Share

THE GREEN TEMPTATION
THE GREEN TEMPTATION
Author: Ischeee

CHAPTER 1

"KLASH where are you?" napalingon ako kay Selena na nag-ngingitngit sa galit habang kausap nya ang pinsan ko.

[Babe on the way na 'ko, pwede mamaya ka na lang tumawag?]

"Sinungaling! ang sabi ni tita naliligo ka pa lang! kapag nakita talaga kita ako mismo ang maglilibing sa'yo ng buhay." napailing na lang ako sa inaasta nilang dalawa. Selena and Klash are dating, ideal couple silang dalawa pero kapag nag-away ay parang aso't pusa.

[Pero babe-]

Hindi na pinatapos ni Selena ang sasabihin ni Klash at padabog na umupo sa harap ko.

"Nakakainis talaga 'yang pinsan mo Dion!" tumawa ako, "Calm down okay? parang hindi ka na nasanay kay Klash."

"Hindi talaga! alam mo ba 'yang pinsan mo napakatigas ng ulo! hindi na ako sinusunod, kapag nalaman ko talagang may babae sya ako mismo ang puputol sa ari nya." sunod sunod akong napalunok sa sinabi nya.

"S-sigurado k-ka b-ba?"

"Oo naman at kapag nalaman kong ikaw ang kasama nyang mambabae idadamay ko 'yang iyo at ipapalapa ko kay Chi-chi."

"Selena!"

"Biro lang hehe,"

Napahilot ako sa sintido. Paano ba natatagalan 'to ng pinsan ko? bukod sa mabunganga napaka-selosa. Pero hindi ko masisisi ang pinsan ko kung bakit sya patay na patay kay Selena. Maganda si Selena, mabait kung mabait ka sa kanya at madalas topakin.

"Dumating na ba 'yung iba?" tanong ko kay Selena. Busy itong nagreretouch sa harap ko mismo.

"Si Drew kasama girlfriend nya bumibili ng mangga." napakunot ang nuo ko.

"Mangga?"

"Vanessa is pregnant," napanganga ako sa gulat.

"Woah woah ang bilis naman ng b****a ni Drew." biglang namula si Selena sa sinabi ko.

"Dion your mouth!"

"Bakit may laman na din ba 'yan?" kung kanina ay namumula si Selena ngayon ay mas dumoble pa.

Tawang-tawa naman ako dahil asar na asar sya. I treated her as my younger sister, whenever they're fighting either si pinsan ang lalapit sa akin madalas si Selena.

"Anong may laman?"

Parehas kaming natigilan ni Selena nang biglang dumating si Klash. May dala itong isang rosas.

"May laman na 'yung tiyan ni Vanessa!" pangbabara ni Selena. Napalingon sya sa akin at sinasabing wag akong maingay.

"Really?"

"Oo pare ang angas nga ni Drew nakabuo agad." napalingon ako kay Selena ngayon ay pulang pula na.

"Stop this topic please,"

Biglang lumapit si Klash kay Selena, "Hey baby, you okay?" imbis na sagutin ni Selena ang tanong ng pinsan ko ay walang sawa nya itong binungangaan.

"Babe, tama na nakakahiya sa ibang tao oh pinagtitinginan na tayo." nagtitimping sabi ni Klash.

"Whatever! Dion, I'm sorry I'm going to rest room muna." napakunot ang nuo ng pinsan ko.

"The fuck.. Babe, sa pinsan ko nagpapaalam ka tapos sa akin hindi?"

"You're so pangit." pagkasabi ni Selena ay bigla itong umalis patungong rest room.

"What's with her pinsan?" napalingon ako kay Klash,

"I don't know maybe her mood swings." sabi ko pa habang nangigiti.

"Or maybe naglilihi."

Napakunot ang nuo nya sa sinabi ko. "S-she's what?" tumawa ako, "Ang sabi ko sa labas iputok 'wag sa loob." nakita ko ang pamumutla ni Klash.

"What the fuck.. is she.. did she tell you?" umiling ako. Napakibit-balikat na lang ako nang makita kong nagmamadaling sinundan ni Klash si Selena. Mukhang nakaamoy na si gago.

"Fuckers," napalingon ako sa entrance ng restaurant. Sina Drew na may dala dalang Isang basket na mangga at Vanessa na sobrang lukot ng mukha.

"Naglilihi na pare?" tanong ko pa habang natatawa.

"Fuck you," sobrang tawang tawa ako sa naging reaksyon ni Drew.

Aalalayan ko sanang maupo si Vanessa nang murahin ako ni Drew.

"You son of a bitch, don't touch her." napailing na lamang ako. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanila? lahat ata sila may mga shota lahat rin mapag-angkin.

"Lumayo ka nga Drew ang baho mo!" iritang sabi ni Vanessa na ikinatawa ko.

"What? we're just from the bath." biglang namula si Vanessa. "Kahit na mabaho ka pa rin!"

"You're hurting my feelings." padabog na naupo sa tabi ko si Drew.

"Ang gwapo mo, Dion." napaawang ang labi ko sa sinabi ni Vanessa.

"Patay pare magiging kamukha ko ata ang panganay mo."

"Fuck you. Baby, don't look at that bastard please?"

"Don't call me that."

"Hey.."

Nagkibit-balikat na lamang ako habang sumisimsim ng mainit na kape. Ngayong araw naisipan naming magkita-kita. Matagal na rin simula nang nagkita kita kami. Masyadong busy na sa kanya- kanyang buhay. Klash and Selena will have a baby soon same as Drew and Vanessa. Apat na lang ata kami sa grupo ang wala pang balak bumuo ng pamilya.

"What the fuck Pilo?!"

"You bastard don't touch me!"

"I didn't fucking touch you!"

"Shut up."

Sabay sabay kaming tatlo napalingon sa may entrance ng restaurant. Napaawang ang labi ko nang makita ko kung sino sino ang pumasok. Those motherfuckers.

"Hey man anong pagkain?" parang batang tanong ni Pilo nang makarating sa table namin.

"Who the fuck set this fucking meetup?" Sulpot naman ni Xinon.

"I'm sleepy, make this meet up fast." dagdag pa ni Tristan.

"Shut up." Si Slander na hindi pa rin nagbabago, mahilig pa rin sa shut up.

Nabitin sa pagkain ng mangga si Vanessa habang nakatingin sa naggagwapuhang lalaki sa kanyang harap.

"Oh my god Drew ready na ako nakipagbreak sa'yo," napasinghap si Drew sa sinabi ni Vanessa.

"What the fuck babe?"

"Ang gwapo nila.. pero mas gwapo si Dion." napanganga ang bagong dating na apat. Kung kanina ay para silang mga zombie kung maglakad ngayon ay parang umakyat lahat ng dugo nila sa buong mukha.

"Woah.."

"Gusto kong maging kamukha ni Dion magiging baby ko." kumunot ang nuo ni Drew. "Our baby,"

"Fine!"

"Grabe pare iba talaga ang karisma mo," biglang sabi ni Pilo bago tumawa.

"Yeah I agree, if Dion were a girl I will impregnate him." napanganga ako sa sinabi ni Slander.

"Tangina mo!"

Sabay sabay silang nagsitawanan. Fuck, they are bringing it back again.

Ten years ago

"Hey, D, Meira is not yet here. And she texted me that she can't make it." napahilot ako sa sintido.

"How come..paano na tayo nito?" halos magmumura na ako sa prustrasyong nararamdaman.

"One hour before the play pres, but Meira is not yet here. She texted me that she is not coming. May emergency daw sa bahay nila." napahinga ako ng malalim. Hindi pwedeng hindi kami makapagperform, nakasasalalay dito ang pangalan ng school.

"Fine.. I will do her part." nanlaki ang mga mata ng secretary ng play.

"Seryoso ka?"

"I am, make it fast. Kindly do the make up." sinubukan kong kumalma. Nang matapos na ang pag mamakeup sa mukha halos matigilan si Winter.

"May problema ba?" tanong ko. hindi sya sumagot magrereklamo na sana ako nang iharap nya ako sa malaking salamin.

"G-God.. you look good," sunod sunod akong napalunok sa nakita ko sa salamin. Tiningnan ko ang sarili ko mula ulo hanggang paa.

"Shit, I look like a girl." napapikit ako ng mariin.

"Let's do this, ayoko sa ayos na 'to, fuck."

Lalabas na sana kami ng studio nang marinig ko ang pamilyar na ingay.

"Pupusta ko kotse ni dad sobrang ganda ngayon ni Meira!"

"You're annoying."

"Anong ako?! si Tristan kanina pang humihilik sa likuran ko!"

"Shut up Pilo, open the damn door."

"Ito na nga kamahalan!"

Sabay sabay naglalaglagan ang kanilang mga panga nang makita ako.

Nahulog nina Drew at Klash ang hawak nilang pagkain, si Pilo ay naihulog si Tristan mula sa likod nya. Si Xinon naman ay sunod sunod na napalunok. Habang si Slander ay seryosong nakatingin saakin.

"Tangina ang OO-A nyo." sabi ko sabay irap. Wala pa rin nagsalita o gumalaw sa kanilang anim.

"What? don't tell me type nyo ako?" sabay sabay silang umaktong nasusuka.

"Fuck man hindi ba pwedeng na star struck lang?" si Pilo.

"Wow pinsan kung naging babae ka liligawan kita kahit pinsan kita!" sunod sunod na nakatanggap si Klash ng batok mula iba.

"Siraulo."

"You son of a bitch, may kapatid ka?" si Drew. Pinakyuhan ko lang sya dahilan para matawa ang iba.

"Gago, tara na nga baka magsimula na ang play." sumang ayon naman sila sa sinabi ko nakita kong nagising si Tristan dahil sa pagkakahulog sakanya ni Pilo.

"Holy shit who's this girl?" nagsitawanan kaming lahat mukhang antok na antok pa si Tristan.

"Tangina hindi ako babae, baka gusto mong ipalaklak ko sa'yo tong make up."

"What the fuck Dion?!"

Sabay sabay kaming lumabas ng studio habang magkakaakbay, ako ang nasa gitna dahil ang sabi ng loko lokong si Pilo ako muna raw ang prinsesa nila. Napansin kong mariing nakatingin saakin si Slander napailing na lang ako bago sya pinakyuhan.

"Dion, nasaan sina Klash at Selena?" napalingon ako kay Pilo, busy itong nakikikain sa mangga ni Vanessa.

"Nasa rest room-"

"I said I'm not pregnant!"

"Wag kang magsinungaling! tell me the truth.. baby please?"

Narinig ko ang paghagikhik ni Pilo sa tabi ko. "Tsk tsk baliw na baliw talaga kay Selena."

"Fine I'm pregnant okay?! pero please stay away from me you're so pangit kasi." lahat kami napanganga sa sinabi ni Selena, pati na rin ang ibang tao sa restaurant.

"Woah congrats man!" sabay sabay na sabi namin ang ibang tao ay nagsipalakpakan.

"Argh he's so annoying Dion!" reklamo ni Selena nang nasa harapan ko na sya. Napalingon sya sa ibabaw ng mesa, maraming mangga ang nagkalat. Mukhang nakalimutan na ni na Vanessa at Pilo na nasa restaurant pa sila.

"Can I have one?" parang batang natatakam na tanong ni Selena.

"Sure!" biglang sabat ni Vanessa.

"Really?!" nagmamadaling kumuha ng tatlo si Selena. Lahat kami natigilan pati si Klash na kanina'y nagtatampo.

"Akala ko ba isa lang.." rinig kong bulong ni Pilo agad ko naman syang binatukan.

Napatigil sa pag nguya si Pilo nang pinakatitigan sya ni Selena.

"Move,"

"Ha?"

"I said move! gusto kong katabi si Dion! Klash is so pangit kasi."

Walang nagawa si Pilo kundi ang lumipat ng upuan. Maya maya naman ay kinatitigan ni Vanessa si Drew.

"What?"

"Can you move? gusto ko rin katabi si Dion ang gwapo nya kasi." napasinghap si Drew. "Fuck, fine."

Ngayon ay katabi ko ang dalawang naglilihi habang kaharap namin ang anim na nagagwapuhan.

"Shit ang hirap maging gwapo," sabi ko na ikinamura nilang lahat.

"Fuck you, don't touch my girl." banta ni Drew.

"Pinsan tangina mo talaga, please convince her to sleep with me this night." parang batang pakiusap ni Klash, napailing na lang ako.

"Oh Selena gusto ni Klash tabi kayo matulog." biglang itong umiling.

"No, I prefer sleeping with chi-chi."

Nangaasar na humagikhik si Pilo, "Aw, oras na siguro para maging aso Klash," agad namang binato ni Klash ng mangga si Pilo.

"Aray gago masakit!" reklamo ni Pilo habang hinihimas ang braso. Napailing na lamang ako. It's been a long time since nagkasama sama ulit kami. Natigil ako nang kalabitin ako ni Pilo.

"Inom tayo mamaya."

Ngumisi naman ako, "Ikaw taya." bigla itong sumimangot kaya natawa naman ako.

"Inom daw tayo sabi ni Pilo. Vanessa, Selena papayagan nyo sila Drew?" singit ko. Agad naman umasim ang mukha nilang dalawa.

"Kahit hindi na sila umuwi wala akong pake, basta pahingi pictures mo hehe." si Selena.

"I want to have your baby pictures, tapos kahit ibenta mo na si Drew okay lang."

Napabuga sila Pilo sabay tawa.

"Payag naman pala o ano pang hinihintay natin inuman na!" natigil ito nang batukan sya ni Xinon.

"Fuck... Vanessa why you're so harsh to me?" nagdadramang si Drew.

"Ang pangit mo kasi."

"What?"

Natatawang dinaluhan ni Pilo si Drew, si Drew naman panay mura kay Pilo. Hindi ko alam kung saan ba ako titingin. Sa dalawang naglilihi na nakatitig sa akin o kina Drew at Pilo na nagbabatuhan ng mangga. Napahimas ako sa batok ko habang nakatitig sa kisame.

"Dion," napalingon ako kay Tristan,

"Yes, baby?" asar kong tugon. Agad naman silang nagsitawanan nang mamula si Tristan. Gustong gusto ko talagang inaasar si Tristan. Bukod sa hindi agad ito napipikon, maninigil na sya ng mga utang namin since high school.

"Tangina mo bagbayad na kayo ng utang sa akin." tawang tawa ang iba. Nagsisimula ng maninigil si gago.

"Fuck, kasalanan mo 'to Dion, naniningil na si Tan wala pa naman akong pangbayad." nagdadramang si Pilo.

"Ulol, singkwenta lang naman 'yun!" binato ko sya ng mangga.

"Tan, pwede next meet up na lang? libre kita isang box ng condom." pulang pula na si Tristan. hindi ko alam kung dahil ba sa hiya o dahil mainit ang panahon. Si Pilo ayun tawang tawa.

"Walang pambayad sa utang pero may pambili ng condom." natatawang sabi ko pa. Si Tristan pinagmumura na si Pilo. Si Pilo naman enjoy na enjoy.

Natigil ako nang tumunog ang phone ko, napangiti ako nang makita ko kung sino ang tumatawag.

"Excuse me sasagutin ko lang 'tong tawag." paalam ko. Si Pilo parang tangang kinikilig sa sulok habang inaasar si Tristan. Sina Xinon at Slander may sariling mundo. Sina Drew at Klash parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Balik ka kaagad Dion!" si Selena. Napangiwi naman ako. "Nakakasawa mukha ni Drew kaya bumalik ka kaagad," dagdag pa ni Vanessa. Napailing na lang ako bago tumango.

"Si Reine 'yung tumawag?" gusto kong sarhan ang bunganga ni Pilo dahil sobrang ingay. Nagaalangan akong tumango.

"Ayiiee mababawasan na ang single sa mundo,"

"Who's Reine?" sabay sabay kaming napalingon kay Slander.

"Long time crush ni gago! ayaw pa kasing umamin kaya ayun naunahan-" natigil si Pilo nang sunaglngalin ko sya ng mangga.

"Ang ingay mo na," natatawang sabi ko bago sila iniwan para sagutin ang tawag.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status