Share

Chapter 6 -Not A Chance

“Nasaan si Leo? I didn't see him yesterday! Mukhang may ibang pinagkakaabalahan ang kasamahan nyo lately that I seemed not to know!” 

Nasa bukana pa lang ako ng entrada ng mansion ni boss ay naririnig ko na ang boses niya. Halatang hindi maganda ang gising niya ngayon araw at mukha rin hindi maganda ang magiging takbo ng araw ko ngayon. Huminga muna ako ng malalim at inayos ang sarili ko bago tuluyan na pumasok sa loob, bracing myself to face the devil himself.

“Nandito na ako Boss. Bakit nyo ako hinahanap?” I uttered boldly and he quickly gazed at me. His eyes are piercing at me like an eagle looking at his unfortunate prey, ready for any minute to attack and dominate. I willed myself to remain in my composure and not to act stupidly in front of him. Hindi ako pwedeng mabisto. Hindi pwedeng may makaalam sa ginawa kong pakikipagkita sa kapatid ni Lightning. I couldn’t act wrongly dahil mayayari ako kapag nagkataon. One wrong move or should I say, one wrong reaction from me, sigurado na patay ako ora mismo. 

“Nasaan ka kahapon, Leo? Mukhang hindi ko yata nakita ni anino mo buong araw kahapon.” He said with an accusing tone as he slowly walked towards me. Nanatili ako sa kinatatayuan ko na puno ng paninindigan at hindi natinag sa pangungutya ng tinig niya. 

“Inasikaso ko ang pinapa-asikaso mo sa akin, Boss.” I said steadily. His brows automatically arched as he stared at me with disbelief. 

“Pinapagawa?” He said, folding his arms mightily. 

“Hindi ba sabi mo sa akin na ako na ang bahala sa mga labi ni Lightning? Yun ang ginawa ko kahapon, Boss.” 

“Talaga ba? So anong ginawa mo then?” 

“Nilagay ko na sa hukay ang labi niya, Boss. Sabi mo kasi ako na ang bahala kung ano ang gagawin ko.” 

“Saan? Saan mo siya inilibing?” 

Alam ko na itatanong niya ang tungkol sa bagay na ito kaya pinaghandaan ko narin ang isasagot ko sa kanya. I already managed to do a fake tomb for my friend, hindi dun sa lugar kung saan inilaan ni Thunder para sa kapatid niya. Hindi ko pwedeng isugal ang buhay ng kapatid ng kaibigan ko kahit pa matindi ang pagnanais nito na makaharap ang taong dahilan ng pagkawala ng nag-iisang kapamilya niya. Alam ko rin na sa oras na magkaharap sila ay tiyak na may kalalagyan si Thunder. 

“Sa Norte, Boss. Kung gusto mo ay sasamahan kita para makita mo mismo.” Mabilis akong sumagot habang diretso na nakatingin sa mga mata niya. 

“No need. I trust your words, Leo. Hindi mo naman siguro nanaisin na magaya sa matalik mong kaibigan kung sakali man.” 

“Oo naman, Boss. Gago lang yan si Lightning eh. Hahahaha! Gagawa na lang ng katarantaduhan ay sayo pa talaga niya ginawa. Ayan tuloy ang sinapit niya. Kahit naman magkaibigan kami ni Lightning ay hindi ako kasing bobo niya, Boss.” I had to fake everything even if it hurt me badly. Kailangan eh. Kailangan kong magkunwari sa harap ng taong ito para narin sa ikabubuti ko at ng kapatid ni Lightning. 

“Very good then. Tara, Leo. May bago akong ipapagawa sayo kaya kita hinahanap. Ikaw ang gusto kong gumawa nito.” 

Deep inside ay nakahinga ako ng maluwag ng tumalikod na siya sa akin at nagsimulang maglakad palayo. As much as possible, I have to bury the secrets to myself. I can’t afford to risk my life especially now that my girlfriend is pregnant. Hindi ako pwedeng magkamali sa mga mata ni Rufius dahil ayokong magaya kay Lightning na nasayang lang ang buhay ng dahil sa maling akusasyon sa kanya. 

Sa nalaman ko tungkol sa girlfriend ko ay mas nabuo na sa isip ko na huwag ng tulungan si Thunder. Na putulin na ang kung ano man ang koneksyon namin sa isa’t-isa at kalimutan na ang hiling niya sa akin. Tama na ang tinulungan ko siya na malaman ang katotohanan at natagpuan niya ang nag-iisang kapatid niya. Sapat ng tulong yun at hindi na dapat pang masundan. Ayokong magaya kay Lightning alang-alang sa girlfriend ko at sa magiging anak namin kaya mas mabuting tumahimik na lang ako kahit pa alam kong dapat ay mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya. I must make this tragic incident of his as a warning for me because I know our boss so well. Wala itong sasantuhin kahit sino. Kung nagawa niyang iligpit si Lightning na itinuturing niyang kapatid, ako pa kaya na tauhan lang ang trato niya? 

Nagulantang ako ng makita ko ang nilalaman ng folder na hawak ko. Folder kung saan ay nakasaad ang susunod na trabaho ko. Habang nakatingin sa hawak ko ay ramdam ko ang pagtingin rin sa akin ng kaharap ko. Sino ba naman ang hindi magugulat kung ang next assignment ko ay malapit sa buhay ng nag-iisang babae pinakamamahal ko. Habang nakatitig ako sa picture ng ama ng girlfriend ko ay nagtatalo na ang isip ko. 

“Anong kailangan kong gawin sa kanya, Boss?” 

“Dito ko malalaman kung talagang tapat ka sa akin, Leo. He is your girlfriend’s father, am I right?” Hindi na ako nagulat pa sa sinabi niya. Lahat naman ng naisin niyang malaman ay kayang-kaya niyang malaman kung gugustuhin niya. “I need you to dispatch that man whatever way possible.” Mabilis akong napa-tingin sa kanya. “What? Hindi mo kayang gawin?” 

“Bakit ako pa, Boss?” 

“Para malaman ko na talagang tapat ka sa akin, as simple as that. Kapag nagawa mo yan, hindi lang malaki ang ibibigay ko sayo, but you will gain my deep respect for proving your worth to me.” Palihim kong kinuyom ang aking kamay habang nakatitig sa kanya. 

“Ano ba ang atraso niya sayo, Boss?” 

“Does it matter kung ano ang atraso niya sa akin, huh Leo? What matters now ay kung magagawa mo ba ang ipinag-uutos ko or not. Madali naman akong kausap. Just tell me if you can or cannot accomplish what I want you to do.” 

Kilala ko na si Rufius Guttierez kapag ganito na ang lumabas sa bibig niya. Kapag hinindian ko siya at sinabi kong hindi ko magagawa ang pinapagawa niya, it is either I die right this moment in front of him or I die a few days after. Pero kapag sinunod ko naman siya, tiyak na masasaktan ko naman ang damdamin ng girlfriend ko. 

“Kailan ang due date nito, Boss?” I saw him smirk devilishly. 

“Yan ang gusto ko sa mga bata ko! Walang sinisino kahit pa gaano ka-personal ang trabaho! Finish him as soon as possible.” He said happily before waving his hand to send me off. Palabas na ako ng pinto ng muli siyang nagsalita. “Oh and before I forget, may isa ka pa pala na gagawin kasabay niyan.” 

“Ano yun, Boss?” I answered without looking back at him. 

“Isama mo narin ang buong pamilya niya para kumpleto rekado.”

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko habang in-absorb ang huling sinabi niya. He wanted me to dispatch not only the father of my girlfriend but the whole family as well. Sinong tanga ang susunod sa gusto niyang mangyari? Sinong walang puso ang gagawa ng bagay na ganito sa mismong buhay ng taong pinakamamahal niya lalo pa kung dinadala nito sa sinapupunan niya ang magiging anak nila? 

“Masusunod, Boss.” I manage to say with finality before totally leaving him alone. 

I may be a bad person for being one of your wicked men, but my bones are not as bad and crooked as yours. Mag-kamatayan na, pero hindi ko magagawa ang ipinag-uutos mo sa akin. Hindi na bale na ako ang mamatay kaysa madamay ang mga buhay ng taong mahalaga sa akin. Come hell or high waters, but I will not give you the satisfaction of killing innocent souls. Not a chance, Rufius Guttierez. Not a goddamn chance! 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status