasensya na Miss," paghingi ng tawad ng isang boses kaya hinanap ko naman ang pinanggalin ng boses. Isa itong gwapong lalaki, may biloy siya sa kaliwang pisngi, maganda ang tindig, buhok na kulay itim na medyo magulo at maputi siya na tila anak ng isa sa mga matataas na opisyales ng aming lahi.

"Sorry, will you accept my apology?" aniya na para bang nagpapa-cute pa sa harapan ko.

Tiningnan ko lang siya at kumurapkurap saka binuksan ang bag ko at inilabas ang libro na may mga malilinis na pahina pa, maging ang paborito kong panulat ay nilabas ko rin.

"Pasensya na, hindi naman siya galit sadyang ganiyan lang talaga siya." Narinig kong sabi ni Sofia roon sa lalaki.

"Interesting," anang naman ng lalaki.

Nagtagal pa ng ilang minuto na hindi pa pumapasok ang magiging propesor namin sa unang aralin para sa unang taon namin dito sa Krisi Academy at sa ilang minutong iyon ay nagsulat ako nang nagsulat hanggang sa dumating na nga ang propesor namin kaya agad ko namang itinago na ang libro ko at tumayo na rin para bumati sa propesor namin.

"Magandang umaga!" bati ng aming propesor na ibinaba na ang malaki at makapal na libro na dala niya.

"Magandang umaga Propesor!" bati rin naming lahat.

"Sige, maupo na kayo," aniya na ginawa naman namin.

May isinulat siya sa pisara na natitiyak kong buong pangalan niya.

"Ako si Propesor Ivan Baleza, maaari niyo akong tawagin na Propesor Baleza," nakangiti niyang pagpapakilala.

Kung hindi ako nagkakamali ay ilang taon lamang ang tanda niya sa amin dahil sa bata pa siyang tingnan at gwapo rin kaya labis ang bulungan ng mga kababaihan na nahumaling sa kakisigan na tinataglay ng propesor namin.

"Alam kong karamihan sa inyo ay kilala na ako dahil noong nakaraang taon ay kakatapos ko pa lang sa ika-apat na taon ko sa Krisi at alam ko ring karamihan sa inyo ay nagtataka kung bakit mas pinili kong maging propesor ng akademyang ito. Unang-una ay gusto kong ibahagi ang ilan sa mga natutunan ko noong isa ring estudyante ako kagaya niyo at gusto ko rin na maging motivation niyo ako para matapos niya ang lahat ng misyon na kahaharapin niyo sa ika-apat na taon niyo rito," mahabang pagpapakilala niya na hindi ko naman binigyang pansin, ang nais at ang habol ko lamang ay ang mga kaalaman na ibabahagi niya sa buong klase.

"So... Magsimula na tayo sa ating diskusyon tungkol sa kasaysayan ng ating lahi at kung ano ang mga polisiya na mayroon tayo. Alam ko na karamihan sa inyo ay alam na ang ating ninuno ay siyang dating tao ngunit naparusahan ng isa sa mga diyos na nakatira sa langit, ayon sa mga tao ay isinumpa raw tayo dahilan upang nakakapag-bagong anyo ng isang nilalang na tinatawag nilang halimaw at dahil sa nakakapag-bagong anyo tayo ay may pambihirang liksi at lakas tayo ganoon din ang ating lakas at liksi kahit nasa anyong-tao pa rin tayo kaya ito ang dahilan kung bakit kinatatakutan nila ang ating lahi ngunit lingid sa kaalaman ng mga tao ay mas nakakatakot sila hindi sa may angking lakas at liksi sila kagaya natin kundi may angking talino sila at mga makabagong teknolohiya na makapapatay sa atin sa maikling na oras. Noon ay wala pang peace agreement ang namamahala sa atin at ang gobyerno sa tao dahilan upang magkaroon ng labanan, maraming nalagas sa bawat panig at dahil sa matalino at pinairal ng mga naunang pinuno ang kaligtasan natin ay naglatag ito ng isang kasunduan sa mga tao na itatago ang mga katauhan natin sa kanila at titira tayo sa malayo sa mga tao, ganoon din ang ginawa ng mga naunang pinuno sa iba pang nilalang lalong-lalo na sa mga bampira na dati ay mortal nating kalaban." Lahat kami ay nakikinig sa sinasabi niya hindi dahil sa hindi pa namin ito alam kung hindi sa galing niya sa pagsasalita at pagbibitiw ng mga salita.

"Ang ating lahi ay mayroon din mga antas, una ay ang purebloods; mga werewolf na hindi pa nahahaluan ng ibang dugo dahil ang mga magulang nila ay parehas na werewolf. Sa ngayon ay one-fourth na lang ng porsyento sa ating lahi ang mga pure-blooded werewolf dahil karamihan ay mga hybrids na o mas magandang tawagin na half-bloods. Pangalawa ay ang half-bloods, ito ang uri werewolf na ang isa sa mga magulang ay hindi werewolf na karamihan ay mga Molismenos. Ang pangatlo naman ay ang Molismenos, ito ang mga infected o mga nakagat ng mga werewolf nang kabilugan ng buwan, karamihan sa mga Molismenos ay mga tao na naging mate ng werewolf. Panghuli ay ang Valgulf, ito ang uri ng lahi natin na ating mga kalaban, ang mga Valgulf ay mga werewolf na hindi makontrol ang sarili nila na karamihan ay mga Molismenos na hindi sinasadyang ma-infected." Muli ay tumigil ulit si Propesor Baleza upang tingnan kung nakikinig ba kami sa kanya.

"Ang lahi natin ay may mga panuntunan at sistema na ipinapanukala na karamihan ay galing sa Great Alpha natin, una ay ang hindi pagtungtong ng mga labing pitong taong gulang pababa sa Kinyege borderline at ng kung sino man na walang dalang kasulatan na maaari silang tumuntong sa lupain na iyon, tiyak na mapaparusahan ang lumabag roon na minsan ay umaabot pa sa parusang kamatayan. Pangalawa naman ay ang pagpasok sa Krisi Academy pag sumapit na ang taon na maglalabing-walong taong gulang o labing taong gulang na, dahil inihahanda tayo ng akademya na ito para sa mapanganib na mundo sa loob at labas ng Epikindinos borderline. Pangatlo't panghuli ay ang pagputol ng koneksyon ng mga werewolf sa oras na malaman niya ang kapareha niya ay isang bampira, sa oras na malaman ng mga nakatataas na opisyales ang mate bond ng werewolf at bampira at tumanggi ang werewolf na putulin ang koneksyon niya sa bampira niyang mate ay paparusahan siya ng kamatayan. Sa tingin niyo, bakit ipinagbabawal na magkaroon ng ugnayan o mate bond ang mga werewolves at vampires?"

May tumaas ng kamay para sagutin ang tanong ni Propesor Baleza. "Ikaw Miss...?"

"Abrigo po," sagot ni Sofia. Tumayo ito at nagsalita. "Dahi hindi maaaring magsama ang dalawang lahi dahil ang magiging supling nila ay isang halimaw na nakakatakot, wala itong pinakikinggan at sinusunod, at walang habas kung pumatay."

"Tama ka Miss Abrigo, ang uri ng half-bloods na ito ay mapanganib at isang alamat lang dahil lahat ng mga werewolf na nagkakaroon ng koneksyon sa mga bampira ay ipinapuputol agad ito sa mga magagaling na mga mangkukulam na kaalyado ng ating lahi."

"Wala ho bang nakalusot na pares ng werewolf at bampira ang nagkaroon ng supling na hindi alam ng mga nakatataas na opisyales?" tanong ko dahilan para mapatingin silang lahat sa akin.

"Wala pa at hindi naulit ang nangyari sa nakaraan na nagkaroon ng supling ang naturang dalawang lahil dahil sa mas humigpit ang mga nakatataas na opisyales at ang Great Alpha natin ngayon," sagot ni Propesor Baleza at nagpatuloy na ulit sa pagdi-discuss.

"Kung sakali man na ang mate ko ay bampira, agad-agad akong magpapaputol ng koneksyon ko sa kanya," bulong ni Sofia sa akin.

"Kahit mamatay siya dahil sa pagpapaputol mo ng koneksyon mo sa kanya?" tanong ko na hindi niya naman nasagot.

Naputol ang diskusyon ni Propesor Baleza nang tumunog na ang malaking kampana ng akademya kaya't nagbigay na lang siya ng takdang aralin tungkol sa mga pangalan ng mga naging pinuno ng lahi naming para sa susunod na aralin na ituturo niya sa amin.

"Marami akong natutunan kay Propesor Baleza! Ang galing niyang magturo at magbitiw ng mga salita," sabi ni Sofia na sinang-ayunan ko naman.

"Hala! Nakalimutan pala nating magbaon ng makakakain natin ngayong break time," sabi ulit ni Sofia.

"Tiningnan ko naman ang bag kong walang laman na pagkain, siguro dahil sa pagkasabik namin ay hindi namin namalayan na naiwan pala namin ang inihandang pagkain sa amin para kainin namin ngayong break time.

"Hoy! Ano pa ang ginagawa niyo riyan?!" Napatingin naman kami sa pinto ng silid-aralan namin. Nakatayo roon si Yosh na parang siga pa dahil hindi naka-tuck-in ang hapit na hapit na uniform niyang long-sleeved at nakakaluskos pa ang hanggang siko ang kwelyo nito.

"Wala kaming dalang baon na kakainin namin ngayong break time," anang ni Sofia kay Yosh nang makalapit na ito sa amin.

"Problema ba iyon? May canteen diba?" sabi naman ni Yosh na inakbayan na kaming dalawa.

"Pero kasi..." Si Sofia.

"Huwag kayong mag-alala, ako ang bahala sa inyo," sabi ulit ni Yosh.

Tahimik lang ako habang sumusunod sa paglalakad at paghihila ni Yosh sa akin habang nakaakbay.

"Sofia!" Narinig naming sigaw sa kung saan, humarap naman kami sa pinanggalingan no'n.

"Ano ang ginagawa nila rito?" nagtatakang bulong ni Sofia na nagpaalam na sa amin upang lapitan ang tatlong lalaki na nakasuot ng pulang uniporme, they must be third year. Dalawang lalaki na magkamukha na kausap ni Sofia at isang lalaki na nakapamulsa at nakatingin sa akin, makakapal ang kilay niya at gwapo rin at batid ko ring anak din siya ng isa sa mga matataas na opisyales dahil sa makinis niyang kutis at magandang tindig.

"Demi, halikana," aya ni Yosh.

"Huh?"

"Nag-sign na si Sofia na hindi na raw siya sasama sa atin." Tumango naman ako sa sinabi niya at tumingin ulit sa lalaki kanina ngunit wala na siya roon maging ang kasama nitong dalawang lalaki at maging si Sofia.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Yosh.

"Halikana, kumuha na tayo ng makakakain natin," aya ko at naunang naglakad na.

"Hoy! Antay! Hindi naman halatang nagugutom ka na 'no?" pang-aasar niya na hindi ko naman pinansin.

"Hoy! Aminin mo na lang kasi na masiba ka rin kagaya ko," patuloy na pang-aasar niya na hindi ko naman pinatulan dahil sa aming dalawa ay siya lang ang mahilig kumain ngunit hindi naman tumataba.

Patuloy lang siya sa pang-aasar sa akin habang naglalakad kami papunta sa canteen pero sa hindi sinasadyang pagkakataon ay may nabangga ako dahil sa pag-iwas sa pagsusundot sa tagiliran ko ni Yosh.

"Ano ba?!" Lagot.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status