Share

Chapter 4: The Subject

“Good morning, class,” sambit nito.

Nagtilian naman ang mga kaklase kong babae ng marinig nila itong magsalita.

Naguluhan ako at nagtaka ng sabay.

Inikot nito ang kaniyang tingin sa buong klase at natuon ang kaniyang mata sa akin.

“Well, we have a new student here,” aniya.

Ngumiti ito sa akin.

“Can you stand for a while and introduced yourself?” tanong niya.

Tumayo naman ako.

“Hello, I’m Dylan Eros Salcedo,” saad ko.

“Okay, you may sit now and thank you for a short introduction,” Ngumiti ito sa akin, “I hope that is not short, too,” He looks at my pants, specifically my dick.

Nanlaki ang aking mga mata at napahawak roon. Nagtawanan naman ang lahat.

Naupo na ako dahil sa hiya. Kakaiba na talaga, medyo bulgar magsalita ang mga tao rito at isa na ang teacher na napaka-gwapo na nasa harapan namin.

Tumingin ito sa buong klase, “As you can see, I am here, you know what this means, right?” Ngumiti siya sa buong klase ng nakakaloko.

Naghiyawan naman ang mga kaklase ko.

Nagtaka ako. Tinignan ko namang muli ang class schedule. Filipino subject dapat pero bakit nagsasalita ng english ang teacher na ito?

He looked at me, “Did someone tells you about our subject?” Tanong niya.

Umiling ako, “No, Sir, I just know its supposedly the Filipino subject,” sagot ko.

Humawak siya sa kaniyang baba at himas iyon, “I’ll brief you shortly,” Umupo siya sa kaniyang upuan, “The subject I teach is changing over the time,” Ngumiti ito, “Sometimes I teach on Monday, Wednesday, Friday, or its depends on me,” He said.

“So, you’re saying, your subject don’t have indefinite time for teaching?” I asked.

Tinuro niya ako gamit ang kaniyang daliri, “Bingo! You’re smart,” Tumayo siya, “For today, we can’t entered the red room,” aniya.

Nagpakita naman ng pagkakadismaya ang aking mga kaklase.

I raised my hand, asking for that room.

“Yes, Mr. Salcedo?” tawag ng guro.

“May I ask what is that red room, and what’s your name?” wika ko.

He chuckles.

“Sorry, I forgot to introduce myself, I am your Health Teacher, Mr. Himeros Vergara,” turan nito.

Ngumiti ako, “Unique name, Sir,” What about the red room you are talking about earlier?” tanong ko.

“Oh,” he gasped.

He smirked at me, “The red room is which we conduct some special examinations,” he answered.

Napaisip ako kung ano ang tawag sa ganoon na silid.

“Is that like a clinic?” tanong ko.

Iyon lang kasi ang pumasok sa aking isipan na malapit sa asignatura namin na Health.

“Kind of,” tugon nito.

Tumango ako bilang tanda na naiintindihan ko ang kaniyang sinasabi kahit na medyo naguguluhan ako.

“So,” Binuksan niya ang dala niyang projector at ibinaba ang white board mula sa taas ng pisara.

“Manonood muna tayo, magpapaquiz ako mamaya,” aniya.

Dismayadong dismayado na naman ang buong klase maliban sa akin. Inikot ko ang aking paningin para makita ang kanilang mga reaksyon, pare-pareho sila. Natuon ang aking tingin kay Selene na nakatingin pa rin sa bintana. Mukhang siya lamang ang walang interes sa subject na ito kaya napangiti ako.

Napabalikwas ako nang mag-umpisa na ang papanoorin namin, madali kong inilabas ang aking kwaderno para isulat ang mga mahahalagang detalye ng palabas. Napansin ko na ako lang ang naka-isip na maglabas kaya naman tinanong ko si Hailey na nasa kanan ko.

“Excuse me, why you haven’t take out your notes?” tanong ko.

Namangha naman siya sa tanong ko at ngumiti.

“Sorry, ilalabas ko na,” aniya.

Inilabas nga niya ang kaniyang notebook at ballpen.

Sunod naman na tinanong ko si Selene na nakatingin pa rin sa bintana.

“E-excuse me,” sambit ko.

Hindi niya ako nililingon, hindi ko alam kung hindi niya ba ako narinig dahil sa hina ng pagkakatawag ko o dahil ayaw niya lang akong kausap.

Huminga ako ng malalim.

Kinalabit ko siya sa kaniyang balikat, nagulat ito at dahan-dahan akong nilingon.

Nang makita niya na ako ang kumalabit sa kaniya ay nagbago bigla ang kaniyang tingin, matalim niya akong tinignan.

“What?” she asked.

Medyo nailang ako. Kasalanan ko rin naman dahil kinalabit ko siya without giving me permission to do so. The fact na bagong lipat ako at hindi kami magkaibigan.

“S-sorry, but may I ask, why you didn’t look at the powerpoint?” tanong ko.

She frowned.

“Not necessary, I just need to pass this subject to be graduated,” aniya.

Naguluhan ako sa kaniyang sinabi.

“Hindi ba dapat nakikinig ka para may matutunan tapos makakapasa ka?” wika ko.

Ngumisi lang ito, “Sa 4th quarter na ako gagawa para isahan na lang,” sambit niya.

I feel I was lost with her words. Hindi ko talaga naiintindihan ang kaniyang mga sinasabi.

Itatanong ko pa sana kung ano ang mga sinasabi niya dahil hindi ko maunawan iyon nang kalabitin ako ni Hailey.

Nilingon ko siya.

“Don’t bother asking her,” wika nito.

“Why?” tanong ko.

“She’s an outcast here,” sagot niya.

Nabigla ako sa nalaman ko. Paanong ang gaya ni Selene na magandang babae ay naging outcast? Sa pinanggalingan ko kasi ang mga magaganda at gwapo ay sikat at maraming kaibigan.

Napalingon ako kay Selene, nakatingin na naman ito sa bintana.

“Mr. Salcedo?” tawag sa akin ni Mr. Vergara.

Napatayo ako.

“Yes, Sir?” tanong ko.

Ngumisi ito, “Who is your partner again?” aniya.

Partner? Tama, si Selene pala.

“It was Selene, Sir,” tugon ko.

“Baka matunaw iyan sa kakatitig mo,” pabiro niyang wika.

Naghiyawan na naman ang buong klase.

“Ayiee,” hiyaw ng karamihan sa mga kaklase ko.

"Maybe, he wasn't really that dumb guy," narinig kong ibinulong iyon ng nasa unahan ko.

Dumb? I frowned. Grabe sila sa akin.

“Nice,” sigaw ng nasa likuran kong lalaki.

Ilan lang sa mga naririnig ko mula sa kanila.

Napaupo ako at nilingon sandali si Selene, wala itong pakialam sa ingay na ginagawa ng mga kaklase namin, nakatuon lamang siya sa labas ng bintana.

I wonder why she's looking at it? I've never been sitting besides of the window, so I don't know what it feels like or what will I see.

“I told you, you better distance at her,” wika ni Hailey.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status