Share

Chapter Six

                         ISANG linggo na rin buhat ng huli kaming mag-usap ni Thana. Simula kasi ng nakawan ko ito ng halik sa labi ay hindi na ako nito nagawang pansinin pa. At hindi niya na rin ako inaasikaso tuwing pupunta ako sa restaurant ni Iñigo.

"Hoy kuya! Ang lalim na naman ng iniisip mo!" Sita sa'kin ni Molly, isang umaga habang sabay kaming nag-aalmusal sa condo niya.

"Huh? Ano kasi, may naalala lang akong gawain ko sa office." Palusot ko. Napakamot pa ako sa aking ulo habang nag-iisip ng idudugtong ko.

"Sus! Kunwari ka pa! Naalala mo lang si Thana eh." Pang-aasar ni Molly. "Thana is so damn sexy and gorgeous 'diba kuya?" Pangungulit pa nito.

Bahagya lang akong tumango, ngunit hindi pa rin ito nakuntento. Pinilit pa talaga ako nitong magbigay ng komento tungkol sa papuri niya kay Thana.

"Ano, pag tango lang talaga? Hindi mo man lang dudugtungan ang papuri ko?"

"Tsk! Anong

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status