Share

46

Ramdam ko ang lamig mula sa aking likuran. Masakit ang ulo ko at hindi ko alam kung bakit. Mariin akong napapikit. Ilang beses akong napakurap para makita nang maayos ang na sa paligid ko. 

Fuck! 

Rehas at madilim na paligid ang bumungad sa akin. Agad nangunot ang aking noo. 

Nasaan ako? 

Sinubukan kong bumangon. Pilit akong umayos pero may malamig akong naramdaman na nakadikit sa paa ko. Tinignan ko 'yon at doon ko nakita ang isang kadena.

Hayop na Manong yan. Talagang tutuluyan nya kami?

Kinapa ko ang katawan ko. Wala namang masakit sa mga parte nito. Nakakapagtaka lang kung bakit hindi man lang niya ako binugbog kaagad. 

Pilit akong kumawala sa kadena. Hila dito. Kutkot doon. Pero kahit anong gawin ko ay napakahigpit non. Habang pinipilit kong tanggalin ang kamay ko ay nakarinig ako ng isang tawa sa gilid ko.

"Hindi mo na iyan maaalis, kuya."

Napalingon ako nang makita si Aikee.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status