Share

SIX

“Y-You’re not Kuya Dylan’s girlfriend?”

I shot a brow up before lifting my shoulder in a half shrug. “Do I look like I am his girlfriend?” pamimilosopo ko pa. I saw how her face darkened because of what I said but I just shrugged it off.

“Danielle naman kasi, sinabi ko naman sa ‘yo na hindi ‘yan si Brielle,” rinig kong pangaral ng kasama niya pang babae. If I’m not mistaken, she’s Maurice Fontanilla. Minsan ko na siyang nakasama dahil ka-close ko ang nanay niya.

The woman who bothered me, Danielle, hissed irritably. “Malay ko ba, kamukha niya kaya!” pagdadahilan nito.

My brows immediately rose up because of what she said. I cleared my throat that made them looked towards me. Umayos ako ng pagkakatayo at itinuro ang sarili ko. “Sinasabi niyo bang ako. . . kamukha ko si Brielle Clarkson?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila.

“Kilala mo kung sinong girlfriend ni Kuya Dylan?” Iverson Fontanilla asked. Taka niya akong tiningnan ngunit walang takot kong sinalubong ang bawat titig niya.

Just like what I did earlier, I shrugged. “Of course. Your family’s wealthy and known in the country. Saka hindi ba anak din ng businessman si Brielle Clarkson? I know her,” pagdadahilan ko bago nag-iwas ng tingin sa kanila.

“U-Uh, pasensya na talaga, Miss. Galit na galit kasi ‘tong pinsan ko kaya akala niya ikaw si Brielle. M-Medyo kamukha mo kasi—“

“Excuse me?” I dramatically cut Maurice Fontanilla’s sentence. Muli kong ibinalik ang tingin sa gawi niya at hindi makapaniwala siyang tiningnan. “I looked like Brielle Clarkson? Heck no!”

Hinawi ko ang aking buhok at malakas na nagpakawala ng buntong hininga. Hindi na naman bago sa akin na masabihan na magkamukha kami ni Brielle Clarkson. Our common colleagues says that too. Oo nga at ‘medyo’ magkamukha kami but. . . no thanks.

“I am much prettier than her, come on. Malabo ba ang mga mata niyo?” I asked as I rolled my eyes.

Saglit silang nagkatingin bago sabay-sabay na napailing at mahinang tumawa. Kumunot naman ang noo ko dahil doon. “Pinagtatawanan niyo ba ako?” panghahamon ko pa dahil hindi sila tumigil sa pagtawa.

To my surprise, Danielle Fontanilla, who was just mad at me earlier, tapped my shoulder while laughing her ass off as if I am a clown. The heck?

“Nah, nah. Don’t be offended, Miss. We’re just laughing because you’re right. I’m sorry, malabo nga lang talaga siguro ang mga mata ko,” dagdag niya kaya’t kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

I cleared my throat and fix my posture. “Dapat lang talaga. That’s an insult for me, you know?”

Siguro kung hindi sila galit sa babaeng iyon, baka isipin nila na nagbubuhat ako ng bangko dahil ang taas ng tingin ko sa sarili ko—but that’s the truth, though. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. I know Brielle Clarkson since HighSchool. Freshmen ako tapos Junior siya noon. Alam ko ang ugali niya at base sa mga nakikita ko kapag nakikita ko siya minsan kung saan-saan, sigurado akong hindi pa rin siya nagbabago.

Hindi ko mapigilang mapailing dahil doon. Ang malas naman pala talaga ni Dylan Fontanilla. Masama na nga ang ugali ng girlfriend niya. . . ipinagpalit pa siya. Damn. Noong nagpaulan siguro si Lord ng kamalasan, nagtatampisaw siya sa ulanan.

“By the way, I gotta go. Napansin ko na hindi kayo pinapapasok sa bahay ni Brielle Clarkson,” panimula ko bago ibinaling ang tingin sa bahay na kanina pa nila dinodoorbellan pero hindi pa rin sila pinagbubuksan. “Nasa loob siya kaya sigurado akong tinataguan lang kayo. Nakita ko siyang umuwi kaninang umaga habang nagj-jogging ako.”

Napatango sila at wala sa sariling sumulyap sa bahay. “Kung ayaw niyang magpapasok, batuhin nalang natin ang bintana—“

“Danielle,” suway ng dalawa kay Danielle Fontanilla kaya’t hindi ko maiwasang mapailing.

I sighed and crossed my arms over my chest. “May backdoor ang bahay na ‘yan. Doon dumaan ‘yong babae kaninang umaga. Para makapasok, may nakatagong susi sa ilalim ng pinakamaliit na paso,” I calmly informed them.

Maurice Fontanilla looked at me with her furrowed brows. “I’m sorry to ask, Miss. . . p-pero bakit mo alam?”

“Nakita ko kaninang umaga habang nagj-jogging ako. Akala niya siguro walang tao kaya she became reckless. But don’t worry, hindi ako magnanakaw or what. Nakatira rin ako sa village na ‘to,” pagdadahilan ko.

I went out earlier to jog and saw Brielle Clarkson there. Alam ko naman na kapitbahay namin siya pero hindi kasi siya lumalabas kaya’t hindi kami nagkakausap. Aksidente ko lamang ding nakita na may nakatagong ganoon sa parteng likod ng bahay nila.

“Then why are you helping us? You can also get in trouble if we ever did something bad.”

Nag-angat ako ng tingin dahil sa tanong ni Iverson Fontanilla. Unlike earlier, mas lalong sumeryoso ang mukha niya na animo’y gustong-gustong malaman ang dahilan ko. Is he interested with me now, huh?

I shrugged. “Sabi niyo, nagloko si Brielle sa pinsan niyo, right? Kung ano man ang gagawin niyo, she deserves it. Cheaters like her needs to learn their lessons, am I right?” I answered as I smiled sweetly towards him.

Hindi na naman siya nagsalita pa pagkatapos niyon at nag-iwas na lamang ng tingin. I can’t help buit to chuckle because of that. “Mauna na ako sa inyo. I wish you good luck with whatever you’re going to do. Give her the punishment that she deserves,” pagpapaalam ko. I winked at them first before I turned my back on them and walked away.

Ngunit hindi pa man ako nakakalayo, narinig ko na ang pahabol na tanong ni Danielle Fontanilla. “Who are you, Miss? Hindi mo ipinakilala sa amin ang sarili mo. You know. . . we can catch up next time,” she asked as if she’s eager to learn my name.

A soft chuckle left my lips because of that. Hindi ko alam na gugustuhin niya akong makausap pa pagkatapos nito. I lifted my shoulder in a half shrug. “Nah. I don’t think my identity is important. Let’s just keep it a secret this time,” tanging sagot ko at naglakad na palayo.

I hailed a cab right after that. I was quite curious of what they’re going to do but nah, not worth my time, I guess? At isa pa, ang kailangan kong problemahin ay ang lugar kung saan ako tutuloy sa mga susunod na araw.

And just as if on cue, my phone beeped. I immediately checked it and saw Aziel’s message. Nagsend lamang siya ng address kung saan ako pupunta na hindi naman pala kalayuan sa village kung saan ako narito ngayon. Gustuhin ko man na maglakad dahil malapit lang naman, I still chose to hail a cab. Medyo nagdidilim na rin kasi at wala akong kasamang maglakad.

Bago sumakay sa kotse ay nakita ko pa ang paglalakad ng magpipinsan papunta sa may likod ng bahay ng mga Clarkson. Not that I care for them but. . . I just hope they won’t do anything unlawful. Baka bigla pa akong madamay dahil ako ang nagturo sa kanila. Though hindi ko naman sinabi sa kanila ang pangalan ko kaya’t mahihirapan silang hanapin ako.

“Kuya, here po,” sabi ko sa driver at ipinakita sa kaniya ang lugar kung saan ako pupunta matapos kong sumakay ng sasakyan.

Nang magsimula ng umandar ang sasakyan ay saka lamang ako nakahinga nang maluwag. Sumandal ako sa aking kinauupuan at hindi mapigilang tumingin sa labas. As much as I want to befriend those people—I mean, the Fontanillas—because I think they’re nice, I don’t think they will be comfortable towards me.

Iverson Fontanilla’s father, Attorney Damon Fontanilla, is the prosecutor of my father’ s case. I met him like last month and he’s quite nice, too. I don’t know if he’s realy nice or it’s just a façade to push me to testify against my father—but I don’t care if he’s nice or not. Ang mahalaga, makulong si Daddy.

At isa pa, Dylan Fontanilla, the eldest Fontanilla among the Fontanilla cousins is also the lieutenant handling the case. Saka. . .

Napailing ako upang putulin ang kung ano mang tumatakbo sa isip ko. I just can’t believe that Brielle cheated on him. I mean, para saan? He’s already a perfect human being. How can Brielle cheat on him, right? That’s just so vague and out of the blue. Hindi ko naman masisisi ang mga pinsan ni Lieutenant Fontanilla kung bakit galit na galit sila.

“Ma’am, dito na po.” I was pulled out of my own reverie because of the driver’s voice. Muli akong napatingin sa labas at napagtanto na narito na nga ako sa bar na sinasabi ni Aziel sa akin. It’s quite nice, huh?

“Bayad po. Thank you,” I calmly said and gave him my fare. Matapos niyon ay dali-dali akong bumaba. Maliwanag na sa labas ng bar dahil madilim na kaya’t nagpapailaw na sila. Medyo marami na ring tao kaya’t hindi mapigilang kumunot ang aking mga noo.

Talaga bang dito ako patutulugin ni Aziel? I thought.

When everything finally sink in, I fix my posture and walked confidently towards the bar. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay hinarang na ako ng guard kaya’t hindi ko mapigialng mapabuntong hininga. Not again, please.

“Ma’am, bawal pa po kayo rito. Hindi po kami nagpapasok ng minor dito,” pigil nito sa akin.

I looked at him boredly. “Kuya, mukha po ba akong minor?” kalmadong tanong ko sa kaniya kahit na gustong-gusto ko nang pumasok sa loob.

To my surprise, he nod his head in return. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Me. . . a minor? Really, huh?

“Kuya, I am already twenty six years old. Graduate na ako ng College. I am not a minor anymore.” Pilit ko pa ring pinakalma ang boses ko. He scanned my body but at the end, he still shook his head like he wasn’t convinced at all.

“May ID po ba kayo, Ma’am? Pasensya na po, naniniguro lang. Baka kasi ako ang mapagalitan kapag nahuli kami.”

Gustuhin ko mang magalit at mainis, hindi ko pa rin nagawa. Ano namang magagawa ko, hindi ba? He just wants to do his job properly. Kung ako ang nasa sitwasyon niya, mas mabuti na nga naman ang sigurado, hindi ba?

I drew in a long breath before opening my purse. Hindi pa man nagtatagal ang pagtingin ko roon, agad na akong natigilan. I was too stunned to speak when he ased for my ID once again. Nakatuon lamang ang aking mga mata sa hawak kong purse.

“Shit,” I uttered unconsciously.

“Ma’am, nasaan po ang ID niyo? ‘Yong kita po ang birthday—“

I closed my purse and turned my head towards him. I looked at him apologetically. “Kuya, kasi ano. . .naiwan ko ‘yong ID ko kaya—“

“Ma’am, hindi naman po yata puwede iyon. Baka may dala kayong kahit anong ID diyan. Pasensya nap o talaga, Ma’am, ayaw ko pong matanggalan ng trabaho kung sakali mang minor talaga kayo.”

Malalim akong bumuntong hininga at hindi mapigilang mapapadyak sa inis. I racked my fingers through my hair, not knowing what to do next. Anong gagawin ko, babalik doon sa bahay KO pero sermon lang ni Tita Aurora ang maririnig ko? Hindi rin naman ako puwedeng pumunta kina Aziel dahil sabi niya nga, ayaw siyang palabasin ni Tito kaya’t hindi ako puwede roon. I respect his privacy so. . .

“Kuya, alam ko naman po na fresh pa rin po ang looks ko pero. . . matanda na po ako, Kuya. Naiwan ko lang talaga sa bahay ‘yong ID ko kaya please, papasukin mo na ako. In fact, I know the owner. U-Uh, what’s his name again?” Kumunot ang noo ko at tumingin sa taas habang hinahalukay sa memorya ko ang pangalang binanggit kanina ni Aziel. “Ugh, I forgot his name!”

Why the fuck did I not pay attention to Aziel a while ago? Kung sana nakinig ako sa kaniya, hindi sana ako mahihirapan ngayon. Ugh, ang malas!

I raked my fingers through my hair once again while thinking. Damn! Bakit ba napakamalilimutin kong tao—

“I know her.”

Naputol ang pag-iisip ko ng pangalan nang may marinig akong pamilyar na boses. Walang pag-aalinlangan akong tumingin sa aking likuran ngunit agad ding nanlaki ang aking mga mata nang makita kung sino iyon. It’s him!

“She’s a minor. Huwag mong papasukin sa loob,” he added and looked towards me with his emotionless eyes.

Mas lalo namang nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. “I am not a freaking minor!” naiinis na sigaw ko.

His brow shot up and lifted his shoulder. “You looked like a minor to me,” malamig na sambit niya at nilampasan na ako para maglakad papasok. Hinarang naman ako ng guard kaya’t hindi ako nakasunod sa kaniya.

Before he completely blend in with a crowd, he subtly turned his head towards my direction and glanced at me as if he’s trying to tell me something. . . but I don’t know if I’m hallucinating or not but I saw how a hint of anger flashed on his eyes while looking at me before he turned his back and completely vanished as he blend in with the crown.

My lips parted. Is he mad at me? For what reason?

“Oh, right. He got cheated with. I’m sure he’s in a bad mood,” pagsuko ko nang maalala ang sinabi ng mga pinsan niya kanina.

Hindi naman mapigilang kumuyom ng aking kamao nang mapagtantong hindi ako makakapasok sa loob dahil sa sinabi niya. “Dylan Fontanilla, you’re really a walking trouble,” I uttered silently as I turned my back away from that place.

----

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status