Share

45

Chapter 44:

Naging tahimik kaming muli ni Aikee. Kasalukuyan nya akong sinasamahan na hasain ang espada ko. Ngayon na kasi magaganap ang caliagri open na matagal nang pinaghandaan ng mga tagahilaga.

Napailing na nga lang ako dahil ang buong akala ko ay maiuusog ang date ng caliagri open. Pero hindi nila inurong at tinuloy pa rin.

"Sigurado ka ba na hindi tayo aalis dito, kuya?" tanong sa akin ni Aikee. "Official na ang nagsabi na umalis tayo. Baka ito na rin yung gustong ipahiwatig ni Arisa at ni Mechille.

Napangisi ako sa sinabi nya. "Oo naman, sigurado ako," sagot ko.

Pagkauwi ko kahapon ay agad kong sinabi sa kaniya ang mga sinabi nung official sa akin. Ang sinasabi nya na planong pagpatay sa akin ni Manong lagkatapos na caliagri open, ang pagmamanman na ginawa ni Manong nung na sa sentro pa lang kami at ang nalalaman ni Manong tungkol sa nangyari apat na taon na ang nakakalipas.

"Hindi natin kakayanin si Manong kapag

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status