"Manloloko!"
Napailing na lang ako sa sigaw niyang 'yon. Madilim ang lugar at tanging mga ingay lang ng kuliglig at nang kanyang sigaw ang maririnig. Napakalamig din ng hangin dala siguro ng mga naglalakihang puno sa aming paligid.
Nakangisi akong humarap sa lalaking lobo na ngayon ay nakatali sa isang malaking puno. At hindi ko maiwasang mapangisi dahil halos patayin na niya ako sa kanyang mga tingin.
"Kalma," ani ko bago dahan dahang hugutin ang patalim na nakalagay sa aking bewang. "Tagal mong nagtago, ah."
Aba, siraulo pala siya, eh. Inabot ako ng limang araw para lang makita siya. Napakailap ng isang 'to. Hindi niya alam na napakaimportante ng oras ko.
"I-Ikaw si Prodigy? T-Tang-ina mo!"
Muli akong napailing. "Hindi mo ba alam na masamang magmura? Baka mapunta ka niyan sa impyernong gago ka."
Kuminang pa ang hawak kong patalim nang masinagan ito ng buwan. Nanlaki ang mata nito nang makita kung gaano iyon kahaba.
Kilala ako sa paggamit ng espada bilang pagpatay sa mga Rouges. Makaluma raw sabi ng ilang hunter na nakakasalamuha ko pero wala akong pakialam. Di hamak na mas magaling ako sa kanila kaya bakit ako magpapaapekto? Nakabaril na ang ilan sa mga hunters pero iilan lang ang napapatay nila.
"Kuya, paparating na sila! Papatayin mo ba yan o ako na? Sayang ang oras!" sigaw ng kapatid ko na nakatayo sa isa sa mga sangay ng puno.
"Nilinlang niyo 'ko! Bakit hindi niyo sinabing mga hunter kayo?"
Hindi ko maiwasang matawa. Ngayon ay mukhang hindi ko na kailangang gamitin ang espada ko. Hindi na ako nagtaka nang tumarak ang shuriken ng kapatid ko sa kanyang noo.
"Bakit mo naman ako inunahan?" tanong ko sa kanya.
Tumalon ito pababa sa puno. At naglakad para kunin sa noo ng lobo ang kanyang shuriken.
"Alam ko na kung bakit naging Rouge ang isang 'to. Paniguradong tinanggal sa pack dahil sa kabobohan," sagot nito.
Narinig ko na ang mga kaluskos sa hindi kalayuan.
"Tara na," ani ko bago pumunta sa pwesto ng lobo.
Hinawakan ko ang buhok nito at hiniwa ko ang kanyang leeg. Pag-alis namin ay siyang pagkarinig namin sa mga alulong.
"Matt," ani ko sa kapatid ko habang tumatakbo.
Lumingon ito. "Hmm?"
"Matulog ka na. Ako na lang ang magdadala nito sa mga officials."
"Kumain ka kaya muna kuya? Baka malipasan ka," sabi nito na nagpangiti sa akin.
Baka nga malipasan ako. Apat na oras ang lalakbayin ko para lang maihatid ang ulo nito. Napailing na lang ako. Kakaiba talaga itong kapatid ko. Sa edad na 16 ay halos mas matanda pa kung mag-isip sa isang katulad ko na 20.
Nadaanan namin ang mauusok na mga eskinita. Wala nang tao. Walang buhay. Nakakalungkot pero isa sa ang village namin sa mga naging centro nang digmaan noon. Digmaan laban sa mga lobo at ng mga Tao.
Nang makarating kami sa bahay ay agad kaming nagtaka dahil mayroong tao ang nakatayo roon. Hindi, hindi siya tao. Hindi siya normal na tao.
Agad kaming napaatras.
"Anong kailangan mo?" tanong ko.
Humarap ito. Doon namin nakita ang kulay abo nitong mata. Matangos ang ilong nito at maputla ang kanyang balat.
Ngumisi lang ito at hindi sumagot.
"Sasagot ka ba o tatanggalan kita ng ulo? Mamili ka," ani ng kapatid ko.
Napailing ang lalaki. "Chill. Labag sa batas ang gagawin mo bata," sagot nito.
Nagkatinginan kaming magkapatid. Hindi siya Rouge. Hindi namin siya pwedeng patayin.
"Sumagot ka na lang. Wag mong sayangin ang oras namin," ani ko dahilan para mapatingin siya sa akin.
Dumapo ang tingin nito sa hawak kong ulo.
"Woah, hindi ba iyan ang nasa pinakataas ng wanted list? Mukhang kayo nga ang hinahanap ko...Prodigies."
"Sabihin mo sa mga kasama mo na lumabas at wag kaming palibutan," utos ko.
Napatawa ito. "Akala ko hindi niyo napansin." Pumalakpak ito ng tatlong beses. "Labas na," aniya dahilan para lumabas ang apat niyang kasama.
Hindi katulad niya ay mas mahihina ang mga iyon. Sigurado ako. May hinagis itong kulay abo na envelope.
Nagkatinginan kaming magkapatid. Iisang pack lang ang gumagamit nito.
"Galing ako sa Hilaga. Nagpunta kami sa sentro pero hindi kami pinayagan ng mga officials na kunin ang address niyo. But our pack is in a big chaos. Our Alpha needs your help."
[KANLURAN]Maingay, puro sigawan at iyakan. Ayan ang narinig ko nang magising ako isang gabi. Agad akong sumilip noon sa bintana ng aking kwarto. Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga taong tumatakbo habang patuloy na hinahabol ng mga lobo. Lubos pa akong nagtaka dahil ang isang tao kanina ay biglang nag-anyong lobo at agad na sinunggaban ang isa sa mga kapitbahay ko."K-Kuya? A-Anong nangyayari?" tanong ng sampung taon kong kapatid na si Aikee.Patuloy kaming nakasilip nang biglang bumukas ang pinto. Nagmamadaling pumasok si Mama at si Papa. Kita mo sa mukha nila ang kaba. "Magsibaba kayo!" sigaw ni Mama at agad kaming nagtungo sa baba. "M-Ma? Anong nangyayari?" tanong ko habang patuloy na bumababa sa h
[HILAGA]"Whoa! Ang d-daming puno!" sigaw ni Aikee nang makapasok kami sa border line.Borderline ang humahati sa Kanluran, Sentro at sa Hilaga. Ito ang naghahati sa tatlo. Puno ang humahati sa Sentro at Hilaga. Samantalang bato naman sa Kanluran at sa Sentro. Pawang mga anyong tubig naman ang nasa timog kung saan pinagbabawal ang pagpunta roon."Huwag kang maingay, Aikee. Parang awa mo na," bulong ko sa kanya.Tila kasi siya nakakita ng magandang palaruan. Sabagay, magandang training ground ang lugar na 'to. Nagtataasang puno at naglalakihang sanga. Ngayon pa lang ay ramdam ko na galak sa mga mata ng kapatid ko. Kahit papaano ay sulit ang anim na oras na byahe."Kuya! Dito na lang tayo magtayo ng bahay! Ang ganda ng lugar na 'to! Bakit kasi hindi tayo napadpad noon dito, '
[MASK]Matapos ang digmaan noon ay lagi nang nakatatak sa isipan ko na kailangan kong protektahan ang kapatid ko. Alam ko naman na kaya na niya ang sarili niya pero hindi ko hahayaan na mawala pa sa akin ang kaisa-isang pamilya ko.Siya na lang ang mayroon ako at ako na lang ang mayroon siya. Kailangan ko siyang protektahan hindi dahil sa hinabilin siya ng mga tumayo naming magulang kung hindi dahil sa iyon ang nararapat.Napahawak ako sa kulay abong sobre. Pinagmasdan ko ito. Mula sa mga lining hanggang sa mensaheng nakapaloob dito.Tinanggap ko ang misyon na 'to dahil hindi na kami ligtas sa Sentro at sa Kanluran. Tang-ina kahit anong lakas ko ay hindi ako uubra sa rami nila.Hindi na lang kasi Rouge ang kalaban namin kung hindi pati ang mga hunter na katulad namin. Kaya
[Tour] Magdamag akong nakahiga sa malambot kong kama. Damang-dama ko ang pagod sa katawan ko. Hindi ko alam pero mas gusto kong matulog buong araw. Nakailang labas ako na ako ng semilya ngayong araw at nangangawit na ang kamay ko. Napakahot ng mga babaeng lobo rito. Mga mukhang model na lumabas sa isang magazine. "Kuya! Papasok ako, ah!" sigaw ni Aikee mula sa labas ng aking pinto. Napailing na lang ako bago sumigaw. "Bahala ka!" Ilang sandali pa ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto. Bagot ko siyang nilingon at nakita ang pandidiri sa kaniyang mukha. "Ang kadiri mo kuya! Ang amoy ng kwarto mo! Amoy na parang zonrox!" Napangisi ako. "Wag kang feeling anghel, Aikee. Nakita kita kahapon. Wag kang maghugas kamay dyan na parang di mo ginagawa yung ginawa ko." Napailing na lang ang ulo niya bago tignan ang mga tissue sa sahig. "Seryoso? Ang dami ng tissue nito Kuya! ilang beses ka na nagpalabas?" takang tanong niya.
[NEW SCHOOL]Kung tutuusin pwede naman akong mag-aral noon habang nag-eensayo. Pero dahil nga sa balita noon na nalaman ko ay mas pinili kong mag-ensayo na lang. Magiging sagabal kasi sakin ang paghahati ng oras at baka mawala ako sa linyang tinatahak ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin na-i-po-proseso ng utak ko na mag-aaral na akong muli. Magtatatlong taon na rin pala simula nang huminto ako sa pag-aaral.Bakit ba ako huminto sa pag-aaral bukod sa pag-eensayo? Simple lang ang sagot. Nakakatamad kasi. Hindi ko rin kasi alam kung anong gusto kong kurso. Huling taon ko rin noon sa highschool ay wala akong masyadong ginagawa. Yung tipong papasok lang ako para lang magh
[BULAKBOL]"Yung sinabi ko sa'yo kahapon, Aikee. Dumiretso na kayo ni Ashley sa bahay. Wag niyo na akong hintayin, naiintindihan mo ba?" tanong ko.Malapit nang matapos ang pila ng mga babae. May inaabot silang kung ano sa guard at doon ko lang naalala ang inabot kanina ni Vincent na papel. Buti hindi ko tinapon ang bagay na 'yon."Oo, kuya. Hindi ko naman nakalimutan." Sumaludo ito bago ko tinanguan.Sinabihan ko siya na ako muna ang magmamasid ngayong araw. Malakas naman ang pakiramdam ko kung anong pinagkaiba ng alpha at ng isang normal na lobo. Mas mabuting salitan kesa naman dumayo pa siya rito sa building namin. Masyadong malabo at mahihirapan siya."Una na ako, Kuya. Mukhang mag-eenjoy ako sa new school na 'to." Ngumisi pa ako bago siya tanguan.Kahit kailan talaga, oh. Ayaw na ayaw magpah
[KALMA]Katulad kanina ay halos ilag pa rin sa akin ang ilang estudyante. Hindi ko alam kung bakit ganon sila. Tila ba sila mga takot na hindi mo malaman. Ang sarap pagsusuntukin. Kanina nga ay halos gusto kong kwelyuhan ang isa sa kanila para tanungin lang kung bakit sila umiiwas.Nababadtrip ako. Idagdag mo pa yung malditang Blake. Siraulo, tinulungan mo na nga lahat lahat tapos iirapan ka pa? Gago amputa. Siya na nga 'tong tinulungan siya pa 'tong magagalit. Pinaglihi yata sa sama ng loob ang isang 'yon.Sinunod ko ang sinabi ni Vincent kanina. Kaso pagpasok ko pa lang sa isang maliit na gate ay agad na sumalubong sa akin ang malawak na mini forest na sinasabi niya. May fountain ito sa gitna at halos...kailan pa naging mini ang ganito kalaki? Puro nagtataasang puno. May mga bench pero halos lahat ay may mga nakapwesto.Para akong nasa ibang panahon. Makaluma ang disenyo. Halatang hindi nabibigyan ng pansin para linisin. Malungkot ang agad n
[ALPHA]"Kuya! Natapos mo--Oh! A-Anong nangyari sa labi mo?"Agad na napatakbo si Aikee sa pwesto ko. Kakabukas ko lang ng pintuan at halos dambahin niya ako sa ginawa niya."Wala 'to. Nadulas lang d'yan sa labas," sagot ko.Hinawi ko ang kamay niya at nagtungo sa kusina. Napaupo ako sa upuan at napatingala. Kanina pa talaga ang sugat na 'to. Matapos ng engkwentro namin sa cr ay hindi na siya nagpakitang muli."Ikuha mo na lang ako ng yelo. Dampian ko na lang 'to.""Sa laki ng katawan mo, hindi ako naniniwalang nadulas ka," dagdag pa nito habang nakatitig pa rin sa akin.Napangisi na lang ako. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng excitement sa katawan ko. Akalain mong malakas nga talaga ang isang 'yon. Hindi ko akalain na mahuhuli niya ako nang gano'n kabilis."Oh, kuya, ito na."