Share

CHAPTER 5

"HEY, WAKE UP." napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang may tumapik tapik sa aking balikat. Pikit pa ang aking mga mata pero pinilit ko pa ring usisain kung sino ang gumising saakin.

"Who are you?" hindi ko ito kilala. She's wearing a white dress. She's an angel.. Napalingon ako sa paligid, Umaga na pala.

"I live in this house." kumunot ang nuo ko. Sa pagkakaalam ko mag-isa lang siya rito? All this time he's lying to us?

"What do you mean?"

"I'm Slander's wife! you're his friend right?"

Natigilan ako.

"You're Slander's what?"

"I'm Arabella, Slander's wife, you're?" inabot nito ang kanyang kamay, "I'm Dion," nakipagkamay ako rito kahit gulong gulo ako sa nangyayari. He has a wife? what the hell...why did he do that to me? that's definitely cheating!

"Arabella stop it, you're making him uncomfortable." napalingon ako sa lalaking iniluwa ng pinto.

"Kuya naman! I'm just having fun with your friend." k-kuya? what the fuck?

"He's not my friend." napanguso ang babaeng nasa harapan ko. "What's going on between you two?" nanigas ako sa tanong ng babae.

"W-Wala! walang namamagitan samin ng kuya mo." kumbinsi ko pa rito. Mukha namang naniwala ito sa sinabi ko. "Hey, Dion can we be friends?" nagpuppy eyes pa ito. Gusto kong matawa dahil sa ginagawa nito pero pinigilan ko dahil baka mapatay ako ng tingin ng lalaking nasa harapan ko. Pero di ako papayag. Magpapatayan kami.

"You're to young to be friend with him," asik ni Slander.

"I'm 18!"

"You're young."

"I'm old! I've grown up!"

"Ah! don't worry Ara, I'll be your friend. 'Wag mong intindihin 'tong lalaking 'to kulang lang talaga sa bakuna." hinawakan nito ang aking kamay, para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Really?!" umawang ang labi ko bago tumango. niyakap naman ako nito dahilan para matawa ako. Napadaing ako ng tamaan nya ang aking balakang.

"Stop it Arabella, go back to your room."

"Kuya naman! I was just visiting him." ngumuso pa ito. "Aalis na nga ako mamaya...please let me talk to him? pretty please? I'll just barrow him I'll take him back I promise!" napatingin ako kay Slander. Madiin itong nakatingin sa akin. "Fine, but let me talk to him first."

"Yehey! thank you, kuya." lumapit ito sakanya bago sya niyakap.

"Yeah, yeah."

Sinundan ko ng tingin ang papalabas na si Arabella. She's cheerful unlike his brother, nevermind. Napalingon ako kay Slander. Kung kanina ay maayos pa ang mukha ko ngayon ay lukot na lukot na. Halos patayin ko na sya sa tingin. Naramdaman siguro nito ang mga titig ko kaya sya na mismo ang umiwas ng tingin.

"She's my sister," Anya. Hindi ko sya pinansin.

"Alam ko, kung mabait kapatid mo ikaw demonyo. Can you please let go of me? nakuha mo na gusto mo diba. May trabaho akong naghihintay—" agad nya akong pinutol.

"Is it work or Reine?" napasinghap ako.

"Kung oo ano naman sa'yo?" nagtagis ang bagang nito.

"What is it to me? because I like you. I've already told you, right?" kumunot ang nuo ko, "No, you don't like me," I said.

"Psh, I'm nothing compared to her, she's a girl after all." inis asik nito bago ako iniwan.

Napanganga ako sa sinabi nya. what's with him? fuck..kailangan ko na talaga tumakas para mapatingin na sya sa espesyalista.

Matapos naming mag-usap ni Arabella napag-alamanan ko na half sister pala ito ni Slander. Kaya pala magkaiba sila ng ugali. Ngayon na rin sya babalik ng ibang bansa dahil magsisimula na ang bagong semester. I told her that her brother is one of my friend, I also told her that her brother kidnapped me and her reaction was priceless. Hanggang ngayon gusto ko pa rin humagalpak sa tawa dahil sa naging reaksyon ni Ara. She told me; "Kuya Slander is such a bad guy talaga, but don't worry I'll cut his boxers for you!"

Napatingin ako sa susing hawak ko. Ibinigay ito saakin ni Arabella, ganti na raw nya ito sa kuya nyang sintu sintu. Finally, makakatakas na rin ako. Ang plano ko ay bukas ng gabi ay tatakas na ako. Siguro bukas hindi na masakit ang katawan ko at kaya ko nang mag-lakad. Sa ngayon hindi ko pa kaya.

Nakalock ang pinto ng kwarto. Siguro wala rito sa loob ng bahay si Slander. Si Arabella naman ay umalis na, baka raw malate sya sa flight. Pero bago sya umalis ginupit nito ang lahat ng boxers ng kuya nya. Napapailing na lamang ako na natatawa.

Natigilan ako nang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang lalaking walang kaemoemosyon sa mukha. His cold aura can make you froze, and might stop you from moving or should I say from breathing.

"If you're hungry eat this." inilapag nya sa ibabaw ng mesa ang pagkain. Agad naman syang tumalikod at umalis. Hindi na nito nilock ang pinto, siguro nandoon sya sa labas upang magbantay. Napabuntong hininga ako bago sinimulang kainin ang ibinigay nyang pagkain.

Bukas na bukas, tatakas na ako.

Kinabukasan maaga akong gumising. Kaagad naman akong naligo at nagpalit ng damit na ibinigay nito saakin. Kaunting oras na lang I'll be free. Pagdating ng tanghali, dinalhan nya ako ng makakakain. Agad ko naman itong kinain dahil kailangan ko ng lakas para sa pagtakas ko mamayang gabi.

The time has come. Alas diyes na ng gabi. Agad akong lumapit sa may pintuan. Gusto kong magtatalon sa tuwa nang matanawan kong hindi ito nakalock. Thanks, God.

Nang makalabas ako ng kwarto sobrang dilim na ng pasilyo. Wala man lang kaingay ingay. Sabagay kaming dalawa lang naman ang nandito sa loob ng kanyang bahay. Dahan dahan akong nag-lakad papalapit sa may main door ng bahay. Pero bago pa man ako makalapit, natanawan kong nakaupo habang natutulog si Slander. Ang gagong ito, may kama hindi doon natulog.

Agad ko syang nilapitan. Kumuha ako ng kumot sa kwarto at ipinulupot sa kanyang katawan. Hahakbang na sana ako paalis ng higitin nya ang aking braso.

"D-Don't go..." inalis ko ang kanyang kamay sa aking braso.

"Sorry, bud, but I won." sabi ko bago sya iniwan.

——

Tirik na ang araw nang makakita ako ng kalsada. Fuck, I've walked for almost 8 hours. Napaupo ako sa sobrang pagod, maya-maya pa ay may kotseng huminto sa aking harapan. Hindi ko ito pinansin kasi baka napadaan lang. Pero mahigit 30 minutes na hindi pa rin ito umaalis. Bigla tuloy akong kinabahan na baka nasa loob nito si Slander. Tatayo na sana ako nang biglang may lumabas mula sa kotse.

"Do you need some help?" natigilan ako.

"H-Hindi. Salamat na lang." Anya ko sabay tayo. "You're bleeding," napayuko ako para tingnan ang paa ko. May nakatusok dito na matalim na kahoy. Napasinghap ako nang maramdaman ang hapdi nito.

"H-Hindi na! ayos lang talaga ako." kumbinsi ko pa rito. Hindi ito naniwala at nilapitan ako. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Mukhang hindi naman kaduda duda ang lalaking 'to. Pero kung sakaling may gawin itong kakaiba magsusuntukan kami hanggang sa mamaga ang mukha nya.

"Get in, I'll treat your wound." tatanggi pa sana ako ng hilain nya ako papasok ng kotse. Bigla akong nilamig dahil sa AC ng sasakyan. Natanawan kong kinuha nito ang first aid kit sa likod ng sasakyan.

"Use this," tinapon nya sa mukha ko ang jacket. Napataas ako ng kilay. "Hindi ko naman 'to kailangan pre." balik ko sakanya. Pero si gago hindi nagpatalo, sya pa mismo nagsuot nito saakin. Napabuntong hininga ako, shit, magkakautang na loob ako dito sa lalaking'to.

"I'm Canon, I'm just passing by when I saw you." tumango tango naman ako.

"What about you, what's your name? and what happened to you?" aba, napaka mausisa ng Isang 'to.

"Dion," hindi ko sinagot ang pangalawa nyang tanong. Malay ko ba kung inutusan sya ni Slander na ibalik ako sa bahay na 'yun. Hirap na hirap na nga akong makatakas sa trip nitong si Slander, ibabalik pa kaya ako.

"A-Aw! tol dahan-dahan!" sita ko rito nang idiin nya ang paglalagay ng alcohol sa sugat ko. Natanggal na rin nito ang kahoy sa paa ko. Hindi ko alam na mas masakit pala kapag tinanggal ang kahoy na nakatusok sa paa ko.

"What happened to your wound?" nagbaba ako ng tingin dito.

"Ganito kasi yan pre, naglakbay ako sa bundok na 'yun." duro ko sa bundok na katabi ng gubat. "What?" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. Gusto ko namang matawa kaso baka malaman nyang nagsisinungaling ako.

"Why would you go to that kind of place? are you stupid or what?" aray. Kung masakit yung sugat mas masakit ata itong sinabi ng lalaking 'to.

"Tol naman, minsan na nga lang ako makaranas ng adventure sa buhay sisitahin mo pa. Ang ganda kaya roon sa bundok, angas nga hindi ako naligaw." natatawang sabi ko pa.

"Sigurado kang sa bundok ka galing?" nagulat ako nang magtagalog ito. "Nagtatagalog ka?" parang batang tanong ko rito. Hindi ito umimik. Napakamot naman ako sa batok.

"People are not allowed in that place," napangiwi ako. Isip, Dion. Isip. Napapikit ako sa hiya. Kahit kailan talaga bonak ako magsinungaling.

"Ah gano'n ba hehe.."

"Don't worry, I won't ask questions again. Where do you live I'll drive you there." napaawang ang labi ko sa sinabi nya. "Ganiyan ka ba talaga kabait sa lahat tol?" tanong ko pa rito. His brows furrowed, napaiwas tuloy ako ng tingin.

"What?"

"Wala. Ang sabi ko hatid mo na ako sa may pinakamalapit na bus terminal. Ayos ba? ang kapal na ng mukha ko." narinig ko itong tumawa. Natameme naman ako. Kung nandito siguro sina Pilo mamatay na ito sa kakatawa.

Habang nasa byahe hindi ko maiwasang isipin kung ano ba ang mangyayari saamin ngayon ni Slander. We've been friends for a long time, pero sakanya na rin nangaling na hindi nya ako itinuring na kaibigan. At ayaw nya rin akong kaibigan. Ano bang tinira mo Slander. Bahala na.

"We're here." naalimpungatan ako nang tapikin ako ni Canon. Yes, Canon. We're buddies na. Pinautang nya rin ako ng tatlong libo pamasahe para sa bus. Kinuha ko ang phone number nya para mabayaran ko sya sa lahat ng ginawa nya.

"Salamat ulit pare!" bumaba na ako at tinapik ang sasakyan. "Alis na ako," Paalam ko bago tuluyang umalis. Sinundan ko ng tingin ang sasakyan nitong papalayo. Napabuntong hininga na lamang ako. It's been a long day.

Sumakay na ako ng bus. Mahigit tatlong oras din ang byahe bago nakarating sa bahay ko. Gabi na rin nang makarating ako. Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong nahiga at nakatulog. Wala ng ligo ligo diretso na tulog.

Sa kalagitnaan ng aking pagtulog nagising ako ng umingay ang doorbell ng pinto. Kahit na antok at pagod na pagod ang aking katawan pinilit ko pa ring bumangon sa kama.

"Uh wait lang."

Nagulat ako kung sino ang nasa harapan ng pinto.

"S-Slander? anong ginagawa mo dito?" naguguluhan kong tanong rito. Nandito ba sya para kidnapin ulit ako? bigla akong napaatras at kumuha ng pamalo katabi ng pinto.

"I'm not here for that don't worry." sabad nito nang akma ko na syang pupukpokin.

"I'm here to apologize," napalabi ako sa sinabi nya. Napakamot ako sa aking batok. "Di ako alam tol kung mapapatawad ba kita, pero tatanungin kita, bakit mo nagawa 'yun? sira ba talaga ulo mo? wala ba talagang halaga sayo ang sampung taon nating pagkakaibigan?" tanong ko rito.

"I'm sorry for all the things that I've done to you. Don't worry I won't bother you anymore. Yeah we're friends but I don't want to be friends with you, I want more than that. I'm sorry if I made you uncomfortable." seryosong sabi nito.

"B-Bakla ka ba?" diretso kong tanong dito.

"If liking you will make me gay, then I am." nagulat ako sa sinabi nya.

"Sira na ulo mo pacheck up kana. May sasabihin ka pa ba?" umiling ito. Napabuntong hininga ako, "You can leave," sabi ko pa rito. Bigla syang natigilan. Siguro hindi nya ineexpect na sasabihin ko 'yun. O inaasahan nya talaga na sasabihin ko ito.

Napakuyom ang kamao nito bago tumango tango. "I'm leaving, lock the door." Anya sabay talikod nito. Nagtagis naman ang bagang ko, so it's over now.

How did he know that I'm home?

Napaupo ako sa sobrang frustration na naramdaman. How could he act like nothing's happened? And he's saying that he likes me? fuck... we're both men. I like girls. We're friends. What kind of joke is this?

Natigilan ako nang tumunog ang isa ko pang cellphone na naiwan dito sa bahay. Kumunot ang nuo ko. Sino ang tatawag sa ganitong oras? hating gabi na.

"Hello?"

"D-Dion! finally sinagot mo na rin ang tawag ko. Ilang araw na kitang hindi macontact, did something happened?" nag-aalalang tanong ni Reine. Napangiti naman ako, "I'm okay, I had a cold that's why. Pasensya ka na nga pala hindi kita nasipot." napapikit ako ng mariin.

"N-No..no! it's okay tapos na rin ang preparation natin so wala ka na dapat pang problemahin. How are you?" napakagat ako sa sariling labi. "Ayos na ako, salamat sa corcern." narinig ko ang buntong hininga nito. "Bakit ka nga pala napatawag? may problema ba?" tanong ko rito. Hindi kaagad ito nakasagot. Para bang pinagiisipan nito ang sasabihin.

"I think I like this person...w-what should I do?" napako ako sa kinauupuan ko. She l-likes someone? Di ko alam pero parang nakaramdam ng kirot ang aking dibdib. Napikit ako, what is this feeling..

"Who's this lucky person?" pinilit kong itanong kahit alam ko na hindi ako ang gusto nya.

"I don't know his name, yet. Nakasalubong ko sya kanina dito sa hallway. Alam mo ang pogi nya! he's also tall, masculine at mala bad boy!" napangiti ako ng mapait.

"Talaga?"

Narinig ko itong tumili. "Yes! you know, we bumped each other tapos tinulungan nya akong makatayo. He only said 'be careful' pero grabe kinilig internal organs ko!" napatawa ako ng mapait.

"Kinilig ka ah," asar ko pa.

"Sino ang hindi?! if you saw his face grabe mapapanganga ka talaga. He looks like a goddess, ahh.. I think I'm getting married." kinikilig na sabi nito. Hindi ko namalayan na pumatak na pala ang luha ko.

"Ahm, can we talk tomorrow? medyo sumakit kasi ulo ko." narinig ko ang pagpanic nito. "N-Naistorbo ba kita?"

"H-Hindi! sakto kakagising ko pa lang."

"I'm glad... pagaling ka ha, chichika pa tayo! bye bye, don't forget to take your medicine muwaps!" Paalam pa nya.

"Good night," sabi ko bago ibinaba ang tawag.

Her mix signals...the way she treats me.. it's just a friendly gestures right? or I'm just imagining things? fuck it hurts.

—VIENS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status