Share

Sold To Mr. Saavedra
Sold To Mr. Saavedra
Author: Ydewons

Chapter 1

MASAYA akong nakikipagkwentuhan sa mga kaklase ko dito sa eskwelahan namin nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at nag-excuse sa mga ito.

Si Mama pala tumatawag.

"Ma? Nandito pa po ako sa school." saad ko agad sa isipin na baka hinahanap lang ako ni mama.

"Oo anak alam ko naman. Pero pwede ka bang umuwi nang maaga ngayon? May mahalaga kayong pag-uusapan ng papa mo." sa sinabing iyon ni mama ay agad akong kinabahan at tila nakaramdam na may nangyaring hindi maganda.

"Oo ma sige, uuwi na din po ako ngayon." sagot ko na pilit pinapasigla ang boses.

Agad akong nagpaalam sa kanila at dali-daling sumakay ng jeep. Isang jeep lang at tricycle ang sasakyan ay makakarating na ako sa bahay.

Ilang sandali lang ay nakarating na ako agad sa amin. Inabutan ko si mama na tila tulalang nakatingin sa mga maliliit kong kapatid. Tinawag ko siya para lang matigil sa pagkakatulala.

"Oh anak andyan kana pala." wika nito sabay tayo at lahad sa akin ng kamay niya. Agad ko naman itong kinuha at nagmano sa aking ina.

"Oo ma, wala naman na po kasi kaming klase kanina noong tumawag kayo. May nangyari po ba?" agad kong tanong habang ibinababa ang mga gamit ko. Itinaas ko ang mga libro ko dahil baka mapaglaruan na naman iyon ng mga kapatid ko.

"Ang papa mo kasi anak eh..." tila nag-aalinlangan si mama sabihin sa akin kung ano ba talagang nangyari.

"Bakit po si papa? May nangyari po bang masama kay papa?" tanong ko at agad hinila si mama paupo sa pinakamalapit naming upuan.

"Ang papa mo kasi..."

"Papa! Papa!" agad naagaw ang atensyon ko nang biglang magsisigaw ang mga kapatid ko. Napatingin din agad ako kay papa, tumayo ako at mabilis na nagmano.

"Bakit parang ang aga niyo po yata ngayon Pa? Maaga po kayong pinauwi ng boss niyo?" tanong ko sa kanya.

"Oo anak eh, halika doon muna tayo sa kusina. May sasabihin lang ako sayo." agad akong tumango at sumunod kay papa papuntang kusina. Agad siyang umupo na agad ko rin namang ginawa.

"Aliyah anak, anong year mo na nga pala ulit?" pagsisimula ni papa.

"Fourth year na po Pa. Bakit po?"

"Ah ganoon ba, eh di ngayong taon ka sana gagraduate ano anak?"

Bakit parang kinakahaban ako sa naiisip na pupuntahan ng usapan na 'to.

"Opo Pa, bakit niyo po naitanong?" kinakabahan man sa maaaring isagot ni papa ay hindi na ako nag-atubiling tanungin pa siya.

"Aliyah pasensya kana anak ha, mukhang kakailanganin mo munang tumigil eh." maladamdamin na pahayag ni papa. Parang anumang oras ay may tutulo nang luha sa mga mata niya.

"Po bakit po? Bakit naman pa? Ilang buwan nalang oh, gagraduate na 'ko pa. Makakatulong na ako sa inyo ni mama. Patitigilin na rin kita sa pagtatrabaho. Bakit kailangan kong huminto ngayon?" hindi ko napansin na umiiyak na pala ako habang tinatanong ang mga bagay na iyon. Agad akong tumalikod upang punasan ang basa kong mga pisngi.

"Anak natanggal si papa sa trabaho eh. Biglaan anak eh. Hindi ko na nga alam kung saan pa ako manghihiram ng pera. Pati pagkain niyong magkakapatid ngayon iniisip ko pa kung saan ko kukunin. Gustuhin ko man na patapusin ka sa pag-aaral mo mukhang malabo na Aliyah eh. Malaki ang tuition mo, hindi ko alam saan ko kukunin." mahabang paliwanag ni papa habang pinipigilan na mapaluha pa. Pinupunasan niya rin ang mga sipon na tila tumutulo sa kanyang ilong.

"Huwag na po kayo mag-alala Pa, gagawa po ako ng paraan. Huwag niyo na po akong masyadong isipin. Malaki naman na po ako. Tutulungan ko po kayo. Kung kinakailangan magtrabaho ako habang nag-aaral, gagawin ko. Makatapos lang po ako."

"Baka naman mapabayaan mo ang pag-aaral mo anak. Sayang lang din 'yon pagkaganoon." tila nag-aalalang saad ni papa na agad kong inilingan.

"Hindi po Pa. Kaya ko po 'yon. Tutulungan ko po kayo. Teka lang Pa ha, magpapalit lang po ako." iyon lang ang sinabi ko at agad nang umalis nang kusina at nagpuntang kwarto ko. Magbibihis muna ako. Kailangan kong mag-isip ng trabaho na may malaking sweldo.

"SIGE na Ate Elsa, ipasok mo na ako sa club mo." pamimilit ko sa kaibigan ng mama ko na si Ate Elsa. May ari ito ng isang bar dito lang din malapit sa amin. She's already in her mid thirties pero wala pa rin siyang asawa at anak. Maganda rin ito at hindi halata ang edad dahil baby face ito at maputi. Tila alagang-alaga ang sarili.

At kung iniisip niyo na papasok ako doon bilang p****k, nagkakamali kayo. Nag-aapply ako para maging waitress.

"Ikaw naman Aliyah eh, puno pa nga. Walang bakante. Kung gusto mo magdancer ka nalang doon." anito na tila hindi ako sineseryoso.

"Dancer talaga ate Elsa? Eh kita mo nga 'tong katawan ko, kailangan pa yatang pakuluan ng isang linggo bago lumambot eh. Waitress nalang kasi 'te, please ipasok mo na 'ko." pamimilit ko pa lalo at pinakitaan siya ng isang pagkatamis-tamis na ngiti.

"Ganito nalang ha bata ka, sumama ka mamaya sa akin. Titingnan natin kung anong trabaho ang pwede mong pasukan." sa sinabi niyang iyon ay agad akong natuwa at napatalon.

"Yehey! Thank you Ate Elsa, love na love mo talaga ako." wika ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

"Ano pa nga ba? Kung hindi ko lang inaanak mga kapatid mo eh. At saka kung hindi lang kita kasingganda naku, nunkang pagbigyan kita."

"Mabuti nalang pala magkamukha tayo 'no Ate Elsa." pagsasakay ko sa biro niya.

"Korek ka dyan! Ah siya nga pala, okay lang ba sayo tagalinis? O kaya tagahugas?" agad naman akong napatango nang mabilis sa tanong niya.

"Oo naman 'te 'no. Hindi lang halata pero masipag ako." wika ko na tila nagmamayabang. Pero totoo naman 'yon, mapabahay man o school, masipag ako.

"Hindi halata ha, ang ganda kasi ng kamay mo."

"Sus si Ate Elsa naman, binola pa 'ko. Ikaw din Ate Elsa maganda ka." pagbabalik puri ko sa kanya na agad naman niyang kinangiti.

"Oh siya sige tama na ang bolahan. Umuwi ka muna sa inyo at magpaalam. Bumalik ka nalang dito ng alas-singko ha. Ayoko ng late." paalala niya.

"Opo Ate Elsa, sige po. Uwi na muna ako." paalam ko na tango lang ang ginawa niyang sagot.

Masaya akong uuwi. Dahil kahit papaano may posibilidad na magkaroon ako ng trabaho ngayong gabi. Tiwala lang! May plano si Lord.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
laban lang sa hamon ng buhay Aaliyah
goodnovel comment avatar
Elving F. Bolante Bellera
nakabasa na ako ng saavedra story anu kayang relasyin ng story nato sa dati kung nabasa .
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
thank you author
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status