Share

THIRTY SEVEN

“Dapat sinabi mo sa aming uuwi ka para nasundo ka namin ni Paige, Thalia.”

Tumigil ako sa pag-alis ng mga gamit ko sa dala kong maleta nang marinig ang sinabi ni Tres. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya kaya naman agad kong nakasalubong ang seryoso niyang mga mata.

“Nasabi ko na nga sa ‘yo na gusto ko kayong sorpresahin, hindi ba?” mahinahong tanong ko pabalik.

Inismiran niya lamang ako bago siya umupo sa kama naming dalawa. Wala sa sarili naman akong napalunok dahil doon. Palagi naman kaming magkatabing matulog noon pero ngayon, iniisip ko palang, parang naninibago na ako kaagad.

“Iyon lang ba talaga ang dahilan mo o may iba pa?”

“Ano namang ibang magiging dahilan ko bukod doon?” Hindi ko na naitago pa ang pagka-inis dahil sa tanong niya. Lihim akong umirap at nagpatuloy na lamang sa pag-aayos ng mga gamit ko.

“Akala ko, umuwi ka lang dito para sa birthday ni Paige. Bakit halos dala mo na yata ang lahat ng gamit mo?”

Muli akong tumigil sa ginagawa ko at hindi kaagad nakasagot sa ta
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (11)
goodnovel comment avatar
Vilma Delara
hay sa wakas nakapag update din thank you ...️...️...️
goodnovel comment avatar
Rowena Ibañez
congrats miss A.
goodnovel comment avatar
Mary ann Batchicha
kala ko talaga wala na tong kasunod ey . namiss ko si kaia at dylan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status