Share

Chapter 3: Everything is just a show

I’m just an ordinary girl, na naghangad na isa sa mga inaasam ay mapasa akin. Ngunit parang hinaharangan ‘to ng tadhana, kasi binigay nga sa akin ngunit napakahirap pa ring abutin kahit sobrang lapit na sa akin.

Hindi ko rin kasi alam kung mag sisisi ba ako dahil ipinilit ko pa at heto yung naging ending ko sa kanya.

I was looking at him, may maamong mukha habang may kausap. May ngiti sa mga labi na akala mo’y walang sino man ang may kaya pang tumbasan ang mga ngiti na umaalpas sa kanyang mga labi. Matapos mangyari ang insidente noong nakaraang araw ay balik na ulit sa dati, parang wala na ulit itong pakialam.

Mapait ako napapangiti habang pinanood si Judd at ang babae na akala mo’y isang linta kung makakapit sa asawa ko. They are kissing like there’s no tomorrow. Parang uhaw na uhaw na sanggol, sino ba naman ako para sirain ang kanilang kaligayahan?

Sa pagkakataon na ito ayoko na ulit mauulit ang ginawa ko noon, na alisin at sirain ang kasiyahan ng nag iisa kong kaibigan. Kahit asawa niya ako ngayon, ay tinatanggap ko na naman na hanggang kaibigan lang talaga. Ngunit dahil sa nagawa ko sa kanila ni Kassy noon kahit pagkakaibigan namin ay nawala na rin.

Ayos na ako dito, ang tanawin sila na masaya ay ayos na ako.

I’m just his wife, kaso sa papel nga lang. Taong bahay lang at siguro kahit ang babae na kasama nito iisipin na katulong lamang ako sa malaking bahay na ito. 

Kahit naman sino siguro ay masasaktan sa ganitong eksena, hindi ko maiwasan pero ano bang magagawa ko? Should I say to him that I love him since high school? Pero para saan naman kung sasabihin ko ‘yon, for sure pagtatawanan lang ako nito.

Mapait akong ngumiti ng makita na napatingin sa gawi ko si Judd, umiling lang ako at binigyan ito ng isang tipid na ngiti bago pumasok na ulit sa loob. 

Isang bangunot na naman ang tatapusin ko ngayong gabi. Bangungot na gusto kung maiwasan pero hindi ko magawa. Kahit saang sulok ng bahay ako dalhin naririnig ko lahat na akala mo’y pag aari lang nilang dalawa ang mundo na ginagalawan ko.

Na para bang sila na lang ang mundo ko sa buong magdamag at halos walang kawala, hindi matakasan kahit sa labas ng bahay ay madidinig talaga ang lahat ng ungol na kumakawala sa kanilang bibig.

Sadyang ganito na kalayo ang pagkatangay sa akin dala ng pagmamahal ko sa kanya, na kahit anong makita at marinig ay parang ayos lang at pinipilit na lang na mawalan ng pakialam. Na kahit harap-harapan na ang sakit ay ayos lang but I can’t help, tao lang din naman ako may pakiramdam.

Kinabukasan ay agad din akong nagising dahil sa ingay mula sa ibaba. Mas pinili ko muna ang manatili dito sa loob ng aming kwarto at tumitig sa kisame. Wala na talagang katapusan ng pag iisip, walang katapusan ng sakit. 

“Pupunta dito si mom and dad, maybe later ay nandito na rin sila.” Agaran na bungad sa akin ni Judd ng makababa ako ng sala, tiningnan ko lang naman bago sumagot.

“Okay.” Tipid ko na sagot bago nilagpasan s’ya at pumunta na ng kusina.

“Huwag kang magkakamali ng sasabihin sa harap nila Veronica.” Imik pa nito habang nakasunod sa akin.

“Alam ko ang gagawin ko Judd, mag papanggap tayo na perfect couple at magsasabi ng mga nakakalamgam na salita sa harap nila.” Balang na sagot ko dito. 

Kumuha ako ng baso at binuksan ang ref bago kumuha doon ng tubig.

Doon ko lang naman siya nahahawakan eh. Kapag bumisita ang mga magulang niya, and after that para na ulit akong isang basura sa mga mata niya. Madalang na ulit syang uuwi, kung umuwi man may kasama na namang itong mga babae niya na kung saa ay bangungot na naman sa magdamag ang aabutin sa kanila. 

Pilit kong iwinaksi ang nasa isip. Napailing na lang ako sa mga naiisip at nag kibit balikat naman ito.

“Good.” sabi lang nito bago tumalikod at umalis na sa harap ko.

Bigla naman sumagi sa isipan ko ang aking mga magulang na kay tagal ko ng hindi nakikita. Kamusta na kaya sila mama at papa. Sigurado ako na nag aalala na sila sa akin. 

Siguro nga kinamumuhian na nila ako dahil ako na nga lang ang kaisa isa nilang anak tapos hindi man lang nakapag paalam kung pasaan ba, baka iniisip nila na nagtanan na ako which is kasal na naman talaga ako. 

Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga dahil wala akong ibang magawa sa loob ng bahay na ito, nandito ako ngayon sa hardin may iba’t-ibang bulaklak na nakakahalina sa mga mata. Konti nalang talaga pakiramdam ko ay maloloka na ako, Kulang na lang kasi ay pati ang mga bulaklak na ito ay kausapin ko.

Bigla namang naalala ko ang araw na halikan ako ni Judd, I thought then that it would start to change. Pero mali na naman ako, ilang beses pa ba akong mag kakamali ng akala?

When I finished taking a walk in the garden, o pamamasyal ba talaga ang tawag doon ay nagtungo ako kaagad sa kusina. 

Nagluto ako ng afritada, menudo, at sinigang na baboy pa ang nakasalang na isa sa mga paborito ni Judd at syempre request din raw ito ni Tita Jasmin.

Mabuti pa nga ang mga magulang nito ay maganda ang trato sa akin, pero yun ay dahil sa hindi nila alam kung bakit ako ang pinakasalan ni Judd, also I don’t know what caused Judd to tell his parents how that happened. Kung bakit ako ang naging asawa niya basta naging maayos ang lahat, walang nagbanggit o nang ungkat manlang kung anong nangyari, na parang ako talaga yung sadyang papakasalan kahit hindi naman.

Ikaw ba naman yung ikulong ng ilang taon, walang contact sa kahit na sino ay talagang wala kang malalaman kung bakit nangyari ‘yon. Pero imbis na matuwa o magalak ako feeling ko kinarma na din ako.

Halos mapatalon naman ng may maramdaman ako sa likod and it was Judd, may dalang kutsara bago sumandok ng sabaw ng niluluto kung sinigang. Muling nagkarerahan ang kabayo sa dibdib ko dahil sa iniakto nito.

Kitang-kita ko pa ang adams apple nito habang nalalagok ang sinandok niyang sabaw. Ba’t ang init yata? Itotodo ko na ba ang aircon? 

“Masarap.” Napatitig ako sa sinabi nito. “Bye.” Dugtong pa nito kaya para naman akong sira na u’umis-umis dahil sa inasta ni Judd. Ano yun?

Minsan talaga hindi ko maintindihan ang takbo ng utak ng lalaki na ayon. Iniisip ko tuloy na sana palagi na lang syang mabait at bumalik na sa dati kung saan ay maayos pa ang pakikitungo niya sa akin.

Please lang kasi, wag kang ganyan Judd dahil sa simpleng ginagawa mo parang gusto ko na muling umasa. Para siyang si Judd na nakilala ko noon, yung makulit. Yung klase ng mga tingin niya na masarap titigan. 

Napailing ako sa naisip. Napaka imposible ng iniisip mo Veron.

Pero bakit ganun? May mga tao na madali tayong sasaktan at madali din tayong mapapasaya sa panandaliang oras o panahon? Feeling ko kasi ito na yung way niya para durugin ako. Magagalit tapos magiging mabait at magbibigay ng motibo, kalaunan magbibitaw naman ito ng masasakit na salita kung saan ay unti-unti na dudurugin ang pagkatao ko.

Nagitla ako ng biglang sumagi ang kamay ko sa mainit na kaldero. Bakit ba kasi may kaldero dito? H’wag na kasing isipin kung alam rin naman natin na imposible.

“Ang sakit.” Naiiyak kung sambit, ilang beses na ba akong napaso? Palibhasa kasi kung anu-ano ang inisip mo Veron, ayan tuloy madadagdagan ang pilat mo sa katawan. Tipong hindi kana ng halos nalabas ng bahay pero puro pilat at sugat ka pa rin.

Napalingon naman agad ako sa taong humanggit ng aking kamay at mabilis na isi nahod yun sa tubig. 

“Kapag napaso dapat ilagay mo agad sa tubig.” Napa titig ako dito. Heto na naman ang mga daga na nagkislutan sa kanyang tiyan, ang malakas at mabilis na pag karera ng mga kabayo sa kanyang dibdib at ang pangangatog ng tuhod dahil sa panghihina.

Maamo ang mukha at walang nababakas na pandidiri o pagkamuhi sa akin. This is the first time na hinawakan niya ako ng kami lang dalawa lang. Gusto kung kiligin at magdiwang pero hindi muna kasi baka bawiin ito agad sa akin. 

Yung kasiyahan at kilig na nararamdaman ay mauwi lamang sa sakit ng katotohanan. Tinatagan ko ang mga tuhod at tumindig ng maayos.

“Sa susunod mag ingat ka.” Dagdag pa niya na parang nagsasabi sa akin tulad noon sa  kung paano niya pa ako i trato bilang isang kaibigan nga lang. "Dahil hindi habang buhay ay magkasama tayong dalawa, Veron." Dagdag niya at agad na nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng sakit dahil sa sinabi niya. 

Sino ba kasing may sabi na ngumiti ako? O diba na realtalk ka? Salita lang yan Veron, kaya hwag kang magpapadala sa mali mong akala.

Sabi na nga ba. Pagkatapos ng tuwa at saya, may kapalit naman na lungkot o sakit. Kasasabi ko lang kanina pero ang puso ko, yawa hindi nakinig. Bakit ka ba kasi ngumiti self?!

Ngayon ko lang din napagtanto ang mga sinabi nito, so maghihiwalay nga kami? 

Ihahanda ko na ba ang sarili ko para sa araw na ayon? Para saan pa ang pagpapanggap namin? Bakit hindi na lang niya ako hiwalayan ngayon?

Tama siya, hindi habang buhay na magkasama kami. Pero bakit ba ako umaasa pa rin na balang araw ay magiging maayos kami?

Binawi ko ang kamay ko at naramdaman ko ang paglingon nya sa akin. 

"Ako ng bahala." Sabi ko lang dito at umalis na ako sa harap niya. Pinatay ko muna ang kalan at nagsimula ng pumanhik sa itaas. Nangilid agad ang luha ko at kusa ng tumulo. Isang mapanakit na araw na naman ang nangyari.

Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Kwarto naming dalawa na kahit kailan sa tagal ng pagsasama ay ako lamang ang natutulog. Walang Judd na katabi. 

Hindi mapigilan ang pagpatak ng aking luha kaya sumubsob ako sa kama at doon kumawala ang malakas kung hikbi. Tinakpan ng mga kamay ang bibig upang hindi makagawa ng ingay, dahil kapag marinig ayon ni Judd sasabihin na naman na ma drama ako, isn't it funny? Nasasaktan kana ng sobra tapos ang akala n’ya nagdadrama ka lang.

Nagbihis lang ako ng kulay pink na off-shoulder dress, pinatungan ko rin ng light make up ang aking mukha lalo na ang mata upang hindi mapansin ang kaunting pamamaga nito. Hindi ko na naman kailangan mag sandals dahil hindi naman kami lalabas ng bahay na ito kaya ang suot ko lang ay pambahay na tsinelas.

Napalingon ako sa pinto ng bumukas ayon and I didn’t expect na kakatok mula sa pinto si Judd. Nakangiti ang mapupula nitong labi at may emosyon sa mga mata niya na hindi ko naman magawang mapangalanan. 

“They are here.” Malamlam ang mga mata habang nakatingin sa akin kaya ngumiti ako. 

Susulitin ko ang araw na ito, dahil siguro next year na uli makakabisita sila Tita Jasmin at Tito Jake dito dahil sa busy ito sa pagpapatakbo ng kompanya nila. Pero parang mas mapapadalas ang hiling ko kung ito lang ang magiging paraan para lagi kaming maayos ni Judd, walang alitan.

“Okay, susunod na ako.” Sabi ko at ibinalik ang tingin sa salamin.

Kumuha ako ng isang pares ng hikaw bago ikinabit sa aking tenga pagkatapos ay kukuna na sana ako ng kwintas ng may kamay na dumampot noon. Ito ang kauna-unahan din na makita kong humakbang at tumuntong sa sahig ng kwartong ito ang asawa ko. Gustuhin ko man maiyak dahil sa galak ay pinigil ko na lang ang luha na gustong umalpas sa aking mga mata.

Judd stood behind me, staring intently at my reflection in the mirror as he handed me the necklace he had chosen. 

After putting the necklace on my neck, he lightly kissed my shoulder up to my neck, and back again to my shoulder. Nag ka buhol buhol na ang tibok ng puso ko at nangangamba na marinig niya yon. 

What is this again? Bakit kailangan mong iparamdam sakin ito, ginugulo mo na naman ang sistema ko. Kahit ihanda ko ang sarili sa panahon ng pagtatapos natin pero bakit may kung anong pumipigil sa akin?

“Perfect.” He said and hugged me from behind. “Let’s go.” He added at tumango ako. 

But before getting out the door nakita ko si Tita Jasmin na nakatayo doon at may malawak na ngiti. 

I knew it, palabas lang ang lahat. Ang tanga ko talaga.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Barbara Manianita
tanga tanga na NMN at bobo bobohan na kwento. letse. anong aral Kya pwde ko gayahin dto, bka ung kabubuhan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status