Share

Chapter 3 -Hindi Magandang Balita

Kalalabas ko ng university kung saan ako nagtuturo bilang academic professor at naghihintay ng sasakyan pauwi ng maisipan kong kunin ang phone ko sa bag. Biglang kumunot ang noo ko ng makita ko ang screen. I have more than ten missed calls with only seconds intervals from my step brother whom I haven’t heard of for quite some time. Palagi ko kasi sina-silent ang phone ko everytime I am in class para hindi ako maistorbo habang nagtuturo. Sinubukan ko siyang kontakin pero ring lang ng ring ang phone niya. 

Hindi ako mapakali habang nasa daan pauwi ng apartment na hindi kalayuan sa university. Matagal na mula ng huling unang magparamdam si Lightning sa akin after he decided na bumukod, ilang taon na rin ang nakalipas. Noon ay nahingi pa siya ng pera sa akin para sa panggastos niya na naging madalang na dahil ayon sa kanya ay may trabaho na daw siya at bigtime ang boss niya. Kaya ganito na lang ang pag-aalala ko dahil hindi pa nangyari na tinawagan ako ni Lightning. Hindi niya nakasanayan ang pagtawag sa akin, kadalasan ay puro text lang siya kapag nangangamusta ako. Kaya ganito na lang ang pagtataka ko kung bakit niya ako tinatawagan ngayong gabi. 

Pagdating ng bahay ay sinubukan ko ulit na tawagan siya. Pero ganun parin. His phone just keeps on ringing which slightly bothers me. Pinilit kong alisin muna ang pag-aalala ko sa kanya at hinarap ang paghahanda ng gabihan ko. After eating my dinner ay sinubukan ko ulit na tawagan si Lightning, but his phone is now dead. Bukas ko na lang siya tatawagan bago ako umalis. Baka busy sa trabaho niya dahil ang pagkakaalam ko ay madalas pang-gabi ang work niya sa amo niya. Paggising ko kinabukasan ay si Lightning agad ang unang pumasok sa isip ko kaya mabilis kong kinuha ang aking phone at tinawagan siya. Bigla akong nakahinga ng maluwag ng sa wakas sinagot na niya ang tawag ko. 

“Lightning! Sa wakas sinagot mo rin ang tawag ko! I have been trying to reach you since last night pero ring lang ng ring ang phone mo. Anong balita? Bakit ka tumatawag sa akin kagabi?” 

“Ikaw ba ang kapatid ni Lightning?” Biglang kumunot ang noo ko ng hindi boses ng kapatid ko ang nagsalita sa kabilang linya. Napatingin pa ako sa screen para siguraduhin na hindi maling numero ang tinawagan ko. 

“Sino ito? Bakit ikaw ang sumagot sa phone niya? Nasaan siya? Pwede ba siyang makausap?”

“Ikaw ba ang kapatid ni Lightning?” Muli niyang tanong na mas kinakunot pa ng noo ko. 

“Ako nga. I am Thunder Castillo, the brother of Lightning Castillo, who owns the phone you are holding now. Ikaw? Sino ka? At nasaan ang kapatid ko?” 

“Ako si Leo De Chavez. Kaibigan ng kapatid mo at kasamahan niya sa trabaho.” 

“Pwede ko ba siyang makausap, Leo. Kagabi ko pa siya sinusubukan na tawagan dahil nakatanggap ako ng maraming missed calls sa kanya hours before ako matapos magturo sa klase ko. Hindi naman niya sinasagot ang mga tawag ko kagabi.” 

“Magkita tayo ngayon, Thunder. May kailangan kang malaman tungkol sa kapatid mo.” Bigla akong kinabahan sa paraan ng pagkaka-deliver niya ng mga sinabi niya. There was urgency in his voice, urgency and something else more that I couldn’t name off.

My mind starts to think of several possibilities that might have happened to my dear brother. All of a sudden ay hindi ako mapakali sa samu’t-saring damdamin na ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko. Step brother ko man si Lightning, pero mahal ko siya higit kanino pa man. Nangako pati ako sa mother namin bago pa ito managutan ng hininga na hinding-hindi ko pababayaan si Lightning hanggang nabubuhay ako. Kaya ganito na lang ako kabahan ngayon, judging the way this stranger spoke those words. It seems may hindi magandang balita siyang gustong sabihin sa akin tungkol kay Lightning.  

“Saan?” Mabilis kong sagot. Hindi ko na naisip pa ang tungkol sa klase ko ngayong araw o sa mga estudyante na maghihintay sa akin. All I have in mind right now is my brother and this stranger I am talking to. 

“Ite-text ko sayo kung saan, Thunder. Huwag ka ng magdalawang-isip pa dahil importante ang bagay na sasabihin ko sayo. Sige na.” 

“Teka…” And the line went dead. 

I stood unmoving while looking at my phone’s screen and waiting for Leo’s message to appear. Hindi ko maintindihan ang kaba na bumabalot sa buong sistema ko. Ginulo ng kausap ko ang aking isipan and all I can think of right now is the welfare of my brother. Walang kasiguraduhan kung ano ang nangyari kay Lightning, kung nasa kapahamakan ba siya o ano. But judging on Leo’s tone of voice and how he delivers his words, something is not right. Something is wrong. Something happened to my brother which I need to know. Hindi ako sure kung ano, but one thing is for sure, hindi magandang balita ang dala ng kaibigan ng kapatid ko. 

Nang matanggap ko ang location kung saan kami magkikita ng taong nagpakilala na kaibigan ng kapatid ko ay dali-dali akong naligo at nagbihis. Hindi ko na alintana kung ano ang pwedeng mangyari sa akin sa pupuntahan ko. Kung mapahamak man ako o ano, for trusting this man’s words instantly and believing him. Isa lang ang nasa isipan ko ngayon, si Lightning at wala ng iba pa. 

The minute I arrived at our meeting place, which was a secluded spot at the basement of a certain mall ay matiyaga kong hinintay ang kausap ko. According to his message to me, siya ang lalapit sa akin. I have no doubts na hindi niya ako makilala dahil siya rin ang nagsabi kung anong kulay ang isusuot ko for him to easily recognize me. I waited patiently, eager to know what I needed to know about Lightning. After a while, napatingin ako sa likuran ko ng may biglang nagsalita. 

“Thunder Castillo.” 

I was looking at a man whose build is much larger than mine. Kasing taas ko lang siya pero hindi hamak na mas malaki ang pangangatawan niya sa akin kahit pa sabihin na batak rin ang katawan ko sa exercise. Mukha siyang hoodlum sa isang pelikula, bad boy in short. 

“Ako nga. Ikaw si Leo?” Tumango lang siya at nagsimulang humakbang palayo sa akin. 

“Oo. Sumunod ka sa akin, sa kotse tayo mag-usap.” Malamig niyang sagot. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at mabilis na sumunod sa kanya. Paghinto niya sa isang tinted at magarang sasakyan ay mabilis niyang tinungo ang driver’s side. Agad rin akong pumasok ng pumasok siya. 

“Nasaan ang kapatid ko, Leo? Nasaan si Lightning? Anong nangyari sa kanya?” Mabilis siyang tumingin sa akin. Ang kanina na tapang na nakita ko sa mga mata niya ay biglang naglaho at napalitan ng lungkot. Pure deep sadness at nagsimula siyang lumuha na hindi ko inaasahan na makita sa lalaking kagaya niya ng tindig. Binalot ako ng matinding kaba habang tinititigan siya. 

“Wala na si Lightning, Thunder. Wala na ang kapatid mo. Patay na siya. Pinatay siya kagabi.” 

Parang bombang sumabog sa mukha ko ang mga salitang narinig ko. Habang hindi makapaniwala na nakatitig sa kanya ay sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. I wanted to question this man’s words and not to believe in him, but his looks weren’t kidding nor he isn’t simply just making things up. Ramdam na ramdam ko ang sakit kahit nahihirapan pa ang utak kong i-digest ang mga sinabi niya. Napapikit ako habang patuloy na rumaragasa ang mga luha ko. 

Lightning, anong nangyari sayo, kapatid ko? Sinong may gawa nito sayo? Sinong mala-diyos ang may gawa nito sayo, Lightning? Bakit? Bakit ka nila pinatay? Anong nagawa mo para ilagay nila sa mga kamay nila ang pagkitil sa buhay mo? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status