Share

FIVE

“Do you really think that being a brat will help you survive, huh, Kaia?” I was pulled out of my own reverie upon hearing Aziel’s name on the other line. I can’t help but to roll my eyes out of disappointment.

“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sa ‘yo, ha? It wasn’t entirely my fault. Kasalanan niya kung bakit ganoon ang naging rekasiyon ko. It wasn’t like I am the one who initiated that at the first place. Nananahimik ako sa kuwarto ko tapos bigla niya akong ginulo,” inis na turan ko.

Walang gana kong hinawi ang aking buhok habang tumitingin sa kalsada. Sa rami pa ng maaari kong maiwan sa bahay, susi pa ng kotse ko. Ayaw ko namang bumalik doon dahil baka pag-initan na naman ako ni Tita Aurora. Saka ko na lamang kukunin iyon kapag lumamig na ang ulo niya at hindi na ako muling pansinin kapag pumunta ako sa bahay KO.

“So what now? Kaia, I am in a tough time right now. As much as I want to help you, I can’t. Hindi ako makaalis dito sa bahay dahil nakabantay sa akin si Dad. I did something terrible and he’s punishing me—“

“Dude, what are you, a teenager?” Natatawang tanong ko. I drew in a long breath while roaming my eyes around the side of the road. “Sabihin mo na agad kung masusundo mo ako rito o hindi. Ang lamok!”

Rinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga sa kabilang linya kaya’t hindi ko na naman maiwasang mapailing. I’m sure susunduin niya ako. Kapag hindi niya ako sinundo, friendship over—

“I’m sorry but I can’t, Kaia.”

My jaw immediately went slack upon hearing what he said. “What?!” Malakas na sigaw ko kaya’t nakaagaw ako ng ilang atensiyon mula sa ibang dumaraan. I heaved a deep sigh to calm myself down. “Anong sabi mo? Hindi mo ako masusundo? But why?”

Malakas siyang bumuntong hininga kaya’t mas lalong kumunot ang aking noo. This is the first time! Sa loob ng ilang taon naming pagkakaibigan, ngayon niya lamang ako tinanggihan.

“Teka nga. . .” I trailed off. Umangat ang isang kilay ko kahit na hindi naman niya ako nakikita. “May babae ka ba, ha?”

Hindi siya agad nakasagot kaya’t mas lalong umawang ang aking bibig. I dramatically placed my palm on my lips out of shock. “Oh my gosh! Aziel, sinasabi ko sa ‘yo. Kaya ba sabi mo, pinaparusahan ka ni Tito dahil. . . n-nakabuntis ka ba?” Eksaheradang sigaw ko.

Aziel, my best friend, scoffed in the other line. “I know how to use protection, Kaia,” reklamo niya.

“But why? Matanda ka na naman kaya I’m sure, hindi na magagalit si Tito kung sakali mang magdala ka ng babae riyan. Come on, ginagamit mo lang yata si Tito para hindi ako makapunta riyan. Ano bang mayroon? I’ll just stay there for a couple of days and then I’ll go back to my house,” pangungulit ko pa sa kaniya.

Nang mag-angat ako ng tingin ay may humarurot na sasakyan sa harapan ko. Sa bilis ng takbo ng sasakyang iyon ay muntikan na akong mabuwal sa aking kinatatayuan kaya naman mas lalo pang sumama ang mood ko. Kainis! Hindi ba nila alam na nasa village kami at wala sa highway?

“What happened?” Aziel asked from the other line.

I sighed. “May dumaang mabilis na sasakyan. Nasa tabi na nga ako pero gusto pa yata akong banggain. Tsk,” naiinis na sagot ko bago tumingin sa likod ng sasakyan na lumampas sa akin. “I can’t believe that he missed though. Can he try again?”

Aziel hissed because of my joke. I calmly lifted my shoulder in a half shrug before looking away from the car. Tumigil iyon sa hindi kalayuan kaya naman hindi na ako nag-abala pang tingnan kung sino ang nagd-drive. Wala naman akong pakialam. Ang pakialam ko lamang kanina ay bakit hindi niya pa ako tuluyang binangga. Akala niya yata ay matatakot ako roon. Tsk.

“Anyway, ano na? Hindi ba talaga puwede?” tanong kong muli kay Aziel.

He drew in a long breath. Hindi niya ako sinagot ngunit sa simpleng pagbuntong hininga niya ay alam ko na kung ano ang ibig sabihin noon. Hindi talaga pwede.

“Fine. I’ll just book a hotel—“

“No need.” He suddenly cut my words off. Hindi ko naman mapigilang mapairap dahil doon. “My cousin has a bar near your village. ‘Yong bagong bukas. May spare na kuwarto pa siya roon so you can just stay there for a while. Mas mabilis kitang mapupuntahan doon.”

My brows drew in a straight line because of what he said. After a couple of seconds, a soft chuckle escaped my lips. “Come on, Aziel. Patutulugin mo ako sa bar? Ako?”

“Kaia, it wasn’t just a bar. My cousin is hella rich so I’m sure you’re safe there. Hindi pa lamang nakakabalik mula France si Atlas but I’ll tell him na roon ka muna tutuloy,” kalmadong tugon niya.

I hastily rolled my eyes and crossed my arms over my chest. “Sigurado ka bang safe ako roon, huh? Baka mamaya bigla na lamang may pumasok sa kuwarto ko—“

“It’s safe, Kaia.”

Napailing ako at sa halip ay umayos na lamang ng pagkakatayo. “Fine, fine. Kailan ka pupunta roon? I badly need a friend to talk to, Aziel,” pagdadrama ko pa.

Hindi naman talaga ako malungkot. Bakit naman ako malulungkot? The person that I hate the most is already gone in my life for approximately fifteen years. Ang totoo niyan ay masaya pa ako. But I can’t just tell people that I’m happy that my father is already in the jail. Baka tulad ni Tita, isipin ng mga tao na ako nga ang nagsuplong sa kaniya sa mga pulis—which is clearly not me!

“I’ll go there once I settle everything in this house. Just hang in there for a while. You can party if you want, too. Tatawagan ko na lamang si Atlas at sasabihing pabantayan ka sa mga tauhan niya sa bar para masigurong ligtas ka roon,” Aziel answered calmly.

A wide grin crept on my lips upon hearing what he said. “’Yan! Para saan pa nga ba at naging kaibigan kita, hindi ba? You’re such a good friend, Aziel. Basta ha, kapag ayos na—“

“Pupunta nga ako riyan. For now, I just have to fix my problem with this woman,” tila may halong inis na sabi niya. My brows arched an inch because of that.

“Why? Ano bang mayroon sa babae mo?” usisa ko pa. It’s not like I like gossips but I still want to know what’s going on. Hindi naman kasi siya namomroblema sa mga babae noon.

Ako lang yata ang babaeng pinoproblema niya. Mahina akong natawa at napailing dahil sa naisip ko. Totoo naman kasi.

He heaved a deep sigh as if he’s contemplating to answer my question. “Dali na, Aziel. Para namang hindi mo ako kaibigan. I won’t tell anyone,” pamimilit ko pa.

“Fine,” mahinang pagsuko niya at muling bumuntong hininga. “So I met this girl like a month ago. Siya ang lumapit sa akin sa bar. She flirted at me and she’s pretty so of course, I like her. You know, we were doing stuffs—“

“Yeah, yeah. Don’t elaborate the ‘stuffs’. Sabihin mo na lamang sa akin ang problema mo,” pagputol ko sa sasabihin niya.

Duh. I am not that innocent not to understand what he’s trying to imply. I know the meaning of that ‘stuffs’.

Aziel let out a harsh breath. “And now, I just found out that she’s already taken.”

Tulad kanina, sa hindi ko na mabilang na pagkakataon, ay muli na naman akong muntikang mabuwal sa aking kinatatayuan. Kung kaharap ko lamang siya, sigurado akong matatawa siya sa panlalaki ng aking mga mata. My eyes were naturally large but now. . .

“Damn,” I unconsciously uttered. “Nag-iisip ka ba?!”

Just like before, I heard him sigh on the other line as if he’s frustrated—well, he SHOULD be frustrated right now. Kung sa tingin niya ay tama ang ginawa niya, even if he’s my friend, I don’t think I can side with him.

“Okay, I’m sorry. I know you hate cheaters but—“

“So what? Nakipagrelasyon ka sa babaeng iyon kahit na may boyfriend na iba? Aziel, oh gosh. Hindi ko alam na tanga ka pala?” prangkang sabi ko sa kaniya.

Tinaasan ko ng kilay ang dumaang motor sa harap ko dahil nakatingin ang driver niyon sa akin. He’s probably wondering why I am screaming outside while I’m alone but who the fuck cares? Malakas akong bumuntong hininga at muling itinuon ang aking atensiyon kay Aziel sa kabilang linya.

“For pete sake, Aziel, hiwalayan mo ang babaeng iyan.” Mariin akong pumikita t pilit na ikinalma ang aking sarili. I just can’t believe it! He knows how I hate cheaters tapos siya. . . pumayag siyang maging kabit? The fuck?

“Let me explain, okay? Hindi ko alam na may boyfriend pala siya. Kung alam ko lang, e ‘di sana hiniwalayan ko na kaagad. I am not dumb, Kaia, alam mo ‘yan.”

Dahil sa sinabi niya ay hindi ko mapigilang makahinga nang maluwag. “Thank God! Hiwalayan mo na ‘yan bago pa malaman ng boyfriend no’ng babae. O kaya naman, isumbong mo. That guy doesn’t deserve to be cheated with, Aziel. Baka sa lagay na ‘to, wala pa ring kaalam-alam ‘yong lalaki na niloloko na pala siya ng girlfriend niya. Help him.”

Hindi sumagot si Aziel sa kabilang linya kaya’t sa hindi ko na mabialng na pagkakataon ay uling umarko ang aking kilay. “M-May problema ba sa sinabi ko?” I asked nervously.

Instead of answering my question, he just let out a deep sigh. “I’ll just explain what happened once I settled everything. For now, doon ka muna manatili sa bar ni Atlas. Pupuntahan kita roon one of these days,” sambit niya at iniba ang usapan.

Hindi ko naman maiwasang bumuntong hininga dahil doon. Alam kong may kailangan pa kaong malaman at kulang pa ang ikinuwento niya sa akin pero hindi ko na siya pinilit pa. Pinilit ko na siya kanina na sabihin ang dahilan ng problema niya kaya hindi ko na siya kailangan pang pilitin pa.

“Tawagan mo na lamang ako kapag ayos na at nasabi mo na sa pinsan mo. For now, I’ll just roam around here before I hail a cab,” pagsuko ko.

“I really want to accompany you but—“

“No, no, it’s okay. Don’t worry about me. Ayusin mo muna ‘yang problema mo then we’ll talk about it once everything is all right,” I cut his words off.

Kahit na kailangan ko ng kausap, hindi naman ibig sabihin niyon ay pipilitin ko na siya. Tulad ko, may mga problema rin siyang kailangan niyang ayusin. Maybe I’ll just have to deal everything on my own—saka hindi naman malaki ang problema ko.

Sila kaya ang may problema sa akin, ano.

“Babawi ako, all right?” he asked softly.

I chuckled. “Just treat me for some drinks. Oh sige na, bye na. Tawagan mo ako kapag ayos na, huh?”

Agad nawala ang ngiti sa aking mga labi nang makita ang tatlong pamilyar na mukha na naglalakad palapit sa gawi ko. I heard Aziel spoke on the other line but I unconsciously ended the call. Sila pala ‘yong sakay ng kotse kanina na muntik nang makabangga sa akin.

Tumigil ang sasakyan nila sa hindi kalayuan at nagd-doorbell sa kabilang bahay pero mukhang hindi sila pinagbuksan ng pinto.

“Hoy ikaw,” the sophisticated woman yelled. Wala sa sarili akong napalunok at pasimpleng lumingon sa aking likuran para tingnan kung ako ba ang tinawag ng babae subalit wala naman akong nakitang ibang tao sa aking likuran.

I know her so damn well. Maging ang dalawa pang kasama ng babae ay kilaalng-kilala ko rin dahil sikat sila. Nang makumpirmang ako nga ang tinawag nito ay saka ko ibinalik ang tingin sa gawi nila.

“Me?” I asked.

The girl scoffed as she walked towards my direction. Pinipigilan naman siya ng mga kasama niya ngunit hindi ito nagpapigil. Hindi naman mapigilang tumaas ng aking kilay nang makitang halos tumakbo na siya makalapit lamang sa akin kahit na napakataas ng heels na suot niya. She’s walking as if she’s wearing a slipper when the truth is her shoes looks like eight inches tall! Damn! Maging ang kasama niyang isa pang babae ay ganoon din.

It runs in their blood, eh? Weird.

“Akala mo siguro, palalampasin na lamang namin ang ginawa mo? The heck. Ang kapal naman siguro ng mukha mo kung ganoon? Saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha?” she added. I unconsciously swallowed the lump on my throat upon sensing how mad she was.

Ano bang kinakagalit ng babaeng ito sa akin? I am not even involved with their family for pete sake. Saka isa pa, ngayon lamang kami nagkausap. Why is she mad at me like I did something wrong? Hello, sila kaya ang muntik nang bumangga sa akin kanina, ano.

Umayos ako ng tayo at matapang na nakipagsukatan ng tingin sa kaniya. Akala niya siguro matatakot ako sa pagsigaw niya but hell no. . . bakit naman ako matatakot? I didn’t do anything wrong in the first place. “I’m sorry Miss but I don’t know what you’re talking about—“

“Ikaw!” she shouted and was about to pull my hair. Agad naman akong umiwas at sinamaan siya ng tingin. “Ikaw na malandi ka, why did you cheat on my cousin, huh?!”

Napanganga ako dahil sa sinabi niya. I pointed at myself and looked at her obliviously. “How can I even cheat on your cousin when he’s not even my boyfriend?” naguguluhang tanong ko sa kaniya.

Bahagya siyang natigilan at tila natauhan. Nanlalaki ang mga mata niya akong tiningnan samantalang walang takot ko namang sinalubong ang kaniyang mga mata. “Y-You’re not Kuya Dylan’s girlfriend?”

----

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status