Share

Chapter 2 -Betrayal

The RG Club. A secluded and elite hangout place where only the chosen few could enter and enjoy its luxurious ambiance and amenities. But unknown to local patrons and party goers, there are hidden secrets that lie beneath the red door where only the owner and his approved guests could pass through. Inside, only the four corners of the grandiose room bore witness to what happened and what is yet to come. The owner’s men obliged themselves to be deaf and blind to their master’s cruel acts and remained faithful to him in every way possible to save their dear beloved lives. Like any other night, tonight is no different to the master of the club for another gruesome incident was about to take place in just hours from now. Waiting silently and patiently for one of his men to arrive as he sips his liquor and enjoys the live show in front of him. 

“Boss, nandito na si Lightning. Dumating na siya.” 

“Finally.” I quickly waved my hand for the entertainers to leave. Mabilis na lumabas ang mga babae at naiwan ako kasama ang apat pang tauhan. “Papasukin siya dito.” 

“Yes, Boss.” 

It only took a minute before my loyal henchman slash brother entered the door, followed by the one whom I sent to fetch him. I motioned him to sit near me while I poured myself another drink. 

“Uminom ka, Lightning.” Nilapit ko sa kanya ang bote ng alak na agad naman niyang tinanggap. I gazed at him with an eagle stare, watching his every move as I remembered what my other men told me about him last yesterday. “Alam mo ba kung bakit kita ipinatawag ngayong gabi, Lightning?” 

“Hindi, Boss. Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?” Napailing ako sa confidence na pinakita niya na para bang wala siyang ginawang mali sa akin. 

“Middle East transaction. Billions of dollars, wasted and gone. Sa totoo lang ay kinalimutan ko na ang tungkol sa bagay na ito, Lightning, because shits happens to everyone at hindi ako exempted doon. Kaya lang ay may nakarating sa akin kaya bumalik ang isip ko ang lahat na dapat ay tapos na.” I paused and stared at him who was looking straight at me. 

“Same as you, Boss, ikinalulungkot ko rin ang nangyari. Shit does happen when we least expect it.” He said straightforwardly that made me arch an eyebrow. Inubos ko muna ang laman ng baso bago malakas na binagsak ito sa mesa at sumandal ng padarang. 

“Gaano ka na katagal sa akin, Lightning? As far as I could remember, wala ka pa sa legal age ng masama ka sa grupo ko. Tama ba?” Isang tango lang ang sinagot niya. “You know what, Lightning, I like you. Nakita ko ang sarili ko sayo ng nagsisimula pa lang ako. Gusto ko ang tapang mo, ang determination mo at sipag na meron ka. Na kahit anong ipagawa sayo ay nade-deliver mo ng maayos and exactly on time. Hinahangaan kita, sa totoo lang. Isa kang diamante na ikinaka-inggit sa akin ng ibang organization. Something I should be proud of.” 

“Salamat, Boss, lahat ay gagawin ko…”

“Kaya lang…” I immediately interrupted him. “Minsan kung sino pa ang lubos mong pinagkakatiwalaan ay siya pa ang sasaksak sayo ng patalikod.” 

“Boss?” Tinitigan ko siya ng mariin. Bakas sa mukha niya ang pagtataka pero nandoon pa rin ang tikas at kompiyansa niya na mas lalong nagpainis sa akin. 

“Hindi ko akalain na ganito ang ganti mo sa akin matapos kitang hulmahin sa kung ano ka ngayon, Lightning.” 

“Anong sinasabi mo, Boss?” Tumingin siya sa mga kasamahan niya bago nagbalik ang tingin sa akin. 

“Magkano ba ang binayad sayo ng kabilang panig para traydurin ako, bata? Paano mo nagawang ilaglag ang taong bumuhay sayo at nagbihis sayo sa loob ng ilang taon ng ganon-ganon lang? Sabihin mo, magkano?” 

“Wala akong ginawang masama, Boss. Walang magkano dahil hindi ko magagawang traydurin ka. Hindi ako traydor, Boss. Tapat ako sayo mula noon hanggang ngayon.” Papatayo siya ng mabilis na pigilan siya ng dalawang tao ko sa magkabilang balikat. 

“Ayoko sa lahat ay isang traydor, Lightning. Alam mo yan, hindi ba? Mabuti pa na harap-harapan mo akong patayin than strike me with a fucking knife behind my back.” 

“Boss! Hindi ako traydor! Wala akong kinalaman sa kung ano man ang balitang nakarating sayo! Malamang ay sinisiraan lang ako ng kung sino dahil sa inggit! Dahil malapit ako sayo at ako ang paborito mo! Hindi ko magagawa na pag-trayduran ka, Boss! Maniwala ka sa akin, Boss Rufius!” 

“What a pity, Lightning. Nanghihinayang ako sa isang katulad mo, sa totoo lang. Dine-deny mo pa ngayon sa akin? Do you think that I will say these things ng wala akong pinanghahawakan na katunayan? I have proof that you connived with the other organization!” I waved a hand saka mabilis na dinala sa akin ng isang tauhan ang isang brown envelope na agad kong hinagis sa mukha niya. “Ayan! Go see it yourself, you piece of shit!” Agad niyang binuksan ang envelope at halatang nagulat sa nilalaman nito. “Mas mabuti pang umamin ka na lang, Lightning, than deny your treachery. Baka sakaling magbago pa ng kaunti ang parusa ko sayo.” 

“Hindi totoo ang mga ito, Boss Rufius! Hindi ko alam kung bakit may ganito! Magkasama tayong dalawa sa halos lahat ng oras! Do you think magagawa ako ng ganito kung buong oras ko ay kasama kita?” 

“You tell me, Lightning. Pictures tell everything. Sa tingin mo, kanino ako dapat maniwala? Sa mga salita mo o sa mga pictures na yan?” May kutya na tinitigan ko siya.

“Frame up ito, Boss! Hindi ko kayang gawin sayo ang mga inaakusa mo sa akin! Maniwala ka sa akin, Boss Rufius! Hindi ko ito magagawa sayo!” Mabilis akong tumango at sa isang iglap ay dinampot siya ng apat habang nagpupumiglas siya. “Boss! Maniwala ka! Hindi ko magagawa na mag-traydor sayo! Tinuring na kitang kapatid! Hindi ko ito magagawa sayo, maniwala ka, Boss!” 

“Alam nyo na ang gagawin sa kanya.”

“Yes, Boss.” Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit ang sarili na maging bingi habang naririnig ko ang mga boses niya. Sa bawat pag-tawag niya sa pangalan ko at mga d***g niya ay tila punyal na humihiwa sa puso ko at dinudurog ang kalooban ko.

I never have a brother by blood and Lightning was the brother I thought I had. But I was wronged. Even real brothers dare to betray their own blood because of money, a huge amount of it so to speak. The pictures said a thousand words. Ayoko man na maniwala dahil tinuring ko na siyang pamilya kahit hindi kami magkadugo, pero sapat na ang mga pictures na nakita ko para sabihin sa akin na nag-alaga ako ng ahas sa bakuran ko. 

Nang wala na akong ingay na marinig makalipas ang ilang minuto ay napabuntong hininga muna ako saka muling binuksan ang aking mga mata. Isang sulyap lang ang ginawa ko sa nasirang Lightning bago mabilis na tumayo at inayos ang aking suit saka agad tinungo ang pinto. 

“Linisin ang kalat. Make sure na walang bakas pagbalik ko bukas.” 

“Masusunod, Boss.” 

Betrayal has no place inside my heart. Regardless of whoever you are and how long we have been together. Goodbye, dear brother. May your pitiful soul find rest in hell. Wala kang puwang sa mundo ko dahil sa pagiging traydor mo, Lightning Castillo. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status