Share

The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01)
The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01)
Author: Isaacrys

Chapter 1: A good Joker

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang larawan namin ni Judd. Maganda ang ngiti na nakapaskil sa aking mga labi habang may nakasimangot na mukha naman ang aking asawa.

Sabagay, kahit papaano ay ginusto n’ya rin naman ito, pero hindi naman n’ya akalain na magiging ganito ang kahihinatnan n’ya sa puder niya. 

“Kamusta ang trabaho?” Bungad na tanong ko ng pumasok ito sa loob ng kwarto namin, hindi ito umimik bagkus ay tiningnan lamang ako nito ng masama. Nasupil ko naman ang bibig at mas piniling h’wag na lamang umimik.

Mapakla akong napangiti ng padabog nitong isinarado ang pinto at narinig ko ang tunog ng kanyang sasakyan kaya agad naman akong nagtungo sa bintana at tinanaw ang papaalis nitong sasakyan. 

Ganun naman sadya eh,diba? Mag ta'take risk tayo para sa taong mahal natin dahil sa kagustuhan na ipanalo ang pagmamahal na yun, pero darating din sa punto na mag fa'failed tayo. 

Na kahit alam natin sa sarili natin na umpisa pa lang talo na, pero sinubukan pa rin natin. 

Sabi pa nga ng iba atleast wala sa atin ang pagkukulang. At least sinubukan natin and if the time comes for someone to repent, it will not be us kundi yun yong tao na ni’reject tayo at hindi tinanggap .

Hindi ko din inaasahan na sa araw na yun ay mababago lahat pati na ang pakikitungo niya sa akin. Itinago ko sa loob ng ilang taon ang nararamdaman ko, iningatan para huwag lamang mabuko, para hindi masira ang pagkakaibigan namin and doing my part as her best friend yun pala ang magiging dahilan para tuluyan ng mabago ang pagkakaibigan namin.

Siguro hindi ako nagsisisi sa part na sinabi ko sa kanya ang totoo, I'm just doing my part as her best friend. Pero mali pa rin pala ako. 

At sobra akong nagsisi dahil hindi man lang ako nag isip sa kung anong pwedeng mangyari o kahihinatnan ng lahat. 

Kaya heto ang ending ko, isang alila. Alila sa loob ng pitong taon, pinandidirihan ng sariling kaibigan, ng sariling asawa na akala mo’y may napaka lubhang sakit.

I ended up being his secret wife.

ISANG malakas na kalampag mula sa baba ang aking narinig habang ako’y nagtatahi ng isang maliit na damit. Agad akong bumaba at naabutan doon si Judd na nakahiga sa sala habang walang saplot ang pang itaas. 

Mukang lasing na naman ito kaya agad naman akong kumuha ng bimpo at plangganita na may lamang maligamgam na tubig. Pinunasan ko ang katawan nito at pinalitan ng bagong damit, tinagtag ko na rin ang sapatos at medyos nito bago napagpasyahan ang umakyat sa taas at ikuha ito ng kumot.

“Kas. Kass. Kassy.” Napakagat labi ako sa narinig. Mahal na mahal pa rin n’ya si Kassy kahit ako na ang asawa niya sa loob ng ilang taon. 

Ibinuka ko ang kumot at kinumutan s’ya. Mahimbing na ito ngayon natutulog umupo ako saglit sa tapat nito at pinakatitigang mabuti ang mukha. Napakaamo ‘non at masasabi ko na perpekto ang kabuuan ng mukha nito. 

Tumayo na ako at umalis bago napagpasyahan ng matulog na may takas na namang luha sa aking mga mata.

"Where's my food." Napatalon ako ng biglang may magsalita sa likod ko at pabagsak na iniipod ang upuan. 

"Wait, patapos na." Mahinang sagot ko at hindi na nag abala na lingunin 'to. 

"Make it fast, sa susunod kasi gumising ka ng maaga. Sinasayang mo ang oras ko." Gusto ko pa sanang sagutin ito pero pinigil ko ang sarili ko bukod sa katanghaliang tapat ayoko na muna ng away, dahil halos araw-araw na lang ay nagtatalo kami. Pakiramdam ko konti na lang ay itatapon na niya ako sa kung saan malayo sa kanya upang hindi na niya ako makita. 

Kasalanan rin naman niya kung bakit halos tanghali na ako ng magising.

Alam na alam ko ang likaw ng bituka ng kaibigan ko kung gaano niya kaayaw sa akin. Laging ilag sa akin, pero ang lakas parin makautos.

I laid the food in front of him before leaving the kitchen, ganun naman palagi. Kahit sa pagkain hindi kami nagsa sabay. 

Hanggang kailan ba ako mamamalimos ng pag mamahal n’ya? O umaasa lang ako na mamahalin din n’ya ako pabalik?

Ilang beses ko na ba na itanong sa sarili yon? Pero hanggang ngayon wala pa rin akong makuha na sagot, dahil ngayon pa lang ay alam ko ng napaka imposible.

We are married sa loob ng pitong taon pero walang nangyari na maganda sa pagitan namin, kagabi lamang ito walang dalang babae but he always bought a girls at halos araw-araw ay iba't-ibang babae yun, gustuhin ko mang mandiri pero iniisip ko na sana ako na lang yun, ako nalang ang ikinakama niya. Nakakababa man tingnan pero babae lang ako, nagmamahal sa taong alam ko na hindi naman kayang suklian ang pagmamahal ko pero pinipilit pa rin ang sarili para lamang mahalin pabalik.

At ito ang dahilan kung bakit tinanghali ako ng gising dahil hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Judd, oo pangalan lang ‘yon pero hindi ko maiwasan ang malungkot dahil ibang babae pa rin ang tumatakbo sa isip n’ya. 

Judd is my best friend since high school, doon nagsimula ang paghanga ko sa kanya dahil sa galing niya maglaro ng basketball at captain pa siya ng volleyball. Lagi kaming sabay na kumakain at pumapasok, hatid sundo pa madalas. 

Nagbago lang ng magpakita ng motibo si Kassy at niligawan ni Judd, si Kassy ay sikat sa school at halos lahat ng kalalakihan ay hinahangaan ito dahil na din sa aking ganda. 

Akala ko ang pag agwat ko sa kanya at tingnan lang siya sa malayo habang masaya sa piling ni Kassy ay ang ikakasaya ko ngunit mali parin ako. Walang araw na hindi ako nasaktan at umiyak that time pero anong magagawa ko, kaibigan lamang ako. 

"Veronica!"

"Veron!" Napabalikwas ako sa pagkakaupo dahil sa malakas na sigaw mula sa ibaba at ng tingnan ko ang orasan ay alas otso na ng gabi, nakatulog pala ako. 

For sure, umuusok na ang ilong noon. 

Dali-dali akong bumaba ng hagdan at kamuntik pang matalisod. 

Kahit inaasahan na ang maki kita ay nag babaka sakali pa din na mag isa itong uuwi pero mali nanaman ako dahil may kasama na naman itong babae. I smiled bitterly.

Sadyang ganito nalang yata ang role ko sa buhay mo Judd, bulong ng aking isip.

Pansin ko na may ibinulong si Judd sa babae at inirapan ako bago nilagpasan at nag tuloy sa guestroom. Room where many wonders happen every night.

"Kumain kana ba?" Nag aalinlangan kung tanong at sumimoy sa ilong ko ang nakakasulasok na matapang na amoy ng alak.

"Sign the annulment paper Veronica." Nagulat ako sa sinabi niya. This is the one I don’t want to hear from him, dahil masakit.

"What are you saying Judd?" Hindi makapaniwala na tanong ko dito. 

Napaigtad ako ng bagya itong lumapit sa akin bago hinawakan ang pisngi ko ng kaliwang kamay nito at tapikin ng dalawang beses ang pisngi ko gamit naman ng kanang kamay nito.. 

"I want to use you before we annul our marriage Veronica." Mapait akong napangiti sa sinabi niya. Use?

Hindi ako umimik nanatili akong nakatitig sa mga mata niya, gusto kung makita niya o maramdaman man lang niya kung gaano kasakit ang bawat salita na binitawan niya, ang mga pananakit na nararamdaman ko sa mga kamay niya, pero parang nakikiusap ako sa isang halimaw na walang awa, na hindi maalam makiramdam,unwise pity on the feelings of others.

 Bakit ko nga ba siya pinakasalan? Magkaibigan nga kami pero hindi ko pa sadya siya lubos na kilala. 

Walang gabi na hindi ako umiyak and tonight was another nightmare that happened in my whole life. Hindi na ako makatulog sa bawat halinghing at ungol na naririnig ko. Isubsob ko man ang buong mukha sa kama ungol pa din nilang dalawa ang naririnig sa kabuuan ng bahay. 

Ngayon lang niya binanggit ang tungkol sa annulment namin, why are you in a hurry Judd? Can't you love me? Am I not worthy of you?

Sobra na akong nahihirapan, sa araw-araw na lang laging ganito ang nangyayari, I'm getting tired.

Dahil hindi ako makatulog ng maayos 4am pa lamang ay nagluluto na ako ng agahan, ayokong makita muna si Judd kaya maaga na din akong nagluto para hindi maabala mamaya. Gusto kong bumawi ng tulog, wala din naman akong gagawin. 

Naulit ko ba na para akong isang bilanggo sa bahay ni Judd Harrison? No job and not seeing other people. Walang contact sa kahit na sino at kahit magulang ko wala ding kaalam-alam kaya hindi ko alam kung anong ipapaliwanag ko sakaling mag kita kami. Pero paano nga ba kami magkikita kung hindi naman ako makalabas..

"It's already 4am Veronica, ang aga mo namang magluto." Hindi ko na kailangan na lingunin pa kung sino ang nagsalita na yun. 

"Ikaw nga gising pa, ano babayo ulit?" Napatigil ako sa nasabi ko, bad mouth Veron! Kahit hindi ko ito tingnan alam ko na nakakunot ang perpektong mga noo nito dahil mahina lang ang pagkakasabi ko ng huli. 

"What are you saying?" Medyo mataas na tono na tanong nito, nagsimula ng mag sitaasan ang balahibo ko sa katawan. Mag aaway na naman ba kami?

Napapikit ako ng mariin, agang-aga naman kasi. 

"Wala akong sinasabi, Judd. Pwede na kayong kumain, matutulog na ulit ako." Walang gana kong sabi at ng nalagpasan ko ito ay hinanggit nito ang braso ko at iniharap sa kanya. 

Halos mapangibit ako sa sakit ng pagkakahawak niya sa braso ko at natitiyak ko na mag iiwan ng marka doon.

Nangilid ang luha ko at nakita ko na lumambot ang ekspresyon nito na agad ding nawala o baka sadyang guni-guni ko lang yun dahil napaka imposible naman noon. 

He's a heartless billionaire after all. 

Dahan dahan na pinakawalan ni Judd ang braso ko at ini isang lingon ako bago umalis ng kusina. Nangangatal ang buong katawan ko bago naupo sa kalapit na upuan. 

Hanggang kailan ko ba kakayanin ang pananakit niya? Is there any hope that will change? May magbabago ba?

Hindi ko maiwasan ang mapahikbi dahil sa sakit, hindi dahil sa sakit ng braso ko kun’di sa sakit ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko na unti-unting pinupunit ang puso ko. 

Pinahid ko ang luha na patuloy na lumalabas sa aking mga mata at pinilit na awatin ‘yon. Marahan akong tumayo dahil sa panghihina at iniligpit ang pinagkainan ni Judd bago nilagay ‘yon sa sink tsaka hinugasan pagkatapos ay tinuyo ko ‘yon at tinaob sa platuhan. 

Hanggang sa makarating ako sa aming kwarto ay naglabasan na naman ang masagana kung luha, tinitigan ang larawan na nakasabit sa dingding at mapakla na ngumiti. 

“H-Hindi ito nababagay dito.” Bulong ko sa sarili at lumapit doon tsaka tinagtag at pinunit. 

“I-ito din, bagay ‘to sa basura.” Hikbi ko pa at pinag tatanggal ang frame na nakapatong sa maliit na lamesa. Lahat ng larawan ay itinapon ko sa sahig kaya nabasag ang bubug noon. 

Napahilamos ako sa mukha at napasabunot sa buhok. Nanginginig ang mga kamay habang tumatawa sa pag iyak. 

“Kulang na lang mababaliw na ako.” Saad ko pa. “No, hindi naman siguro.” Dugtong ko pa at tumawa. 

Pabagsak s’yang nahiga sa kama at tumitig sa kisame habang may hilam na luha sa mga mata. Bumabalik lahat ng maganda nilang pinagsamahan ni Judd na ngayon ay nasira na dahil sa kasal na ito, kasal na hindi naman dapat s’ya ang nasa katayuan na ito kundi si Kassy. 

Ngunit mag kaiba sila, at ituturing lang si Kassy na prinsesa ng kanyang asawa ‘yon ang natitiyak n’ya. Unlike her na katulong at alila lamang sa loob ng malaking bahay na ito, pinagsisilbihan ang hari na walang puso at hindi maalam maawa, Hindi maalam makaappreciate ng nagagawa para sa kanya. 

Nakarinig pa ako ng ilang malakas na katok mula sa pinto ngunit hindi na kinaya ng katawan ko upang tumayo hanggang sa lamunin na ako ng antok.

MAAGA akong nagising upang sana’y linisin ang mga bubog na nagkalat sa sahig ngunit malinis na ayon at wala ng kahit na anong kalat. Malinis ang sahig, ang basurahan at lahat ng litrato na dapat ay punit na ngayon ay heto nakasabit muli sa dingding at nakadisplay sa makipit na lamesa dito sa loob ng kwarto. 

Napailing ako ng hindi man lang maalala ang mga nangyari, sa pagkakatanda ko ay nakatulugan ko na ‘yon at hindi ko man lang nalinis. 

Agad akong bumaba upang ipagluto sana si Judd ng agahan ngunit mas nagpakunot ng noo ko ang malinis na kusina habang may pagkain na nakahanda sa ibabaw ng mesa. Umupo na lang at nagsimula ng kumain, dahil makita ko pa lang ang iba’t-ibang putahi na nakahayin sa lamesa ay kumakalam na agad ang sikmura ko. 

“Imposible naman na s’ya ang nagluto nito.” Bulong ko sa sarili at isinubo ang afritada, gezz ang sarap! 

“Masarap?” Halos maibuga ko ang aking kinakain ng may biglang nagsalita sa kung saan at ng hanapin ko kung saan ‘yon nanggaling ay nakita ko si Judd na nakasandal sa hamba ng pintuan dito sa kusina. 

“Ah, t-tama l-lang.” Nauutal kung sagot at hindi maiwasan na kabahan. 

Lalong mas nagwala ang puso ko ng dahan-dahan itong lumapit s pwesto ko at pinantayan ang mukha ko. Agad nitong dinilaan ang gilid ng labi ko kaya kulang na lang ay atakihin ako sa puso at tumakas na ang puso ko mula sa dibdib. 

“No, it’s delicious.” 

Ano na namang palabas ito, Judd?

He's a good joker afterall.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status