Share

Chapter 1

"SAPPHIRA!" dinig kong tawag sa akin ng president ng College of Engineering pero hindi ako lumingon. Alam kong kukulitin na naman ako nitong maging representative sa darating na Miss Intramurals.

Binilisan ko ang aking paglakad at agad akong kumubli sa mga mayayabong na halaman sa likurang bahagi ng isa sa mga classroom dito sa block namin.

Ewan ko ba dito sa president namin, sa dinami-dami ba naman ng mga engineering students na magaganda ako pa talaga ang pinagkakainteresan niya. Ang dami ko pang plates na kailangang tapusin. Wala akong panahon para sa pa-contest na yan.

This is my last year in college. Ang daming requirements na dapat tapusin. Dagdagan pa ng pangungulit nila Kathiana sa akin.

Alam naman nilang hindi ako mahilig sa mga beauty pageant na yan. Ayaw kong ipahiya ang department namin lalo na ang sarili ko. May question and answer portion pa naman. Anong isasagot ko? Baka pagdating sa Q&A magiging kulelat ako, nakakahiya!

It's not that sobrang bobo ko na hindi talaga makasagot, wala lang talaga akong confidence na sumali sa mga ganyan. Baka matapilok pa ako o di kaya mapunit yung gown ko. Ay naku!

Kahit anong alibi na ang ginawa ko dito hindi pa rin ito tumitigil sa pagkumbinse sa akin. Last year ko na kasi at simula first year pa itong nangungumbinse sa akin pero hindi ako pumayag.

Isa pa, sakaling sasali ako sa ganyan kailangan ko na naman rumaket, dagdag gastos pa iyan kahit sabihin nilang sila ang bahala sa lahat-lahat.

Medyo nabawasan pa naman ngayon ang oras ng pagtitinda ko sa palengke ng isda dahil ang dami ng requirements para makapagtapos ako.

Nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko na narinig ang boses ni Kathiana. Siguro hindi niya na ako nasundan, mabuti naman. Inayos ko muna ang pagkasukbit ng aking back pack para makapunta na ako sa library. Doon na lang muna ako tatambay para sa next subject ko.

Kainis! Gusto ko pa naman sanang tumambay sa cafeteria ngayon. Nasaan na ba kasi si Daniella? Isa rin 'tong babaeng 'to bigla na lang nawala kanina pagkatapos ng klase namin.

Inilibot ko ang tingin sa paligid, hinahanap kung may anino b ani Daniela pero wala. Kaya napagdesisunan kong pumunta nalang sa libraray ng mag-isa. Bahala si Dani maghanap sa akin. Kasalanan niya rin naman at bigla siyang umalis.

"Bulaga!"

Shit muntik akong mabuwal sa pagkabigla ng biglang sumulpot si Daniella. Tawang-tawa pa ito ng makita ang reaksyon ko.

"Bwiset ka talaga Dani! Alam mo yun?" napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang pagkagulat ko sa kanya. Feeling ko lumabas yung kaluluwa ko sa aking katawan sa sobrang kaba. Habang ito naman ay namumula na sa kakatawa. Nakahawak pa ito sa tiyan niya at maluha-luha pa.

"Kung nakita mo lang ang pagmumukha mo Saph mukha kang najejebs na hindi ko ma-describe!" turo pa nito sa akin.

"Wow tuwang-tuwa tayo ah? Kung ako makaganti sayo siguraduhin mo lang na hindi ka magagalit ha, pikon ka pa naman."

Tumigil ito sa katatawa at humawak sa braso ko.

"Ito namang bff ko, hindi na mabiro!"

"Biro? Huy Dani wag mo akong mabiro-biro ng ganun at baka may hawak akong panghampas at nahampas kita kasalanan ko pa!" pinamaywangan ko siya pero deadma lang ito.

"Bakit ka ba kasi nakatago doon? Sino bang pinagtataguan mo? Yung manliligaw mo ba?"

"Manliligaw?! Tumahimik ka nga Daniella! Sumbong kita sa Nanay mo eh puro manliligaw 'yang nasa utak mo" Napanguso ito na parang bata. "Lam mo ikaw, yan ang nakukuha mo kaka-selpon mo."

"Ito naman, daig pa si Nanay kung makasermon sa akin. Sino ka basi pinagtataguan mod yan?" Maktol nito.

"Sino pa eh di si Kathiana."

"Ha? Si Kathiana? Bakit?" Naguguluhang tanong nito.

"Ano pa nga ba? Nangungulit na naman sa akin tungkol doon sa Miss Intrams na yan. Ilang beses ko na bang sinabing ayaw ko pero ang tigas din ng bungo eh."

Huminto ako at tumingin kay Dani. Sinipat ko ito mula ulo hanggang paa. Maganda at matangkad din naman ito, siya na lang kaya ang gawin naming pamabato? Tiyak may tsansa pa siyang manalo.

Tumaas-baba ang kilay ko sa kanya kaya napakunot noo siya.

"Dani gurl alam ko na ang dapat gawin!" I giggled.

"Ano? Papapayag ka na?" excited nitong tanong sa akin.

Umiling-iling ako at itinaas ko pa ang aking hintuturo.

"Nope. Nope. Nope!" I said while pouting.

"Eh ano naman? Alam mo Sapphira para ka ring sira ano?" nakangusong sabi nito. Alam ko 'pag ganito ang ekspresyon ng mukha niya malapit na itong mapikon.

"Kilala ko na kung sino ang pwedeng maging representative natin para sa Miss Intrams."

"O talaga? Sino?"

Excited huh? Tingnan natin kung magiging excited ka pa ba kung sabihin kong ikaw...

"Basta... Ako nang bahala doon!"

"Sino nga muntanga naman 'to eh! Ang arte-arte di nalang sabihin para matapos. Nakoww bff siguraduhin mo lang mas maganda yan sayo kung hindi sayang lang pag-nominate ko sayo!"

Parang mabali ang leeg ko sa biglaang paglingon ko sa kanya. Lintek!

"Ayyy!" napatakip ito sa kanyang bibig. Nag peace sign ito sa akin. O eh di nadulas ka rin? Duda na ako dati pa eh pero hindi ko lang pinagtuunan ng pansin.

Kaya pala pati ito kinukumbinse ako, siya pala talaga ang may pakana! Sarap sungalngalin ang bibig ng babaeng to. Kung hindi ko lang talaga 'to bestfriend baka nasakal ko na ito.

Matalim ko siyang tiningnan. Pinaliit ko pa ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

"Wala akong sinabi BFF promise! Promise wala talaga!" itinaas pa nito ang kaliwang kamay, napaghalataan tuloy na hindi sincere.

"Ahuh? Kaya pala... kaya pala todo support ka kay Kathiana dahil ikaw ang may pakana!"

Inakbayan ko siya at dahil matangkad ako kaunti sa kanya. Pinulupot ko ang braso sa leeg niya na para itong sinasakal.

"BFF please... Sapphirang maganda, my best friend my love. Last year na naman natin ito kaya sige na pumayag ka na!"

I acted choking her using my arms. Pero ang loka kahit hindi naman masikip pagkasakal ko umaakting din itong nauubo. Napaka drama talaga ng babaeng ito. Imbes na magalit ako sa kanya napatawa tuloy ako.

Binitiwan ko siya at binilisan ko ang paglakad. Nagkunwari akong galit sa kanya. Humahabol ito ngayon sa akin.

"Ewan ko sayo! Magsama kayo ni Kathiana." M*****a kong sabi pero muli itong nakahabol sa akin at pinulupot ang mga kamay niya sa braso ko.

"BFF wag ka na magalit sa akin. Alam mo ba sabi ni Kath kung sino ang papayag maging representative hindi na mag eexam ng finals kay Madam Aguilar. 'Di ba mahirap 'yong subject natin sa kanya? Dalawang subjects din 'yon BFF! Tiyak mababawasan ang alalahanin mo." Hindi ako nagsalita.

"Tsaka Bff kapag pumayag ka wala ka namang gagastusin. Sabi ni Kath siya na ang bahala sa lahat at baka malay mo may mga talent scout na darating makikita ka, mapapusuan at gagawing artista. Ayaw mo noon? Hindi na tayo magtitinda ng isda, hindi na tayo maglilinis ng ibang bahay, hindi na tayo mangkuskos ng kubeta." Tiningna ko siya at tinaasan ng isang kilay. Ang galing talaga mangumbinsi ng babaeng 'to. Eh kung siya na lang kaya ang sumali ganun naman pala.

'Pag-isipan mo Bff, nasa sayo nakasalalay ang kinabukasan natin. Baka ito na ang sagot sa kahirapan."

"Hmmp! Ewan ko sayo!" inirapan ko siya.

Imbes na sa library ang balak kong puntahan kanina dito kami natuloy ni Daniella sa cafeteria. Okay na rin dahil nagugutom na ako.

Kauupo ko palang at hindi pa man ako nakakasubo ng pagkain ko nang marinig ko ang matinis na boses ni Kathiana. Napamura ako sa aking isipan. Wrong move yata na dito kami pumunta. Ano pang magagawa ko naglalakad na ito palapit sa akin.

"Sapphira, kanina pa talaga kita hinahanap! Tinawag nga kita kanina pero hindi ka naman lumingon." maarteng sabi nito sa akin. Gusto ko siyang irapan pero di ko ginawa kasi kasama niya ang mga tropa niya.

Pero infairness naman kay Kahthiana, maarte lang 'to magsalita pero mabait naman ito sa akin. Hindi rin ito matapobre gaya ng ibang mga studyante na kung makaasta akala mo nagmamay-ari ng paaralang 'to.

"Kain tayo Kath." Aya ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin at umupo sa harap namin ni Dani. "I'm done eating. Kumain ka lang, I'll just wait for you."

My goodness hindi talaga ito susuko! Gusto ko nalang bitbitin 'tong pagkain ko at kumain dun sa likuran.

Hinayaan ko siyang umupo sa harap namin habang yung mga katropa niya doon naman sa kabilang table. Nagsimula na kong kumain dahil kanina pa ako nagugutom. Wala din naman palang silbi ang pagtatago ko kanina at nahanap pa ako nito ngayon.

Napansin kong nakatitig ito sa akin kaya napatikhim ako.

"What is it Kath?" Tanong ko.

"Uhm nothing, I just find you really beautiful Saph" she said, I can feel the sincerity in her voice. "In case Saph... just in case, are you willing to be a model?"

Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Ano naman ang naisipan nito at tinatanong ako nang ganito. Kanina pagsali lang sa pageant ang pakay nito bakit parang nadagdagan yata ngayon?

I shook my head in exaggeration para ma-feel niyang hindi ko forte kung ano man ang nasa isipan niya. Muntik pa nga akong mabulunan sa tanong niya sa akin.

Modelling ba kamo? Ano naman ang imo-model ko? Kung mga isda sa palengke sanay akong i-model okay lang pero yung totoong modeling hindi ko kaya yun.

"Ano ka ba Kathiana, nakakahiya ang pinagsasabi mo! Baka may makarinig sa atin sabihin pang ang feeling ko." I joked to her para isipin niyang hindi ako interisado sa sinabi niya. As if naman may kukuha sa akin.

"Why not? You're tall, sexy and beautiful. Talaga naman pwede kang maging model." seryosong sabi nito.

Pinaglalaruan ba ako nito? But I can't see that she's just joking. The way she talks is like she's really sure about her words.

"Do you know that we own a modelling agency?" Sabi nito sa akin, tumingin lang ako sa kanya dahil ano naman ang gagawin ko doon.

Why she is saying this to me?

"I can tell my mom about you. No need for audition, diretsong training ka na. Do you want Saph?"

I shook my head exaggeratedly.

"No Kath, thanks!" tanggi ko sa kanya. Ayaw ko rin namang ipahiya itong si Kath sa mommy niya. Tsaka, huy! Jusko! Hindi ko nai-imagine ang sarili ko doon.

"Why? Malaki ang kita sa modelling world Saph it can help you. Don't get me wrong, okay? I just want to help in case you want." hinawakan pa nito ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa.

I can see that she's genuine with her offer. Pero sa ngayon wala talaga akong lakas ng loob para pumasok sa ganyan. Though pangarap ko yan noong nabubuhay pa ang mga magulang ko, pero ngayong wala na sila nawala na rin ang interes ko dito.

"Anyway, just tell me if you changed your mind Saph. I'm willing to help you, okay?"

Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng mga kaklase ko na ako na lang mag-isa sa buhay at ako mismo ang nagpapa-aral sa sarili ko. Minsan nga pinapautang pa nila ako para sabay akong makapag-exam sa kanila.

Tumango ako sa kanya at ngumiti. Sana lahat ng estudyante dito kasing bait ni Kathiana. Maganda na matalino pa.

"By the way I'm here to ask you again about being our representative for Miss Intrams Saph. Wala talaga kasi akong mahanap na mas higit pa sayo eh tsaka last year na natin ito Saph, at least leave some legacy here."

Hala may pa legacy si President.

"Please? For the last time?"

Napabuntong-hininga ako, tiyak na hindi talaga ako tatantanan ng mga ito kung hindi ako pumayag.

Ano pa bang magagawa ko? Hayyyyy.

"Okay." simpleng sagot ko.

"Oh my gosh really?!" Napatayo pa ito at yumakap sa akin.

"Pumapayag ka na Saph?! Sure?!" paninigurado nito kaya tumango ako.

" Oo na, ang kukulit ninyo eh!"

"Thank you Saph! Don't worry, promise I will take care of you! Akong bahala sa lahat-lahat ng gagamitin mo. Wala kang gagastusin ni piso."

Tumingin ako sa BFF kong nasa aking tabi. Kita ko ang kasiyahan sa mukha ni Daniella. Pangarap niya kasi 'to para sa akin. Noon paman bukambibig niya na ito.

Mukhang mapapasubo yata ako dito ah. Siguro mula ngayon magsasanay na naman akong maglakad nang naka high heels.

Pano yan? Bibili na naman ako kasi wala akong ganun. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Pwedeng magback out? Binabawi ko na pala ang sinabi ko.

Mukhang nabasa ni Kath ang iniisip ko.

"Don't worry about everything Saph, I will be the one to handle all your needs personally. Samahan mo ako bukas. Bibili tayo ng mga gagamitin mo."

"Okay." Tipid kong sagot sabay ang mahinang buntong hininga. Mukhang ito nan ga. Wala na akong takas.

Nagpaalam na itong umalis kasi may pupuntahan pa raw sila ng tropa niya. I can feel that she's happy dahil siguro nabawasan ang problema niya sa paghahanap ng representative namin. Pero kapalit nun, ako naman ngayon ang namomroblema.

Anong gagawin ko sa Q&A hindi naman maaring nganga ako dun. Tiyak sangkatutak na tukso galing sa mga ka block kong lalaki pag 'di ako nakasagot. Mahilig pa namang mambwiset ang mga 'yon.

Sino bang mag-aakala na isang Sapphira Audrey Mendez ang magiging representative ng Engineeing Department? Isang babaeng wala namang say sa Unibersidad na ito. Simpleng studyante lamang at hindi rin galing sa mayamang pamilya.

Para tuloy gusto kong isuka ang kinain ko kanina. Na-i-stress na tuloy ako. Ano ba itong pinasok ko? Nakakahiya naman kung bawiin ko kay Kathiana.

Hayaan na nga! Bahala na si Batman kung anong mangyari sa akin. I will just do my best para kahit papaano alam kong sinubukan ko rin gawin ang parte ko.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lourdes Sadaya
yan dapat gawin ng mga kabataan ngayon hindi nawawalan ng self confedence
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status