Share

Chapter Two

             KINABUKASAN ay  naalimpungatan ako ng maramdaman kong may mainit na kamay na humahaplos sa aking pagkalalaki. Akmang tatadyakan ko sana ang nagmamay-ari ng kamay na 'yon nang bigla na lang tumayo ang isang babaeng hindi ko maalala ang pangalan. Mabilis niya akong kinubabawan, dahilan upang bigla akong mapamura.

" F*** you! What are you-" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin dahil bigla na lang ako nitong siniil ng halik sa labi.  

"Good morning handsome!" Naroon pa rin ito sa ibabaw ko. Kasalukuyan itong nakaupo sa aking tiyan habang paulit-ulit na nilalaro ng kanyang daliri ang aking mga nipples kung kaya't bahagya akong nakikiliti. Aminado akong nasisiyahan rin ako sa ginagawa niya subalit mas pinairal ko ang pagiging isang matinong tao.

"Hey! Stop it young lady!" pagpigil ko sa kanya ng maramdaman kong balak niya na naman himasin ang alaga kong hindi pa rin kumakalma hanggang ngayon.

"Weird." Nakangiwing saad niya at saka padabog na bumaba ng kama.

"Magbihis ka na at pagkatapos ay magbo-book ako ng Grab Car para maihatid ka pauwi."

"Huwag na Mr. Buenaflor! Nasira na ang araw ko dahil sa pambibitin mo sa'kin. Samantalang kagabi ay halos sambahin mo ang pagkababae ko para lang maibsan ang libog mo!"singhal nito saakin.

"Okay. Give me your bank account name before you leave in this room para ma-deposit ko na ang sahod mo sa pagtatrabaho sa'kin buong gabi."

Hindi na ulit ito kumibo. Sa halip ay nilamukos nito ang papel na nasa side table at ibinato 'yon saakin. Marahil ay nakasulat na doon ang kanyang bank account at kapagkuwa'y nagmadali na itong lumabas sa aking silid. Hinayaan ko na lang din siya at dumiretso na ako sa banyo upang maligo.

Isa-isa kong hinubad ang aking saplot sa katawan at kapagkuwan ay tila wala sa sariling itinapat ko ang aking sarili sa pumapatak na tubig mula sa shower. Ilang minuto rin akong nakatayo lang at hinahayaan na umaagos ang butil ng tubig sa aking katawan. Nahulog ako sa isang malalim na pag-iisip kaya't paulit-ulit kong sinariwa sa aking ala-ala ang mga masasamang pangyayari nitong mga nakaraang araw. Hindi ko pa rin kasi lubos maisip na aabot sa ganito ang relasyon namin ni Tiffany. Buong akala ko ay siya na ang babaeng makakasama ko sa habang buhay subalit sa ikatlong pagkakataon ay nabigo na naman ako.

Kaya't matapos ang panloloko sa'kin ni Tiffany ay parang nawalan na rin ako ng ganang makipagrelasyon. Lalo pa't karamihan sa mga kababaehan ngayon ay sex and money na lang ang habol sa aming mga kalalakihan.

Isang malalim na buntong hininga muna ang aking pinakawalan bago ko sinabunan ang aking buong katawan at kapagkuwa'y nagmamadali akong nagbanlaw nang maalala kong kailangan ko nga pa'lang pumasok ngayon ng maaga.Ngunit alas nuwebe na ng umalis ako sa bahay kaya naman halos paliparin ko na ang aking sasakyan para lang makarating kaagad sa kompanya.

"Hay naku! Anong petsa na oh?" Ani Beberly pagbungad ko pa lang sa pintuan ng aking opisina.

Limang taon ko na itong sekretarya. Inaanak ito ng aking ina, at nagkakasundo naman kami sa maraming bagay. Kaya't malaki rin ang  tiwala ko sa kanya pagdating sa pamamahala ng kompanya. Minsan pa'y natatawa ako tuwing naiisip ko kung paano ba ito nakakatiis sa ugali at pamamalakad ko. Kung tutuusin kasi ay hindi na gawain ng isang sekretarya ang mga ginagawa niya dito sa office ko. Madalas akong uma-absent at halos siya na ang umaako sa trabaho ko. Kaya't balewala na lang saakin sa tuwing sinisermonan niya ako. Kahit pa nga pinapaulanan niya ako ng mura ay okay lang din saakin.Palibhasa ay nasanay na ako sa bunganga niya.

"Late ka na naman Mr. Buenaflor! Naku, dapat hindi ka na lang pumasok eh!" dagdag pa nito habang magkakrus ang mga braso at sunod-sunod na naman ang ginawang pag-irap.

"Sorry na! Promise, babawi ako ngayon."

"Sus, scammer ka!" asik nito. "Year 2016 na puro ka pa rin pangako. Aba'y limang taon mo ng bukang bibig ang linyang 'yan pero wala nama'ng nagbabago." Dagdag pa nito na sinabayan pa ng sunod-sunod na pag-irap.

"Tsk! Kaasar naman 'to!" napakamot na lang ako sa batok dahil sa pinipigilan kong iritasyon. "Sige na, ano ba kasi ang gusto mong almusal at tanghalian? Magpapadeliver ako." Masuyong pagkausap ko sa kanya para lang matigil na ang usapan.

"Wala! Ang gusto ko ay pumunta ka na sa conference room dahil kanina ka pa'ng hinihintay ng lahat." Mariing saad niya.

"Okay! But before i leave, gusto ko munang alamin kung ano ba talaga ang dapat kong gawin para lang makabawi sa maganda kong sekretarya?" Kinindatan ko pa ito at nginitian ng nakakaloko.

"Wala nga sabi eh! Bilisan mo na! Naiinip na 'yong mga tao do'n."Giit pa nito.

"Uhm...mag-set kaya ako ng dinner date niyo ni Wesley?" nakangising suhestiyon ko. Kaya naman laking gulat ko ng ambahan ako nito ng suntok sa tiyan. Mabuti na lang talaga at mabilis akong nakailag.

"Ewan ko sa'yo!" nakasimangot na tinalikuran ako nito.

                  PAGKATAPOS ng meeting ay muli akong nagpaalam kay Beberly.

"Oh, bakit na naman? Akala ko ba ay maghapon ka dito?" asik niya, matapos kong sabihing aalis ulit ako.

"Tsk! Babalik naman agad ako eh."

"Sus, hayan ka na naman sa mga style mong bulok."

"Promise." Bahagya ko pang itinaas ang kanang kamay ko para lang makumbinsi siya. Subalit hindi 'yon umobra sa kanya.

"Sige na! Lumayas ka na, pero kapag hindi ka talaga bumalik mamaya, hahakutin ko 'yang mga papeles na 'yan. Itatambak ko 'yan sa bahay mo!" Napangiti naman ako sa kanyang tinuran kaya naman nakaisip kaagad ako ng ideya kung paano siya aasarin.

"Okay." Maikling sagot ko sa kanya, dahilan upang muli ako nitong irapan. Kaya't isang matamis na ngiti naman ang agad kong isinukli sa kanya.

Nagmamadaling sumakay ako sa aking kotse at muling pinaharurot 'yon patungo sa pinakamalapit na bangko. Kailangan ko kasi na mai-deposit kaagad ang bayad sa babaeng kasiping ko kagabi at baka buweltahan ako nito at guluhin pa.

Mabuti na lang at wala masyadong tao kaya't nakaalis kaagad ako. Uuwi na lang ako ng maaga para mapilitan si Beberly na hakutin sa bahay ang mga papeles na kailangan kong pirmahan. At pagkatapos ay tatawagan ko si Wesley para sunduin siya.

Wesley Carter Cordova is one of my friend. He is the owner of Cordova Jewels na kahit kailan ay hindi man lang nagkaroon ng kasintahan. Kaya't nang minsan na mapadpad ito sa opisina ko ay hindi ko ito tinantanan. Madalas ko itong tuksuhin at minsan pa'y gumagawa talaga ako ng paraan para lang magkasama sila ng sekretarya ko.

Sa katunayan ay pareho kami ni Beberly na niloko ng aming mga kasintahan. Kaya't hindi ko rin ito masisisi kung bakit masyado itong umiiwas sa mga kalalakihan. Maging si Wesley ay hindi man lang nito kausapin ng matino sa tuwing kikibuin siya ng kaibigan ko. Kaya naman sa pagkakataong ito ay batid kong uubra na ang plano ko.

Abot tainga ang aking ngiti matapos kong iparada sa harap ng aking condo ang mamahalin kong sasakyan. At tinawagan ko muna si Wesley bago ako pumasok sa loob ng bahay.

"Bud!" Ani Wesley matapos sagutin ang tawag ko.

"Busy ka ba?" Pambungad na tanong ko sa kanya.

"F*** you Buenaflor!"Gigil nitong saad. "Alam mo naman na palagi akong busy!" Giit pa niya.

" Tsk... may hihingiin lang sana akong pabor sa'yo eh."

"Ano ba kasi 'yon?" may bahid pang iritasyon sa tinig nito.

"Sunduin mo mamaya 'yong sekretarya ko."

"What?" Bulalas nito sa kabilang linya. "Are you out of your dumb mind?"

"Ofcourse not!" natatawang sagot ko. "She's the one who told me na huwag na raw akong bumalik ng office at magpapatulong na lang daw siya sa'yo na iuwi rito ang mga papeles na kailangan kong pirmahan." dagdag ko pa para lang makumbinsi siya.

" Anong oras ba? Susubukan ko siyang isingit sa schedule ko." Ani Wesley na halatang napilitan lamang.

"Bago mag alas singko ay puntahan mo na."

"Okay!" Tipid niyang sagot kaya naman pinindot ko na ang end button.

Nagtuloy-tuloy na ako sa loob ng bahay at laking gulat ko ng maabutan ko si Tiffany na prenteng nakaupo sa couch at nakatutok sa tv ang buong atensiyon.

Bahagya akong natigilan. Hindi ko rin alam kung paano ko siya sisimula'ng batiin. Lalo pa't sariwa pa saaking pandinig ang mga ungol niyang nakakapanindig balahibo. Nang mga sandaling iyon ay gustong-gusto ko siyang sigawan at kaladkarin palabas ng aking condo subalit naisip kong mas mainam yata kong magpanggap akong walang alam, nang sa gayo'n ay makagawa agad ako ng paraan upang magantihan ko siya ngayon.

Tumikhim muna ako para lang maagaw ang kanyang atensiyon at napag tagumpayan ko naman 'yon.

"Hey honey!" maarteng bati niya saakin matapos halikan ang magkabila kong pisngi.

"You look tired!"Aniya na tinulungan pa akong hubarin ang aking sapatos.

"Salamat." Tipid kong sambit.

"Hon, ipinagluto nga pala kita ng paborito mong pansit." Nakangiting wika ni Tiffany matapos kunin ang niluto niya. Umuusok pa ito at humahalimuyak pa ang mabangong amoy.

"Wow! Mukhang masarap ah!" komento ko, dahilan upang mas lalong lumapad ang kanyang ngiti sa labi.

"Tikman mo na! Paniguradong magugustuhan mo 'yan." Dagdag pa niya. "Sandali lang ha, at ikukuha nga pala kita ng juice sa ref." Bago pa man siya makaalis ay agad ko ng nahawakan ang kanyang pulsuhan at hinila ko siya papalapit saakin. Eksaktong natumba siya sa ibabaw ko kaya't sinamantala ko ang pagkakataong iyon. Siniil ko siya ng isang mapusok na halik sa labi. Halik na puno ng sakit at galit na siyang labis niyang ipinagtaka.

Nagpupumiglas siya at pilit na binabawi ang kanyang labi subalit mas lalo kong pinagdikit iyon. Nang magsawa ako ay kinagat ko 'yon dahilan upang mapadaing siya sa sakit.

"Ouch! What the hell are you doing?" Galit niyang singhal saakin habang mariing hawak ang pang ibaba niyang labi.

"Bakit, Tiffany? Hindi mo ba nagustuhan ang halik ko? O baka naman mas gusto mong iba ang humahalik sa'yo?" sarkastikong tanong ko sa kanya kasabay ng unti-unti kong pag distansiya sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo?" Pagmaang-maangan pa niya." Alam mo bang namumuro ka na sa'kin?" Kunot noong tiningnan ko siya.

"Bakit, inaano ba kita?" balik tanong ko sa kanya.

"Aba't nagma-maang-maangan ka pa talaga huh!" gigil niya pa ri'ng sambit. "Nakalimutan mo na bang monthsary natin no'ng isang araw? Di'ba't sabi mo ay pupuntahan mo ako sa condo ko?" Panunumbat niya saakin. Gusto kong matawa sa kanya dahil pinapalabas niyang ako pa ang may kasalanan.

"Oh, tapos?" Pang-aasar ko pa.

"Gago ka ba? Eh 'di syempre umasa akong pupunta ka! Pero never akong nagalit sa'yo da-dahil alam kong bu-busy ka sa kompanya. Ka-kaya pilit kitang inunawa." she said while stuttering.

I quietly walked closer to her and gently cupped her chin."Wow! And the best LIAR award, goes to Miss Tiffany Ariane Clavero." Pabulong, subalit may diin kong sambit sa mismong mukha niya na sinabayan ko pa ng pagpalakpak.

"Hon, ano bang sinasabi mo? Ma-may problema ka ba?"

"Ikaw ang problema ko!" Singhal ko sa kanya.

"Huh! Ba't ako?" Sa sobrang inis ko ay muli ko siyang hinila palapit saakin. At walang pasabi na pinunit ko ang suot niyang blouse. Muli ko siyang siniil ng halik sa labi, pababa sa leeg hanggang sa mapadako ito sa nakatambad niyang dibdib.

"Ano ba? Stop it Simoune!" Pag-awat niya sa ginagawa ko habang pilit akong itinutulak papalayo sa kanya. "Please, stop it! Nasasaktan na ako. Ano ba?" Mangiyak-ngiyak niyang pakiusap.

"Di'ba ito naman talaga ang gusto mo?"Puno ng pang-iinsultong tanong ko sa kanya matapos ko siyang bitawan."Bakit kapag sa iba ay magaling kang umungol samantalang sa'kin ay wala ka ng ibang ginawa kundi ang sumigaw at ipagtulakan ako? Bakit, mas masarap ba si Bryan kaysa sa'kin, huh? Mas magaling ba siya kaysa sa'kin?" Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Ang kaninang pagtitimpi ko ay napalitan na ng nagliliyab na galit.

"Hindi kita maintindihan honey! May nagawa ba akong mali?" Aniya na tuluyan na ngang napahagulhol.

"Tama na Tiffany! Huwag mo na akong gaguhin! Umalis ka na habang kilala ko pa ang sarili ko. At huwag na huwag ka na rin'g mag-aatubiling magpakita pa saakin dahil baka sa susunod ay hindi na kita matantiya pa!"

"Simoune, pag-usapan naman natin 'to oh! Ipapaliwanag ko kung ano man ang nasagap mong balita at-"

"I said, enough! Aalis ka ba o ipapakaladkad pa kita sa pulis palabas ng condo ko?"

"Oo na! Aalis na! Pero sana naman binigyan mo muna ako ng pagkakataon para magpaliwanag." Muli niyang saad habang patuloy pa rin na tumutulo ang kanyang mga luha.

Gusto kong maawa sa kanya. Gusto ko siyang yakapin at hagurin ang likod habang pinupunasan ng aking mga daliri ang walang humpay na luhang umaagos mula sa kanyang mga mata. Gusto kong iparamdam na mahal na mahal ko siya. Subalit sa tuwing naaalala ko ang kababuyan na ginawa niya ay bigla na lang akong nanghihina at pakiramdam ko ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa.

                   *eZymSeXy_05*

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status