Share

Spare Me From Thy Wrath
Spare Me From Thy Wrath
Author: LOGAN

Chapter 1 -Just An Ordinary Day

“Tutuloy ka pa ba mamaya, Lightning? Kung ako sayo ay huwag ka ng magpunta sa club ni Boss at ipagpaliban mo muna ang pakikipag-usap sa kanya.” Mabilis akong tumingin kay Leo, ang tanging tao na pinagkakatiwalaan ko sa organization na pinasok ko bukod kay Rufius. Kita sa mga mata niya ang matinding pag-aalala na alam ko naman kung bakit. 

Si Rufius Gutierrez o mas kilala sa tawag na boss ay isa sa mga taong hindi mo nanaisin na makabangga o traydurin. Isa siya sa mga kilala at kinatatakutan na mafia leader na ginagalang dahil sa kapangyarihan at yaman niya, isama pa ay ang mga connections niya sa halos lahat ng mga mafias sa iba’t-ibang panig ng mundo, which made him even greater. Hindi basta-basta ang isang Rufius Gutierrez. Sa isang kumpas ng kamay niya ay pwede kang mawala sa mundong ibabaw lalo pa kung may atraso ka sa kanya. 

“Ano ba ang ikinakabahala mo, Leo? Everything will be alright. Gusto lang naman akong kausapin ni Boss, natural na yun sa amin dahil ako na halos ang kanang kamay niya.” Mabilis kong sinuot ang polo saka lumapit sa kanya at naupo sa tabi niya. “Look, pare. Walang mangyayari na masama ngayong gabi. Magtiwala ka sa akin, Leo. Tonight will be just another normal night.” Tinapik ko ang balikat niya habang hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin. Nandoon pa rin ang mga mata niyang puno ng alinlangan at pangamba bagay na pinagtataka ko. 

“Huwag ka ng tumuloy, Lightning. Ako na ang nagsasabi sayo. Makinig ka sa akin bilang best friend mo. Huwag ka ng tumuloy ngayong gabi. Ipagpaliban mo na muna ng mga ilang araw.” Agad nag-creased ang noo ko at mariin siyang tinitigan. 

“Sandali nga, Leo. May kailangan ba akong malaman na hindi ko pa alam?” Mabilis siyang nagbaba ng tingin at umiling-iling. “Ano? Meron ba?” Napabuntong hininga siya ng malalim bago muling tumingin sa akin. Ang kanina na pag-aalala na nakita ko sa mga mata niya ay napalitan ng takot, takot na hindi ko pa nakita sa kanya mula ng makasama ko siya sa organization ni Rufius. 

“Pare, makinig ka sa akin.” Hinawakan niya ang balikat ko at nagulat ako sa panlalamig nito at panginginig na mas lalo lang nagpatindi ng curiosity ko. 

“Kung ano man ang dapat kong malaman ay sabihin mo na, Leo. Kung may nalalaman ka na sa tingin mo ay dapat kong malaman ay sabihin mo na sa akin bago pa ako umalis. Kilala mo naman si Boss, strikto sa oras yun. Hindi ako pwedeng ma-late sa oras na pinag-usapan namin.” Ilang beses siyang napalunok at mas hinigpitan pa ang hawak sa balikat ko. 

Something is wrong. Sa tagal ko ng kilala si Leo, never siyang kumilos ng ganito sa harap ko. Sa tagal na namin na naging magkasangga sa halos lahat ng mga lakad namin sa organization ay hindi kailanman siya naging ganito ka-bagabag. Bukod tanging ngayon lang at aaminin kong naaapektuhan ako sa kakaibang ikinikilos niya. 

“Pinaghihinalaan ka kasi ni Boss, Lightning. Yung transaction nakaraan na na-bulilyaso, yung sa foreign investor niya sa Middle East. Ikaw ang pinaghihinalaan niya na sumabotahe nito na alam natin pareho na hindi mo magagawa.” 

“Ano! Bakit ako?” 

“Yan ang narinig ko kagabi sa ilang mga kasamahan natin sa compound. Maging ako ay hindi makapaniwala sa narinig ko.” 

“Kalokohan yan, Leo! Bakit niya ako pinaghihinalaan kung kasama niya ako ng araw na nagkaproblema ang transaction na yun? Isa pa ay malinaw naman kay Boss ang nangyari. Ang kabilang panig ang may kasalanan kung bakit nawala ang bilyon na makukuha niya dapat.” Tumingin ako ng kasagutan sa mga mata niya pero wala akong nakuha. Makulimlim ang tingin niya sa akin na halatang maging siya ay wala rin alam. 

“Kaya nga habang hindi pa malinaw ang lahat ay huwag ka na munang makipagkita kay Boss, Lightning. Palipasin mo na muna ang ilang araw saka mo siya harapin. Pwede naman yun, magdahilan ka na lang sa kanya ngayon na rason kung bakit hindi ka tutuloy.” 

“Magdahilan? Para ano? Para mas lalo lang siyang maghinala na ginawa ko talaga yun? Na ako talaga ang nasa likod ng failed transaction na yun? No way, Leo! Kung hindi ako pupunta mamaya ay mas lalo akong madidiin sa kasalanan na alam naman natin pareho na hindi ako ang may gawa at hindi ko kayang gawin. Kung sino man ang nagsabi kay Boss ng kasinungalingan na yan ay gusto lang nila akong ibagsak. Dahil alam nila na malapit ako kay Boss at isa ako sa mga pinagkakatiwalaan niya. Inggit lang ang mga yan kaya gagawan nila ako ng mali sa paningin niya.” 

“Kaya nga para makaiwas ka sa gulo ay huwag ka ng tumuloy ngayon. Palipasin muna natin ang galit ni Boss, Lightning. Kilala naman natin si Boss Rufius kapag nagalit. Walang itong sinisino maging ang nag-iisang kapatid niya.” Mabilis akong tumayo at hindi makapaniwala na sinabunutan ang sarili habang iniisip ang mga nalaman ko. 

“Imposible ang sinasabi mo, Leo. Naka-oo na ako kay Boss na magpupunta ako mamaya sa club.” Huminga ako ng malalim bago siya binalikan ng tingin. “Isa pa, kung ako nga ang pinaghihinalaan niya, mas kailangan ko siyang harapin ngayon para ipagtanggol ko ang sarili ko. Dapat niyang marinig ang side ko. Dapat siyang mapalinawan na wala akong kinalaman sa mga nangyari. Hindi ko ito pwedeng palampasin, Leo. Hindi ko ito pwedeng ipagwalang bahala. Because the more I am quiet about this, the more I will be pinned on something that I didn’t do.” Ilang ulit siyang umiling na halatang hindi siya sang-ayon sa mga sinabi ko. 

“Paano kung ipaligpit ka ni Boss? Kagaya ng ginawa niya sa iba na lumalaban sa kanya?” Bahagya akong natawa sa sinabi niya. “Seryoso ako, Lightning. Paano kung ipapatay ka ni Boss dahil mas pinaniniwalaan niya na iba kesa sayo?” 

“That’s impossible, Leo. Para na akong kapatid ni Boss Rufius, saksi ka sa bagay na yan. Alam natin kung gaano siya kabagsik, pero pati ba naman sa akin? Maniniwala siya sa akin, Leo, believe me. Hindi niya ako pinagkatiwalaan sa mga mas malaking transaction noon kung wala siyang tiwala sa akin.” 

“Ewan ko lang, Lightning, pero iba ang kutob ko tungkol dito.” Muli akong bumalik ng upo sa tabi niya at tinitigan siya. 

“Kulang ka lang sa pahinga kaya kung anu-ano ang naiisip mo. Walang mangyayari na masama sa akin mamaya, makakabalik pa ako dito ng buhay. I will be fine, huwag kang mag-alala. This is just an ordinary day. Pero salamat sa pag-aalala mo, pinatunayan mo lang sa akin na kaibigan ka talaga.” Nginitian ko siya ng malapad habang tinatapik-tapik ang balikat niya. 

Habang nasa daan patungo sa club ay hindi mawala-wala sa isip ko ang mga pinag-usapan namin ni Leo sa apartment namin. Part of my mind wanted to believe him and his warnings, na tama siya, but another part of me wanted to secure my ground in Rufius Gutierrez’s sight. Kailangan kong paliwanan si boss na wala akong kinalaman sa mga nangyari. Kailangan marinig niya ang side ko at maniwala siya sa akin kagaya ng dati. Hindi ko pwedeng ipagpabukas ang bagay na ito.

You have to defend yourself, Lightning, dahil walang ibang gagawa ng bagay na yan sayo kung hindi ang sarili mo. Patunayan mo na malinis ka, na tapat ka sa sinumpaan mo sa organization. Patunayan mo sa lahat na hindi ka nag-traydor at hindi mo kailanman kayang gawin ang bagay na yun, hindi sa isang makapangyarihan na Rufius Gutierrez. Remain your cool, Lightning, this is just an ordinary day for you. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status