Share

Chapter 5: Savage of Two Goddesses

Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari sa paaralan na nilipatan ko. Ni isa sa mga guro o mga opisyal ay hindi naman nagpaliwanag tungkol sa mga batas na ipinapatupad o kahit na anong bagay na nagdudugtong sa lahat.

Tumingin ako kay Selena. Ang daming tanong na pumapasok at tumatakbo sa isipan ko. Paano ang gaya niya na isang magandang dalaga ay tinagurian na outcast sa klase na ito.

Nagtaas ako ng kamay para maliwanagan ako.

"Yes, Mr. Salcedo?" tanong ng guro namin.

Tumayo ako at nilakasan ang loob para magtanong.

"Hindi ko po kasi talaga maunawan ang nangyayari," wika ko.

Binigyan lang ako ng tingin ni Sir Vergara na natatawa.

"Yes, what is it?" aniya.

"Naiintindihan ko naman ang tungko sa oras at araw ng pagtuturo niyo, ang 'di ko lang makuha ay para saan ang pagkuha ng kapareha sa subject na ito?" tanong ko.

Napaupo si Sir Vergara at pumalakpak.

"Interesting questions, Mr. Salcedo," aniya. Inikot niya ang paningin sa buong klase at saka ngumiti, "About sa health, hindi natin kaya na tayo lang mag-isa ang gumawa ng mga bagay na ikaka-angat ng tungkol sa kalusugan natin," Huminto siya roon at tumayo, "Nandoon na ang mga doctor na kailangan natin para matugunan ang pangangailan natin kapag tayo'y nagkakasakit, nandiyan rin ang mga dalubhasa para matulungan tayo sa mga gamot pangontra sa mga virus na naglipana," paliwanag pa ng aming guro.

"So, it means, kailangan natin ng kaagapay sa subject na ito?" tanong ko.

Tumango siya.

"About the red room you're asking for awhile ago, you will see it by next week, but for now, let's have a discussion about sex education, a short introduction," pahayag nito.

Ngumiti siya sa akin at pinaupo na ako.

Pagka-upo ko pa lang ay agad akong sinitsitan ni Hailey— ang makulit na medyo may kalandian na taglay sa katawan.

Tumingin ako sa kaniya at nagulat ako nang pinakitaan niya ako ng pagdila. Aaminin ko medyo natutukso ako doon pero nananaig ang pandidiri ko sa nakikita kong ginagawa niya.

Naglabas ako ng ekspresyon na nandidiri sa kaniya at mahina kong sinabi, "Kadiri, itigil mo iyan," at agad akong dumiretso ng tingin sa pisara na kung saan naroon ang projector na naglalaman ng mga larawan at halimbawa ng ituturo ng guro namin.

Nakarinig ako ng mahinang pagtawa hanggang sa lumakas ito. Nilingon ko iyon, nakita kong humahagalpak sa tuwa si Selena.

Napatingin din ang buong klase namin sa kaniya at kahit na tinitignan na siya ay patuloy pa rin ito sa pagtawa.

"Miss Selena Aine Mendez!" tawag ni Sir Vergara.

Napapaluha na ito sa sobrang tuwa.

"Teka lang, Sir, natatawa talaga ako grabe," wika ni Selena.

Napailing na lang si Sir at sinapok ang kaniyang noo. Marahil ay nai-stress na.

"What's so funny? Weirdo," sambit ni Hailey.

Kinalabit ko naman si Selena at mas lalo itong natawa nang makita ang mukha ko.

Hinigit naman ni Hailey bigla ang suot kong uniporme kaya naman umayos ako ng pagkakaupo.

Hindi ko siya tinignan at basta na lang akong nagtanong, "Bakit?" inis kong tanong habang inaayos ang polo ko na nagusot dahil sa pagkakahatak niya.

"Sabi sa iyo, lumayo layo ka diyan sa babaeng 'yan, outcast na nga, weirdo pa," aniya.

Nilingon ko si Hailey, bakas sa mukha nito ang pagkainis kay Selena na para bang naiinggit na ewan.

"Alam mo, Hailey, hayaan mo siya, hindi ka nga niya pinapakialaman sa buhay, eh," saad ko.

Nagbago naman bigla ang ekspresyon ni Hailey. 

"Alam mo bang kapag may gusto ako ay dapat nakukuha ko?" wika niya.

Umiling ako.

"Hindi, at wala akong balak alamin," tugon ko.

Muli akong humarap kay Selena na hinfi pa rin tapos sa pagtawa.

"Hey, okay ka lang ba?" tanong ko.

Sumagot naman ito sa akin kahit na tumatawa.

"Oo, nakakatawa lang kasi kanina sinabihan mong kadiri si Hailey," sagot ni Selena.

Narinig naman ng buong klase ang sinabi ni Selena. Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase namin.

"Sinabihan niyang kadiri? Ang kapal," wika ng lalaking nasa likuran ko.

"Grabe, ang kapal ng mukha," saad pa ng isa pang lalaki na bandang unahan ko.

Puro kakapalan ng mukha ko ang naririnig ko sa kanila.

Bigla naman na nagsalita si Sir pero nasa mahinahon na tono.

"Okay, tama na iyan, matatapos na ang oras natin hindi pa tayo nakakapag-quiz," wika niya, "At baka next week hindi na naman matuloy ang red room natin kapag hindi kayo tumigil," pahayag niya na may kasamang pagbabanta.

Masyado naman atang big deal sa mga kaklase ko ang red room dahil nadismaya sila nang sabihin iyon ng aming guro.

"Selena, stop it!" bulyaw ng isa sa mga babaeng kaklase namin.

"Oo nga, huwag kang panira ng araw," saad ng lalaki naming kaklase.

"Papansin ka talaga," wika ka pa ng isa.

Puro mga masasama salita at negatibong komento ang naririnig ko mula sa kanila pero para kay Selena ay parang wala lang epekto sa kaniya iyon.

Patuloy pa rin sa pagtawa si Selena. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit siya naging outcast at laging mag-isa, may sarili talaga siyang mundo.

Nagtaas ako ng kamay at hindi na hinintay na patayuin ako dahil kusa akong tumayo.

"Sir, can we continue the discussion kahit na hindi tumitigil sa pagtawa si Selena? Mas maingay kasi kung may parang mga bubuyog tayong maririnig," saad ko.

Pinapatamaan ko ang mga kaklase namin na panay ang bulong at usap tungkol sa akin at kay Selena.

"Okay then, we'll start," tugon ni Sir.

"Nice!" bulalas ng isang kaklase.

"Yahoo! Red room is coming," saad ng isa pa.

Naging masaya na naman sila at hinayaan na si Selena.

Nagpatuloy na nga ang aming klase at si Selena naman ay humihinto sa pagtawa at bigla na naman na tatawa ng walang dahilan.

Nakakuha ako ng perfect score sa quiz. Basic na lang kasi sa akin iyon dahil sa dati kong paaralan ay tinatalakay na iyon sa unang taon namin sa high school.

"That will be for today, see you next week," wika ni Sir.

Lumabas na si Sir dala ang mga gamit niya sa pagtuturo.

Nagsilapitan naman sa aking desk ang mga kaklase ko.

"Wow! Ikaw ang nakakuha ng perfect score, ang galing," pahayag ng babaeng naka pony tail na buhok.

"Grabe, hustler ka na ata," wika ng lalaki na may kalampungan na babae sa harapan ko.

Teka, bakit na naman may kamanyakan na nagaganap?

"Paturo naman, idol," saad ng lalaki na nasa likuran ko.

Kanina lang sinabihan mo akong makapal ang mukha ngayon nagpapaturo ka na.

Samu't saring mga komento na positibo ang naririnig ko. Nakalimutan na ata nila ang tungkol sa pandidiri ko kay Hailey at sa pagtawa ni Selena kanina.

Bigla naman nagsihawian ang mga tao na nakapalibot sa akin.

"Magaling akong pumili ng lalaking marunong at matalino," wika ni Hailey.

Kaya naman pala sila nahati sa gitna ay dahil eeksena si Hailey at umupo pa talaga sa aking lamesa.

Hinaplos nito ang aking pisngi.

"Magiging sa akin ka rin," wika niya.

Kinilabitan ako. Ang lahat ng balahibo ko ay nagsi-tindig. Grabe talaga si Hailey, iba ang dating sa akin.

"Ang ingay," wika ni Selena.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status