Share

Chapter One

                             "LICK me again baby!"Anang nagsusumamong tinig ni Tiffany Arianne.

"My pleasure baby!" kapagkuwa'y puno ng pagnanasang sagot ng lalaking kaniig nito.

"Oh my God! Oh, oh, baby, you're so big and long huh!"  maya-maya pa ay naririnig kong muling saad ni Tiffany na animo'y nagdedeleryo na ito. Marahil ay sobra itong nasasarapan sa kanilang ginagawa.

Nagtatagis ang bagang na napasuntok na lang ako sa hangin matapos kong marinig ang kahayupang ginagawa ng aking kasintahan.

"Uhm... it taste so good baby! Oh, yes! Keep doing that baby! Oh!" Patuloy na pag-ungol ng haliparot kong kasintahan na pakiwari ko ay habang tumatagal ay lalong lumalakas ang pag-ungol.

"Bryan, you're so good in bed huh!"Dugtong pa nito dahilan upang hindi ko na makayanan pa ang makinig sa kanila.

Mabibigat ang hakbang na tinungo ko ang pintuan. Balak ko pa naman sana'ng sorpresahin siya dahil third monthsary namin ngayon. Subalit ako pa yata ang mas higit na nasorpresa.

Sinayang ko lang pala ang oras at pagmamahal ko sa walang kuwentang babaeng ito. Mabuti na lang pala at pumunta ako sa condo niya. Atleast, habang maaga pa ay nalaman ko kaagad ang ginagawa niyang panloloko saakin.

Nilamukos ko ang bungkos ng bulaklak na pinagkaabalahan ko pang bilhin sa isa kong investor nang magtungo ako sa Japan kahapon. Maging ang isang bote ng mamahalin na wine na galing pang Germany ay ibinalibag ko na lang din sa kung saan. 

Dali-dali akong sumakay sa aking kotse. Pinaharurot ko iyon pabalik ng Fairview Quezon City para sana mag mukmok na lang sa aking condo. Subalit naisip kong mas mainam na magliwaliw na lang ako kasama ang aking mga kaibigan kaysa naman pahirapan ko pa ang aking sarili dahil lamang sa isang walang kuwentang babae. Kaya naman dumiretso ako sa mansiyon nina Aston kung saan ito'y nasa kabilang kalsada lamang malapit sa condo unit ko.

Ilang minuto pa ay narating ko na ang kanyang bahay. Hindi ko na kinailangan pang mag-door bell dahil kusa ng bumukas ang pintuan nito at iniluwa si Aston. Kasama niya ang isang babaeng ngayon ko lang nakita. Marahil ay bago niya na naman itong girlfriend. Mariing nakalingkis pa rito ang babae na bakas sa pananamit nito ang katangian ng isang babaeng bayaran.

"Hey buddy!" asik ko nang mapansin kong nilampasan lang ako ng dalawa.

"Oh!" Napakamot pa ito sa batok matapos mapagsino ang tumawag sa kanya. "Ba't nandito ka?" dagdag pa ni Aston na bahagya lang akong nilingon.

Kinabig nito ang babae, at kapagkuwa'y binulungan. Kaagad naman itong tumango sa kanya ngunit padabog siya nitong tinalikuran.

Natatawang nilapitan ko ang aking kaibigan at marahang tinapik ito sa balikat.

"Bago na naman ba 'yon Aston?" puno ng kuryusidad na usisa ko.

Kibit balikat lamang ang naging tugon nito at nagpatiuna ng pumasok sa loob kaya naman walang imik na sumunod na lang ako.

"Oh, ba't nandito ka?" anito habang nagsasalin ng malamig na tubig sa baso.

"May problema ka ba?" muling tanong niya saakin.

"Si Tiffany kasi eh!"

"What about Tiffany?" Kunot noong usisa pa nito.

"Nahuli ko siyang may kaniig na iba."Tiim bagang na sagot ko sa kanya.

Humagalpak ito ng tawa na siyang labis kong ipinagtaka.

" 'Yon lang ba?" Sarkastikong tanong nito na hindi pa rin tumitigil sa pagtawa. Pinukol ko ito ng masamang tingin ngunit hindi man lang ito nasindak. Sa halip ay mas lalo pa nitong nilakasan ang pagtawa.

"Sira ulo!" singhal ko rito.

"Hay naku!" nakapamaywang na wika nito na sinabayan pa ng sunod-sunod na pag-iling.

"Sino nga ba naman ang mag-aakalang ang isang trenta anyos na si Simoune Andrew Buenaflor ay nasawi na naman sa pag-ibig?" natatawang pang-aasar pa rin nito.

"Tumahimik ka nga! Lalo mo lang dinadagdagan ang sama ng loob ko eh." Pagrereklamo ko.

"Bud... sorry huh, pero hindi ko kasi maiwasang hindi matawa sa'yo eh. Look, you are handsome, hot and rich businessman. Tapos hayan at namumroblema ka sa isang babaeng tatlong buwan mo pa lang na karelasyon!" Giit ni Aston na talaga naman'g may punto rin ito.

"Ang baduy ng problema mo buddy!" dagdag pa nito. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa walang kuwenta nitong mga sinasabi. Sabagay, ano pa nga ba ang mapapala ko sa isang womanizer na kagaya ni Aston Martin Borromeo.

"Tsk! Palibhasa puro pang-one night stand lang kasi ang gusto mong babae." Muli ay tinawanan lang ako nito.

"Tara na! Mag bar hopping na lang tayo. Tamang tama may mga bago pa naman do'n na chika babe.Ipapakilala kita sa kanila." Pangungumbinsi nito sa'kin.

"Tawagan mo kaya si Wesley at Iñigo, baka sakaling sumama sa'tin." Utos ko sa kanya.

"Naku! Si Wesley, sasama? Imposible 'yon buddy! Kailan ba uminom ang mokong na 'yon. Ni-hindi ko nga alam kung pa'no natin siya naging kaibigan eh."

"Eh, 'di si Iñigo na lang!" Giit ko. Kaya naman napipilitan nitong tinawagan si Iñigo na kasalukuyang boyfriend ng nakababata kong kapatid na si Molly.

Makalipas ang ilang segundo ay nakangiting bumaling sa'kin si Aston.

"Tara na! Susunod na lang daw si Iñigo." Mabilis akong tumayo at sinundan siya palabas.

Maya-maya pa ay kapwa na kami lulan sa kanya-kanya naming sasakyan. At dahil nga ay gabi na, buhol-buhol na trapik ang aming nakasagupa. Sunod-sunod pa akong napamura ng halos isang oras na kaming nakahimpil sa kalagitnaan ng EDSA.

Mas lalo akong nairita ng bigla na lang may babaeng kumatok sa bintana ng kotse ko.

"What the fuck? Are you out of your fucking mind? Can't you see nasa gitna ako ng kalsada tapos ang lakas ng loob mong umepal! Magpapakamatay ka ba?" Sunod-sunod na sigaw ko matapos kong ibaba ang salamin ng aking kotse. Tantiya ko ay mahigit bente pa lang ang edad nito.

"Sir, parang awa niyo na." Bahagya pa itong napalunok bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Tu-tulungan niyo naman po ako. Hi-hindi naman po ako masamang tao." Gumagaralgal ang tinig na pakiusap niya saakin. Napansin kong may mga galos pa ito sa mukha at may kaunting pasa sa gilid ng labi. Maging ang buhok nito ay tila ba ilang araw ng  hindi man lang nadaanan ng suklay.

Nagdalawang isip akong pagbuksan siya ng pinto dahil inisip kong isa itong baliw. Subalit nang muli itong sumigaw at dinig kong umiiyak ito ay kaagad akong dumungaw sa bintana. Halos hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan kaya naman bigla na lang akong inusig ng aking konsensiya. 

Dali-dali kong binuksan ang pinto at patakbo kong tinungo ang kanilang kinaroroonan.

Ngayon ay pilit na itong nagpupumiglas dahil sa patuloy na pagkaladkad sa kanya ng isang matandang lalaki.

Mabilis kong sinunggaban ang matanda at walang habas na pinagsusuntok ko ito sa mukha.

Labis na panggigigil ang narandaman ko ng mga sandaling iyon. At natuon na lamang sa matanda ang buo kong atensiyon, kaya naman  kahit sunod-sunod ng bumubusina ang mga sasakyan sa likuran ng aking kotse ay nakuha ko pang balewalain iyon. Ang mahalaga ay matulungan ko ang babae. Ang ilan ay sinisigawan na ako. Maging si Aston ay pinapaulanan na ako ng mura dahil sa halip na umusad na ang mga sasakyan ay lalo pa itong natrapik.

Nilapitan ko ang nanginginig na babae at masuyo ko itong binuhat papasok sa aking kotse.

"Fuck you Buenaflor!" dinig kong mura niya pa ulit saakin. Hindi ko na lang ito pinansin. Muli kung pinaandar ang sasakyan matapos kong hubarin ang aking coat at isuot 'yon sa babae.

"Thank you." Mahinang usal ng babae. Nilingon ko ito at mariin ng nakapikit ang kanyang mga mata.

Kahit puro ito pasa at galos ay mahahalata mo pa rin ang taglay nitong kagandahan. Animo'y isa itong barbie doll. May malalantik na pilik mata, bilugan na mukha, matangos na ilong at makipot na mapupulang labi. Morena lamang ito subalit sadya ngang kay kinis ng balat. Ang mahahaba nitong binti na bumabagay sa suot niyang denim skirt ay sadya ngang nakakabighani. Gusto ko sana siyang tanungin kung isa nga ba siyang modelo subalit, bigla akong tinablan ng hiya.

"Stop eye-raping me mister!" bulalas nito na siyang ikinagulat ko. Buong akala ko ay natutulog na ito.

"Tsk... bakit masama bang tingnan ka, miss?" sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Ganyan din kung tumingin ang aking step dad! Isa 'yan sa mga uri ng tingin na nakakapangilabot at nakakapanginig ng buong kalamnan." Dagdag pa nito.

"So, inihahalintulad mo ba ako sa step dad mo?" bigla ay singhal ko sa kanya, dahilan upang hindi na ito muling kumibo.

Sandaling katahimikan ang namayani saamin. At sa huli ay siya rin ang bumasag nito.

"Salamat ulit sa pagligtas mo saakin." Mahinahong usal nito na agad ko rin'g tinanguan.

"Saan ba kita ihahatid? May lakad ako at hindi naman puwedeng isama pa kita do'n." Muli ay lakas loob na pagkausap ko rito. 

"Diyan na lang sa may kanto." Nakangusong iminuwestra nito ang palikong kalsada sa bandang kanan. "Malapit na 'yan sa restaurant na pinapasukan ko at doon na lang siguro ako magpapalipas ng gabi." Anito sa malungkot na tinig.

"Sigurado ka ba? Paano kung may humabol ulit sa'yo?" magkasunod kong  tanong sa kanya. "Alas nuwebe na ng gabi oh, delikdo na!" Bagama't hindi ko naman siya lubusang kilala ay hindi ko naman maiwasan ang hindi mag-alala para sa kanya.

"Kaya ko na! Kaunti na lang naman ang lalakarin ko papunta sa restaurant ng amo ko."Pangangatwiran pa nito. Kaagad kong itinabi ang aking sasakyan at maingat naman itong bumaba. 

"Salamat ulit huh. Ibabalik ko na lang itong coat mo kapag nagkita ulit tayo!" Sigaw nito bago ako tinalikuran.

"Sandali!" muli naman ako nitong nilingon.

"Maaari ko bang malaman ang pangalan mo?" nag-aalangang tanong ko sa kanya.

"Thana Marie Guevara!" sigaw nito bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Hoy! Anong karupukan na naman 'yan buddy?" sita sa'kin ni Aston na hindi ko namalayan'g nakababa na pala ito sa kanyang kotse.

"Anong pinagsasasabi mo? Tinulungan ko lang 'yong babae na muntik ng gahasain." 

"Sus! Style mo bulok! Type mo?" sabay kindat pa nito.

"Tsk...malisyoso! Hoy, hindi ako katulad mong babaero!" natatawang pang-aasar ko sa kanya.

"Tara na nga! Kanina pang nag-chat si Iñigo eh. Nando'n na daw sila sa bar at kasama niya si Molly.''Tuloy-tuloy nitong pahayag.

"Ano? Bakit kasa-" Hindi ko na natapos pa ang iba kong sasabihin dahil bigla na lang ako nitong binara at halatang labis na ang pagkainis nito saakin.

"Ano ba? Bilisan mo na kaya! Baka mainip na ang mga 'yon." Aniya na puno ng iritasyon sa tinig.

              MAYA-MAYA lang ay nasa loob na kami ng bar at mukha pa rin ni Thana ang na-iimagine ko. Aminado akong napahanga talaga ako sa taglay nitong kagandahan. Subalit nang sumagi ulit sa isip ko ang mga nakakadiring ungol ni Tiffany ay bigla na lang nagbago ang timpla ko.

"Hoy! nasaan na ba 'yong chika babe na sinasabi mo Aston?" pangungulit ko kay Aston, dahilan upang muntik na nitong maibuga ang alak.

"Kuya huh! Atat ka masyado." Sabad ng aking kapatid na prenteng nakaupo sa tabi ng kasintahang si Iñigo.

"Hayaan mo na Molly! Tutal ay broken hearted naman ang kuya mo eh." Pang-aasar ni Aston.

"Sandali nga at hahanapin ko sa dancefloor 'yong natitipuhan ko para sa'yo." Nakangising sambit nito.

"Pag-igihan mo! Dapat mas maganda kay Tiffany ang mahahanap mo huh!" pahabol na sigaw ni Iñigo. Nakangising tumango naman si Aston bago ito nagtuloy-tuloy sa dance floor.

Ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik na nga ito kasama ang dalawang magandang babae.

"Buddy, this is Jazzi!" pagpapakilala nito sa kasama na may balingkinitang pangangatawan. Maganda naman ito pero aminado akong mas higit talaga akong humanga sa kagandahan ni Thana.

"And this is Maricel!" patuloy niyang pagpapakilala sa mga ito."

"Hi handsome!" magkapanabay na bati nila saakin.

"Oh, ako ang naghanap at ang nakipag-usap sa kanila kaya't wala kang karapatang maging choosy huh!" Ani Aston na may himig ng pagbabanta. "Kaya sa ayaw at sa gusto mo ay ako pa rin ang pipili ng para sa'yo" Dagdag pa nito. Bahagya ko itong sinuntok sa tagiliran ngunit tinawanan lang ako ng mokong.

"Si Jazzi na lang sa'yo!" puno ng penalidad na sambit nito.

"Tsk! Hindi naman ako pala-reklamo kagaya mo!" Pagtatanggol ko sa aking sarili. Medyo lasing na rin ako ng mga sandaling iyon kaya naman may lakas ng loob na akong barahin si Aston.

"Honey! Tutal naman ay may kasama na sila, siguro naman ay puwede na tayong mauna." Biglang sabad ni Molly na ang tinutukoy ay ang kanyang kasintahan, dahilan upang samaan ko ito ng tingin.

"Hoy Molly! Ba't ka pa kasi sumama? Eh lakad namin 'tong mga barako eh!" Sita ko sa kapatid kong pinanlakihan lang ako ng mata at kapagkuwa'y nilapitan si Jazzi.

"Jazzi, make sure na paliligayahin mo ngayong gabi ang kuya ko huh! Broken hearted kasi 'yan eh." Pabulong nitong habilin sa babae. Nakangiti naman itong tumango sa kapatid ko.

"Mauuna na kami buddy!" Ani Iñigo habang  hinihila ito ni Molly palabas ng bar.

Naiwan kami ni Aston kasama ang dalawang babae. Itinuloy namin ang naudlot na inuman at kuwentuhan hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras. Hindi ko na rin alam kung ano na ba ang sunod na mga nangyari dahil tuluyan na nga akong nalango sa alak.

             *eZymSeXy_05*

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status