Share

Chapter 5 -Only Hope

I am floating in mid air, floating with a heavy heart and a burdened soul. Hindi ko alam kung saan ako patungo, kung saan pupunta. Lakad lang ako ng lakad. Ni hindi ko matandaan ang mukha ng nabangga ko kanina sa sobrang depressed ko. Hindi ko malaman kung ano ang una kong iisipin. Gulong-gulo ang utak ko. Hanggang sa mga oras na ito ay uma-alingawngaw pa rin ang mga katagang sinabi sa akin kanina ni Leo. 

Hindi ko matanggap sa sarili ko na sa isang iglap ay wala na ang pinakamamahal kong kapatid, na wala na si Lightning. The pain inside my heart is excruciatingly unbearable. Para akong pinapatay ng paunti-unti. Para akong kandilang unti-unting nauupos. Everything around me seems darker than charcoal, everything is gloomy and seems untouched by any light. 

Ang sakit lang isipin na kahit kailan ay hindi ko na makakasama pa ang nag-iisang kapatid ko, na kahit kailan ay hindi ko na siya makakausap pa at hindi ko na kahit kailan maririnig ang boses niya. Kahit naman may mga bagay kami na minsan ay hindi pag-kasunduan, I never treated him less. I love him so much. He was the only memory I had of our mom dahil magkahawig sila. Then all of a sudden, he was gone. 

Sinabi sa akin ni Leo na magkikita kami ulit sa susunod na araw. Dadalhin niya ako kung saan ang labi ng kapatid ko. Para mabigyan ko daw ng disenteng libing si Lightning at makapag-luksa ako kasama siya sa huling sandali. Even though I hated the world now, there was still something to be thankful for. At yun ang pagtulong sa akin ng taong kahit ngayon ko lang nakita at nakilala ay handa akong tulungan sa mga panahon na kailangan ko ng tulong. 

I decided to go home after spending hours at the mall. Pagdating ng apartment ay sinigaw ko ang lahat ng sama ng loob ko sa mundo. I shouted from the top of my lungs and released all my heartaches. Nawalan ako ng pakialam sa paligid ko, I cared less kung ano ang isipin ng mga kalapit apartments ko. Habang sumisigaw ay walang humpay ang pagtulo ng mga luha ko. I felt so tired and exhausted afterwards na nakatulog ako na may luha sa mata. 

Today is the day where I will meet Leo again, just like what he told me the other day. I already filed an indefinite leave at the university kaya maaga kaming nagkita. Nauna akong dumating sa kanya sa meeting place namin. The minute I saw his car arriving ay mabilis na akong lumapit. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya kaya mabilis akong pumasok. 

“Bago tayo pumunta sa destinasyon natin ay may gusto lang akong sabihin pa sayo, Thunder.” 

“Ano yun?” 

“Kasapi ako ng isang organisasyon, kami ni Lightning. Lahat ng posibleng pumasok sa isip mo na ginagawa ng isang mafia member ay kami yun, yun ang trabaho namin ng kapatid mo.” He confessed truthfully that made me stare at him with disbelief. 

“Paano nangyari na kasali si Lightning sa ganyang klaseng grupo? I know my brother so well. Hindi siya mahilig sa magulong kapaligiran, hindi nga mahilig sa away yun eh. The more na sumali pa sa ganyang organization. Hindi ganyan ang kapatid ko, Leo.” 

“Malaki ang bigayan sa amin sa loob ng organization, Thunder. Lalo na kay Lightning dahil siya na halos ang kanang kamay ng boss namin. Sabi nga, ang taong kapos ay kumakapit sa patalim. Malaki magbigay ang boss namin lalo pa kapag nagustuhan ang trabahong ginagawa namin. Ang sinusweldo mo bilang professor sa university ay barya lang kumpara sa nakukuha namin sa tuwing may trabaho kami.” 

Bigla akong napaisip. Bumalik sa diwa ko sa panahon na hindi na humihingi sa akin ng pera si Lightning. I remembered him saying na malaki magpasahod ang boss niya. Was that it? Dahil kasapi siya sa isang mafia organization? 

“So you mean, pinasok ng kapatid ko ang delikadong mundo na yan ng dahil sa pera.” 

“Nasabi niya sa akin noon ang kwento ng buhay niya, ng buhay nyo. Nai-kwento niya sa akin ang mga pangarap niya, mga bagay na gusto niyang makamit at makuha. Yan ang nagtulak sa kanya para yakapin at mahalin ang trabaho namin.” Agad akong nakaramdam ng galit sa puso ko. Galit hindi para sa kapatid ko, kung hindi galit para sa sarili ko. If only I have strived more and gave him more, hindi siguro hahantong sa ganito ang lahat. Hindi sana siya nawala at hanggang ngayon sana ay buhay pa siya. 

“Sino ang boss nyo na tinutukoy mo, Leo? Sino siya? Saan ko siya pwedeng matagpuan?” 

“Rufius Guttierez ang pangalan niya. Isa siya sa mga kinikilalang makapangyarihan at mabagsik na mafia lord hindi lang dito sa bansa natin. Pero kung ako sayo ay hindi ko nanaisin na harapin siya. Wala kang laban sa kanya, Thunder. Isang kumpas lang ng kamay niya ay maaari kang mawala sa mundong ibabaw.” 

“So ganun na lang ang lahat? Na hahayaan ko na lang na nawala ang kapatid ko sa kamay ng sinasabi mong boss nyo? That I should just accept everything that happened to my brother? Na ipagwalang bahala ko na lang ang lahat? Ganun ba, Leo?” 

“Sinasabi ko sayo ito para lang malaman mo ang lahat-lahat. Hindi para isugal ang buhay mo na alam naman natin pareho na simula pa lang ay wala ka ng kalaban-laban. You won’t stand a chance against him, Thunder. Ako na ang nagsasabi sayo. Dadalhin kita kung nasaan ang katawan ni Lightning para mabigyan mo siya ng disenteng libing na nararapat sa kanya, pero pagkatapos ay tapos na. Wala ka ng magagawa pa dahil wala kang panama kay Boss Rufius. Mamatay ka lang rin.” 

“Hindi pwedeng wala akong gawin, Leo. Ikaw man ang lumagay sa katayuan ko, kung ikaw ako! Hindi mo ba nanaising ipaghiganti ang kapatid mo sa mga taong pumatay sa kanya? Hindi mo ba gusto na mabigyan ng justice ang nangyari sa kapatid mo?” 

“Lawakan mo ang isip mo, Thunder. Not unless, gusto mong sumunod kay Lightning sa hukay.” 

“Kung ako mag-isa ay hindi ko kakayanin ang lahat. Kaya hihingin ko ang tulong mo, Leo. Tulungan mo ako. Ikaw lang ang bukod tanging makakatulong sa akin ngayon. Bigyan natin ng justice ang kapatid ko.” I said pleadingly as I looked straight into his eyes. Mabilis siyang umiling na tila ba ang sinabi ko ang pinaka-maling salita na narinig niya.

“You don’t know what you're asking for, Thunder. Itong pakikipagkita ko sayo ng dalawang beses, I already risked my life. Kapag nalaman ito ni Boss, tiyak susunod ako sa hukay kay Lightning.” 

“Help me, Leo. I beg you, tulungan mo ako. Kung talagang kaibigan ka ng kapatid ko, kung talagang may pagmamalasakit ka sa kanya at kung talagang totoong kaibigan ka niya, tutulungan mo ako.” We stared at each other for minutes. Alam ko na tinitimbang niya ang sinabi ko. I prayed inside my head na sana ay pumayag siya, na sana ay tulungan niya akong makamit ang hustisya para kay Lightning, dahil siya lang ang bukod tanging pag-asa ko sa mga oras na ito. After a while, I heard him sigh deeply. 

“Bigyan mo ako ng ilang araw para makapag-isip. Hindi madali ang hinihingi mo sa akin, Thunder. Oo kaibigan ko ang kapatid mo, para ko na nga siyang kapatid. Pero buhay ko naman ang pwedeng maging kapalit kapag pumayag ako sa gusto mong mangyari.” 

“Take all the time you need, Leo. Pero sana rin ay isipin mo ang nararamdaman ko bilang isang kuya na nawalan ng nag-iisang kapamilya niya. Na kung sa kapatid mo ito nangyari, ano kaya ang gagawin mo. Yan lang ang tanging hiling ko sayo, ang tulungan mo ako. You are my only hope, Leo. You are my only hope right now.” 

“Tatawagan kita kapag nakapag-desisyon na ako. Hindi ako mangangako, Thunder, pero pag-iisipan ko. Sana maintindihan mo rin ako. May pamilya rin akong tao.” 

Kagaya ng napag-usapan namin ay dinala niya ako kung saan naroroon si Lightning. He was lying on top of a metal table na tinabingan ng tela sa isang ospital na malayo sa city. Halos mawalan ako ng balanse ng alisin ko ang taklob. Napahagulgol ako ng malakas at mabilis siyang niyakap. I felt numb as I hugged my brother and grieving heavily. 

“LIGHTNING! BAKIT NILA GINAWA SAYO ITO? BAKIT? LIGHTNING, KAPATID KO! MAHAL NA MAHAL KITA!” I felt a hand on my shoulder but that didn’t ease the heaviness I am feeling. “PAGHIHIGANTI KITA, LIGHTNING! PAGHIHIGANTI KITA SA KAHIT ANONG PARAAN! SISIGURADUHIN KONG MAGHAHARAP KAMI NG TAONG GUMAWA NITO SAYO! MAGBABAYAD SIYA! PAGBABAYARAN NIYA NG BUHAY ANG GINAWA NIYA SAYO! SINUSUMPA KO! MAGBABAYAD SIYA NG MAHAL!” Nang mahimasmasan ako ay mabilis akong tumingin kay Leo. “You are my only hope, Leo. Help me give justice to my dear brother. Help me please, I beg of you.” 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status