Share

Chapter 2

"Baby girl, how are you?"maarteng bati ng bakla sabay beso kay Kathiana pagpasok namin dito sa sinasabing niyang agency nila.

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Talagang mapapa-wow ka sa ganda ng interior design nila. The details are superb, alam mong hindi putcho-putcho yung nag-plano nito.

Napansin kong ang daming magagandang babae at lalaki ang labas masok sa gusali. Ito siguro yung sinasabi ni Kathiana na mga models na mina-manage ng kanilang agency.

Bigatin pala talaga itong si Kathiana, pero hindi man lang halata sa kilos nito. I mean maganda siyang manamit, bagay sa kanya dahil maganda rin naman siya pero hindi mo talaga siya makitaan ng hangin sa katawan.

"Mama O." b****o rin ito sa bakla. Ganito talaga pag mga sosyal noh beso-beso talaga, eh kaming dalawa ni Daphne apir lang okay na.

"I'd like you to meet Sapphira, siya yung sinasabi ko sayong representative namin for the Miss Intramurals." Nakangiting pakilala ni Kathiana sa akin.

Umayos ako ng tayo kasi ako ng tingin ng bakla mula ulo hanggang paa. Pagkatapos humakbang ito palapit sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko. Muntik ko pa siyang maitulak sa pagkabigla ko.

"Oh my gosh baby girl! Bakit ngayon mo lang dinala rito itong kaibigan mo? She's so pretty! Bagay sa kanya maging model ng mga creations ko!" nakatikwas ang kamay nito habang nagsasalita.

"Ang ganda mong bata. Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?" dagdag papuri niya sa akin.

"Pretty right? Sabi ko sayo bagay siya maging model Mamsh, kaso ayaw niya eh." naka-pout pang sabi ni Kath sa tinawag niyang Mama O.

Nahiya naman ako sa papuri nila. Hindi naman kasi ako sanay na pinupuri ng harap-harapan talaga. Bahagya akong ngumiti sa kanya dahil nakita kong titig na titig ito sa akin. Sobra naman makatitig to si Mama O! Akala mo gandang-ganda sa akin, baka china-charot lang ako nito eh.

"Mamsh! " pinitik ni Kathiana ang kamay sa harap ni Mama O dahil mukha itong namaligno sa uri ng tingin niya sa akin. Para tuloy gusto kong maniwala na nagagandahan talaga siya sa akin.

"Yes darling! Ako nang bahala sa kaibigan mo." tsaka hinila ako nito sa isang silid kung saan doon nakahilera ang ibat-ibang klase ng mga damit.

"Make sure Mama O na magaganda iyang ipapasuot mo kay Saph ha, last year na namin ngayon. Gusto ko na manalo kami sa huling taon namin." Pahabol ni Kathiana.

"Sure darling, akong bahala sa lahat. Pati sapatos, make-up artist at lahat-lahat na. Papayag ba naman akong matalo ang alaga ko?"

"Very good, Mama O. You know me, I won't accept defeat."

Umabot kami ng kalahating araw doon sa studio nila Kathiana. Kung anu-anong damit, sapatos at iba pang mga props na aking gagamitin ang pinasukat sa akin. Kung alam ko lang na ganito pala karami ang gagawin, hinding-hindi talaga ako papayag.

Akala ko Madali lang ang lahat pero ang hirap pala. Ilang araw din kaming pabalik-balik ni Kath sa studio nila para mag-ensayo. Pero pasalamat na lang din ako dahil marami akong natutunan. Kahit paano may bago akong dagdag kaalaman at experience. Kahit nga ang pagsagot sa Q&A tinuro din ni Mama O sa akin. He is very nice and professional. Halatang alam talaga nito ang trabaho niya. Tsaka sobrang tiyaga niya sa akin.

Mabuti na lang din at todo suporta si Kath. Hindi talaga ako nito iniwan. Tinuruan pa nila ako ng tamang paglakad at tamang pag-ikot suot ang gown na aking gagamitin. Ang arte-arte pa ni Mama O, nananakit na nga ang paa ko sa kakalakad nang naka heels ayaw pa akong patigilin.

In between our practice, he keeps convincing me to accept his offer to be one of their models pero hindi ko talaga kaya. Ito pa nga lang practice namin nahihirapan na ako. Paano na lang kapag nag-mo-modelling na, aba'y tiyak paltos ang aabutin ko.

Kung hindi pa si Kath ang nagsabing tumigil na kami baka hanggang hating-gabi pa kami mag-pa-practice. At araw-araw yun.

Kaya sigurado na akong ayaw ko sa mga model-model na yan, ang hirap ng trabaho nila. Hindi ko kakayanin!

Itong sa pageant na lang ang seseryosohin ko. Naisip ko na pumayag na lang din naman ako eh di galingan ko na lang din. I did may best to follow all Mama O's instructions. The training was hard but it's all worth it.

Na-impressed pa nga si Mama O sa akin, madali lang daw akong turuan. Anong madali? Kung di lang ako nahiya kay Kath nagback-out na ako eh. Pero nandito na ako, wala nang atrasan 'to.

Ito pa ba aatrasan ko? Subject ko nga sa engineering na sobrang hirap ipinasa ko, ito pa kaya? Charot!

"Ladies and gentlemen! Candidate number 3 from Engineering Department, Miss Sapphira Audrey Mendez!" malakas na hiyawan ng mga studyante ang aking narinig bago ako nagsimulang rumampa.

Nawala ang lahat ng kaba hiya ko pagkatama ng spotlight sa akin. I walked slowly and elegantly in every corner of the stage gaya ng itinuro ng team ni Mama O sa akin. I gracefully turned around and pose like a pro with a sweet smile plastered in my face.

Tumingi ako sa kaliwang bahagi ng stage kung saan naka-pwesto ang mga engineering students at ngumiti sa kanila. Dahil sa ginawa kung yun lalong naghihiyawan ang mga studyante ang iba ay kinalampag pa ang drums na dala.

I'm dressed in a floor-length tulle sequined mermaid v-neck sleeveless sexy dress. It emphasizes my curves perfectly at backless ito, kaya kitang-kita ang makinis kong likod sa tuwing umiikot ako.

"We love you Sapphira!" narinig kong sigaw kaya lalo akong napangiti.

Nakita kong proud na proud si Mama O sa pinakita kong pag-rampa. Si Kathiana ang may dala ng camera at kanina pa ito ako nito pini-pictureran. Ang mga katropa naman niya kasama si Dani ay hindi magkandaugaga sa pagtaas ng banner na dala nila.

What a suppport coming from them. So overwhelming kaya nawala lahat ng inhibisyon ko sa katawan. I have to show my best dahil sa suportang ibinigay nila sa akin.

Lalo akong ginanahang maglakad sa stage hanggang sa huminto ako sa gitna kung saan nakapwesto ang host na magtatanong sa akin.

Kinakabahan akong tumabi sa kanya pero hindi ko iyon pinahalata. Sabi nga ni Mama O dapat palaging may grace under pressure. O' di ba? Isinaksak ko talaga sa utak ko yon.

"Good evening, Miss Mendez. How are you feeling?" tanong ng kapederasyon ni Mama O.

"Good evening too, I'm fine, thank you." sagot ko at ngumiti ako nang matamis sa kanya.

"I love you Miss Engineering!" sigaw mula sa crowd ng engineering department kaya nag-tawanan ang mga nanonood.

Alam mo naman 'pag nasa engineering department ka, lahat na yata na klase ng studyante nandoon, kaya ano pang inaasahan mo.

Napatingin ako sa gawi kung saan may sumigaw at tumingin ako sa mga judges. Lahat sila nakangiti na din ngayon pero may isang judge na lalaki ang pamilyar sa akin ang mukha na wala man lang kangiti-ngiti. Seryoso lamang itong nakatingin sa akin.

He really looked familiar. I'm trying to remember kung saan ko siya nakita pero hindi ko talaga maalala kaya binalewala ko na lang. Mamaya ko na lang ulit aalalahanin at may tanong pa akong dapat sagutin.

"Okay! Candidate number 3, please pick one envelope from here, whoever is written inside it will be the one to ask your question." inilapit nito ang mga envelop kaya kumuha ako ng isa at ibinigay sa kanya.

"Are you ready?" I confidently smiled at him.

"Okay here we go. Your question for tonight will come from our handsome judge, The VP of Valderama Construction and Land Development Corp. Mr. Vin Derick Valderama."

Kumalabog ang puso ko. Napatitig ako sa mukha niya lalo na sa kanyang mga mata. Malayo siya sa akin pero dama ko ang intensidad ng mga titig niya. Para bang umaabot hanggang sa kaibutaran ang paraan ng pagtitig nito sa akin.

Oh wait! Naalala ko na! Siya si Kuyang namakyaw ng isda ko sa palengke three years ago. Kaya pala pamilyar ang pagmumukha niya sa akin. I remained smiling, hindi ko pwedeng ipakitang kinakabahan ako.

He looked more matured now. Sobrang layo sa porma niya nung pumunta sila sa isla. I never expected na magkikita kami ulit.

Sobrang gwapo nito sa suot niyang formal suit, black coat and pants and dark green polo na panloob, para itong modelo. His hair is short and spiky in front plus crew cut that makes him more gorgeous. There's something uniquely provocative about this man. He looks rough and intellectual at the same time.

"Good evening, Miss Mendez." He said in a baritone voice. Shocks ang ganda ng boses ni Kuya, parang nagwawala 'yong mga paru-paro sa tiyan ko.

"Good evening." I replied, showing him my best smile.

"Here's your question..." he took a glance at the paper in front of him. "Do you believe in soulmates?"

I was shocked at his question para akong nag-spaced out. I never expected that it will the question for me. Akala ko kasi mga current events. I wasn't prepared for this type of question at hindi din namin ito na-practice ni Mama O.

Pahirapan naman itong si Kuyang pogi, ano ba yan! But I have to answer him.

Well, naniniwala nga ba ako?

"Yes." I answered confidently but deep inside parang lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba. Ano kaya ang follow-up question nito sa akin.

His grey eyes are sharp but pleasant, matching his pointed nose and heart-shaped lips. His prominent jaw and square chin give him the appearance of a Greek god. He looks so handsome. Kulang ang salitang yun para ilarawan ko kung gaano siya kagwapo.

May mga tao pala talaga na biniyayaan ng sobrang kagandahan at kagwapuhan gaya na lang nitong lalaking nasa harap ko ngayon. Siguro nung nagsabog ng kagwapuhan ang Panginoon, gising na gising ang mga parents niya at nasalo lahat.

Matamis akong ngumiti sa kanya at lalong naging seryoso ang tingin nito sa akin. Ibang-iba sa Kuyang nakilala ko sa palengke dati.

"How do you know that someone is your soulmate then?" he followed up.

Kahit hindi namin ito napag-practice-san nila Mama O, I have to answer him from the heart. Manalo man o matalo at least I gave them my best shot. Hindi naman kasi usual questions sa mga pageants 'tong itinanong niya sa akin.

I relaxed first, calmed my breathing and give him my sweetest smile.

"You just know it. They could be your brother, sister, friend, random person you met along the way, or someone you've met before. You'll know you've found your soulmate when you accept a person for who they are and don't try to change anything about them." I paused for a while then continue.

"With your soulmate, you also feel a sense of oneness, as if you've found the half that will make you whole. No words are needed, you understand and complement each other. Someone who can let you feel the inner peace and warmth in your heart. I believe that he or she is the person who stands by your side at your best moments cheering you on, and the same person who stands by your side during your most tragic failures. Thank you."

The crowd went wild after hearing my answer. Nagsisigawan ang mga studyante sa kanilang mga papuri sa akin. Hindi rin ako makapaniwala sa naging sagot ko. Iyon ang lumabas sa bibig ko dahil 'yon nilalaman ng puso ko. Other judges also nodded as if they agreed on my answer. Pagtingin ko sa kanya nakita kong bahagya umangat ang isang sulok ng labi niya pagkatapos may maliit na ngiti na gumuhit dito.

Oh shit! He looks more dashing and handsome when he smiles.

"Very well said candidate number 3!" sabi ng host sa akin bago ako tumalikod at pumunta sa back stage.

"Oh my gosh BFF! Ang galing galing mo talaga!" tumitiling bati ni Daniella sa akin sa back stage.

"You nailed it girl! Sabi ko sayo eh!" niyakap pa ako ni Kath habang pautoy ito sa pagpuri sa akin.

Hindi ko tuloy alam kung may laban ba talaga kami. Magaganda din naman ang sagot nung iba. Yung mga tanong sa kanila ay yung mga tanong na talagang pang-pageant. Hindi yung mga soulmate-soulmate kagaya nung sa akin.

Tinawag ulit ang lahat ng contestant na bumalik sa stage para sa awarding of winners. Nanginginig ang tuhod ko habang naghihintay kung sino ang ipo-prokalamang Miss Intrams sa taong ito. Maayos man ang naging sagot ko pero hindi ako kampante na ako ang mananalo. Magagaling din ang representative ng ibang colleges.

"This year's Miss Intramurals is..." binuksan ng host ang envelope at ngumiti sa aming mga kandidata. Tinanong pa nito ang mga studyante kung sino ang bet nang mga ito. Kanya-kanyang sigawan ang lahat sa kanilang mga pambato.

"Congratulations... Candidate number..." drum roll. "3! From the College of Engineering! Miss Sapphira Audrey Mendez!"

I don't know what to feel. Napako ako sa aking kinatatayuan. I can't believe na ako ang tatanghaling winner sa taong ito. Totoo ba talaga to? Bakit? Dahil ba doon sa naging sagot ko?

"Miss Mendez, please come forward!" natatawang tawag ng host sa akin. Doon pa lang ako gumalaw at sinimulang naglakad papunta sa harap.

Ipinatong sa ulo ko ang korona ng dating nanalong Miss Intrams at nag-picture kami kasama ang iba pang mga nanalo. Para akong nakalutang. Nakangiti ako pero wala talaga doon ang isip ko. Hindi pa rin ako makapaniwala.

Everyone congratulated me. Sabi nila deserve ko daw manalo. Ang galing daw ng pagrampa ko at ang ganda ng sagot ko. Ngiti lang ang naging ganti ko sa kanila.

I was speechless, still can't believe that I really left a legacy like what Kathiana said.

After the picture, pumunta na ako sa likod. I didn't get the chance to be close to him during the picture taking with the judges dahil hindi naman ito lumapit sa akin. Sa pinakadulong pwesto ito malayo sa akin tumayo.

Siguro nga nakalimutan na niya, na ako 'yong binilhan niya ng isda dati sa isla. Akala ko pa naman maalala niya at e-congratulat niya rin ako pero hindi nangyari.

I feel little bit sad but... it's fine, ganoon talaga ang buhay. Sayang at naging isnabero na siya ngayon. Mukhang palakaibigan pa naman siya nung unang kita ko sa kanya sa isla.

It's a great feeling knowing that your effort paid off. Tuwang-tuwa si Mama O pati ang team niya. Si Kathiana at Daniella ay naiyak pa sa sobrang kasiyahan. Ang buong Engineering Department ay nagbunyi sa aking pagpakapanalo. After 5 years nakuha ulit ng department namin ang korona.

They are all so happy and proud of me. Binigyan pa ako ni Mamu ng gift at calling card sakaling magbago ang isip ko at tanggapin ko ang alok niyang pagmo-modelo.

I felt so elated. Walang paglagyan ang saya ng puso ko. Kung buhay pa siguro si Mama, siya ang pinaka-masaya para sa akin. Ito ang matagal niyang pangarap, sabi niya pa noon kahit isang beses lang masubukan kong sumali sa ganitong contest. Pero kahit wala na sila ni Papa, inaalay ko pa rin ang tagumpay ko sa kanila.

"Congratulations Miss Mendez." I heard a baritone voice talking behind me.

Natahimik kami ng mga kaibigan ko dahil hindi namin inaasahan ang lalaking babati sa akin ngayon. Nandito kami sa parking lot dahil ihahatid kami ng driver ni Kathiana pauwi sa boarding house namin ni Dani.

"Oh my gosh ang gwapo niya!"

"Sh*t he's so hot!"

"Akin siya gurl, back off!"

Dinig kong bulung-bulungan ng mga babaeng nasa paligid lang. Agad akong napalingon sa pinang-galingan ng boses. Pagkakita kong siya, para akong na-hipnotismo sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

He extended his arm, para makipagkamay sa akin. Habang ang isang kamay nito ay may dalang fresh bouquet of flowers.

Kung hindi pa ako siniko ni Daniella hindi ko pa namalayang nakatulala na pala ako sa kanya.

"For you." Pati ang boses niya parang may kakaibang hatid sa akin. "I hope you'll like it."

"Uhm, thank you Sir." tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad at ang bulaklak na binigay niya sa akin.

Wala itong ibang sinabi sa akin, nanatili lamang itong nakatitig. Ganun din ako sa kanya. Parang tumigil saglit ang pag-ikot ng mundo sa pagitan naming dalawa. Kita ko ang lamlam ng kanyang abuhing mata.

The reflection from the night light intensifies the color of his eyes. His expressive gray eyes convey a profound message. Something that I couldn't describe.

"I still remember you...Soulmate." he muttered, ako lamang ang nakarinig sa sobrang hina nang pagkasabi nito.

I gasped, nanlaki ang aking mga mata. He smirked and smiled bago ito nagpaalam sa aming lahat. He didn't even give me the chance to answer him. Nakita ko na lang ang kanyang sasakyan na paalis na sa parking area.

What a night...

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Joy Biaca Ortega Salustiano
very interesting story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status