Share

Chapter 4

"WHAT are you doing here brute?" Simone asked. "The night is still young bakit nagmu-mukmok ka dito?"

Kaya napili ko itong pwesto ko, 'coz I don't want someone bugging me tonight pero nakita pa rin ako nitong mga kaibigan ko.

I didn't answer him, I pursed my lips and continue sipping my drink.

"Woah the Architect is here! I guess we'll be enjoying tonight!" nakangiting bati ni William at umupo pa talaga ito sa tabi ko.

What's with these brutes? Bakit ba nila ginugulo ang pananahimik ko rito?

"So, what brought Architect Valderama here?" Hindi pa ito nakuntento at nagtanong pa talaga. Can't they just drink in peace?

I wonder how come they became friends with my brother, they're so fucking annoying and irritating. Ang iingay pa ng mga bunganga! Lalo na itong si Guerrero na may built-in megaphone sa bibig.

I saw Nathaniel walking towards us, hinarang ito ng dalawang babae pero masungit niya lang na tiningnan. Pagkakita niya sa akin, tumango lang ito at umupo sa pwesto niya.

Mabuti pa itong si Nate tahimik lang pero minsan nasobrahan din to sa pagiging tahimik niya. Naging snob na ito at halos hindi na nagsasalita.

"Dude look at that lady in red kanina pa 'yan tumititig sayo." sabi ni Will sa katabi nitong si Simone.

"Not my type Dude, sa'yo na lang." mabilis namang tanggi nito sa isa.

I remained quiet, gusto ko lang uminom ngayon. I'm so annoyed after visiting my friend who is the President of the University where Sapphira is studying.

Sinadya ko talagang puntahan ang kaibigan ko para may rason akong makita si Saph. I don't know what happened to me, after kong naging judge do'n sa beauty pageant na sinalihan niya hindi na siya mawala sa isipan ko.

Her beautiful pair of black eyes, cute nose, and pinkish lips keeps flashing in my mind. I feel like I'm hypnotized by her beauty.

At ang dahilan kung bakit ako naiinis ngayon ay 'yong kasama niyang lalaki kanina. I don't know if he's her boyfriend or what, sobra makabakod eh. Ang angas pa, ni hindi man lang inalis ang pagkaka-akbay kay Sapphira. Kung hindi lang ako nahiya sa kaibigan ko baka binangasan ko na 'yong pagmumukha ng lalaking yon.

At may guts pa talagang tanungin kung sino ako. Hindi niya ba ako kilala? I'm the famous Architect Valderama, kilala ako sa larangang ito! Hindi ba siya nagbabasa ng magazine. Ilang magazine na ang nag-feature sa akin ah.

Ang mukhang 'to hindi niya kilala? Hindi sa pagmamayabang ako ang pinaka gwapo sa aming magkakaibigan ah!

I was about to leave pero dumating si Kuya Hendrick na malayo palang ay may masungit ng tingin na pinukol sa akin. I know Kuya is having trouble with the investors in Cebu kaya palaging mainit ang ulo. Dinagdagan pa nitong babaeng nakabuntot sa kanya.

What are these women doing in their lives? Hindi na ba ngayon uso ang salitang pakipot o kaya maghintay sa kababaihang 'to?

"Hi Vinny, how are you? Ang tagal nating di nagkita ah." Jana greeted as if we're close.

Hindi ko siya pinansin, naiirita rin ako sa babaeng 'to. I don't know what happened to her, she's acting different now dati simply lang naman ito. And then feeling close pa ito sa akin, like what the hell? Hindi tayo friends para mag petname ka sa akin. May pa Vinny ka pang nalalaman!

"Vin Derick come to my office early morning tomorrow." my brother said coldly. He is bossing around again.

He really thinks that he is my Boss. What the fuck? Wala naman kami sa opisina niya pero alam niya talaga paano ako inisin. Yeah, he's the CEO but I'm the VP as well. Kinunotan ko siya ng noo pero ginantihan din ako nito ng pagtaas na kilay. Kung 'di lang kita kapatid kanina ka pa nakangudngod d'yan sa mesa sa harap mo eh.

Pero syempre joke lang. Love ko yan si Kuya Van ko. Masungit lang yan pero spoiled kami ni bunso sa kanya.

"Vin Derick do you hear me?" ulit nito sa akin, tumango ako sa kanya pero hindi niya inalis ang tingin sa akin kaya napilitan akong sumagot.

"Yes, Kuya." Sabi ko, saka pa nito inalis ang tingin sa akin.

"Ay ang very good naman ng architect na yan." Guerrero teases na sinegundahan naman ni Simone.

"Syempre ganun talaga basta mga middle child, mababait. Diba Dude?"

Tinaasan ko ng kilay silang dalawa na ngayon ay nagtatawanan muli. I don't know what's wrong with these people. Natatawa kahit wala namang katatawanan.

Bakit ba kasi lumapit pa 'tong mga to sa akin ngayon? Tahimik akong umiinon dito ah. I just want to chill my mind. Nabu-bwisit ako sa mga 'to. I don't have time for their shits tonight kaya bago pa ako makakita ng away mas mabuti pang umuwi na lang ako sa condo at matulog.

Yeah, mas mabuti nga na gano'n na lang. Bukas ko na lang ulit pag-pa-planuhan paano ako makakalapit sa soulmate ko.

That girl has really something kaya hind siya mawala sa isip ko. Bukas pupuntahan ko siya ulit sa university nila. Tingnan natin kung makakawala pa ba siya sa akin.

'Wag lang subukan ng lalaking 'yon na bakuran siya ulit at baka hindi ko na matantiya sarili ko, mabugbog ko siya. Wala akong pakialam kung sino o kaninong angkan siya galing. Wag niyang bakuran ang soulmate ko kung ayaw niya ng gulo.

"ALAM mo Saph, hindi ko inaasahan na makita natin ulit si Kuyang namakyaw ng isda mo sa isla. Imagine girl tatlong taon na ang nakalipas at naalala ka pa niya, at ano ang mas nakakakilig? Yung tinawag ka niyang 'soulmate'! Shit girl ang haba talaga ng hair mo, iba talaga ang beauty mo BFF!" di mapigil ang bunganga ni Dani, ilang beses niya na itong paulit-ulit na binanggit mula kanina pag-uwi namin galing university hanggang sa nagtitinda na kami ng isda sa palengke at hanggang ngayong pauwi na kami sa boarding house.

"Ano ka ba Daniella sobrang big deal naman sayo yon, wag kang maniwala agad sa mga ganyang style Dani. Ganung tipo ng lalaki na matatamis ang dila siguradong babaero 'yon kaya 'wag kang kiligin dyan!" saway ko dito. Para kasi itong di mapalagay at kung anu-ano na ang lumalabas sa bunganga.

Alas onse na ng gabi, pauwi na kami ni Daniella galing palengke. Pagkatapos kasi namin magtinda ng isda nag-sideline pa kami sa pagre-pack ng mga sibuyas, bawang, kamatis at kung ano pa ang pwedeng ma-repack, sayang din kasi ang kikitain namin do'n.

Parehas kaming pagod ngayon pero ewan ko parang hindi yata napapagod ang bunganga ni Dani. Ang dami niyang energy kapag sa ganitong usapan.

"BFF kain muna tayo ng goto do'n sa kabilang kanto please, bigla akong nagutom eh." Aya niya sabay turo sa gotohan sa unahan.

Gusto ko na sanang umuwi kasi inaantok na rin ako pero hindi ko rin naman magawang tanggihan itong kaibigan ko. Mahal na mahal ko itong si Daniella, ito na lang ang natitirang may malasakit sa akin simula nag mawala ang mga magulang ko. Ito na lang ang pamilya ko kaya kahit anong request nito sa akin pinag-sisikapan ko talaga.

Kahit gaano man kahirap ang buhay minsan, hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil alam kong may isang taong handang sumama at sumuporta sa akin. Handang dumamay at tumulong sa akin.

"Okay, pero bilisan lang natin ha? Kasi gabi na at may pasok pa tayo bukas."

"Thank you Saph, love na love mo talaga ako eh! I love you too bestfriend." malambing nitong sab isa akin. Tumingin lang ako sa kanya at kunwari galit ko siyang inikutan ng mata. Nagpapa-cute naman itong ngumuso sa akin.

Daniella is clingy and sweet. Makulit lang ito sa akin pero sobrang lambing niya.

"Drama mo." Nakangiti kong sabi. Malakas itong tumawa at ikinawit ang braso niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa gotohan.

Masaya kaming kumakain ni Dani nang biglang may nagtatakbuhan sa likod namin. Bigla akong kinabahan kasi madalas pa naman may mga tambay na nag-ra-rambulan dito.

"Dani bilisan mo ang pagkain may nag-aaway yata baka madamay tayo." Kinakabahan kong sabi kay Dani na walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya. Enjoy lang ito sa pagkain ng goto niya.

"Hayaan mo mga 'yan BFF, hindi naman tayo kasali sa away nila tsaka hindi ka pa ba sanay sa mga buang na yan, wala na ngang trabaho, mga basagulero pa!"

Binilisan ko ang pag-ubos sa order ko at ganun din si Dani . Wala itong choice dahil natatakot ako nab aka madamay kami. Masama ang kuto, kinakabahan ako at baka talaga mag-ra-rambulan ang mga tambay bago pa kami makaalis.

Pagkatapos naming magbayad agad kong hinila si Dani. Tatawid n asana kami sa kabilang bahagi ng daan nang biglang may batong tumama sa ulo ko. Sobrang lakas nung tama sa akin na pakiramdam ko parang nabasag ang bungo ko. Mariin akong napapikit.

"Shit! Saph ok ka lang? Tulong!"

Nakaramdam ako ng hilo sa lakas nang impact nito sa ulo ko. Hinawakan ko ang bandang natamaan ng bato may naramdaman akong basa! Pagtingin ko sa kamay ko may dugo na ito.

I panicked, takot ako sa dugo. Nakita ni Dani ang dugo sa kamay ko kaya agad akong inalalayan nito. Naramdaman ko nang nahihilo ako pero pinilit ko ang aking sariling maglakad para makahanap ng taxi. Naririnig kong umiiyak si Dani, alam kong natakot na rin ito.

"Tulong! Tulungan niyo kami ng kaibigan ko!" malakas niyang sigaw pero nagkakagulo na doon sa unahan.

Biglang may humintong sasakyan sa harap namin. Hindi ko na magawang tingnan ang mukha ng driver dahil nakapikit na ako. Nahilo ako marahil sa tama ng bato at sa sobrang takot ko sa dugo.

"Fuck! What happened?" I heard the man's voice. Hindi ko na maidilat ang mga mata ko. Sobrang bigat ng talukap ko at parang umiikot ang paligid.

"Kuya, please tulungan niyo kami ng kaibigan ko. Natamaan siya ng bato sa ulo."

Sunod kong naramdaman na binuhat ako nito papasok ng sasakyan habang naririnig kong umiiyak si Dani. Iyon ang huli kong naalala hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay. Nagising nalang ako sa hindi pamilyar na silid. I'm trying to recall what happened last night and then no'ng naalala ko, kaagad kong hinawakan ang ulo kong natamaan ng bato. May bandage na nakalagay dito.

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid, nasa hospital yata ako base na rin sa ayos at amoy ng kwarto.

Agad kong hinanap si Daniella. Bakit wala siya dito sa tabi ko?

Pero hindi paman nagtagal, bumukas ang pintuan at nag-alalang mukha ni Dani ang bumungad sa akin. Nagmamadali itong yumakap sa akin at agad na umiyak.

"I'm sorry Bff, hindi ko sinasadya. Kung alam ko lang na ito ang mangyari." Sabi niya habang umiiyak at mahigpit na nakayakap sa akin. Marahan kong hinaplos ang likod niya para pakalamahin ito. Dama ko ang takot niya dahil bahagya pang naginginig ang katawan.

"Sobrang takot ko sa nangyari kagabi, Saph. Akala ko ano na ang nangyari sa'yo. Kasalanan ko 'to eh kung hindi na sana ako nagyaya na kumain pa tayo ng goto sana hindi 'to nangyari sa'yo. I'm sorry talaga Saph, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang nangyari sayo."

"Shhh, stop crying Dani. Ano ka ba, hindi mo kasalanan ang nangyari. Walang may gusto na mangyari to sa akin, tahan na."

I'M ON MY WAY to my condo nang mapansin ko ang dalawang babaeng nakatayo sa tabi ng daan. Wala sana akong balak na hintuan ang mga ito pero napansin kong mukhang kailangan nila ng tulong.

Nakita kong umiiyak 'yong isang babae habang nakaalalay sa kanyang kasama. Sa unahan nila ay may mga kalalakihang nagkakagulo, mukhang nagsusuntukan. Mabilis kong inihinto ang aking sasakyan para tingnan kung anong nangyari sa kanila.

At ganun nalang ang pagkagulat ko ng makita ang babaeng hawak nung isang babaeng umiiyak.

"Tulong! Please tulungan niyo kami." Umiiyak na sabi nung isa. Mabilis akong bumaba sa sasakyan ko at lumapit sa kanila.

'Fuck! What happened?" Suddenly I feel like all my blood went to my face.

"Kuya, please tulungan niyo kami ng kaibigan ko. Natamaan siya ng bato sa ulo."

Natamaan sa ulo?

Shit! Sa sobrang gulat ko agad ko siyang binuhat papasok sa sasakyan ko para dalhin sa hospital. Nakapikit na ito at wala ng malay. Lalo pa akong kinabahan ng makita kong may dugo yung kamay niya.

"Kuya please nakikiusap ako, bilisan mo. May dugo yung ulo ng kaibigan ko." Her friend is crying. Pati ako ay natataranta na din.

My heart is thumping so loud inside my chest while driving to the hospital. For the first time I feel scared that something might happen to her.

"Saph, please, gumising ka." Her friend said crying. "I'm sorry, sana umuwi nalang tayo agad."

Tinanong ko ang kasama niya kung anong nangyari. Ikuwenento nito sa akin ang nangyari mula nung galing silang palengke hanggang sa kumain sila ng goto at 'yon nga may nag-rambulan at natamaan siya ng bato.

I was so mad sa may gawa nito sa kanya. Tinawagan ko ang tauhan namin para ipahanap kung sino ang nag-rambulan doon sa lugar na kinainan nila ng goto. Hindi ako papayag na hindi managot ang mga gagong walang magawa sa buhay kundi manggulo.

I feel sorry for them after hearing what her friend told me.

When we reached the hospital agad kong pinaasikaso sa kaibigan kong doktor si Sapphira. Nag-panic pa ako dahil baka anong nangyari sa kanya dahil sa ulo siya tinamaan. Tinawanan pa ako ng kaibigan ko dahil sa naging reaksyon ko. Kaano-ano ko ba raw ang pasyente at sobrang concern ko naman daw dito.

The hell I care! Ang gusto ko lang siguraduhin naligtas ang kalagayan ni Sapphira. Ang dami pang tanong 'di na lang gawin ang trabaho niya. Why are these people so freaking annoying tonight?

"Don't worry, Valderama. She is safe, calm down."

How can I calm down? Sa ulo siya tinamaan. Baka may namuong dugo dun.

"Well do all necessary test para masigurong ligtas siya at para na rin mapirmi ka. Take your seat Vin Derick and calm down, maya-maya lang magigising na yang pasyente mo." Natatawa pa itong umalis sa harapan ko.

I settled all the bills para wala nang alalahanin ang dalawa. Nabanggit sa akin ng kaibigan niya na kaya sila ginabi dahil naghahanap buhay silang dalawa. I feel proud of them. Ang hirap pagsabayin ng trabaho at pag-aaral pero ginawa nila. Balang araw alam kong malayo ang mararating nila sa buhay.

I just finish talking to my driver at sinabi niyang may pulis na dumating doon kagabi kaya nahuli na ang nag-rambulam. Nasa presinto na raw ang mga ito, nakakulong. Mabuti naman at nahuli ang mga ugok! Ang sarap sugurin ng suntok eh!

I stayed in her room kanina to wait for her to wake up pero nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas muna ako para makabili ng pagkain. Bibili na rin ako ng para kay Sapphira at sa kaibigan niya.

'Yong kaibigan niya, pinakiusapan kong bumili muna ng damit niya para makapag-palit si Sapphira dahil namantsahan ng dugo 'yong suot niya kagabi.

I just ask the nurse to check on her baka sakaling magising at maghanap sa kaibigan niya.

Bitbit ang pagkaing binili ko, nagmamadali akong bumalik sa room niya.

" Shh... Tahan na." I heard her calming her friend. Kagabi pa rin kasi ito iyak nang iyak dahil siya raw ang rason kung bakit sila napadaan doon sa gotohan.

I saw her wiped her friend's tears. Seeing her doing that to her friend makes my heart melt. That's a sweet gesture coming from her, dama kong mahal na mahal nito ang kaibigan niya.

I cleared my throat bago ako lumapit sa kanila. I saw how her eyes widen no'ng malipat ang tingin niya sa akin.

Geez it's so gay! Ba't parang kinikilig ako sa reaksyon niya. What the hell was that? It's my first time to feel like this towards a girl.

"Hi soulmate." I smiled at her. "How do you feel now?" Casual kong bati sa kanya para hindi siya mailang sa akin.

Nahihiya itong ngumiti sa akin bago tumingin sa kaibigan niya. I saw her confused eyes kaya ako na ang nagpaliwanag.

" I saw you and your friend last night. Ako ang nagdala sa inyo dito."

How can she be so beautiful without even doing anything. Ang mamula-mula nitong labi ay lalong namumula dahil sa pagkagat-kagat niya dito. I know that she's not doing that in purpose but I want to stop her 'coz I'm already tempted.

"Salamat po sa pagtulong niyo sa amin kagabi." she thanked me but still shy. Kita ko ang lalong pamumula ng pisngi nito.

"Don't think about it, nagkataon lang na ako ang nando'n sa mga oras na yon." I said coolly trying to stop myself to stop checking on her baka mailang pa ito at matakot sa akin.

"Anyway, the doctor said you can go out this afternoon. Don't worry about the bill I already settled everything." Nagkatinginan sila ng kaibigan niya. Napansin kong nag-uusap ang mga mata nila bago pa niya binalik ang tingin sa akin.

"Nakakahiya man po sa inyo kuya pero nagpa-pasalamat po ako sa tulong niyo. Wala pa po akong maibabayad sa inyo sa ngayon. Pero handa po akong pagtrabahuan ang perang nagastos niyo para sa akin. Kung gusto niyo po mag-ta-trabaho ako sa inyo para kahit papaano makabayad po ako."

I don't want to take advantage of her pero may naisip akong paraan para mapalapit siya sa akin. Pero syempre magpapakipot muna ako.

"No wag na, I'm happy to help." kunwari tanggi ko pero deep inside iniisip kong mag-insist ka pa.

"Nakakahiya naman po sa inyo Kuya, kung papayag po kayo ako na lang maglilinis ng bahay niyo. Alam ko malaki ang nagastos mo sa pagdala sa akin dito kaya hindi po ako papayag na hindi makabayad sa inyo. Nakakahiya po talaga."

Gusto kong magbunyi dahil sumasang-ayon sa akin ang tadhana.

"Wag po kayong mag-alala kaya ko pong pagsabayin ang pagta-trabaho at pag-aaral. Sanay po ako tsaka wala na kasi akong maisip na ibang paraan para mabayaran po kayo." Nakikiusap ang mga mata niyang tumingin sa akin. She look so genuine and honest. Her beautiful pair of black eyes speaks innocence.

"Please Kuya?" She said softly and I sighed. Bigla kong nakonsensya na iba yung pakay ko, but I really like her.

"Okay, I'll agree if you insist but in one condition..."

She pouted and that makes her look pettier. "Anong condition po?"

"Don't call me Kuya and don't say 'po' to me. Ilang taon lang naman siguro ang tanda ko sayo." Kumunot ang noo niya saka alanganing ngumiti sa akin. "I'm not that old. Just call me Derick mas okay pakinggan yun. Tsaka mas nakaka-gwapo." Tinaas-baba ko pa ang kilay ko sa kanya. Napatawa na rin 'yong kaibigan niyang kanina pa nakatingin sa aming dalawa ni Sapphira.

"Uhmm..."

Nakita kong nagda-dalawang-isip pa ito kaya dinagdagan ko pa.

"If you insist on calling me Kuya, then I will not let you pay me. Kalimutan mo na lang 'yon at isipin mo na lang na nilibre kita. Okay lang din naman sa akin."

"No!" Agap nito "Sige po Kuya... I mean okay D-derick magta-trabaho ako sa'yo."

Wala na itong nagawa sa kondisyon ko kaya lihim akong napangiti. Sa wakas mapapalapit na ako sa kanya. I want to know her more. Pakiramdam ko talaga siya ang soulmate ko. So gay but I really feel it.

Pinakain ko muna silang dalawa. Lalo na si Sapphira para makabawi siya ng lakas. Looking at her right now makes me happy and contented. May mga gano'n palang bagay kahit simple lang napapasaya ka.

What a beautiful way to start my day. I'm looking forward to more days like this.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status