Share

Chapter 5

KINAKABAHAN ako habang palabas ng university, ngayon kasi ang napag-usapan naming araw na susunduin ako ni Derick dito sa university para maglinis sa condo niya.

Hindi nakasama sa akin si Dani ngayon dahil ni-rekomenda kami ni Mrs. Robles doon sa anak ng kumare niya. Sayang din naman kung hindi puntahan ni Dani kaya napilitan kaming maghiwalay ngayon.

Babae ang anak ng kumare ni Mrs. Robles kaya hindi rin ako masyadong nangamba para kay Dani tsaka itong si Derick naman nakilala na namin ni Dani so okay lang na ako mag-isang maglilinis sa unit niya.

"Saph, wait..." humahangos si Seb habang humahabol sa akin.

Tiyak magagalit na naman 'to kapag nalaman niyang maglilinis ako ng bahay ng ibang tao na mag-isa. What should I do now? Ayaw ko rin naman mag-sinungaling sa kanya. Bahala na nga.

"O Seb, wala ka bang pasok ngayon?" tanong ko.

Sa pagkakaalam ko kasi may klase pa siya kaya nagtataka ako at hinahabol ako nito ngayon.

"May klase pa ako, ibibigay ko lang ito sayo." Aniya sabay pakita sa akin ang paperbag na dala niya. "I bought these for you."

Tiningnan ko ang inabot niya sa akin. Cookies at macaroons ang laman nito, mga paborito kong pagkain.

"Thanks Sebastian, nag-abala ka pa, sana bukas mo na lang ito iniabot baka mahuli ka pa sa klase mo."

"Nah. I need to give it to you kasi mas masarap 'yan kapag bagong bake."

That's so sweet. Nag-effort pa talaga 'tong kaibigan ko.

"By the way where are you going? Bakit 'di mo kasama si Dani?"

"Ah may lilinisan lang kaming bahay Seb, nauna na si Dani." Hindi ko na lang binanggit na magka-ibang bahay ang lilinisan namin tiyak na hahaba pa ang usapan namin baka mas ma-late pa siya sa subject niya.

"Sige na Seb, bumalik ka na sa klase mo. Salamat ulit dito sa bigay mo ha. Kailangan ko na rin umalis."

Pagpaalam ko sa kanya dahil nakakahiya naman kay Derick, baka kanina pa ito naghihintay sa labas ng gate. Gusto pa nga sana akong sunduin nito sa loob ng campus pero tinanggihan ko, ayaw kong magka-issue dito sa university.

"Ingat ka Saph. Kainin mo yang binigay ko ha? Call me when you're done, okay?" Tumango lang ako sa kanya saka kumaway. Seb is such a nice guy. Kung sa ibang tao siguro to matagal nang pinagsamantalahana ang kabaitan niya. Pero kami ni Dani, genuine friendship yung habol namin sa kanya.

Hawak ang paper bag na bigay ni Seb sa akin nagmamadali akong maglakad papunta sa gate. Malayo palang kita ko na siya.

He is standing in the hood of his car. Posing effortlessly like a model. Hindi maiwasang mapapalingon ang mga estudyante sa gawi niya.

He's wearing plain white shirt paired with khaki shorts and white sneakers. Hindi naitago ng sumbrerong suot niya ang kanyang mukha bagkus higit pa itong dumagdag sa kagwapuhan niya.

My ghad what am I thinking? Erase that thought Sapphira! Maglilinis ka lang ng condo niya, period.

Napagawi ang tingin niya sa akin at agad itong umayos ng tayo at sinalubong ako.

"Hello Sapphira! How's your day?" bati niya sa akin sabay kuha ng bag ko. Nag-aalangan pa akong ibigay ito sa kanya pero parang balewala lang sa kanyang kinuha ito sa balikat ko.

"Hi! Okay lang po ako." But I stopped when I saw him frowning. Tama! Ayaw niya pala ng pino-po ko siya. " I mean okay lang ako,Derick." Nahihiya kong sabi. Parang hindi ata ako masasanay na hindi mag-'po' sa kanya at tawagin lang siya sa pangalan niya.

"A'ryt! That's great so, shall we go now?" Inilahad nito ang kamay niya para alalayan ako pagpasok sa kanyang sasakyan pero hindi ko tinanggap. Marami ang nakatingin sa amin baka ano pang isipin nila pero mukhang isa din itong makulit at ayaw paawat.

Pinagbuksan niya ako ng pinto, pinasakay sa loob bago ito umikot sa kabilang banda para magsimulang magmaneho.

He's quiet while driving to his condo at ganun din ako. There's an awkward silence between us pero hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko. Kaya mas pinili ko nalang din na tumahimik.

Dumaan muna kami saglit sa isang drive thru dahil bumili siya ng makakain daw namin. Pagkatapos dumiritso na kami kung saan ang condo unit niya. Nasa isang sikat na condo tower kami sa sentro. Ang lugar na to ay kilalang lugar ng mga mayayaman.

"Feel at home." Nakangiti niyang sabi sa akin pagkarating namin sa unit niya.

I'm surprised. His unit is already clean and organized. Minimalist and design nito, halatang lalaki ang nakatira. Wala masyadong palamuti, isang sunset painting lang sa wall.

Dumiretso siya sa kusina para ilagay ang pagkaing binili niya kanina habang ako ay nandito sa living room. Inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan para makita ko kung gaano ba kalaki ang lilinisan ko o kung may lilinisan pa ba ako.

His unit is cozy and warm, halatang pinag-planuhan ang pagkaka-design nito. I saw a plaque in the corner nakatihaya pa ito, siguro hindi niya pa naayos. Pasimple kong binasa kung anong nakasulat.

It's a plaque of appreciation for being the Top Performing Architect. And below is his name, Vin Derick Valderama.

Architect? Does it mean he's an Architect?"

Napatitig ako dito, I even blinked my eyes to make sure if it's really his name that's written on it. Yeah it's his name, so he really is an Architect. Ang galing naman, top performing pa talaga!

"Sapphira come here, let's eat first." tawag nito sa akin.

Maingat kong binaba ang plaque na hawak ko bago ako lumingon sa kanya. Nakita kong nakaayos na ang mga pagkain sa mesa. Hindi na ako nahiyang lumapit pa. I have to eat para makapagsimula na rin akong maglinis. 'Yon ay kung may lilinisin pa ba ako.

"Sit here." pinaghila ako nito ng upuan sa tabi niya.

"Wag na Derick, dito na lang ako sa tapat mo." Ayokong umupo sa tabi niya, naiilang ako 'pag sobrang malapit kami sa isa't isa.

He just shrugged his shoulder and then umupo na rin. We ate silently hanggang sa matapos kami. I notice that he's looking at me but I didn't mind it.

Niligpit ko ang pinagkainan namin at hinugasan ko ang mga ito, ilang piraso lang din naman. He remained looking at me while I'm moving around his kitchen.

"Uhm, Derick sa—" I was about to ask him kung saan ako magsimula nang magsalita din ito.

"Saph—" tawag niya sa akin pakiramdam ko bigla akong namula. Ewan ko pero parang may kakaibang dating sa tuwing binibigkas niya ang pangalan ko.

"go ahead..." sabi niya.

"No... Mauna ka na." sabi ko, baka kasi importante ang sasabihin niya sa akin.

Napakamot pa muna ito sa kilay niya. Mukhang nagda-dalawang-isip sa gusto niyang sabihin. So, I gave him an encouraging smile.

"Kasi...Ahhm how would I say this..." he took a deep breath first then continue talking.

"Can we talk first before you start doing anything? I want to know more about you first." I saw his face reddened after saying his last words. Pati ako ay namumula na rin. Parang nag-iinit ang pisngi ko.

I think it's not a good idea na ako lang mag-isang pumunta dito. Mabuti sana kung andito si Daniella dahil madaldal yun. Kahit papano hind imaging ganito ka-awkward sa pagitan namin.

Nahihiya akong tumingin sa kanya. Kailangan pa ba talaga yun? I mean, maglilinis lang naman ako ng unit niya. After this kapag nabayaran ko na ang perang pinambayad niya sa ospital bills ko hindi ko rin naman na siya makikita.

"Kasi 'di ba ang pangit naman na hindi man lang natin kilala ang isa't isa diba? 'Yon ay kung okay lang sayo."

Hindi pa rin ako nagsasalita. Okay nga lang ba para sa akin?

"Come." hinawakan nito ang kamay ko at iginiya ako papuntang living room niya. Hindi na ako nakapgprotesta pa. Hawak niya ang kamay ko habang nakasunod ako sa kanya.

I blushed while looking at his hand na hawak ngayon ang palapulsuhan ko. Parang biglang may sumipa sa dibdib ko at may mga paru-parong nagli-liparan sa tiyan ko. Ang bilis naman ni Kuya may pa-hawak kamay agad?

"Sit here." Pinaupo niya muna ako sa pang-isahang sofa habang siya naman ay umupo sa tapat ko.

"Let me introduce myself first para hindi ka mahiya." Nakangiting sabi nito sa akin. Prente itong nakaupo sa harap ko na parang nag-mo-modelo ng sofa na kinauupuan niya.

Ang gwapo niya pala lalo 'pag nakangiti. Pantay at sobrang puti ng ngipin. Para itong modelo ng toothpaste at tila ba nang-aakit ang klase ng ngiti nito sa akin.

"I'm Vin Derick Valderama, 26. Tatlo kaming magkakapatid, pangalawa ako. Dalawa kaming lalaki at babae 'yong bunso namin. I work as an Architect." simpleng pagpapakilala nito sa kanyang sarili.

He stopped talking ang slightly bend his body in front. Ang mga siko nito ngayon ay nakapatong sa sa kanyang mga hita at diretsong nakatingin sa akin. Ayaw ko talaga kapag tinitignan niya ako ng ganito, para akong naiilang na hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

"Ikaw naman." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Kailangan ba talaga?" Nahihiya kong tanong.

"Of course. I want to know you more and I want you to be comfortable while working here."

Magtatagal baa ko dito? Ilang buwan kaya?

Pero sige na nga, tama rin naman kasi siya. Gusto ko rin naman maging komportable habang nagta-trabaho sa kanya hanggang sa mabayaran ko yung binayad niya sa pagpapa-hospital sa akin.

"Sapphira Audrey Mendez ang full name ko. I just turned 21 at graduating na ako this year sa kursong Civil Engineering."

"Oh, so you're a future engineer. That's great!" nahihiya akong ngumiti sa kanya.

He asked me some questions at magalang ko naman siyang sinagot. Maayos naman siyang kausap tsaka mabait din kaya medyo nawala yung pagkailang ko sa kanya.

DOON nagsimula ang lahat sa pagitan naming dalawa. Naging magkaibigan kami. Kapag wala siyang trabaho sinusundo niya kami ni Dani sa university para isama kung saan-saan. Naging regular na rin akong taga-linis ng condo niya.

Isa pa sa nagustuhan ko sa kanya ay 'yong palagi niyang isinasama si Dani sa mga lakad namin. He knows na si Dani lang ang tanging kapamilya ko dito sa siyudad. Kung saan ako dapat palaging kadikit ko si Daniella. We are like package deal. Hindi kami pwedeng mapaghiwalay. Alam niya din na parang kapatid na ang turing ko dito kaya kung saan ako dapat nando'n din ito maliban na lang kung may iba itong gagawin.

Simula nang maging close kami ni Derick, hindi ko na rin masyadong nakaka-bonding si Seb. Ewan ko ba do'n bigla na lang naging busy. But I understand him, pressured din kasi ito sa Dad niya. Pero 'pag may bakante oras naman ito lumalabas pa rin naman kaming tatlo.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging komportable na ako sa kanya. Dama kong tunay yung pakikipagkaibigan niya sa amin. Regardless kung ano man ang katayuan niya sa buhay.

One day, he invited me and Dani to come with him sa isla Aurora and since hindi naman ako regular na nakakauwi sa isla kaya sumama ako sa kanya. Ang sabi niya madalas daw sila ng kaibigan niya dito. Gusto daw nila dito sa isla kasi tahimik.

Ako din naman, gustong-gusto ko dito. Wala nga lang akong ibang choice kundi ang iwan ito at makipagsapalaran sa ibang lugar para sa mga pangarap ko.

Simple lang ang buhay dito sa isa, tahimik, payapa at malayo sa gulo. Kung pwede nga lang sana dito lang ako.

Kaming dalawa lang naiwan sa resort dahil dumiretso si Dani sa bahay nila. Gusto niya raw sulitin ang weekend namin kasama ang mga kapatid at magulang niya. Parehas lang din kasi kami ni Dani na minsan lang nakakauwi sa isla dahil kailangan naming magtipid ng pamasahe. Kaya heto na may chance kami, hinayaan ko siyang makipag-bonding sa pamilya niya. Nahihiya din kasi ako kung basta nalang namin iwan ni Dani si Derick na mag-isa, lalo at kami lang tatlo ang pumunta dito.

Katatapos lang naming maghapunan at dito kaming dalawa ngayon sa tabing dagat nagpapahangin. How I missed this place. I missed the sea breeze. I missed the coldness of the night. I missed everything about this island.

Bukas pala ng umaga bibisitahin namin ang puntod ng mga magulang ko. At pupuntahan namin ang kubo na dati naming tinitirhan. Walang nakatira sa dati naming bahay. Nililinisan lang ito ng mga magulang ni Dani para hindi rin kaagad masira.

Ayaw ko rin naman ibenta ang tanging alaalang naiwan ng mga magulang ko sa akin. Balang araw 'pag nakatapos na ako at makahanap ako ng magandang trabaho ipapaayos ko ang bahay namin. Yun nalang ang remembrance ng mga magulang ko sa akin.

"Fyre..." pukaw nito sa akin. Nung naging close kami ito na ang tawag niya sa akin. Tinatawag niya lang akong Sapphira 'pag medyo napipikon o nakukulitan na siya sa akin.

"Yes D?" sagot ko sa kanya. D in short for Derick. Simula din nung naging close kami D nalang din tawag ko sa kanya. Nahahabaan ako kapag buong pangalan niya ang babangitin ko.

"Come." tinapik niya ang space sa gilid niya kaya agad akong lumipat. Umusog siya para mas magkadikit yung balikat namin. He even assisted my head para sumandal sa balikat niya.

Hindi na ako nahihiya sa kanya ngayon. Halos araw-araw na kasi kaming magkasama at magaan na rin ang loob ko sa kanya.

It's been 5 months. We get along so well kaya I feel safe and comfortable when I'm with him. He never took advantage of me kaya may tiwala ako sa kanya.

I remember one-time nakatulog pa ako sa condo unit niya, hindi ko namalayang nakatulog ako sa sobrang pagod. Hindi sa paglilinis ng condo niya kundi sa pagtapos ng mga plates na kailangan naming ipasa.

There are times na tinutulungan niya rin ako sa paggawa ng mga plates ko. But of course, ayaw ko rin naman iasa sa kanya lahat. I want to practice also. I want to learn on my own. Kasi paano nalang 'pag naging Engineer na ako?

I want to plan and do things on my own. I don't want to depend on someone baka kasi masanay ako. Paano na lang kung bigla silang mawala sa akin?

"Do you still remember how we first met?" tanong nito sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin. Hindi na ako nagulat doon. Nasasanay na akong ganito siya sa akin. Walang usapan, ganun lang, basta niya lang hinahawakan ang kamay ko.

"Of course, po. Ikaw lang naman ang dakilang namakyaw ng isda ko that day, few years back. Alam mo laking pasalamat ko sayo nung araw na yun. Kasi ang laki ng kinita ko at kailangan ko talaga ng extrang pera. Madami kasi akong kailangang bayaran at malaking tulong yun sa pag-aaral ko."

"Yeah?" he asked and pulled me closer to him.

"Oo, alam mo naman kaming mahihirap every centavo counts kaya yung limang kilong isda na binili mo sa akin malaking bagay na yun." Matapat kong sagot sa kanya.

"Do you know that binalikan kita do'n sa palengke the next day para sana kunin ang number mo?"

"Wee?" napaalis ako sa pagkasandal sa balikat niya.

"Totoo." Nakangiting sabi niya. "Kaso sabi no'ng Ale may pasok ka raw kaya hindi ka naglalako that day."

"Bakit mo naman gustong kunin ang number ko? Siguro crush mo ako noon pa noh?" Tukso ko sa kanya pero ang totoo kinilig na ako sa sinabi niya. I just want to cover it by teasing him.

"Paano kung sabihin kong oo?" nahampas ko siya sa braso kasi di ko inaasahan ang sasabihin niya.

"Ouch!" Napahawak ito sa braso niya, mukhang napalakas yata ang pagkahampas ko.

"Sorry! Sorry! Hindi ko sinasadya! Ikaw naman kasi nanggugulat ka eh. Saan ba masakit?" I massage the part of his arm kung saan natamaan ng paghampas ko pero hinuli niya lang ang kamay ko saka muling pinagsalikop ito sa kanya.

Saglit kaming natahimik dalawa bumalik ako sa pagkasandal ko sa kanya habang nakahawak sa braso niya.

"Fyre..." tawag nito ulit sa akin but this time I feel that his voice became raspy.

"Mmm?"

"Do you think it's the right time for us to level up our relationship?"

Hindi ako kaagad nakasagot kaya marahan niya akong iniharap sa kanya. He's now holding both my hands while looking at me intensely. His mesmerizing gray eyes is staring at me gently. Para akong nahihipnotismo sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

I can feel the fast beating of my heart. I always feel this everytime I'm close tohim but I chose to ignore it. Iba yung pakiramdam, hindi ko maipaliwanag. Literal na parang lalabas ito sa aking dibdib sa sobrang lakas ng pagtibok nito. Minsan nga nahihiya ako at baka marinig niya ito.

"I want more of you Fyre. I don't want us to remain friends forever." Nanatili akong tahimik dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

I can't believe that this Valderama wants to level up our relationship. Though nararamdaman ko naman 'yong pagpapahalaga niya sa akin but I didn't expect that he'll confess this fast. Akala ko kasi hihintayin niya pa akong makatapos sa aking pag-aaral.

"Hayaan mo akong alagaan ka Fyre. Kahit hindi mo man sabihin sa akin, alam kong napapagod ka rin. So, please allow me to take care of you Love. Magpahinga ka muna, ako muna ang bahalang mag-alaga sayo. Allow me to serve you. Please Sapphira be my girlfriend?"

I can feel the sincerity in his voice. For the first time naramdaman kong may taong handang dumamay sa akin maliban kay Dani at Seb na mga totoo kong kaibigan.

Hindi ko maiwasang maging emosyonal. Hindi ko na napigilan ang panunubig ng mga mata ko. After how many years, nakaramdam ako ulit nang pagmamahal mula sa ibang tao.

"Please Love. Give me a chance. I promise to do my best for you. I may not be perfect but I promise not to hurt you... please Fyre?" Nangungusap ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Maingat niyang pinunasana ang mga luhang nag-uunahan sa aking pisngi pero ayaw naman nito paawat.

"I love you Sapphira Audrey. With you I feel so comfortable, I feel so free. Remember what you answered in that question I asked about soulmates?" He asked and I nodded. "That's what I feel every time I am with you. I feel that I am destined to be with you, that we are really soulmates."

Tumingin ako sa mga mata niya. Hinahanap ko ang sinseridad sa mga sinasabi niya at nakita ko ito doon.Pero nag-aalangan ako.Hindi pa ako nakaranas magkaroon ng kasintahan. Kung sasagutin ko siya hindi ba ako alangan para sa kanya?

Sobrang layo ng estado namin. Wala pa akong naabot sa buhay. Wala pa akong napatunayan.

"Please Fyre, please be my girlfriend? Promise magiging mabait ako. Aalagaan kita. Magsisikap akong magiging karapat dapat sa pagmamahal mo, basta sagutin mo lang ak—"

"Y-yes, Derick. Sinasagot na kita." putol ko sa kanya. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya.

"Totoo? Walang bawian? Peksman?" parang bata nitong tanong.Tumango ako ng may ngiti sa mga labi.

"Oh God! Yes! Thank you, Love. Thank you!"

He gently pulled me closer to him and hugged me tightly. I can feel the warmth in his embrace. Dinig ko rin ang malakas na tibok nang puso niya.

He kissed my forehead and then release me.

"Yes na ha?" napahigpit ang hawak niya sa kamay ko "Girlfriend na kita wala nang bawian talaga ha?"

"Ayaw mo yata eh, binibiro mo lang siguro ako." kunwari nagtatampo ako sa kanya.

"Oh yesssss! Girlfriend na kita!" napatayo pa ito at nagsisigaw kaya hinila ko ulit ito paupo. Ang daming nakatingin sa gawi namin.

Bakit ko pa patatagalin? The feeling is mutual. Sabi niya mahal niya ako at gano'n din naman ang nararamdaman ko sa kanya. We may not know each other that much but still we have more time to spend together. Makikilala rin namin ang isa't-isa.

Gano'n naman ang love 'di ba? Hindi naman kailangan maging perfect, what's important is we have respect, trust and we complement each other.

Sabi mga nila sa love mararamdaman mo na siya ang kalahati na magbubuo sayo. Sana nga siya na ang para sa akin. Sana siya na ang sagot sa matagal ko nang dinarasal, ang makahanap ako ng taong magmamahal at kukumpleto sa akin.

Sana nga siya na...

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
صليبيا مايلز
Next please
goodnovel comment avatar
Deoclecia Retiza Mendoza
it's a very nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status