Share

Chapter 5: He's Jealous

Gabi na ng ako’y magising, nakatulog na pala ako sa pag iyak at ng tingnan ko ang orasan ay pasado alas nueve na ng gabi.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kalapit na silid, wala doon si Judd. Pero mas okay na din yun para kahit papaano ay makaiwas dahil sa pag ka pahiya kanina, hindi na lang talaga sadya kinaya ng aking nararamdaman kaya nasabi ko ang mga ganong bagay pero yun ay tagos at mula talaga sa puso ko.

Umawas na kasi ang sakit na nararamdaman ko sa lahat ng ginagawa ni Judd kaya hindi ko na napigilan ang sarili na sabihin ang mga salita na ayon sa kanya.

Bumaba ako ng hagdan at nagpunta na ng kusina, ini init ko ang pang ulam na niluto ko kaninang umaga bago nagpasya na kumain. Habang kumakain ay hindi ko maiwasan na isipin ang itsura ni Judd ng sabihin ko ang mga salita na ayon, pakiramdam ko ay nakonsensya ito base sa pagtingin ko sa mga mata n’ya kanina pero kaya nga ba nya ang makonsensya? O baka pinagtatawanan na niya ako ngayon kasi nagawa na niya ang gusto n’ya, at yun ay ang durugin ako.

Naramdaman ko ang sakit sa aking braso at ng tingnan ko ‘to ay may malaking pasa doon at bakat ng kuko ni Judd na bumaon dito kanina, may ilang kayat din ng dugo ang naglandas doon na natuyo na. Napaigik rin ako dahil sa sakit ng tagiliran at yon ay sa pagkakatama kanina sa mesa doon sa sala. Napailing na lang ako sa nangyari, parang kagaya lang ito noong nangyari na minsang may babae na nagpunta dito. Ito na kasi pinakamalalang naging away namin ni Judd, hindi ko akalain na ganito s’ya kawalang pakialam sa akin.

Mapait akong napangiti, kapag talaga hindi ka mahal ng isang tao ay kayang kaya ka nitong saktan sa paraan na alam nito. Pagkatapos ng pananakit ay bigla na lang itong aalis at hindi agad magpapakita.

May mga tao din na mas pipiliin ang manatili kesa ang iwanan at lumayo sa tao na alam nilang nagbibigay pasakit sa buong pagkatao nito.

Nang matapos akong kumain ay kinuha ko ang first aid kit bago nagtungo sa sala at doon na ginamot ang aking natamo na sugat. Hirap na hirap pa ako sa pag gamot ng sugat sa aking tagiliran kaya nagitla ako ng may kumuha noon sa mga kamay ko.

It was Judd, deretso lamang ang tingin sa aking bewang habang ito ang gagamot noon at naglalagay ng tapal. Sobra ang kabog ng aking dibdib at halos hindi na makahinga dahil sa pagkakalapit ng aming katawan.

“S-salamat.” Pasasalamat ko ng matapos ito, hindi man lang n’ya ako tiningnan sa mga mata at niligpit nito ang naging kalat sa mesa.

“I’m sorry earlier.” I was stunned dahil sa narinig. Mahinahon ito at hindi pasigaw kung magsalita. “Babawe ako, promise.” Biglang nawala ang galit ko sa kanya ng marinig ang mga sinabi nito.

Kay heto na naman ang puso ko na tumatalon sa tuwa at hindi man lang natuto mula sa nangyari kanina.

“Sorry din sa mga nasabi ko kanina.” Yon lang ang naging sagot ko.

Hindi na ako nakarinig pa ng salita mula sa kanya, umalis na ito sa harapan ko bago narinig ang pag andar ng kanyang sasakyan mula sa garahe.

Nakahinga naman ako ng maluwag, sa kaunting minuto na kami mag kausap ay naramdaman ko naman ang pagiging sincere ng kanyang mga sinabi sa akin.

Lumabas muna ako sa likod bahay sa aming hardin, naupo ako sa isa sa upuan doon at tumingala sa kalangitan.

Hanggang kailan po ba ako magtitiis sa puder ng asawa ko?

Kakayanin ko po ba lahat ng pagsubok na ibinibigay niyo?

Pwede po bang makahingi ng sign mula sa inyo?

We’ve married sa loob ng pitong taon, 18 years old noong ikasal kami at never ginamit ni Judd ang kwarto namin sa kanyang mga babae. Kung mangyari man na gamitin ni Judd ang kwarto namin with his girls pwede po ba na bumitaw na ako? I don’t know why kung bakit ang big deal sa akin noon, siguro yun nalang talaga ang pwedeng maging dahilan para bitawan ko siya.

Ang big deal man pakinggan pero siguro may rason rin si Judd kung bakit hindi n’ya gamitin ang kwarto namin sa mga babae na dinadala n’ya rito sa bahay.

Napapagod na kasi ako. Pagod na yung buong pagkatao ko at ang puso ko na lang ang lumalaban para sa kanya, para ipagpatuloy ang pagmamahal kahit hindi na naman dapat.

Yung pakiramdam mo ang toxic na ng relationship n’yo pero nakikisama ka pa din.

Bumuntong hininga ako at nilaro ang mga paa sa damuhan. Nakarinig ako ng sasakyan at natitiyak kung si Judd na ayun. Nanatili lang ako sa labas, umaasa na hahanapin ako nito kapag hindi ako nakita sa loob ng bahay, pero ano nga ba ang aasahan ko? Ako lang naman yung nagbabaka sakali na ganon nga ang mangyayari pero ang totoo ay maling-mali ako.

Nagsimula na naman akong kilabutan mula sa mga halinghing na siyang aking naririnig. Pagak akong napatawa at kinagat ang labi upang pigilan ang luha na gustong pumatak.

Ang tanga ko.

Ang malas ko.

Hanggang kailan ako magtitiis. Hanggang kailan ako makakarinig ng bawat halinghing? Kailan ba ako makakatulog ng mapayapa sa gabi? Ito ba ang sinasabi n’ya na babawe siya? O baka naman ibang tao yung kaharap ko kanina, engkantano na nagbalat kayo para lang pagaanin ang nararamdaman ko.

Nag kaamnesya ba s’ya para makalimutan ‘yon?

I'm trying.

But I can't, sobra na ang sakit. Sobrang hirap huminga, gusto kung iparamdam at isampal sa mukha niya kung gaano kasakit itong nararamdaman ko pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang gawin. Hindi ko kaya na dumating sa punto na ako yung mananakit sa kanya, dahil danas ko kung gaano ‘yon kasakit. Pero kahit siguro sabihin ko na pananakit yong gagawin ko ay hindi n’ya din ‘yon mararamdaman, dahil sino ba naman ako sa kanya para makaramdam ng sakit mula sa akin?

Pumasok ako ng bahay at nag tungo sa kusina, napapailing nalang ako sa bawat ungol na naririnig ko mula sa isa sa mga guestroom dito. Kumuha ako ng isang basong tubig at ininom yun bago pumasok sa aming silid. Silid naming dalawa na dapat sabay kaming matutulog at sabay kami na gigising t’wing umaga ngunit kahit kailan sa loob ng ilang taon na pagiging kasal sa kanya ay hindi ko manlang naramdaman.

Nahiga ako at napatitig sa kisame.

“May pag asa pa ba para sa atin Judd?” Tanong ko sa kawalan. Napabuntong hininga ako at ipinikit na ang mga mata bago napag pasyahan ng matulog kahit naging isang musika na lang sa aking tenga ang bawat ungol na naririnig mula sa kanila.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, sa pag kakaalam ko ay nakara ito kagabi ngunit bakit ngayon ay nakabukas na? May pagtataka man na namumuo sa ay ipinagsawalang bahala ko na lang ‘yon at tumayo na.

Nagkibit balikat ako at ginawa ang morning routine, maghapon na naman ako dito sa bahay ng ako lamang mag isa. Tapos mamayang gabi, isa na namang bangungot, sakali kung uuwi ang asawa ko na magaling, magaling mambabae.

Maglilinis na lamang ako ng buong bahay at maglalaba yun lang ang magagawa ko sa maghapon kesa naman sa nakatunganga ako, parang mas nakakapagod ang ganon tapos mamamanas pa kakahilata.

Nang matapos ako ay kaagad akong bumaba at napakunot ang noo ko ng makita na may kausap na lalaki si Judd sa labas ng bahay at masaya na nagtatawanan. Wala ba itong trabaho ngayon? Ang buong akala ko ay mag isa na lang ako dito sa bahay aba’t himala dahil nandito pa pala si Judd.

Lumingon sa akin ang lalaki na kausap nito at bahagyang ngumiti bago yumuko. Yumuko na lang din ako upang magbigay galang at nag tungo na papunta sa kusina.

Kahit gusto ko pang makinig sa usapan nila ay mas pinili ko ang magluto dahil nagugutom na rin ako at para makakain sila.

Nang matapos ako ay nagtungo ako sa pintuan na natatanaw mo kung saan sila masaya na tumatawa, sana kahit papaano makita ko ang ganyang mga ngiti niya na ako ang nagiging dahilan ng bawat ngiti noon.

Biglang nagkislutan ang mga paru-paro sa aking tiyan ng lumingon sa gawi ko si Judd ng may malawak na ngiti sa labi. Gusto kung mamangha sa ngiti nito pero baka pinapakita lang nito sa kasama na maayos kami kahit ang totoo ay hindi.

“Kakain na.” Sigaw ko at nakita ko pa na tinapik ni Judd ang balikat ng lalaki na kausap nito.

Halos tumindig ang balahibo sa buo kung katawan ng makalapit sila sa akin at hapitin ako sa bewang ni Judd, napalingon ako dito at isang magaan na ngiti ang binigay sa akin.

“By the way, this is my lovely wife and Sam, this is Justine, one of my best friends.” Pagpapakilala ni Judd sa akin. Kulang nalang himatayin ako dahil sa pagtawag niya sa akin ng wife pero pinigilan ko dahil isa lamang ito sa mga patibong niya.

I know, isa ito sa mga palabas niya.

“Nice to meet you, Sam.” Magalang na wika naman ng lalaki at iniabot sa akin ang kamay niya. Nag alinlangan pa ako pero sa huli ay tinanggap ko ayon at napapitlag ako ng halikan yun ni Justine.

“That’s enough! You don’t need to kiss her hand like that, lalo sa harapan ko Justine.” Ang malamig na tinig ni Judd ang nakapag pabitaw sa pagkakahawak sa aking kamay ng kaibigan nito.

“A-ah. Kain na muna tayo.” yaya ko at tiningnan si Judd, gusto kong lamunin na ng lupa dahil sa iniaasta ni Judd dahil daig pa nito ang mangangain ng buhay dahil sa paraan ng paninitig nito sa kaibigan.

Habang si Justine naman ay may maloko na ngiti sa mga labi. May sira din siguro ito sa ulo kagaya ni Judd.

“Justine is busy person, kaya hindi na siya makakasabay sa atin.” Matigas na tono ni Judd.

“Wala na-” Sasagot pa sana si Justine ng putulin yon ni Judd.

“Just go, JUSTINE!” Napapitlag ako ng sumigaw si Judd. Naiiling naman na umalis si Justine at iniisang sulyap pa ako.

Anong problema ng lalaki na ito?

“Anong problema mo?” Tanong ko ng makapasok kami sa sala.

Tiningnan lang ako nito at tumalikod na. Napakurap ako sa iniasal nito at mas pinili na lamang ang kumain, habang nagsasandok ng kanin ay naramdaman ko na may presensya sa likudan ko at ng lingunin ko yon ay ang nakatayong si Judd ang naka sandal sa hamaba ng pintuan at maigi akong pinagmamasdan.

“Kakain ka rin ba?” Tanong ko.

“Oo.” Plain na sagot nito at kumuha ng plato at pinagsandok na din ito.

“Just in case I'm not here and that man comes, don't let him in.” Napaangat ako ng tingin sa sinabi nito.

“He’s your friend.” I said at pabagsak na ibinaba nito ang kutsara kaya napapitlag ako sa pagkakaupo.

“not anymore.” sagot nito.

“Pero kanina lang ang saya niyo pa. Ano bang problema?” Tanong ko dito.

“Just follow what I said, Samantha!” Mataas na tono nito at napailing ako.

Hindi naman ako manghuhula para hulaan kung bakit basta na lamang ito nagpapakita ng ganitong ugali. Sa totoo lamang ay nasamaan ako dahil sa iniaasal niya.

“Kaibigan mo siya, masama naman siguro kung hindi ko siya papapasukin kung pumunta dito diba?” Magaan ko na samabit ko at padabog itong tumayo at mariin akong tinitigan.

“ I already told you that he is no longer my friend, mahirap bang intindihin yon Samantha Veronica!” Sigaw at may diin na ani nito.

Oh, crap. Galit na siya dahil sa pagbigkas ng pangalan ko at halata sa pamumula ng buong mukha nito at batok.

“Wala akong makita na dahilan para sabihin mo ang mga yan, Judd! Kanina lang ang saya niyo! Tapos pinakilala mo siya bilang kaibigan mo! And now what?! He’s no longer your frie-”

“Because that asshole kissed your hand Sam!” napa hakbang ako patalikod ng sumigaw ito.

Pilit pinoprocess ng utak ko ang sinabi nito, dahil lamang doon? Napailing ako sa sinabi nito.

“Dahil lamang doon?” naguguluhan na tanong ko.

“Just follow what I said.” He answered in a cold tone and left me in the kitchen.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
KHarz Conadille
nakakatanga naman yung babae sa story na to
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status