Share

Chapter 2: His Girlfriend

"Hi." A baritone voice interrupts while I'm busy talking with my classmates.

Nung una hindi ako humarap dito dahil baka hindi ako ang kinakausap niya. Ngunit isang kulbit ang naging dahilan upang humarap ako sa gawi ng nagsalita at isang magaan na ngiti ang sumalubong sa akin. 

Gwapo, matangkad, maputi, may makapal na kilay at makapal na mahabang mga pilik mata, may mapupulang labi na natitiyak kong kinahuhumalingan ng kababaihan. 

"Hello," I replied and I smiled at him.

"Can you be my friend?" He asked, at walang ibang ginawa ang aking mga kaklase kundi ang tuksuhin kami. 

Napailing ako at napatawa kaya tumango nalang ako.

Hindi ako yung tipo ng babae na maarte, just go with the flow. Hindi porket panget iiwasan na, lahat pantay pantay sa paningin ko. 

"Of course," I answered. "I'm Samantha but you can call me, Sam." Nakangiti kong dugtong. 

"Judd." He said at ngumiti ulit ito ng sobrang gaan. 

Nakakagaan ng problema.

----

Siya ang unang lumapit, siya ang unang nangulit. 

Pero heto ako ngayon, ako yung pilit na ipinipilit ang bagay na hindi naman dapat. 

Pero kasalanan ko ba bilang babae ang mahalin siya? Ang mahulog ang loob ko sa bawat kilos niya?

Minsan talaga hindi ko na lang maintindihan kung hindi ko lang ba nakita noon ang tunay na ugali niya o ganito na sya sadya noon pa. Magulo at pabago-bago.

And now I'm standing near at veranda dito sa itaas ng kwarto namin, habang humihigop ng kape.

Huminga ako ng malalim nang may katamtamang lakas ng hangin ang sumimoy at tumama sa balat ko bago niyakap ang sarili.

Ang sarap sa pakiramdam ng ganitong ka presko na hangin, pero kailan din kaya gagaan ang aking nararamdaman sa bahay na ito? Presko ang hangin, pero daig pa ang bilanggo.

I heard a voice at alam kung boses ito ni Judd, sumilip ako sa baba at ang marahan na paglalakad ni Judd ang nasubaybayan ko habang nakatalikod sa gawi ko. 

Tinititigan ko lang si Judd na abala sa pakikipag usap sa kung sino sa phone nito. Kunot ang makakapal nitong noo at hindi maipinta ang buong mukha. 

Mas naging matikas ang pangangatawan nito ngayon kaysa noon, kahit ang paglakad ibang-iba sa noon at tinangay ng pag-iiba nito ang pagbabago ng ugali pag dating sa akin.

Napa buntong hininga ako.

Siguro may kung ano na naman ang nangyari sa kompanya kaya ganyan kasama ang kanyang mukha. HIndi na rin ako magtataka kung mamaya ay ako na naman ang pagpupuntunan ng galit niya.

Napapaisip din naman ako. 

Kung bakit minahal ko s’ya when I was supposed to be just a friend?

Why did I consent to this marriage?

Kung bakit nga ba ako pumayag na matrap sa malaking bahay na ito na halos ako lamang din ang tumatao.

Hanggang kailan ako magtitiis upang makabayad ng kasalanan ko sayo Judd? Ganun ko ba talaga nasira ang kasal na plinano mo?

Mas lalong umaasa ako sa inasta nito, ngunit paraan lang niya pala ‘yon para saktan ako dahil noong araw na kinilig ako sa kanya dahil gumising ako na maayos ang bawat litrato na sinira ko, may nakahandang pagkain sa hapag na s’ya pa mismo kuno raw ang nagluto pero hindi naman pala kasi nakita ko ‘yong plastic ng pinaglagyan nito sa basurahan.

Nabigla ako ng humarap ito sa gawi ko at agad na tumalikod naman ako, natiyak kong naramdaman nito na may nakatingin sa kanya kaya siguro napalingon siya sa gawi ko. Pakiramdam ko rin na aatakihin na ako sa puso dahil sa naghuhumirintado ito. Huminga ako ng malalim bago tuluyan ng pumasok sa loob. 

Sumandal ako sa pader at hindi mapigilan ang pag landas ng luha mula sa aking mga mata. 

Nahihirapan na kasi ako, kaya sana hindi pa huli ang lahat. Sana hindi dumating sa punto na kung kelan mahal mo na ako ay tsaka pa ako susuko. 

But is there any chance that you will love me as much as I love you? Katanungan na natitiyak kung wala ng pag-asa.

—-----

I was busy preparing my breakfast ng makita ko si Judd na pababa ng hagdan. Buong akala ko ay maaga itong umalis at dahil may mga business proposal pa ito, so what is he still doing here?

At bakit alam ko ang tungkol sa business proposal nito? Narinig ko kasi kagabi na may kausap ito habang ako’y nakahiga at nakatalikod sa gawi niya.

Nagulat din ako dahil that time lang siya ulit pumasok ng kwarto namin at hindi ko alam ang dahilan kung ano bang ginawa niya doon. 

Siguro kumuha ng ilang damit? Pero malabo, dahil kahit may mga damit ito sa loob ng kwarto namin ay mas pipiliin niya ang bumili ng mga bagong damit. Kaya noong nakaraan ay nagtaka rin ako ng pumasok ito doon at nagpalit ng damit, noong gabi na umuwi s’yang lasing na lasing.

May pag daan talaga na nahihiwaagaan na lang dahil may mga bagay ito na ginagawa di tulad noon.

“I thought you left already.” Bungad ko sa kanya ng pumasok ito sa kusina. 

“But I am still here in front of you.” Halos mapa irap ako sa sagot nito, pilosopo!

Napaurong ako ng bahagya itong lumapit sa akin at pinantayan ang mukha ko, at heto na naman ang puso ko nagkakarerahan na naman sa loob ng dibdib ko.

“What do you put on your face?” Napa kunot ang noo ko sa naging tanong nito?

Anong ilalagay ko?

“Nothing?” Patanong kung sagot dahil wala naman talaga akong nilagay sa mukha ko at basta na lang nga akong gumising at bumaba dito ng hindi man lang nag hihilamos o nag mumog man lang.

“In the mouth?” Napakurap ako ng ilang beses. Ano bang sinasabi ng lalaki na ito?

“What are you say—” I could not continue what I was about to say when his lips touched mine. 

Hindi ako naka galaw habang nanlalaki ang mata dahil sa ginawa nito. This is my first kiss, bukod noong isang araw kasi dinilaan lang naman n’ya ang labi ko that time and I’m already 25 years of age at ito ang unang pagkakataon na may humalik sa akin and I didn't think it was Judd, my friend slash my husband!

I could feel the electricity flowing through my whole body. Hindi madiin ang pagkaka halik nito it was soft kissed from him.

“Kasalo ba ako sa agahan na niluto mo?” Biglang sabi nito matapos lumayo at tumayo ng maayos, tumalikod naman ako pagkasabi niya non. What was that?

 Mabuti nalang at marami rami ang niluto ko. Halos hindi ako makapag concentrate dahil sa nangyari pero ipinirmi ko ang sarili upang hindi ipahalat na naapektuhan ako sa ginawa nito.

“Y-yes.” I uttered. Wag kang kabahan, pagtatawanan ka lang ng asawa mo Sam!! Bulong ko sa sarili.

“Okay, let’s eat.” He said at tumango naman ako. Hindi ko alam kung ano ang ikikilos sa harap niya. 

Gusto kung tanungin bakit niya yun ginawa kaso baka sabihin lang sakin nito na ‘It's just a kiss Veron’ baka mapahiya pa ako sa maging sagot nito. 

Gusto kung isipin na may nagbago na, na gusto na din niya ako, na may pagtingin na rin siya sa akin. Kahit konti, tatanggapin ko, masaya na ako sa konti na ‘yon pero parang malabo pa rin na sa isang blow mo lang ng candle ay magbabago na ang lahat.

Pero sa ganun na kadaling halik, magbabago ba agad ang trato nito? Mamahalin din ba niya agad ako?

 But my mind is just saying that word, that what if’s because the truth is there is still no change.

Natapos na lang kami sa pagkain ng hindi nagpapansinan, at tanging tunog ng kubyertos lamang ang maririnig sa apat na sulok ng kusina. 

Nang matapos itong kumain ay hindi man lang ako nito nilingon o kinausap, hindi pa nahuhulawan sa kinain ay agad itong umalis at rinig ko pa ang pag-alis ng sasakyan nito. 

Napahawak na lang ako sa sintido dahil sa iniakto nito, mukang mas naunang mabaliw ito kesa sa akin. 

Buong bahay ay nalinis ko at tanghali na ako ng matapos, nilabhan ko rin kasi ang mga kurtina, kobre kama at punda tsaka pinalitan ‘yon ng bago. Binuhay ko muna ang tv bago pumunta sa kusina at kumuha ng meryenda, naupo ako sa sofa at itinaas ang paa bago nagpalaman ng tinapay. Habang ngumunguya ay naglilipat ako ng channel ng makarinig ako ng pagtunog ng doorbell sa labas ng bahay.

Napakunot ang aking noo kasi kung si Judd naman ito ay hindi na s’ya mag dodoorbell at basta na lang papasok. Dali-dali akong nagtungo sa harap ng gate at isang magandang babae ang nakita ko, may maikling damit na suot at strapless na halos lumuwa na ang masagana at malulusog nitong dibdib. 

Tinagtag ng babae ang suot n’yang shade at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nahiya naman ako sa suot kung malaking damit at naka panjama pa, gulo na nakapusod ang mahabang buhok at medyo basa pa ang damit dahil nga kakatapos lamang n’yang maglaba.

“Sino pong hanap?” Magalang kung tanong at inirapan naman ako nito. 

“I’m looking for Mr. Harrison.” Mataray na sagot n’ya sa akin at napatango ako. 

“Umalis po kasi s’ya kanina pang umaga.” Magalang ko pa ring sagot kahit nababastusan ako sa kanya kung umasta, kulang na lang kasi ay mawala ang kulay itim sa kanyang malalaki na mata.

“Ganyan ba sadya ang kasambahay? Imbis na papasukin dito pa dadaldalin sa labas ang girlfriend ng kanyang amo?” Napagat ako sa labi dahil sa pagkagulat at dahil na rin sa narinig.

Girlfriend?

Napatungo na lang ako at nilakihan ang bukas ng gate at agad naman itong maarte na naglakad papasok sa loob. Narinig ko ang mahina nitong tawa kaya nilingon ko ito. “Kasambahay na nga lang mukang buhay prinsesa ka pa kapag wala dito ang amo mo.” Huminga ako ng malalim upang pigilan ang namuong inis sa aking dibdib, gusto na n’ya itong sabunutan pero pinigil n’ya ang sarili. 

“Gusto n’yo po ba ng juice ma’am?” Kalma ko pang tanong at nakita ko ang pandidiri sa mata nito habang nakatingin sa juice na tinimpla ko kanina. 

“No, thanks.” Sagot nito sa akin bago naupo sa sofa habang naka cross legs pa na halos masilip ko na ang kaloob-looban.

Naupo naman ako malayo sa pwesto nito at nagsimula ng manood bago ipagpatuloy ang pag memeryenda. Wala pang isang oras ay nakarinig kami ng tunog ng sasakyan na nag park sa garahe, agad naman tumayo ang babae at nagulat ako ng lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking kamay.

“Teka, anong ginagawa mo?” Naguguluhan kung tanong at nag asta itong sinasabunutan ko. 

“Ikaw ano bang problema mo sa akin, pwede bang bitawan mo ang buhok ko?!” Napailing ako sa narinig. Binitawan ng babae ang isa kung kamay at kinuha ang baso na may lamang juice, pilit n’ya itong nilagay sa kamay ko at agad ko ‘yong sinalo na kamuntikan ng mahulog ‘yon at mabasag. Hinawakan niya ang aking braso na kung saan ay hawak ko ‘yung juice tsaka ito naglikot at hindi sinasadya na mabuhos ‘yon sa kanya. 

“SAMANTHA!” Umalingaw ang malakas na boses sa kabuuan ng bahay, nangangatal ang aking kamay ng pwersa itong bitawan ng babae at natumba ako kaya napatama ang likod ko sa kantuhan ng bubog na mesa. 

Pikit habang mariin na kakagat ang labi upang hindi kumawala ang malakas na sigaw sa aking bibig. 

“J-Judd.” Tawag ng babae sa asawa ko, binigyan naman ako ng masamang tingin ni Judd habang ako ay naiiyak at naiiling. 

“N-no. I d-didn’t.” Naging sagot ko habang nakalupagi pa rin. Hindi man lang ito naawa sa akin bagkus umalis silang dalawa sa harap ko at lumabas ng bahay. 

Naiwan lamang akong mag isa dito sa sala kaya kumawala ang malakas na iyak mula sa aking bibig, bukod sa masakit na nag aking tagiliran ay masakit din ang aking puso. Sobra na ang nangyari ngayong araw. 

Napahikbi pa lalo ako ng makita na nabasag ng kaunti ang table, naramdaman ko ang hapdi sa aking bandang bewang. Iika ika akong humakbang at aakyat na sana sa hagdan ng agad akong hilahin ni Judd at isinandal sa hawakan ng hagdan. Pakiramdam ko ay namanhid ang buong katawan ko sa ginawa nito at nangilid lang ang luha. Awang-awa na ako sa sarili ko kaya hindi ko mapigilan ang mas mapahikbi sa harap ni Judd. 

“Y-you think na ginawa ko ‘yon sa kanya? N-na ga’non ako kasamang tao? S-Saktan m-mo ba ulit a-ako?” Nakatungo kung sabi dito at naramdaman ko ang pagluwag ng kawak n’ya sa braso ko. “Pwede bang patayin mo na lang ako?” Nahihirapan ko pang tanong at tinitigan ito sa mga mata, bakas rito ang pagkagulat dahil sa sinabi ko.

Mas lalong kumawala ang malakas na iyak ko ng maramdman ko mainit nitong yakap. “Pagod, na pagod na ako Judd, kung ayaw mo sa’kin pwede mo na naman akong palayain.” Mahina kong saad sapat lang para marinig nito, ngunit hindi s’ya sumagot bagkus mas hinigpitan pa n’ya ang pagkakayakap sa akin. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status