Share

Chapter 9: Unknown Feeling

Tila ba naging kakaiba ang aking pakiramdam sa unang araw ko sa eskwelahan na ito. Maraming pangyayari ang hindi ko inaasahan na makikita. Isa na roon ang pakiramdam na hindi maalis sa akin. Isang pakiramdam na hindi ko maintindihan.

Napailing si Selena. Hindi kasi ako makakibo sa kaniya.

"Hay nako! Kaya ayaw kong makipag-usap, hindi man lang tumutugon sa akin, kahit tango o kahit pag-iling," aniya.

Nananatili pa rin ako sa ganoon na sitwasyon. Tinitimbang at pilit na inaalam kung anong nangyayari sa akin matapos niya akong pakitaan ng isang magandang ngiti.

Tinignan lang niya ako na tila ba nandidiri siya. Tumayo ito at hindi na ako pinansin, dumiretso lang siya sa pinto at lumabas.

Naging pipi na ata ako. Anong nangyari sa akin?

Iyon lang ang tumatakbo sa aking isipan. Kung bakit hinayaan kong hindi makapagsalita sa harapan niya, gayong iyon ang unang beses na kinausap niya ako ng matino.

Bigla na naman sumagi sa aking isipan na baka na nahulog ang loob ko sa kaniya. Hindi dahil sa panlabas na anyo niya, kundi dahil sa ngiti niya. Ngiting natural at may pagka-inosente.

Napahawak ako sa aking dibdib. Pinapakiramdaman ko ang tibok ng puso ko. Normal lang naman iyon, walang nagbago.

Baka nadala lang talaga ako ng ngiti niya at mali ang tumatakbo sa isipan ko ngayon.

Pero...

Noong mga oras na iyon, tumahimik bigla ang paligid. Nawala ang mga kaklase namin na maiingay at ang tanging tao lang na nakikita at naririnig ko na nagsasalita ay si Selena.

Isang kakaibang minuto sa buhay ko.

Unang araw ko pa lang naman, sa mga susunod na araw kailangan kong alamin kung ano ba talaga ang pakiramdam na iyon. 

Nagbalik na lang ako sa riyalidad kung saan napuno ng mga naglalampungan ang paligid ko dahil sa pang-gugulat ni George mula sa aking likuran.

"Hoy, pare! Tulala ka ata diyan?" wika ni George.

Muntik na akong mapasigaw sa gitla. Mabiti na lamang at napakalma ko ang sarili ko.

"B-Bakit ba?" tanong ko.

Biglang napabilis ang tibok ng puso ko dahil doon. Mukhang magkakaroon pa ata ako ng sakit sa puso dahil sa kaniya.

"Kanina ka pa kasi namin gusto makausap kaso busy ka pa sa pagkausap kay Selena," sagot niya.

Biglang nagbalik sa isipan ko ang mga ngiti ng babaeng iyon. May kung ano na naman akong naramdaman. Iba ang idinulot ng pag-ngiti niya sa akin kumpara sa ibang babae na nakita at nakasalamuha ko sa siyudad.

"Hala! Napapangiti ka, iba na iyan," saad ni George.

Agad naman na napatingin sa akin si Wallace na talagang huminto pa sa paglalaro ng video games sa cellphone.

Hinawakan niya ang aking baba at tinignan ang magkabilaang pisngi ko.

"Oo, may iba nga sa iyo, medyo mapula ang pisngi mo," aniya.

Nanlaki ang mata ko. Napatayo ako at sumigaw.

"Sino may salamin? Pahiram!" sigaw ko.

Nagulat naman ang lahat at napatigil sa kanilang mga ginagawa.

Nagulat din sina George pero agad napalitan iyon ng tawa.

"Bakit kayo natatawa?" tanong ko.

Napahawak sa tiyan si George at si Wallace naman ay tumatawa habang nakatuon sa nilalarong video games.

"Kakaiba ka, anong gagawin mo sa salamin?" tanong ni George.

Pinilit ni George na maging seryoso sa pagtatanong sa akin.

"Titignan ko lang sana ang mukha ko, sabi kasi ni Wallace, namumula raw ako," tugon ko.

Nagpipigil ng tawa si Wallace sa gilid ko habang pinipilit na maglaro.

"Ano ka ba, nagbibiro lang ako," wika ni Wallace.

Ngumiti si Wallace sa akin at dahil din doon ay lumiit ang mata nito na parang Chinese.

"Huwag mong sabihin na naniniwala kang mapula pisngi mo?" tanong ni Marrielle.

Nakisali na rin si Marrielle.

Hindi ako makapaniwala sa kanila. Pinagkakatuwaan nila ako.

"Trip niyo ako?" tanong ko.

Ngumisi pa ako. Kailangan kong magkunwaring malakas dahil baka i-bully lang nila ako rito.

Nagtinginan pa ang tatlo saka biglang nagtawanan ng malakas.

"You're so funny, Dylan," saad ni Marrielle.

"Yeah, you are," sang-ayon ni George.

"Anyways, sana makasama ka namin mamaya," wika ni Wallace.

"Err, I don't think I can come, but I'll try," sagot ko.

Inakbayan ako ni Wallace.

"Alam kong makakasama ka," aniya.

Huh? Alam niya? Paano?

"Oops, ang mga tingin na iyan, alam ko na rin 'yan," sambit niya pa.

"I can't wait to smoke," sambit ni George.

Pinalo naman ng mahina ni Marrielle ang balikat ni George.

"Huwag kang maingay, ang daldal mo," turan ni Marrielle.

Sumenyas senyas pa si George.

"Chill, relax," tugon ni George.

Napataas ng isang kilay si Marrielle.

"Wala naman silang magagawa if we smoke outside the school premises, eh," aniya.

"Even so, don't say it loud," inis na sambit ni Marrielle.

"Whoa, why naman naiinis ka?" tanong ni George.

Napailing na lang si Marrielle sa inis at tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong ni George.

"Kung saan walang maingay," sagot ni Marrielle.

Nagtuluy-tuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa makalabas na ito ng silid.

"Anong nangyari doon?" tanong ni Wallace.

Nanatiling nakatingin si George sa pinto kahit na nakaalis na si Marrielle.

"Hindi ko alam, ang sensitive niya ngayon," wika ni George.

Hindi na ako nakisali pa sa kanila. Umupo na lang ako sa aking upuan at inihiga ang ulo, habang nakatingin sa pwesto ni Selena.

Wala nga pala siya dahil lumabas ito. Itiningala ko ng bahagya ang aking paningin at napatingin sa bintana.

Ang ganda ng langit, ang payapa masyado nito. Ang gandang tignan dahil sa asul na kulay nito at samahan pa ng mga ulap na parang mga cotton candy.

Ang sarap sigurong mahiga sa mga ulap na iyon lalong lalo na sa... dede ni Selena.

Nanlaki bigla ang aking mga mata at agad akong napatayo. Bakit biglang napalitan ng imahe ni Selena ang aking iniisip?

Nagulat naman sina George dahil doon.

"Pare, bakit?" tanong ni George.

"Anong nangyari sa iyo?" tanong ni Wallace.

Lumapit sa akin ang dalawa.

"W-Wala naman," sagot ko.

Binigyan ko na lang sila ng pilit na pagtawa.

"Ganoon ba? Teka, lalabas muna ako, sundan ko lang ang baby my loves so sweet ko," sambit ni George.

Tumango naman si Wallace.

"Sige, kailangan ko pang kausapin ng masinsinan itong si Dylan," saad ni Wallace.

Natawa naman si George.

"Loko ka," aniya.

Iniwan na niya kami at tuluyang lumabas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status