Share

The Billionaire's Soulmate
The Billionaire's Soulmate
Author: LadyAva16

Prologue

Marriage is the promise between to people who love, trust and honor each other. It is a promise that whatever challenges you face, you face them together. It is when you choose someone to spend the rest of your lives together.

Ito ang pinakamasayang araw ng buhay ko dahil ngayon matutupad na ang pangarap kong makasama habang buhay ang taong pinakamamahal ko. Ang taong tumanggap sa akin kung ano ako. Ang taong nagbigay ng bagong kahulugan sa buhay ko. Ang taong hiningi ko sa panginoon. Ang taong pupuno sa mga kakulangan ko. He is the half that makes me whole.

Maaga akong naulila sa aking mga magulang. At the age of 16 natuto akong harapin ang buhay na mag-isa. Unang namatay ang nanay ko dahil sa sakit na kanser. Dalawang buwang lang ang lumipas sumunod  naman ang tatay ko. Siguro dahil sa kalungkutan ng mawala si mama, nagising na lang ako isang araw na iniwan na din ako ni papa.Hindi nakayanan ni papa ang matinding kalungkutan kaya't inatake siya sa puso.

Mahirap lang kami, walang iniwan sa akin ang mga magulang ko. Ganunpaman masaya ang buhay namin nung nabubuhay pa silang dalawa. Salat man kami sa kayamanan, puno naman kami sa pagmamahal. 

Wala kaming malapit na kamag-anak na gustong kumupkop sa akin. Pagkatapos mailibing si papa lahat ng komunikasyon ko sa mga kamag-anak namin ay naputol  na din. Ramdam kong sadyang pinutol nila ang ugnayan nila sa akin dahil walang gustong magkaroon ng obligasyon sa akin.

Naiintindaihan ko din naman, kasi kahit nung buhay pa ang mga magulang ko kami-kami lang din naman ang nagdadamayan. Sa buhay kailangan nating maging malakas, walang puwang sa mundo ang mahihina. Kung hahayaan mong maging mahina, kakainin ka ng mundong iyong ginagalawan.

Natuto akong maghanap buhay para sa sarili ko. Nagtitinda ako nang kahit ano sa palengke araw-araw pagkatapos ng klase ko sa hapon para may ipambili ako ng pagkain at para sa ibang ko pang gastusin.

"Isda...Isda...bili na kayo mga suki"

"Oh Sapphira, presko ba talaga yang isda na paninda mo?Pabili nga isang kilo."

"Oo naman Aling Tinay presko to, kasing presko ko po."

"Ikawng bata ka maloko ka talaga." 

"Ganyan dapat Aling tinay, kailangan talaga laging masaya..pano ko mabebenta tong mga isda ko kung nakabusangot ang mukha ko diba? sabay kindat ko pa kay Aling tinay na suki ko sa paninda kong isda.

"O siya dagdagan mo na, gawin mo nang tatlong kilo."

"Ayun!...swerte ko talaga sayo Aling Tinay.." Mabilis kong tinimbang ang tatlong kilo ng isda para maibigay na kay Aling Tinay. Ganyan talaga pagnagtitinda kailangan machika ka sa mga suki mo para babalik balikan ka.

" O ate...ateng maganda na 'sing ganda ng mga isda ko...bumili na kayo sa akin.."sigaw ko ulit.

"Swerte mo ngayon Sapphira ah madami ka nang naibenta, samantalang ako konti pa lang mapapagalitan na naman ako ni nanay nito mamaya" nakabusangot ang mukha ng kaibigan at kapitbahay kong si Daniella. 

"Dani gurl kong maka Sapphira ka ah, diba sabi ko sayo Fyre tawag mo sa akin para sosyal, babaeng tow! hmmp!"

Siya ang best friend ko at lagi kong kasamang nagtitinda at nagsasideline ng kung ano-ano dito sa palengke. Dalawang taon na ang nakalipas ng iniwan ako ng mga magulang ko at si Dani ang laging nandiyan para sa akin.

"Kaya ayaw kung magtinda katabi mo eh hindi ako nakakabenta, dinadaan mo sa ganda at bola eh"

"Hay naku, diskarte kasi yan...Hayaan mo pag-maubos tong akin, tutulungan kita jan."

Ganito kami lagi ni Dani, simula ng mag-isa na lang ako siya ang laging nagpapalakas ng loob ko.

"Psst Fyre....Fyre!...Sapphirang bingi!" sigaw nito sa akin. Hindi ko agad siya narinig kasi sinusuklian ko pa yung bumili sa akin.

"Oh bakit? kaya hindi ka nakakabenta eh, sumigaw ka kasi o di kaya mag-isip ka nang gimik jan" Nagtataka ako at nakaturo yung nguso niya sabay taas-baba sa kanyang mga kilay.

"Huh?...anong nginunguso nguso mo jan?... di kita gets Dani girl, umayos ka"

"Fyre tingnan mo yung bumibili kay Aling Minerva" agad ko namang binalingan ang pwesto ni Aling Minerva na nagtitinda ng mga karneng baka, baboy, manok at iba pa. Minsan umaangkat din ako sa kanya.

"Bakit sino ba yan?"Hindi ko kilala ang tinuturo niya, dayo siguro ito dito sa isla ngayon ko lang kasi ito nakita.

"Hindi ko din kilala eh pero tingnan mo ang pogi diba?"

"Huy Dani! umayos ka nga sumbong kita sa nanay mo eh..kabata bata pa natin...magtinda ka na nga ja---"

"Shocks Fyre papunta siya dito.... kausapin mo...sige na kausapin mo, ialok mo yang mga isda mo."

"Ikaw kaya ang mag-alok, ikaw yung konti pa ang naibenta gurl." pakikipag argumento ko pa dito, pero hindi na ito sumagot at biglang natulala. Nakanganga pa ang bruha. Pagtingin ko sa harap ko, nasa tapat ko na pala yung lalaking sinasabi niya.

Ngumiti ito sa akin. Sh*t ang puti ng ngipin niya,model kaya ito ng toothpaste? Ang gwapo naman niya, artista ba siya? Baka nga artista di ko lang kilala. Wala naman kasi akong tv sa bahay nasira nung malakas ang ulan, sabi natamaan daw ng kidlat.

"Uhm how much per kilo?" hala ang ganda ng boses niya. Para akong nabato at hindi agad nakasagot. May mga tao palang ganito yung tipong nagpaulan ng grasya ang panginoon sinalo naman lahat.

"Close your mouth baka mapasukan ng langaw" sabi nito sa akin kaya para akong binuhusan ng yelo. Sh*t nakakahiya. Please lupa lamunin mo na ako ngayon din. Agad ko namang itinikom ang bibig ko at umayos nang tayo.

"180 po ito..ilang kilo po ang bibilhin niyo?" pormal kung sabi sa kanya.

"How many kilos all that?" Ay sosyal to, englisero.. Anak mayaman siguro, yun kasi sabi nila pag anak mayaman matatas mag-englis.

"Limang kilo po lahat." nahihiya akong tumingin sa kanya. 

"Okay. I'll take all!" Sh*it na malagkit pag sinuwerte nga naman.. sana araw-araw may poging uubos nang paninda ko.. Thank you Lord, swerte ko talaga.

"Okay po, saglit ibabalot ko muna." agad kong isinilid ang lahat ng isda at ibinigay sa kanya, medyo nahirapan siya sa pagbitbit kasi may iba pa siyang dala. Nakakahiya man pero nag-offer na ako sa kanyang tulungan siya. 

"Tulungan ko na po kayo, saan po ba ang sasakyan niyo at dadalhin ko na tong isda."

Alam kong nahihiya siya pero hindi niya na madala yung binili niya sa akin kaya napilitan din siyang isama ako kung saan nakaparada ang sasakyan niya.

"Ahmm thank you Miss. Please put it here" sabay turo niya sa cooler na may laman ding ibang isda at karne. May outing siguro sila kaya ang dami niyang dalang pagkain sa likod ng sasakyan niya. Tila nabasa niya ang iniisip ko.

"We're having an outing in Isla Aurora." baling nito sa akin. Ah kaya pala, mayaman nga siguro to kasi  ang binanggit niyang ay isang sikat na beach resort dito sa isla.Mahal ang bayad kaya mga mayayaman lang ang nakakapasok.

" By the way I'm Derick and you are? sabay taas sa isang kamay nito para makipag kamay. Oh my gosh nakakahiya amoy isda ang kamay ko.

"Ay wag na po kuya malansa yung kamay ko.." nahihiya kong sabi sa kanya. Totoo naman talagang malansa ang kamay ko, malamang naglalako ako ng isda. Hindi ko na din sinabi ang pangalan ko sa kanya, nakakahiya na tsaka hindi na din naman kami magkikita nito.

"Sige po kuya salamat sa pagpakyaw sa paninda ko... balik na po ako sa pwesto ko, ingat po kayo."

Doon ka siya nakilala. Sinong mag-aakala na ang lalaking tinawag kong kuya at namakyaw ng paninda kong isda ang siyang mapapangasawa ko. Ang lalaking makakasama ko habang buhay.

Araw-araw kong ipinagpasalamat sa panginoon na dininig niya ang panalangin ko. Binigyan niya ako ng taong maging katuwang ko.

Sobrang saya ko sa araw na ito, dahil ngayon ang katuparan sa matagal ko ng pangarap ang maikasal sa taong mahal ko.

Suot ang puti kong trahe de boda, naglalakad akong nag-iisa papunta sa lalaking naghihintay sa akin sa dulo ng altar. Sabay sa magandang tugtog ng paborito naming kanta.

Nanlalabo ang aking paningin dahil hindi ko magilan ang pagbuhos ng mga luha sa aking mata sa sobrang kasiyahan.

His gray eyes is staring right through me, like he was looking through my soul. Ilang dipa na lang ang layo ko sa kanya, nakita kong may namumuong luha sa kanyang mga mata.  Bigla siyang umiling sa akin, kita kong iba ang ipinapakita ng mga mata niya. Bakit hindi kasiyahan ang nakikita ko sa kulay abo niyang mga mata. Naguguluhan man pero ipinagpatuloy ko pa rin ang paglapit ko sa kanya.

Nang akmang hahawak na ako sa kanyang mga bisig, bigla siyang umatras sa akin at tumakbo palabas ng simbahan.Naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit siya tumakbo?Bakit niya ako iniwan?  Para akong sinaksak ng madaming beses, ang lalaking nangako sa akin na mamahalin ako habang buhay ay lumayo sa araw ng kasal namin. 

I stared at the crucifix blankly. Bakit kailangang umabot pa sa ganito. Hindi ko na alam kung ano ang nagyayari sa paligid ko, ang alam ko lang ay sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.  I felt like I've been stabbed in my chest a million times. It pains me lot, na parang sasabog na yung puso ko sa sakit. Para akong mamatay habang nakasalampak sa harap ng altar sa sakit na aking nadarama. Ano bang naging kasalanan ko at kailangan kong maparusahan ng ganito?

Alam kong awang-awa ang lahat sa aking kalagayan, pero walang nagtangkang lumapit sa akin. Para akong mababaliw sa sobrang sakit. Iyak ako ng iyak hanggang sa wala ng luhang lumabas sa aking mga mata. Hanggang naging manhid na ang katawan ko. Hanggang sa naging malabo ang lahat sa paligid ko.

It's been 10 years...Ang bilis nang panahon....

"Engineer Saph, nasa meeting room na po ang mga investors." tawag ng sekretarya ko sa akin.

"Okay Ana..be there in a minute." Agad akong tumayo. 

Kailangan ko nang harapin kung sino man ang dapat kong harapin. The long wait is over. Engineer Sapphira Audrey Mendez is back.Live and alive!

Comments (2)
goodnovel comment avatar
buj gqab
minsan mapagbiro ang tadhana...
goodnovel comment avatar
Lourdes Sadaya
ma's maganda sana Kong nakwento din umpisa until unti Yong mga struggles ng buhay pg ibig ni sapphira hanggang duon sa kng bakit nng Iwan Yong boy .
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status