Share

Kabanata II: Ceremony

Bumalik na kami sa bahay nang unti-unti nang nagpapakita ang araw. Masaya ako sa kaarawan ko ngayon kagaya noong nakaraang kaarawan ko dahil sa palaging ginagawang espesyal ito ni Yosh. Hindi na rin ako natulog at inantay na lang ang pagsikat ng araw gano'n din naman si Yosh na narito sa bahay namin dala ang mga gamit na dadalhin niya sa loob ng akademya.

"Kumain na kayo ng mabilis baka dumating na ang mga sundo ninyo," sabi ni ina na naghahain nang kanyang mga inilutong pagkain na karamihan ay paborito ko at ni Yosh.

"Maraming salamat po tita!" masayang usal ni Yosh na agad namang nilantakan ang paborito niyang pagkain.

"You're always welcome," sabi ni ina at naupo sa upuan na nasa harapan naming dalawa ni Yosh.

"Magdahan-dahan lang," saway ni ina na mayamaya ay may ipinatong sa lamesa, isa itong uri ng libro na may malilinis na pahina.

"Happy birthday!" Iniangat ko naman ang mukha ko, nakangiting nakatingin sa akin ngayon si ina.

"Nais sana kitang bilhan ng isang magandang bistida pero alam ko namang hindi mo iyon susuotin kaya iyan na lang ang binili ko."

Kinuha ko naman iyon at yinakap. "Maraming salamat ina!" masaya kong usal at pinagmasdan ang bago kong libro na may malinis na pahina.

"Ayan, ngumiti ka anak," nakangiting sabi ni ina ngunit agad kaming napatingin sa pintuan nang biglang may kumatok rito. Nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ito ng kaba at lungkot.

"They’re here," masayang usal ni Yosh na ibinaba na ang kubyertos niya at uminom ng tubig mula sa baso na nasa tabi niya.

"Mag-ayos na kayo at dalhin niyo na ang mga gamit ninyo, ako na muna ang haharap sa kanila," nakangiting sabi ni ina at naglakad papunta sa pinto ng bahay namin.

Hinila naman ako ni Yosh papunta sa kwarto ko kung nasaan ang mga gamit na dadalhin ko maging nung kanyang mga gamit din.

"This year will be exciting to me!" aniya na agad na binitbit ang mga gamit niya at naglakad paalis sa kwarto ko.

Kinuha ko naman yung mga gamit ko at binitbit na rin ito at sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ulit ang maliit kong kwarto. Sana makabalik pa ako... Hindi, dapat akong makabalik para kay ina.

"Narito na sila," anunsyo ni ina.

Lumapit naman sa amin ang apat na lalaki, ang dalawa ay kinuha sa amin ang mga dala naming mga gamit habang ang dalawa naman ay hinawakan kami sa braso.

"Aalis na kami," anunsyo ng isa sa kanila kay ina.

"Ina, aalis na po ako… Babalik po ako," nakangiti kong usal.

Nakangiti lang si ina na pinagmasdan at sinunod ng tingin ako hanggang sa tumalikod na siya pero bumigat ang pakiramdam ko nang nakita kong yumugyog ang balikat ni ina, umiiyak siya.

Hindi ko alam kung makakabalik pa nga ba ako pero kailangan kong pilitin na makabalik, kailangan magkita ulit kami ni ina at kailangan ko pang makilala ang ama ko.

Tulad ng inasahan ko, bumungad sa amin sa labas ang nag-iiyakang mga pamilya mayroon pa ngang nakikiaway na muntik pang maparusahan ng kamatayan. Hindi ko na lang ito pinansin at pinagpatuloy na lamang ang paglalakad kasama si Yosh at ang apat na lalaking may malalaking katawan. Kasabay rin namin ang ilang mga hindi pinalad sa taong ito at mga mahirap lamang na lobo na walang salapi na maibibigay sa mga matataas na opisyales para ipagpalit ng kalayaan ng kanilang anak na tutuntong sa labing walong taong gulang o labing walong taong gulang na at higit sa lahat ay karamihan ng kasama ko rito ay walang mga koneksyon sa may mga mataas na pwesto tulad ng konseho para iligtas at palayain ang sakop ng sistema sa taong ito.

Ang sistema na ito ay binuo ng butihin naming Great Alpha para sanayin at ihanda kami para sa bagong mundo na bubungad sa amin, ang mundo ng mga tao at kung sa mundo nila ay mapanganib kami ay gano'n din sila amin, delikado ang mundo nila sa tulad naming mga walang muwang at alam sa mundo nila lalong-lalo na ang mga high technology na gamit nila at ang mga imbensyon na makakapatay sa amin, karamihan din kasi sa kanila ay mga matatalinong siyentipiko o tao na maraming alam tungkol sa amin lalong-lalo na ang mga kahinaan namin at gamit na nakakasakit sa amin. Humans are more than dangerous than us.

Tungkol sa sistema naman ay parang mag-aaral lang naman kami ngunit sa panghuling taon namin ay malalapit na kami sa kapahamakan. Ang sistemang ito ay para sa lahat na maglalabing-walong taong gulang o labing walong taong gulang na sa taon na ito, kahit hindi ka pa labing walo nang sunduin ng mga persona na galing sa akademya ay dapat ka ng sumama, sadya lang na tuwing magbubukas ang paaralan sa mga first year ay siyang kaarawan ko naman.

"It will be all right, Demi," anang ni Yosh kaya napatingin naman ako sa kanya. Binigyan niya naman ako ng matamis na ngiti na hindi ko naman maibalik sa kanya dahil kinakabahan talaga ako.

Naging tahimik ulit kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa gate ng academy, may sumalubong sa amin doon na babaeng may hawak na papel at panulat. Nakatingin lang siya sa papel at hindi man lang kami sinusulyapan.

"Your name please?" aniya.

Lumunok muna ako bago ibinuka ang labi ko. "Demi Harmony Ruiz," usal ko sa buong pangalan ko na isinulat niya naman.

"Next, name please?" sabi niya ulit.

Hindi ko na hinintay si Yosh at dumiretso na lang sa malawak na field, pagdating namin roon ay binitawan na ako ng lalaking nakahawak sa akin maging ang nagdala rin ng gamit ko, iniwan na rin nito sa tabi ko ang gamit ko at walang pasabi akong iniwan. Mayamaya ay nakita ko na rin si Yosh na papunta sa gawi ko kaya nakahinga naman ako ng maluwag.

"Don't be nervous," bulong niya sa akin na nilibot-libot pa ang tingin sa paligid hanggang sa tumunog na ang malaking kampana na malapit sa napakalaking orasan din.

Nagsilabasan na rin ang mga iba't ibang werewolves na nauna sa amin sa akademya na ito, sa ngayon ay may tatlong kulay ng uniporme ang nakahanay. Una ay ang hanay ng may mga suot na kulay asul ng uniporme, they must be the second year, sunod naman ay ang third year na may suot na pulang uniporme at ang panghuli ay ang mga fourth year na may suot ng itim na uniporme na ang alam ko ay mayamaya ay magsisimula na ang mission nila na kung saan manganganib ang mga buhay nila.

If I'm not mistaken, if you are a first year, you will study the different histories in our race especially to the other races, the race of human and the race of vampire; our mortal enemy before but now we're okay with them because of our Great Alpha's peace agreement with their councils and to the other races as well. Ayaw na kasi ng Great Alpha na magkaroon ng gulo between werewolves and vampires dahil maraming madadamay na mga inosenteng tao dahilan para magalit ang gobyerno nila sa amin at padalhan kami ng mga bagay na ikamamatay ng karamihan sa amin sa maikling oras lamang.

"Good morning everyone! I am Principal Dela Cruz and I am here to give a warm welcome to our freshmen, narito kayo alinsunod sa nirerespeto at pinahahalagahan nating system and as freshmen we will have a ceremony to you same for the graduates that being held to other buildings. So, second year to fourth year line by your family's moons!" anang ni Principal Dela Cruz.

Nagsikilos naman ang mga ito maliban sa aming first year. Ang dating tatlong hanay ng mga magkakaparehong uniporme ay naging labing-isa.

"Leaders of all families let your symbol's moon be shown," utos ng principal.

Mayamaya naman ay may inilagay silang clear glass na may bilog na parang buwan sa loob nito na may iba't ibang kulay at disenyo.

"Now, I wil call your names one by one and step inside the magic circle." Lumabas naman bigla sa gitna namin ang bilog na para bang umiilaw at mga guhit na nakadugtong dito papunta sa mga clear glass na kinalalagyan ng mga sacred moons symbol.

Dahil sa kaba ay para bang nabingi na ako at hindi ko na marinig ng malinaw ang sinasabi ng principal at tanging mabibigat na hininga ko na lang ang naririnig ko hanggang sa maramdaman kong may humawak sa mga kamay ko, si Yosh ito na nakatingin pa rin sa unahan. Huminga ako ng malalim at tumingin ulit sa harapan at ngayon ay malinaw ko ng naririnig ang sinasabi ng principal.

Ramdom ang pagtawag niya na pinapasok sa magic circle at ilang segundo lamang ang hihintayin ay may isa ng magliliwanag sa mga sacred moon's symbol ngunit ang nakaagaw lang ng pansin ko ang isa sa mga pack family na may pinakakaunting myembro na nasa panghuli pang hanay. They look so shy, nerd, introvert and weak just like me.

"Bellion, Alyosha?"

Nakita kong iniikot ni Yosh ang mga mata niya bago lumapit sa magic circle at ilang segundo ay umilaw ang isa sa mga sacred moons.

"Storm moon choose you to be one of them," anunsyo ng principal.

Tumingin naman doon si Yosh at naglakad pabalik sa pwesto niya kanina at kinuha ang gamit niya pero bago siya naglakad papunta sa pack family na tutuluyan niya ay lumingon muna siya sa akin at ngumiti.

Ilang mga pangalan pa ang natawag hanggang sa marinig ko na ang pangalan ko. "Ruiz, Demi Harmony."

Huminga muna ako ng malalim bago naglakad palapit sa magic circle at tumayo sa loob no'n ngunit ang pinagtataka ko ay ilang minuto ng lumipas ay wala pa rin ni isa mga sacred moons ang umiilaw.

"Tila may problema ang magic circle---" Hindi na natapos ng principal ang sasabihin niya nang may umilaw na sa isang magic moons at ito ang nasa may pinakakaunting myembro ng pack.

"The sacred moon of Lightning pack choose you," anunsyo niya na tumingin pa sa gawi nito.

Naglakad naman ulit ako sa pwesto ko kanina at binitbit ang gamit ko at naglakad na papunta sa gawi ng mga ito. Tipid lang silang ngumiti sa akin na tila nahihiya pang makipag-eye contact.

Halos kalahating oras ang tinagal ng seremonya namin bago kami hinayaan nang pumunta sa mga pack’s house or pack’s dormintory ng bawat pack family.

"Tulungan kita na d'yan," anang ng babaeng freshmen din na bagong myembro rin ng Lighting pack. Naka-braid ang buhok niya sa dalawa at napakasimple ng kasuotan.

"Hindi na, nakakahiya," sabi ko at bahagyang yumuko pa.

"No worries, kakaunti lang naman ang dala kong gamit, mukha kasing nahihirapan ka na sa mga dala mo," aniya. Totoo talagang napakabigat ng gamit na dala, marami kasing gamit si ina na pinadala sa akin. Ayaw ko man pero nag-insist si ina kaya wala na akong nagawa pa.

"S-sigurado ka ba?"

"Oo naman! Tayo-tayo lang naman ng mga myembro ng Lightning pack ang magtutulungan eh," nakangiti niyang sabi at kinuha ang ilan sa mga dala kong gamit.

Nagsisimula na rin kaming maglakad papunta sa tutuluyan naming pack’s house.

"Ako pala si Sofia Abrigo," pagpapakilala niya.

"Demi… I'm Demi Ruiz," pagpapakilala ko naman.

Ilang minuto rin ang tinagal namin sa paglalakad bago namin nakita ang simpleng pack’s house na tutuluyan namin, may garden rin ito ngunit napakasimple nitong tingnan.

"Maligayang pagdating sa Lightning pack house!" bati ng isang babaeng nakasuot ng eyeglasses.

"Maraming salamat," sabay na usal naming dalawa ni Sofia.

"Pasok kayo," aniya.

Pumasok naman kami at tulad ng nasa labas, napakasimple rin ng disenyo sa loob ng bahay.

"Gustuhin man naming bigyang kayo ng bonggang welcome party kaso wala tayong gaanong kalaking allowance kaya't tanging bati lang ang maibibigay namin," anang ulit ng babae kanina.

"Hindi na kailangan, hindi naman ako mahilig sa mga kasiyahan," sabi ko.

"Ako rin! Mas gusto kong magbasa nang magbasa ng mga libro kaysa dumalo sa mga kasiyahan," pagsang-ayon ni Sofia na itinaas pa ang isa niyang kamay.

Nagkatinginan naman silang lahat. "Lahat naman ata tayo mahilig magbasa," anang ng isa na kinatawa naman ng lahat.

"Halikayo, ituturo ko sa inyo ang magiging kwarto niyo," anang ulit ng babaeng naka-eyeglasses. Sumunod naman kami sa kanya.

"Ako pala si Linda, 3rd year, Luna leader of our pack. Ang pack natin ay ang pinakakaunti ang myembro at nasa panghuling pwesto sa taunang ranggo kaya't kakaunti lang ang allowance na nakukuha natin buwan-buwan, ito rin ang dahilan kung bakit isa lamang ang bahay natin ngunit huwag kayong mag-alala, maayos ang sistema natin sa pack, disiplinado ang lahat." Tumango-tango naman kami sa sinabi niyang iyon.

"Andito na pala tayo, ang nasa kanan ang iyo Sofia at ang kasunod namang kwarto ang iyo, Demi," aniya na nagpaalam na dahil sa may iba pa raw siyang dapat gawin.

"Here." Inilapag na ni Sofia ang ilan sa gamit ko na dinala niya.

"Maraming salamat," pagpapasalamat ko.

"Walang anuman," nakangiti niyang usal at pumasok na sa loob ng kwarto niya.

Humarap naman ako sa pinto ng magiging kwarto ko saka huminga ng malalim at binuksan na ito. Bumungad din sa akin ang plain na kwarto na kulay gray ang pintura ng pader at kisame na pabor sa akin dahil sa hindi masyadong nakakasilaw ang kulay nito. Ibinaba ko ang mga gamit ko at saka humiga na sa kama kong medyo malambot. Tumingin ako sa kisame. Kakayanin ko kaya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status