Share

44

"Kuya? B -binasa mo na ba yung binigay na sobre na binigay nung officials sayo kanina?"

Tuluyan akong napahinto sa sinabi nyang 'yon. Muli kong naalala ang itim na sobreng inabot sa akin ng lalaking nakausap namin kanina sa university.

Kinapa ko ang bulsa ko at doon hinanap ang sobre. Agad ko iyong kinuha at pinagmasdan.

Bakit ba nauuso ang bigayan ng mga papel ngayon? Pangalawa na ito sa araw na 'to. Ang una ay kay Arisa at masama ang laman ng papel na binigay nya.

Pinagmasdan ko ang itim na sobre. Nakalagay doon sa gitna ang logo ng officials, ang buwan at ang araw.

Nakatitig lamang si Aikee habang binubuksan ko ito.

"9:00 a.m. Clock tower."

"A -anong ibig nyang sabihin?" takang tanong ni Aikee nang basahin ko ang laman ng sobre.

At hindi ko maiwasang kabahan nang mabasa ang pinakailalim.

"Let's have a deal, Felix. . ."

Paanong . . .

Paanong alam nya ang pangalan ko?

Chapter 44:

<
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status