Habang sagana na kumakain ay may ilang titig na hindi maiwasan kong tingnan kung saan nanggagaling. pasulyap-sulyap ako kay judd ng hindi ko maintindihan kung ano ba ang kanyang gusto.“judd, hijo. baka naman matunaw na ang anak ko kakatitig mo.” my mom giggled. akala mo naman kasi teenager ang kanyang ina na kinikilig nalang basta sa relasyon ng iba. kahit kailan talaga ganon pa rin ang kanyang ina na ikinailing na lang niya.“mom.” suway ko at ngumii lamang ito sa akin. “your daugther is beautiful, mom.” halos mabulunan ako sa pahayag ng mokong, nasa harap ng pagkain pero kung ano ano ang pinagsasabi. inirapan ko lang ito at narinig ko pa ang bahagya niyang pagtawa. pinilit kong ikinalma ang sarili at nagpatuloy sa pagkain. “wala pa ba si daddy?” basag ko sa katahimikan at kita ko na nagkatinginan si judd at mom. “a-ah. gagabihin na naman yun sa pag-uwi baka hindi mo na rin abutan.” alanganin na sagot ni mommy ka
NAGISING ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Nag inat pa ako at biglang naramdaman naman ang pagyakap ng isang matikas na braso sa bewang ko na mayroong katmtamang higpit. Halos manindig ang balahibo ko ng marahang humaplos paitaas ang kamay ni Judd at bahagyang pinisil ang aking dibdib doon.“Agang-aga, Judd.” Suway ko habang naiiling sa kanya.“Good morning, wifey.” Bati niya sa akin kaya napangiti ako bago umayos ng higa paharap sa kanya at yumakap sa kanya pabalik.“Good morning husbie.” May ngiti sa labi na sagot ko. Namumungay naman ang mga mata nito na nakatingin sa akin, binigyan ko pa siya ng isang magaan na halik na mas nakapag palawak ng ngiti sa loko. Kung ganito lang palagi tuwing umaga ang mabubungadan sa pagmulat ng mga mata, araw-araw siguro ako masaya. Pero tunay na ba talaga ito o isa na naman sa mga paraan niya? Kung palabas lang ang lahat ng ito pwede bang itigil na lang? Pwede bang umayaw?Ayoko ng dumating sa punto pa na bawiin lahat ng kasiyahan n
We arrived safely at the hospital, hindi ko akalain na makikita ko dito si Christine na natutupad ang pangarap na ang kanyang pangarap na maging isang magaling na doctor. She’s an OB Gyne, siya yung napili ni Judd na maging doctor ko. Sa kabila ng mga kalokohan namin noon, look at her now.“OMG! Akala ko noong tumawag sa akin kahapon si Kuya ay nagloloko lamang ito, hindi pa ako maniwala na ikaw ang naging asawa at magkakaanak kayo.” Napangiti ako sa sinabi ni Christine, wala pa rin itong pinagbago ang dami pa ring kwento.Napatingin naman ako kay Judd mula sa labas ng pinto, may kausap ito sa phone niya at nakakunot na naman ang perpekto nitong mga kilay. “He called you?” Tanong ko pa sa hindi makapaniwalang tono.“Yes, excited pa nga siya halata sa boses niya. Alam ko naman kung gaano ka dead na dead sayo si Kuya. Halos hindi ka na nga palabasin diba?” Natatawa na saad nito at nawala bigla ang ngiti sa labi ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Pilit na ipinapasok sa utak ang sinabi ni
“Did you forget something?” Patay malisya kong tanong sa kanya at binigyan ito ng isang tipid na ngiti na nauwi sa ngiwi dahil hindi magkamayaw ang aking puso sa lakas ng tibok nito na akala mo'y lalabas na doon. Nakita niya kaya?Nakahinga lang ako ng maluwag ng ngumiti ito sa akin at tumango. “Those papers.” Saad ni Judd at inginuso ang kanyang desk bago nagtungo doon upang kunin yon. He even kissed me on the lips before he left his own office.Napahilot ako sa nuo at ikinalma ang sarili pinaniwala na wala lamang ang lahat ng ayon. Pero kung makikita ang itsura ni Judd kanina habang nakatingin sa akin ay pakiramdam ko na gusto na nito akong kainin ng buhay o sadyang guni-guni ko lang? Pero bakit pakiramdam ko na kanina pa siyang nakatayo doon at hinayaan niya lang ako. Erase that shit Sam!Mahigit kalahating oras na akong naka upo sa sofa dito sa office ni Judd kung tutuusin ayoko ng mag uli sa loob ng office na dahil baka kung ano na naman ang makita ko, ng puntahan ko naman si
“Yes.”Napaangat ako ng tingin dahil sa naging sagot nito. Halos magwala ang buo kong kalooban, pakiramdamko ay pinag kaisahan ako ng lahat. Pagkatapos maging masaya bakit ang bilis agad ng lungkot na dala-dala.Buong akala ko naman ay okay na kaming dalawa ngunit bakit umabot pa hanggang dito?Napaiwas ako ng tingin ng akma nitong punasan ang luha ko.“Leave, Justine. Gusto kong mapag isa.” Saad ko at tumalikod sa gawi nito. Bigla akong nawalan ng gana sa lahat.Wala akong ginawa kundi ang humikbi at umiyak, ngunit kailangan ko pa rin ang lumaban dahil sa bata na nasa sinapupunan. Oras-oras akong binibisita ni Christine ngunit hindi manlang ito umiimik, o wala man lang sinasabi na kahit ano. Para kaming hindi magkakilala na ichecheck lang niya ako after that magpapaalam na ito at aalis.Ayoko na lang siguro madagdagan pa ang sakit na nararamdaman, ayoko ng alamin pa kung bakit nangyare ang lahat ng ito. Pero kahit ano namang sabihin ko na ayaw kung malaman may part pa rin naman sa a
Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin matanggap ni Sam ang mga nangyari. Walang bakas ni Judd ang naiwan, hindi na rin sya bumalik sa dati nilang bahay dahil maaalala ‘nya lamang lahat ng nangyari sa bahay na ayon. Ngunit nagbabaka sakali pa rin na isang araw ay bigla na lang magpapakita sa Judd upang ipaliwanag ang lahat at maayos ang namamagitan sa kanilang dalawa alang-alang na rin sa magiging anak nila Hinaplos ‘nya ang umbok na tiyan, ilang linggo pa ang lumipas at ngayon ay ika-5 buwan na ang baby bump nito. Hindi ko lubos akalain na aalis si Judd ng wala man lang salita na binitawan sa kanya. Hindi rin ‘nya maintindihan ang gustong iparating ng kanyang ina tungkol sa pagtitiwala sa kanyang asawa, dahil simula noong araw na malaman na ‘nyang patay na ang kanyang ama ay hindi na sila nagkakausap pa ng kanyang ina, dahil kung maaari ay ayaw muna nya itong kausapin.Kinuha nya ang phone sa ibabaw ng side table sa gilid ng kama. Mabuti na lang at naka save dito ang number ni
Tahimik lamang ang aming naging buong byahe, bumalik na ulit sa pagiging tahimik si Justine na ikinailang ko naman. Isa pa rin ang lalaki na ito pabago-bago ng mood. Mana-mana lang? “We’re here. Call us, when you need darating kami agad.” Saad nito sa kanya ng makababa ito sa kotse. Tumango lang ako bilang sagot pag katapos noon ay agad naman itong humarurot ng patakbo. Naiiling nalang s’ya na pumasok sa loob ng bahay. Wala naman ako nasagap na maganda tungkol kay Judd, wala silang ibang mukang bibig kun’di ang magtiwala rito. Pero paano siya magtitiwala kung ‘di man lang nila sabihin kung ano na ba talaga ang nangyayari. Kung sa naglalaro ng tagu-taguan s’ya ang saling pusa lamang.“Where did you go?” Napalingon siya sa gawi ng nagsalita at nakita ang kanyang ina na nakaupo sa sofa doon sa sala. May hinihigop na juice at akala mo'y sinusuri ang kabuuan ko.“Just come out for a moment mommy.” tugon naman n’ya sa ina. Naiilang man ay hindi naman siguro tama na iwasan ko ito o kag
Hanggang sa matapos silang kumain ay wala ni isa ang may gustong umimik. Panakaw-nakaw naman s’ya ng tingin sa lalaki na seryosong kumakain. Nakatutok lamang ito sa pagkain na nasa harapan n’ya at hindi man lang ito tumitingin sa kanya kaya pakiramdam n’ya na wala na talaga s’ya para rito. “A-Ah, mommy Jasmin. Saan po ako pwede magpahinga?” Tanong n’ya sa ina ni Judd at magaan ang mga tingin na lumingon ito sa kanya. Parang pakiramdam n’ya ay may gustong sabihin ang mommy Jasmin n’ya na hindi n’ya matukoy kung ano ‘yon.“Ah, okay iha. Halika ituturo ko sa’yo.” Wika nito sa kanya at tumayo ito na agad naman s’yang tumayo rin upang sumunod sa sa ginang. Dinala s’ya nito sa isang malawak na kwarto at kong hindi s’ya nagkakamali ay kay Judd itong kwarto. “Hindi po ba dapat sa guestroom na lang ako?” Tanong n’ya sa ginang at binigyan s’ya nito ng isang tipid na ngiti. “You can sleep here. Magpahinga ka na at pagkagising mo ay marami pa tayong pag kukwentuhan.” May lungkot sa mga mata