Hi, readers! Sorry kung medyo matagal din bago ako nakapagsulat ulit, dumaan po kasi ako sa writer's block plus masyadong pressure sa studies ko kaya nawala ako ng mahabang panahon sa pagsusulat nito at medyo may hindi na ako natatandaan na part ng story kaya baka makabasa kayo ng ibang part ng story na supposedly ay wala, humihingi po ako ng sorry agad sa maling ito. I'll try my best to edit it again after I finish this story and yes! Malapit na po siyang matapos at excited na po ako doon, currently writer the few chapters now and I hope you'll like it po. Have a great day!
Pagkatapos kong bitiwan ang mga salitang iyon ay wala na muling nagtangka sa amin na dalawa na magsalita hanggang sa unti-unti na ng nawalan ang araw. Kinalaunan ay lumabas siya ng bahay at pagkabalik ay may mga dala na siyang prutas at gulay at ilan sa mga sangkap na hindi ko malaman kung saan niya nga ba ito nakita at nakuha."Eat some snacks," aniya at inilagay sa harapan ko ang isang basket na puno ng iba't ibang mga prutas."Salamat..." nahihiyang pagpapasalamat ko."Eat all of that, your body needs that."Nagsimula naman akong kumain ng mga prutas at nang mabusog ay ininom ko na ang tubig na dala niya rin saka lumabas muli sa maliit na kwarto, agad ko namang nakita si Renz na nakatalikod sa gawi ko. Ang sexy niyang tingnan mula rito sa kinatatayuan ko, from his hair, neck, muscles and body. Tila lahat ngang babae ay mababaliw sa kanya."Stop staring, you're distracting me," aniya habang nakatalikod pa rin sa akin."I-I'm not staring!" pagtanggi ko sa
"Bring me the girl," utos ni Luna Aerah na disidido na makuha ako."Mom! I already told you! Demi is innocent!" sabat ni Aeneas na lumapit pa sa kanyang nanay."Hangga't walang matibay na ebidensya ay kailangan niyang bumalik sa loob ng kulungan," anang Luna Aerah."Pero wala po talagang kinalaman si Demi!" naiiyak na pagsabat din ni Sofia."What are you doing here? Wala kayong pahintulot na tumuntong sa Kinyege Borderline, nais niyo bang maparusahan kayo!?" wika ulit ni Luna Aerah na pinagsasabihan si Sofia na umiiyak na at si Arhyss na pinapatahan ang mate niya."Huwag niyong subukan ako," galit na pagbabanta ni Renz sa mga kawal."Ouch! Get off your hands on me!" Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses na 'yon."Yosh?" sabay naming usal ni Aeneas."She's the real murderer, let my friend go," walang emosyon na wika ni Yosh na hawak-hawak ang buhok ni Alethea na dumadaing naman at pilit inaalis ang pagkakahawak sa buh
Kinabukasan ay sinikap kong tumayo at pumunta sa pag-anunsyo ng bagong ranking ng mga pack. Lahat ng sugat ko ay nagsihilom na sa tulong na rin ng mga gamot na galing sa mga witches pero ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko dulot ng mga pagpapahirap sa akin sa loob ng kulungan sa Kinyege borderline."Sigurado po bang okay na ang pakiramdam niyo?" nag-aalalang tanong ni John na tinanguan ko naman saka ngumiti."Okay na ako, gusto kong personal na marinig ang mga bagong ranking mamaya," sabi ko at tinapik-tapik ang balikat niya."Siguradong magiging proud ka sa amin, Demi kapag nalaman mo ang resulta ng ART mamaya," proud na wika ni Sofia na nasa tabi ko."Proud naman ako sa inyo kahit hindi man kayo manalo sa mga tasks, eh!""Magsisimula na raw ang pag-anunsyo," anang isa sa mga myembro ng pack namin.Karamihan sa kanila ay nagpapahinga pa dahil galing palang sila sa huling task na ginawa nila at proud na proud ako kasi wala man ni isa sa kanila ang na-injured na iniiwasan tal
Isa lamang akong normal na babae na namumuhay ng tahimik, kakaunti ang nakakakilala sa akin at hindi kami mayaman. Mahina ako, malamya, walang katangian ng pagiging isang lider at weird pa kung manamit ngunit bakit ako napili? Bakit kailangan pa akong maatasan ng ganitong misyon? Bakit pa akong napili maging Alpha ng isang pack?"Ano ang gagawin natin Alpha?" Naiiyak na tanong ng isa sa mga pack members ko habang tumatakbo kami papalayo sa mga humahabol sa amin."Kailangan natin makapasok sa Kinyege borderline, magiging ligtas tayo roon," sagot ko habang tumatakbo kami gamit ang dalawang paa namin. Hindi siya makapagbagong anyo kaya ang dalawang paa ang gamit niya, hindi rin ako nasa werewolf form ko kasi kailan man ay hindi ko pa iyon nagagawa.Naiwan na kami ng iba naming kasamahan dahil nasa anyong werewolf na sila kaya mas mabilis silang tumakbo at nakapunta sa Kinyege borderline."Ayaw ko pang mamatay, Alpha... Gusto ko pang makilala ang mate ko," na
Demi's Point of View"Mama, ayaw ko pa pong malayo sa inyo lalong-lalo na sa mga kapatid ko.""Hindi maaari ang gusto mo anak, gusto mo bang ipahamak ang angkan natin?""Ayaw po, natatakot lang po ako baka hindi na ako makabalik.""Hindi 'yan mangyayari basta't magpakatatag ka, mahal na mahal ka ni nanay."Nakatingin ako ngayon sa mag-inang nag-uusap, isa rin ata ang anak niya sa hindi mapalad na kabilang sa mga mahihirap na walang maipagtutubos sa mga anak nilang susuong sa panganib para mapatunayan na may karapatan itong mapabilang sa aming lahi."Oh, bakit tulala ka riyan?""P-po?" Napakurap-kurap naman ako at hinarap ang napakandang babae na nasa tabi ko na ngayon."Magiging maayos din ang lahat at kakayanin mo ang lahat ng pagsubok na kakaharapin mo sa loob ng akademya kaya huwag kang masyadong mag-alala," pagpapalakas ng loob ng babae na hinaplos pa ang pisngi ko at tumingin sa mag-ina na tinitingnan ko k
Bumalik na kami sa bahay nang unti-unti nang nagpapakita ang araw. Masaya ako sa kaarawan ko ngayon kagaya noong nakaraang kaarawan ko dahil sa palaging ginagawang espesyal ito ni Yosh. Hindi na rin ako natulog at inantay na lang ang pagsikat ng araw gano'n din naman si Yosh na narito sa bahay namin dala ang mga gamit na dadalhin niya sa loob ng akademya."Kumain na kayo ng mabilis baka dumating na ang mga sundo ninyo," sabi ni ina na naghahain nang kanyang mga inilutong pagkain na karamihan ay paborito ko at ni Yosh."Maraming salamat po tita!" masayang usal ni Yosh na agad namang nilantakan ang paborito niyang pagkain."You're always welcome," sabi ni ina at naupo sa upuan na nasa harapan naming dalawa ni Yosh."Magdahan-dahan lang," saway ni ina na mayamaya ay may ipinatong sa lamesa, isa itong uri ng libro na may malilinis na pahina."Happy birthday!" Iniangat ko naman ang mukha ko, nakangiting nakatingin sa akin ngayon si ina."Nais san
Maaga ako nagising dahil siguro sa namamahay ako, na-miss ko agad si ina, ang mga luto niya lalong-lalo na ang presensya niya na nakapapanatag ng kalooban ko. I feel safe with her.Umiling-iling na lang ako at huminga ng malalim at saka kinuha ang dalawang twalya ko at undergarments at saka uniporme ng first year, wala kasing sariling palikuran ang bawat kwarto kaya nasisiguro kong isa o dalawa lang ang palikuran namin. Pagkalabas ko ay sakto namang pagdaan ni Linda, ang Luna ng pack namin."Oh, good morning! Napakaaga mo naman ata nagising," nakangiting sabi niya na tumigil sa paglalakad at humarap pa sa akin."Namamahay kasi po ako," sagot ko."Okay lang 'yan, masasanay ka rin niyan. Oh siya, mag-ayos ka na ng sarili mo at ang palikuran ay nasa tabi ng kusina," aniya."Salamat," pagpapasalamat ko at naglakad na pababa ng hagdan at pinuntahan ang tinuro ni Linda na nahanap ko naman agad. Dalawang palikuran ang nakita ko at may nakadikit na dalawan
Naguluhan ako sa sinabi ni Madam Fe, hindi ko maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin ng mga binitiwan niyang salita o kung sino ang tinutukoy niya. Ang gulo, ang hirap at ang labo ng mga salitang binitawan niya. Sana ay kasing talino ako ng mga matataas na opisyales na nakatira sa Palati upang agad kong naintindihan ang mga salitang binitawan ni Madam Fe."Tila masyado kang tahimik Demi?" anang ni Yosh na nakakunot pa ang noo."Hindi ko maalala kung kailan ako dumaldal nang kagaya mo," sabi ko na kina-irap niya naman sa akin."Napakasaya niyong pagmasdan na dalawa, magkaiba man ang ugali ninyo pero nagkakasundo pa rin kayo," nakangiting usal ni Sofia."Of course, she doesn't ha