Share

1

[KANLURAN]

Maingay, puro sigawan at iyakan. Ayan ang narinig ko nang magising ako isang gabi. Agad akong sumilip noon sa bintana ng aking kwarto.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga taong tumatakbo habang patuloy na hinahabol ng mga lobo. Lubos pa akong nagtaka dahil ang isang tao kanina ay biglang nag-anyong lobo at agad na sinunggaban ang isa sa mga kapitbahay ko.

"K-Kuya? A-Anong nangyayari?" tanong ng sampung taon kong kapatid na si Aikee.

Patuloy kaming nakasilip nang biglang bumukas ang pinto. Nagmamadaling pumasok si Mama at si Papa. Kita mo sa mukha nila ang kaba.

"Magsibaba kayo!" sigaw ni Mama at agad kaming nagtungo sa baba.

"M-Ma? Anong nangyayari?" tanong ko habang patuloy na bumababa sa hagdan.

"Huwag nang maraming tanong anak. Magtago kayo ng kapatid mo sa kusina," ani Papa.

Patuloy naming naririnig ang mga sigawan sa labas hanggang sa marinig namin ang malakas na kalabog sa pinto.

"Magmadali kayo!" sigaw ni mama at agad na inangat ang kung ano sa ilalim ng lamesa. Doon ko nakita ang isang madilim lagusan.

"Huwag kayong lumabas hanggang naririnig niyo ang mga kaluskos. Huwag kayong mag-alala dahil may mga pagkain roon," sabi ni Papa.

Muli naming narinig ang malakas na tunog. Nagsimula nang umiyak si Aikee habang ako ay agad na pumasok.

"Sundin mo ang sinabi ko, Felix. Ingatan mo ang kapatid mo. Huwag niyong pabayaan ang isa't isa," sabi ni Papa bago tuluyang ibaba ang pinto ng aming pinagtataguan.

Simpleng buhay. Ayan lamang ang tanging hiling ko simula nang magkamalay ako sa mundong ito. Pero hindi ko maiwasang manlumo dahil nauwi ang lahat sa wala simula nang mamatay ang mga tumatayong magulang naming dalawa ng kapatid ko.

"Hindi mo ba talaga tatanggapin 'yon, Kuya?"

Napabuntong hininga ako dahil sa paulit ulit niyang tanong.

Pitong araw na ang nakalipas simula nang matanggap namin ang kulay abong sobre. Pitong araw na rin simula nang mapadpad kami sa lugar na minsan nang tinirhan ng aming mga magulang.

"Bakit? Ayaw mo na ba rito? Di hamak na mas maganda manirahan sa lugar na 'to," sagot ko.

Matapos ko kasing makuha ang perang katumbas ng lobong 'yon ay agad akong nakabili ng lupain dito sa kanluran. Yun nga lang ay napakalaki ng pagkakaiba nito.

Mas sariwa kasi ang hangin dito kesa sa dati naming tinitirhan. Maraming puno rito sa kanluran hindi katulad sa sentro na halos dikit dikit ang mga kabahayan. Mas maginhawa rito pero hinahanap hanap ko ang lugar na 'yon.

"Maganda nga pero napakaboring naman," sagot nito.

Doon kasi sa sentro ay pwede kaming magsanay dahil sa mga sirang kabahayan. Hindi kami naiilang dahil matagal ng abandonado ang village na 'yon. Hindi katulad dito sa kanluran na halos may mga nakatira sa mga kabahayan. Hindi basta bastang makakapagsanay dahil nag-iingat din kami kahit papaano.

"Gusto mo na bang mang-hunting?" tanong ko bago ilapag ang aming almusal sa lamesa.

Imbes na matakam ay nanlaki ang mata nito at agad na napatayo.

"Oo naman, Kuya! Baka kinakalawang na ako! Ikaw ba, kuya? Sigurado akong kinakalawang ka na rin!" sigaw nito bago umupo at tumawa.

Napangisi ako bago tuluyang umupo. "Ako? Kakalawangin? Malabong mangyari 'yan, Aikee," sagot ko.

Nagtalo kami pa kami ng kapatid ko kung sino ang mas magaling sa aming dalawa. Natawa na lamang ako dahil hindi siya nagpapatalo. Ganiyan nga, Aikee. Wag na wag mong hahayaan na malamangan ka. Sa mundong 'to ay talo ang mga mahihina.

Natapos kaming kumain nang maisipan naming gumayak.

"Kuya? May mga Rouges kaya rito? Di ba sabi nung mga hunters sa Silangan na mas mataas ang bigayan kapag sa kanluran nahuli?" tanong nito nang makalabas kami sa bahay na tinutuluyan namin.

"Mataas talaga," nakangisi kong sagot.

Kunot noo itong tumingin sa akin. "Wag mo sabihing dito ka naghuhunt kapag hindi mo ako sinasama?" tanong niya na nagpangisi sa akin.

"Mismo," sagot ko dahilan para mapanguso siya.

"Napakadaya mo, Kuya!" sigaw nito.

Humarap ako sa kanya at seryoso siyang tinignan sa mata. "Napakadelikado ng mga Rouges dito, Aikee. Kung ang mga officials nga ay hindi sila napigilan, ikaw pa kaya?" tanong ko.

Naging tahimik ito at mas piniling magmasid sa lugar. May mga lumilipad na sasakyan. May mga video sa bawat building. At higit sa lahat ay ang mga tao na hindi mapakali kakalakad. Napakarami nila.

"Wala naman yatang nagtitinda ng dyaryo rito, Kuya! Puro building lang yung nakikita ko," ani Aikee.

Napailing na lang ako. "Malapit na. Nasa kabilang kanto pa kasi yung tindahan," sagot ko. Humarap ako sa kanya at ngumisi. "Bakit? Napapagod ka na ba?" pang-aasar ko.

Hindi ito makapaniwala sa mga sinabi ko.

"A-Ako? Mapapagod, Kuya? Nahihibang ka na ba?"

"Tinawag mo pa akong kuya kung gan'yan din naman ang sasabihin mo," seryosong sagot ko.

Agad itong napahinto. "P-Pasensya na. Nagbibiro lang naman ako, Kuya," ani niya.

Napayuko ito dahilan para guluhin ko ang kanyang buhok. "Nagbibiro lang din naman ako."

Natawa ako nang muli itong mapanguso. Seryoso man akong tao pero hindi sa kapatid ko. Kakaiba ako magbiro kaya gan'yan ang itsura niya ngayon.

Huminto ako sa paglalakad nang makita ko ang pamilyar na tindahan. Hindi katulad sa mga nasa tabing gusali ay hindi hamak na mas luma ito. Mapapansin mo kaagad 'yon dahil sa napaglumaang pintura at mga abo sa itaas ng shop na 'to.

Pag-apak namin sa loob ng shop ay agad kaming napahinto. Hindi na ako nagulat nang maramdaman ang malamig na dulo ng espada na nakatapat sa leeg ko. Pero nagulat ako nang magsalita ang kapatid ko.

"Ibaba mo yung espada mo, Manong," ani Aikee habang nakatutok ang maliit na shuriken sa leeg ng lalaki.

"A-Anong kailangan niyo?" tanong ni Manong na tila ba takot na takot.

"Inuulit ko manong, ibaba mo ang espada mo kung ayaw mong maunang bumaba kay santanas," ani Aikee.

Hindi natinag si Manong hanggang sa sabihin ko ang salitang magpapakalma sa kaniya.

"Hunter," ani ko dahilan para ibaba niya ang espada. Binaba na rin ni Aikee ang shuriken niya.

"Masyado kang nakakabigla," ani Manong habang nakatingin kay Aikee.

"Binigla niyo rin naman kasi ako," sagot nito bago ilagay ang shuriken sa kanyang bulsa.

Tumalikod ito at nagsimulang maglakad. "Pasensya na. Nag-iingat lamang ako dahil sa mga nagkalat na Rouges dito," sagot nito.

Walang nagbago sa shop na 'to. Puro luma pa rin ang mga gamit. Mula sa mga espada na nakasabit hanggang sa mga inaalikabok na mga libro.

Yumuko ito sa ilalim. At sa kaniyang pag-angat ay agad niyang inilapag ang hinahanap namin.

"Huwag na muna kayong bumalik dito," ani nito na ipinagtaka ko.

Kinuha ko ang dyaryo at tumingin sa kanya. "Ho? Bakit naman ho?" tanong ko.

Salitan niya kaming tinignan ni Aikee. "Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niyo at sabay kayong pumunta rito," sagot nito.

"Ano po bang sinasabi niyo?" tanong ni Aikee.

"Hunter kayo hindi ba? At siguradong kilala niyo ang magkapatid na The Prodigies?" tanong nito na nagpakaba sa akin.

Nagkatinginan kaming dalawa ng kapatid ko. Tingin na naghahanda sa mga maaaring mangyari.

"Base sa mga galaw niyo kanina ay hindi ko maipagkakaila na kayo ang dalawang 'yon," dagdag nito.

Agad na inilabas ni Aikee ang shuriken niya.

Napatawa si Manong at napataas ng kamay. "Kumalma ka iho. Hindi ako kaaway. Nais ko lang sabihin na hindi kayo ligtas sa lugar na 'to."

"Anong ibig mong sabihin, Manong?" tanong ko habang pinipigilan ang sarili.

Nangako kami ni Aikee na papaslangin namin at gigilitan sa leeg ang mga taong makakaalam ng tinatago naming sikreto.

"Kayo nga," ani nito at kinuha ang maliit na box.  "Kayo ang anak ni Greta at Jose. Hinabilin sakin ng tatay niyo na ibigay ang bagay na 'to. Paglabas niyo ng shop na 'to ay agad kayong mag-impake at magtago. Hindi kayo ligtas sa lugar na 'to dahil hindi lang ang mga Rouges ang naghahanap sa inyo... pati mga hunters ay intiresado sa mga ulo niyo."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Wang Lei Chen
Ulo talaga HAHAHA
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status