Share

Chapter 4: Regrets

Bakit hindi ba ako nag isip? Kahit kailan ang galing niya talagang paglaruan ang nararamdaman ko, ako naman na hindi na natuto at nasanay. Hindi man lang maalam makiramdam kung pinaglalaruan na ba o tunay ang pinapakita.

“Ang ganda mo naman hija.” Saad sa kanya ng ginang at hinawakan ang kanyang mga kamay. Bumitaw sa pagkakahawak sa akin si Judd at nauna kami ng mommy Jasmin niya sa paglalakad. Pilit naman akong ngumingiti at sumasagot ng tango sa bawat sabihin at itanong ng ina ni Judd.

Ni isang lingon ko si Judd na may mapaglarong ngiti sa mga labi. Nahuli mo ako dun, ang sakit. Napaasa na naman nya ako, gusto kong magalit na lang yata habang buhay sa sarili ko dahil hanggang ngayon pinipilit ko pa rin ang sarili ko sa kanya. Bakit ba kasi sobrang tagal kong mapagod?

Pagod na kasi ako, yung katawan ko pero bakit ang puso ko patuloy pa rin na sya ang itinitibok nito. Kung pwede lang sana na utusan ang puso para matapos na ang lahat ng ito.

Halos wala akong imik hanggang sa matapos ang aming hapag, at kung umimik man ay pag nagtatanong lang si Tita Jasmin sa akin. Gusto kung lumayo sa lugar na ito, pakiramdam ko hindi ko kayang huminga sa harapan nila, parang nauubusan ako ng hangin kapag kaharap sila lalo na si Judd na hindi man lang mawala wala ang ngiti sa mga labi, komportable na nakaupo at magana na kumakain. Habang ako parang gusto kong masuka dahil hindi masikmura ang mga tao na kaharap ko sa mesa, na akala mo’y mga walang pinuproblema at ako naman na parang pasan ang buong mundo.

“Are you, okay hija?” Tanong ni tita Jasmin sa akin habang kaming dalawa ay nandito sa sala at nanonood ng tv. Hinawakan pa nito ang aking mga kamay bago hinaplos ayon.

Tipid naman akong ngumiti bago sumagot at tumingin sa kanyang mga mata. “Opo mommy Jasmin, I’m okay,” I answered at hinawakan rin ang kamay nito pabalik. 

“Pinapahirapan ka ba ni Judd dito?” Hindi naman ako nakasagot agad sa naging tanong ni mommy Jasmin, pinilit ko naman ang ngumiti at napipilitan na umiling.

 Nilingon ko ang gawi ni Judd na may ngiti sa mga labi habang kausap ang kanyang ama, si Tito Jake. Ngumiti ako at natitiyak kung hindi aabot yun hanggang tenga. 

“Hindi po, sa totoo nga ay hindi niya ako halos padapuan sa langaw o lamok.” Natatawa kung sabi sa ginang. 

Kahit ang totoo na si Judd ang lamok na gustong manakit sa akin physical at emotional.

“Ikaw talaga na bata ka. But I’m happy to see you both na maayos na nagsasama.” Nakangiti na sabi ni Tita Jasmin, sana ganun na nga lang kami. 

Pero kabaliktaran lamang ang lahat. Isang napakalaking pagpapanggap lang lahat ng nakikita niyo.Gusto kung sabihin yun pero mas pinili ko ang manahimik. Gusto ko man i open up yung sakit na nararamdaman ko ngunit mas pinili ko ang tumahimik at baliktarin ang lahat ng pangyayari.

“Mas masaya po ako na ako ang pinakasalan ng anak niyo.” I looked at Judd at lumingon ito sa gawi ko. “I never thought we would reach this far, Mom. Mag kaklase lang kami noon at mag kaibigan, napaka over protective pa sa aking mga manliligaw kaya walang ibang lumalapit na lalaki sa akin bukod sa kanya. I am one of the luckiest women in the world, dahil siya ang naging asawa ko, maalaga at mapagmahal. Mahal na mahal na mahal ko po ang anak niyo Mom.” I added at patago na pinunasan ang luha bago ngumiti at nag iwas ng tingin kay Judd na nakakunot ang mga noo habang nakatingin sa gawi namin.

“And I am the luckiest mother because he became my child. Wag ka sana magsawa na mahalin ang anak ko Samantha Veronica.” Tumango ako sa sinabi ni tita Jasmine at ngumiti. 

Sana mahalin din agad ako ng inyong anak para hindi ako mapagod kakahabol sa kanya tita Jasmin. I want to say those words pero hindi ko kaya na pasanin din ni Tita Jasmin ang problema namin ni Judd. Sana lang talaga hindi pa huli ang lahat para maayos ang gusot sa pagitan naming dalawa. Ngunit sadyang napakahirap tanggapin para kay Judd ang pagsira ko sa kasal na plinano niya para sa babae na pinakamamahal niya, pero hindi ako ‘yon at never na magiging ako ang mamahalin niya.

—----

Kanina ko pang nararamdaman na parang may gustong sabihin o itanong si Judd sa akin pero lagi ko itong iniiwasan. Akala mo siya’y kating-kati at nagmamadali para paalisin ang mga magulang nito sa hindi ko malaman na dahilan. Gustuhin ko man ang magtanong ngunit parang konti na lang ay sasabog na ito dahil sa galit na makikita sa kanyang mga mata.

“Mauuna na kami hija, Judd take care of your wife. Wala na akong ibang babae na tatanggapin bukod sa kanya.” Hindi ko alam ang sasabihin o isasagot sa sinabi ni tita Jasmin, hindi ko magawang lingunin si Judd, pakiramdam ko maya maya ay mag bubuga na ito ng apoy sa akin.

“Sa susunod na bumisita kami dapat may laman na yan hija, matanda na kami gusto na namin mag kaapo.” Napangibit naman ako sa sinabi ni tito Jake, konti nalang talaga patay na ako kay Judd.

Alam ko rin kasi na hindi naman natutuwa si Judd sa mga sinasabi ng kanyang mga magulang hindi lang nito pinapahalata.

“As you wish, dad. Malapit na.” hindi naman ako makapaniwala sa narinig kaya pinakatitigan ko ito sa mata ngunit nakikita ko ang pagka disgusto sa binitawan niyang salita.

Kumabog ng mabilis ang puso ko, seriously? Huwag kang magpapa uto Veronica, palabas lang ang lahat ng ito. Tama palabas lamang lahat, be practical Veron!

We bid our goodbye to each other, at tinanaw habang papalayo ang sasakyan ng mag asawang Harrison hanggang sa mawala sila sa aming paningin. 

Napaigik ako ng may mabigat na kamay ang humawak sa braso ko at mariin na hinila papasok sa loob ng bahay, halos mawalan ako ng balanse sa bilis at sa malalaki na hakbang ni Judd papasok.

“Judd, nasasaktan na ako.” reklamo ko.

Ngunit parang bingi ito na hindi nadidinig ang sinabi ko, patuloy lamang sya sa paghila sa akin kahit mangiyak ngiyak na ako sa sakit. Ramdam ko rin ang mga kuko niya na bumaon na sa braso ko kaya tuluyan na akong napahikbi ng makita ang pagdudugo noon.

“Judd, masakit!” Sigaw ko at ng makarating kami sa sala ay pwersa na niya akong binitawan at mas naramdaman ang hapdi ng braso.

Nilingon ko si Judd at nakita ko ang pagdako ng kanyang mga mata sa braso ko, imbis na makita ko ang awa sa kanyang mga mata ay parang mas natutuwa pa ito sa nakikita niya.

“What did you say to my mom!” May diin na salita na ani nito. Namumula ang kanyang mga batok at nakakuyom ang mga kamo na anytime ay pwede nya akong saktan. 

“W-wala akong si-nasabi Judd.” Nangangatal ang labi na sagot dito. 

Napapitlag ako ng hawakan nito ng mariin ang magkabilang braso ko, madiin at walang pakialam kahit magka doble-doble na ang sugat sa aking mga braso. Hindi na ito ang Judd na kilala ko, daig pa niya ang sinapian ng masamang ispirito dahil sa ginagawa. 

“Why did she find out about our wedding ?! Why does she know that I don't treat you well! Why does my own mother want to fight me when she finds out that I'm hurting you!” Mahaba na sabi nito. Halata ang gigil sa bawat salita na pinapakawalan niya. 

Umiling naman ako habang umiiyak, nagmamakaawa at nangungusap mata sa mata kung maawa ba ito o hindi kaso bigo ako. 

“I don’t know J-judd.” Mahina kung bulong at naglandasan ang luha sa mga mata, nalasahan ko pa ang sariling dugo ng gawaran niya ako ng isang malakas na sampal. 

“Sinungaling!” sigaw nito sa mukha ko at sinampal akong muli dahilan para tuloy tuloy na magbagskan ang luha ko. Nanatiling nakatagilid ang mukha ko habang natatabingan ng mahaba kong buhok.

Pabagsak n’ya akong binitawan kaya napatama ang bewang ko sa kantuhan ng mesa dito sa sala.

Dahan dahan ko itong nilingon, halata na nagulat din ito sa kanyang ginawa at napagtanto ang mga nangyari. 

“I-I'm s-so”- 

“Ganyan kana ba talaga kasama?!” Humihikbi na saad ko. 

“Look I’m sorry.” Sagot nito sa akin bago lumapit at hinawakan ang mga kamay ko upang itayo. 

Tinabig ko naman ang kamay nito at napatigil sa ere ang kanyang mga kamay at hindi makapaniwala sa iniasta ko. 

“Kung alam ko lang na ganito ang sasapitin ko sa kamay ko, sana hinayaan nalang kita noon sa desisyon mo.” Mapakla kong saad at marahan na tumayo habang hawak ang bewang. “Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil kahit kaunti, hindi kita siniraan sa magulang mo! Naawa pa nga ako sa sarili ko dahil kahit hirap na hirap na ako mas pinili ko na pagandahin ang image mo kahit sobrang baboy at hindi na makato ang ginagawa mo sa akin!” Mahaba ko pang dugtong. 

“Im sorry okay, gusto ko lang naman malaman ang sinabi mo.” Mahinahon na niya ngayong sagot sa akin.

“I just told her how much I love you Judd, sinabi ko lang sa kanya kung gaano ako kaswerte sayo dahil ikaw ang naging asawa ko. Na napakaswerte ko kasi maalaga ka sakin at mahal na mahal mo ako! That I am one of the luckiest women because I am the one married to someone like you! Masama ba na maghangad na sana ganun na nga lang ang trato mo sa akin?! Akala ko may magbabago, Judd! When you kissed me without anyone seeing, yung wala tayo sa harap ng magulang mo, I thought that's where to start! Akala ko doon tayo maayos, kaso nagkamali na naman ako! Judd, napapagod na ako. I love you, mahal na mahal kita simula pa lang nung high school pa tayo magpasa hanggang ngayon! Pero yung pagkakamali na isisi mo sakin kung bakit ko pinigilan ang kasal nun, hindi ako nagkamali doon. Ini isang tabi ko ang pagmamahal ko sayo and I did that as your best friend. Kaibigan Judd! Tinanggap ko na hanggang kaibigan lang. Tanggap ko na!” Huminga ako ng malalim at iiling iling na nakatingin dito. 

Bakas ang pagkagulat sa buo niyang mukha. Hindi ko na kaya, sasabog na ang dibdib ko sa sakit. Yung wala kang makausap na kaibigan kulang nalang ang ipis doon sa hardin ang kausapin ko para may mapagsabihan ng nararamdaman ko. Punong-puno na ako at hindi ko na napigilan na sabihin sa kanya ang totoo na alam kong kinabukasan ay pag sisisihan ko kung bakit ko ito sinabi lahat.

“Kahit saktan mo ako, kahit balewalain mo ako, kahit magdala ka pa ng libo-libong babae, ayos lang Judd. Sana kahit naman ganun, itatrato mo ako ng parang tao. Na kahit hindi na ako yung mahalin mo sana naman maging magkaibigan parin tayo kahit alam kung napaka labo.” Habol ko ang hininga sa pagsasalita at pinunasan ang namamalisbis na luha sa pisngi. “A–at kung hindi na kayang mag work ito, ang kasal natin, pwede naman na bitawan mo na ako. Papayag ako sa gusto mo na ma-annul tayo hindi yung itatali mo ako dito sa malaki mong bahay na parang alila mo. kaya mas mabuti pa na bitawan mo na lang ako, huwag mo naman akong pahirapan” I added sa nagmamakaawa na tono.

After saying all my regrets I ran to our room, itinapon ang sarili sa kama at doon ay umiyak ng umiyak, iniisip kung anong mangyayari pagkatapos ng aking lahat na sinabi sa harap niya.

Hindi ko na kasi kaya, sobra na siyang mapanakit, kaya kahit sariling sugat ko ay hindi ko na gamot at nakatulog na lang ng tuluyan, dala na rin ng pagod sa pag iyak at sakit ng puso na nararamdaman mula sa tao na hindi naman ito kayang suklian.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status