Share

Chapter 11

Hindi ko namalayan ang oras. Natapos na ang buong araw ko sa paaralan na ito.

Medyo kakaiba kaysa sa dati kong paaralan lalo na ang mga estudyanteng nag-aaral dito.

Ilang sandali pa ay nasa harapan ko na si Wallace at nakangiti ito.

"Ano pare? Sasama ka ba?" tanong ni Wallace.

Kanina pa ako nakukulitan sa kaniya. Hindi siya makaintindi.

"Sige," sagot ko.

Hindi ako sigurado doon ni hindi nga ako tumingin sa mukha ni Wallace ng sabihin ko iyon.

"Talaga?" hindi niyang makapaniwalang tanong.

Tumango lang ako habang nag-aayos ng aking bag.

"Hoy! Sasama na siya sa atin," wika. ni Wallace.

Masaya niyang ipinamalita kay George ang aking sagot.

Seryoso? Ano bang mayroon?

Maya-maya tatlo na silang nasa harapan ko. Si Wallace, George, at ang kasintahan nitong si Marrielle.

Bigla kong naalala ang dog style na ginawa nila kanina kasabay ng ibang narito kaya napailing ako.

"See you, later!" wika ni Marrielle.

Malaking ngiti iyon na ipinakita ni Marrielle sa akin pero pilit na ngiti lang ang isinagot ko doon.

Medyo nandiri ako ng slight, slight lang ha.

"Yeah," tugon ko.

"Good decision, bro," saad ni George.

Tumango lang ako.

"You will never regret this," turan ni Wallace.

Oo, hindi ko talaga makakalimutan ang kakulitan mo.

Nagthumbs-up lang ako.

Masaya silang umalis sa aking harapan. 

"Hey, pupunta ka roon?" tanong ni Hailey.

Tumango lang ako.

Alam niya rin ang tungkol doon? Ibig sabihin, nakapunta na siya.

Ngumiti lang si Hailey sa akin.

"So, what do you like to drink?" tanong niya.

Kinakagat-kagat pa nito ang kaniyang labi.

Napaisip ako. Ano nga bang drinks ang gusto ko?

"Just tell me, my treat, later," saad niya.

Nanlaki ang aking mga mata. Mapangahas ang mga babae sa eskwelahan na ito.

"No, you can't. I can't let any girls to treat me, I am a man. So, I will handle myself," I said.

Bakas sa mukha ni Hailey ang pagkamangha dahil sa sinabi ko. Lalong-lalo na sa kaniyang mga mata.

"I never thought I can find a man like you," wika niya.

I gulp. Sobrang lapit ng mukha ni Hailey sa akin.

"Gagawin ko ang lahat para mapunta ka sa akin," saad niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status