Share

CHAPTER 2

MATAPOS ang tawagan namin ni Reine, agad na akong bumalik. Tanaw ko ang batuhan nina Pilo at Klash, habang ang dalawang buntis ay walang tinggil sa pagkain ng mangga. Pinagtitinginan na nga sila ng mga tao, napailing na lamang ako.

"Yo! musta bebe time nyo ni Reine?" umalingawngaw ang boses ni Pilo, agad ko itong kinaltukan.

"Gago, tungkol lang sa trabaho." sabi ko sabay tawa.

Napansin kong seryosong nakatingin sa akin si Slander kaya tinabihan ko ito.

"Hey," kaswal na bati ko rito, tumango naman ito.

"How's life, man? gago tagal na rin nating di nagkasama sama 'no? kumusta na nga pala kayo ni Fre—" agad nya akong pinutol. "We broke up,"

"K-Kailan pa?"

"Last year?"

Kumunot ang nuo ko bago napadapo ang tingin kay Pilo na tawang tawa habang inaasar si Klash at Drew.

"Hell man, bakit ang sama ng tingin mo?" nagtatakang tanong sa akin ni Pilo. Hindi ko ito sinagot bagkus ay binato ko ito ng mangga.

"Gago! Panay ang kuwento mo tungkol sa shota ni Slander, kesyo magpapakasal na sila pero hiwalay na pala. Isa pa gago saluhin mo!" sunod sunod ko itong binato. Si gago tawang tawa dahil lahat nya nasalo.

"I enjoyed teasing you," Anya sabay tawa. Napailing na lamang ako habang natatawa.

"How about yours?" napalingon ako kay Slander, "Anong...?"

"Kumusta kayo ni Reine?" Bigla akong namula sa tanong nya. "W-Walang kami.. siraulo lang talaga yang si Pilo." napakamot pa ako sa aking batok.

"I see," napabuntong hininga ako. Bakit ba kasi ang mahal ng mga salita ni Slander. Kahit sino samin hindi sya makausap ng matagal.

"Inuman basta mamaya ah! Dion, wag kang magpapass! kapag hindi ka sumama bobombahin ko bahay mo!" nagsitawanan ang mga gago. Wala rin akong nagawa kundi ang pumayag.

"What about you, girls?" si Tristan, sabay naman na napaangat ng tingin Sina Selena at Vanessa.

"Us? We're fine you can go, Sina Drew at Klash pwede nyo nang itulak sa tulay. Wala namang magagalit." Si Selena. Tawang tawa naman ako nang matanawan kong namumutla si Klash. "Si Drew pwede nyo nang bugbugin kasi ang pangit nya."

"Pinsan, pano ba yan?" asar ko kay Klash.

"Okay lang yan pareng Klash, sagot ko na ang mangpa-ospital mo." binatukan ni Klash si Pilo.

"Gago," sinungalngalan ni Selena ang bunganga ni Klash. Aw that was harsh.

"Watch your mouth, Klash! ang dumi dumi talaga ng bunganga mo. Mabuti pa mag break na lang tayo. Nandito naman ang pinsan mo, mas pogi mabango pa. Ikaw ang pangit pangit mo." sabay sabay naming tinawanan si Klash. We know that Selena was just joking or should I say it's part of her pregnancy.

"Babe—"

"Shut up for now, okay? you're so pangit, period. Anyways, bye for now Dion! ingat kayo. Don't forget to send your baby pictures or else—" agad ko syang pinutol.

"Yes ma'am, masusunod ang iyong kahilingan." natatawang sabi ko. Selena is pregnant, natural na lamang ang paglilihi para rito. Alam kong kayang tiisin ni insan ang ugali ni Selena. Sa sobrang mahal nya ito halos isangla na nga nito ang kaluluwa sa diyablo.

"Uuwi na kami ni Vanessa," Paalam ni Selena. "Medyo napagod ako kakakain ng mangga.." sabi ni Vanessa habang hinahaplos ang tiyan. Nilapitan naman ni Drew ang kasintahan.

"Hey baby are you okay?" nagaalalang tanong ni Drew Kay Vanessa. Umiling ito, laking pagtataka namin dahil hindi sya nito sinungitan.

"Hatid mo muna brad baka mapano," sabad ni Pilo. "Naks may ambag karin pala sa lipunan." sambit ko. Sinamaan ako ng tingin ni Pilo. Natawa naman ako.

"Baby samahan ko na rin kayo—"Si Klash pero bago pa nya matapos ang sasabihin nagsalita na si Selena.

"No, I don't want to be with you. Stay here." halos pinagsakluban ng langit at lupa si Klash habang hinahatid sa tingin ang kanyang girlfriend.

"Why is she acting like that..."

Tumawa kami. "It's part of her pregnancy, bud. If you really love her, then you can do everything whatever it takes. It's for her and your baby." sabay sabay kaming napalingon kay Xinon.

"Wow, kailan ka pa natuto nyan?" nangaasar na sabi ni Pilo kay Xinon.

"Shut the fuck up,"

"What are we waiting for? inuman na!"

Sabay sabay naman kaming tumango bago nagtungo sa sasakyan ni Slander.

Pagkapasok namin sa bar agad kaming sinalubong ng usok, amoy ng sigarilyo, ingay, at walang katapusan na hiyawan. Ngayon na lang din ako nakapunta sa ganitong lugar dahil sa abala ako sa trabaho. Gustuhin ko man pumunta hindi ko magawa. I put my work first before anything else.

Natanawan ko si Pilo na sumasayaw na parang tanga. Wala na atang dangal ang lalaking ito. Hinila nito si Xinon dahilan para pagmumurahin sya nito. Tawang tawa naman si gago.

"Hi," napalingon ako sa babaeng nasa harapan ko. May dala itong alak, halatang nakainom dahil sa pula ng mukha nito.

"Hey," kaswal na bati ko rito. Napangiti naman ito. She's wearing a back less red dress. Hindi man sya katangkaran pero bawing bawi naman ito sa mukha at dibdib.

"Wanna join me?" pilyo akong napangiti, "Sure,"

"Dion wait," napalingon ako kay Slender, may hawak itong alak habang naninigarilyo. "What?"

"Nothing,"

"Who's that?" tanong ni Quinn napabuntong hininga ako. "He's my friend, you want him? You can have him instead of me." namula ito. Natawa naman ako. "H-Hindi no! ikaw kaya ang type ko. Ayoko ng masyadong intimidating yung dating baka kasi kainin ako ng buhay." humagikhik ito.

"Is that a joke?"

"O-Oo naman! tara na nga." hinila ako nito papuntang dance floor. Agad naman akong nagpaubaya.

"I'm Quinn, I'm already 25, though napapagkamalan akong kinder dahil sa height ko." I chuckled. "Dion," maikli kong pagpapakilala. "May girlfriend kana?" tanong nito sa akin. Agad naman akong napailing.

"Wala kang girlfriend? single ka, single ako, so tayo na lang?" Anya na ikinagulat ko. "Biro lang ito naman." tumawa ito sa sinabi nya. Napangiwi naman ako.

"Kung makatingin kasi sayo yung kaibigan mo para kang kakainin ng buhay." natigilan ako. "What are you talking about?" tanong ko. Tumawa ito.

"Look oh," nguso nya sa likuran. napalingon naman ako. Naroon nakaupo si Slander. Maitim itong nakatingin saakin. What's his problem? this fucker.

"He's just like that,"

"Sure ka?"

Kumunot ang nuo ko. "I am, why would he look at me, we're friends for so long." tumango tango ito.

"Sabi mo yan ah! let's drink! shot kana dali." napailing ako habang natatawa bago tinuga ang iniabot nyang alak.

Halos isang oras kaming nasa dance floor kaya nang makaramdam ako ng pagod at pagkahilo agad na akong nagpaalam kay Quinn. Shit mukhang may tama na ako.

"Quinn, balik muna ako."nguso ko sa table na kinaroroonan nina Pilo. Sumangayon naman ito. "Maybe next time we can talk privately," I winked, tumili naman ito.

"Tapos kana dumiskarte? paano si baby Reine?" bungad ni Pilo. Kumunot ang nuo ko.

"Siraulo," tumabi ako ng upo kay Slander dahil ito lamang ang may bakante. "Did you have fun?" napalingon ako kay Slander, sumisimsim ito ng alak. Mukhang hindi pa rin ito tinatamaan ng alak. Habang ako, halos umikot na ang paligid dahil sa hilo.

"Ah, I did," tumawa ako habang hinihimas ang ulo. "Are you okay?" tumingin ito sa akin. "Sumakit lang ulo ko," Anya sabay tawa.

"You wanna go home?" umiling ako. "No need, man, hintayin ko na lang kayo. Sabay sabay na tayo umuwi." marahan itong tumango. Napalingon ako kay Pilo, may kandong itong dalawang babae. Anak ng..

"Hindi ka hahanap ng babae?" tanong ko kay Slander. Hindi ito kumibo.

Napabuntong hininga ako. Paano ko nga ba naging kaibigan ang isang ito kung hindi man lang makausap. Napansin kong tulog na naman si Tristan. Akala ko ba inuman ang ipinunta namin dito, bakit naging bedroom na. Natawa ako. Si Xinon panay iwas at taboy sa mga babaeng lumalapit sakanya. Grasya na ang lumalapit, panay pa ang iwas nito. Minsan napapaisip ako kung bakla ba ito o allergic lang talaga sa babae.

"Why would I find a woman if you're here?" napatanga ako sa sinabi ng katabi ko. "Ha adik ka ba?" he chuckled. Nagulat ako sa inasta nya.

"Just kidding, man." awkward man, tumango tango na lamang ako bilang pagsang-ayon.

Wala sa isip ko ay inagaw ko ang alak na iniinom nya.

"What the fuck.."

"Thanks," binalik ko sakanya ang baso pero bakit parang babaliktad na ang mundo ko?

"Tol, I think I'm gonna throw up—" bago ko pa masabi ang sasabihin nasuka na ako sa damit ni Slander.

"Dion!" nabalik ako sa huwisyo nang tapik tapikin ako ni Slander. Natanawan ko na rin sina Pilo, Klash, Xinon na nakatingin sa akin.

"Hoy gago anong nangyari?"

"What happened?" si Tristan na kakagising pa lamang.

"He puked."

"Gagi pre ang baho!" narinig kong asar ni Pilo.

"U-Ulol..mas mabaho ka.." pilit na sabi ko habang pinipigilang masuka ulit. Nakita kong tawang tawa si Pilo bago sya sunod sunod na binatukan ni Xinon.

"Aw! aray masakit!"

"Shi-ar.. pupunta ako ng shi-ar.." Hila ko sa laylayan ng damit ni Slander. humagalpak sa tawa si Pilo pati na rin si Klash. Naramdaman ko ang pagkuha nila ng mga larawan.

"Thanks insan! ipapakita ko 'to kay baby Selena para di kana nya paglihian."

"Nice pre!"

"Stop it," suway ni Slander pero di pa rin tumigil ang dalawa sa pagtawa.

"Hey, Lander what happened to your clothes?" tanong ni Xinon. Hindi sumagot si Slander sa tanong ni Xinon. Tinapik tapik ako nina Pilo pero di ko pa rin magawang magangat ng tingin dahil sa hilo. Bakit ko ba kasi ininom ang alak na iniinom ni Slander. fuck.

"Help me carry him." utos ni Slander sa tatlo. Ramdam kong hinawakan nila ang kamay ko.

"One, two, three, smile!" napaangat ako ng tingin kasabay ng pagflash ng camera.

"Mga gago,"

Nang makarating kami sa park side agad na nagsisakayan ang mga gago. Si Slander ay nakapagpalit na rin ng damit, si Tristan tulog na naman, si Klash busy kachat ang naglilihing si Selena, si Xinon ang nagddrive. Habang ako, nahimasmasan at natauhan sa kagaguhan.

"Shit, mga gago uuwi na kayo?" sabay sabay silang napalingon sa akin.

"Shi-ar pupunta ako ng shi-ar," panggagaya ni Pilo sa akin. Binato ko ito ng panyo dahilan para matawa ito.

"Satingin mo babalik pa tayo r'on? look at you man, halos hindi ka na nga makatayo." si Xinon. Sumangayon naman ang iba. Kahit kailan talaga kung tratuhin nila ako parang babae. Sarap kaltukan ng mga hayop na 'to.

"Xin is right, you better go home and rest," sabat ni Slander. Dahil matigas ang ulo ko syempre hindi ako pumayag. Ngayong gabi kasi namin tatapusin ni Reine ang proposal para sa isang linggo. Bakit ba kasi ang dami ng nainom ko. Shit, baka sabihin ni Reine na I'm a irresponsible man. Teka, why am I thinking about her. Napailing ako.

"Ayos na ako, baba na ako may pupuntahan pa ako." Anya.

"Sigurado ka tol? baka masagasaan ka di pa naman ako ready uminom ng maraming kape." si Pilo. "Siraulo, bakit papupuntahin ba kita sa lamay ko." napanguso ito. "Sabi ko nga bababa kana." pinagbuksan ako nito ng pinto.

"May ambag ka rin pala," asar ko.

"Pati sa kagwapuhan."

"Kagaguhan" sabay sabay naming sabi. bago nagsitawanan.

"Sige una na ako, kita kits sa next inuman." paalam ko. Sinundan ko ng tingin ang papalayo nilang sasakyan. Napabuntong hininga ako bago naupo sa nakanteng upuan. Natigilan ako nang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?"

"D-Dion.."

"R-Reine? anong nangyari—" naputol ako nang biglang may matigas na bagay ang pumukpok sa aking likuran bago tuluyan akong nawalan ng malay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status