Share

Chapter 6: Making Friends

Napalingon ako sa kaliwa ko gayon din ang mga kaklase namin na nakapansin sa kaniya. Nakita kong tumayo si Selena at tumingin sa akin.

"Eye of everyone ka na agad, good work," aniya.

Nabigla ako at nakaramdam ng konting hiya. Naging centro ako sa unang araw ng pagpasok ko rito sa eskwelahan na ito.

Wala pa rin ekspresyon ang mukha ni Selena kahit na siya'y nagsasalita. Kailan ko kaya makikita ang mga ngiti niya?

"A-Ano kasi..." Hindi ko maituloy agg sasabihin ko dahil hindi ko naman talaga alam ang dapat sabihin.

Bigla naman na may pumatong na kamay sa aking balikat at napalingon ako, si Hailey lang pala.

"Don't explained to her, she's nothing, a weirdo outcast in the school," saad ni Hailey.

Iritable ang mukha at kilos ni Hailey habang nakatingin kay Selena.

Tumitig lang sa kaniya si Selena na para bang naghihintay pa ng kasunod na sasabihin ni Hailey.

So, tama nga ang hula ko, naghihintay siya ng sunod na sasabihin ni Hailey.

"She's just a virgin who doesn't know any single thing about love and sex," wika pa ni Hailey.

Matapos sabihin ni Hailey iyon ay napa-ngisi si Selena.

"It's better to preserved my virginity than having lots of contractions with different men," tugon ni Selena.

Napahanga ako kay Selena dahil sa sinabi niya. Reserving her virginity for her one true love is so sweet and faithful.

Sumagot namang muli si Hailey at sa pagkakataon na ito ay ipinakita niya ang inis at bagsik niya kay Selena.

Natahimik ang lahat at nakikinig lang sa bangayan ng dalawa. Walang naglakas ng loob para patigilin sila.

Tumayo ito at hinampas ng malakas ang ibabaw ng mesa gamit ang kaniyang palad.

"You! How dare you! You bitch!" sigaw ni Hailey.

Wala na atang masabi si Hailey kundi mga walang kwentang bagay.

Hinawi ni Selena ang kaniyang buhok at naglakad palayo sa amin. Hindi na ito nag-aksaya pa ng laway para makipagtalo kay Hailey.

"Where do you think your going? You piece of trash!" tanong ni Hailey.

Napahinto si Selena at elegante na lumingon sa amin. Shit! Ang ganda niya.

"Yes, my dear? Wala ka bang lalaki ngayon at nang-aagaw ka ng partner?" tanong ni Selena.

Nagsitawanan ang mga kaklase namin sa sinabi ni Selena.

Inilibot ni Hailey ang kaniyang paningin. Nakaramdam siya ng insulto dahil sa nangyari. 

Inis itong umalis sa kaniyang upuan at kinuha ang bag saka lumabas.

"Oh, inunahan niya akong lumabas," wika ni Selena.

Nagsimula na naman ang bulung-bulungan ng mga kaklase ko. Kailan ba matatapos ang araw na ito? Nakakapagod na makinig sa kanila.

Dismayadong bumalik sa kaniyang upuan si Selena.

"Grabe talaga ang angas ni Selena, paano pa kaya habang nakikipagtalik sa kaniya?" tanong ng lalaki sa likuran ko.

Nairita ako sa narinig ko. Tumayo ako at humarap sa likuran ko para ipagtanggol si Selena.

"Oy pare, bakit?" tanong nito.

Napaurong ang dila ko. Nawala ang lakas ng loob na dapat ipapakita ko.

"Ah, wala naman, grabe rito 'no?" saad ko.

Pinilit kong tumawa dahil natatawa ako sa sarili ko.

"Ay, ako nga pala si George Hades Monticalvo," wika nito.

Naglahad ito ng kamay sa harapan ko kaya naman nakipagkamay ako.

"Nice to know you," tugon ko.

"Ako si Wallace Herbert," saad ng lalaki na nasa kaliwa niya.

Nakipagkamay na rin ako doon. Mukha siyang foreigner.

"Sabihin mo, may lahi ka ba?" tanong ko.

Natawa naman siya.

"Siguro, 'yung lolo ng Dad ko is American, pero wala akong nakuhang genes doon, maybe because mas malakas ang genes ng lola ko na Pinay," aniya.

Tumawa naman ito at natigil lamang nang sikuhin siya ng isang babae.

"Hi, I'm Marrielle Gozon, the class president," sabi ng babae na may kulay dilaw na buhok.

Teka. Blonde ang buhok niya? Paano siya nakapasok, eh bakit kahit saan ang may kulay ang buhok?

Nakipagkamay na muna ako sa kaniya saka itinanong ang gusto kong malaman.

"Bakit blonde hair ka? Hindi ba bawal 'yan?" tanong ko.

Nagtawanan naman sila.

Umupo si Marrielle sa kandungan ni George at doon lumingkis.

Nanlaki ang mata ko sa nakikita ko.

"Well, apparently, I'm half American," sagot nito.

Naintindihan ko na kung bakit siya pinayagan na makapasok dito, natural pala ang kulay nito.

Ngumiti ito sa akin saka niya hinalikan sa labi si George.

Nagimbal ako sa nakita ko. Sobrang public display na ang ginagawa ng mga kaklase ko.

Napadilat si George habang sila'y naghahalikan at nakita akong gulat na gulat at nagtataka.

Pinatigil niya si Marrielle sa paghalik at humarap sa akin.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng naghahalikan?" tanong nito.

Napatango ako. Hindi sa literal na first time kundi dahil nasa loob kami ng school at oras pa ng klase.

Tumango-tango rin ito saka ngumisi ng nakakaloko.

"So, virgin ka pa?" tanong ni George.

Napatikom ang bibig at pinilit na ngumiti.

Sobrang intense na dahil halos lahat ng nakarinig sa tanong ni George ay nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot.

Narinig ko pang nagsalita si Wallace.

"Hala! Seryoso ba? Kung ganoon, kami na ang masters mo," wika nito.

Agad akong dumepensa at tumanggi sa paratang nila na talaga namang totoo.

"H-Hindi 'no!" bulalas ko.

Halos lahat sila ay hindi naniniwala sa sagot ko.

Para akong nilalamon ng lupa sa nangyayari sa akin ngayon. Oh God! Please swallow me beneath.

"Talaga? Naka-ilan na girls ka na?" tanong ni George.

Ang mga mukha nila, talagang inaalam kung nagsasabi ako ng totoo.

Napalunok ako. Bilang isang lalaki at 17 years old na gaya ko, na galing pa sa siyudad ay pakiramdam ko na nakakahiya kapag nalaman nila na virgin pa ako.

Suminghap ako ng pagkalalim.

"Don't pressure him," wika ng isang lalaki.

Napatingin sila lahat sa may pinto gayon din ako.

Naroon ay nakita ko ang isang lalaki na kapwa namin estudyante na nakasandal sa pinto.

Nagsimulang maging hugis puso ang mga mata ng mga kababaihan sa klase namin ng makita ito.

Naglakad ito papalapit sa akin at inilahad ang kaniyang kamay.

"I'm Zeus Dela Fuentes, president of the student council," wika nito.

Automatiko naman akong nakipagkamay sa kaniya at hindi nakapagsalita pansamantala dahil maging ako ay napahanga sa taglay nitong kagwapuhan at kakisigan.

"Hi, Selena!" bati nito kay Selena.

Nagbalik ako sa realidad at binitawan ang kaniyang kamay nang marinig ko ang pangalan ni Selena.

Napalingon din ako kay Selena at nakita na nakangiti ito. Wait? Magkakilala sila?

"Hello, kuya!" tawag ni Selena kay Zeus.

Kuya? Magkapatid sila?

Tumayo si Selena at agad na niyakap si Zeus.

"Mag-isa ka na naman diyan sa sulok," saad ni Zeus.

Humagikgik si Selena at parang nagpapa-cute.

"Syempre, pangit silang kabonding, eh," tugon ni Selena.

Ginulo ni Zeus ang buhok ni Selena na parang aso. So, confirmed, magkapatid nga sila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status