Share

Chapter 2

"SIGURADO ka ba anak sa plano mo? Magtatrabaho ka ng gabi tapos mag-aaral ka sa umaga? Kakayanin mo ba?" kanina pa yan tinatanong ni papa at laging oo lang naman ang sinasagot ko. Sobra kasi siyang nag-aalala na baka daw bumigay naman ang katawan ko sa gagawin ko.

Ang laki-laki ko yatang tao. At saka isang taon lang naman 'to. Hanggang makatapos lang ako. Pagkagraduate ko maghahanap agad ako ng trabahong naaayon sa tinapos ko. Iyon ang plano ko.

"Pa naman, malaki na po ako. Hayaan niyong gawin ko 'to para naman kahit papaano ay makatulong sa inyo. Wala po ba kayong bilib sa anak niyo?" tanong ko sa kanya at tinitigan siya ng marahan. Huminga muna siya nang malalim bago sumagot sa akin.

"Hindi naman sa ganoon anak. Bilib na bilib nga ako sayo eh-"

"Ganoon naman po pala eh, hayaan niyo nang gawin ko 'to. Gusto ko po 'to. Ginusto ko pong makatulong sa inyo ni Mama kahit papano." pamumutol ko sa sasabihin niya. Si papa naman, nagsisimula na naman sa kadramahan. Akala niya siguro napapalabas sa telebsiyon ang buhay namin ngayon.

"Pinapaiyak mo naman ako anak eh, halika nga dito. Payakap..." utos ni papa na agad kong sinunod. Niyakap niya ako nang pagkahigpit-higpit."...ang panganay ko naman, ang laki-laki na. Nangangatwira na sa akin." bigla naman akong natawa sa huli niyang sinabi at sinamaan siya ng tingin.

"Si Papa eh, isusumbong kita kay Mama sige ka." pananakot ko kunyari pero ang totoo nyan gusto ko lang na gumaan ang loob ni Papa para mabawasan ang pag-aalala niya.

"Hay nako anak, ang swerte-swerte naming pamilya mo sa iyo. Lumaki kang responsable at mabait. Mabuti nalang at pinigilan ko ang Mama mo sa balak niyang ipalaglag ka noon."

"Si Papa eh! Isusumbong na talaga kita kay Mama."

"Hindi anak, biro lang 'yon ano ka ba. Kayo ng mga kapatid mo ang dumating na pinagpasalamat namin ng mama niyo ng lubos. Mahal na mahal namin kayong lahat."

"Sige na Papa, malapit na mag alas-singko oh, tama na muna ang dramahan nating mag-ama. Bukas ulit pag-uwi ko galing school." biro ko na kinangiti lang ni Papa.

"Mag-iingat ka anak ha." sigaw ni papa nang makalayo na ako ng kaunti sa munti naming bahay.

"Opo Pa." sagot ko kasabay ng isang kaway.

"HALIKA dito Aliyah, sumunod ka sa akin." utos sa akin na agad ko namang sinunod.

Masyadong madilim pala dito sa club niya, para pa akong mabubulag dahil sa mga ilaw na umiikot-ikot sa paligid. Marami ring tao ngayon. Medyo amoy usok pero mapagtitiisan naman.

"Aliyah?"

"Po?" agad na sagot ko nang tawagin ako ni Ate Elsa.

"Wala raw iyong isa naming waitress, may sakit. Ikaw muna ang magserve ng mga inumin ng mga customer natin. Kaya mo ba 'yon?"

"P-po? Hindi ko pa po alam kung paano eh." nahihiya kong sagot.

Ano ba naman 'yan! Hindi ba't sabi mo kanina kahit ano gagawin mo para sa pamilya mo? Ayan na ang trabaho oh. Gagawin mo nalang! Go! Pipi kong pinapagalitan ang sarili ko. Oo hobby ko 'yan. Lalo na pag wala ako makausap.

"Ah oo nga pala, ganito ha, kukunin mo doon sa bartender iyong inumin. Tapos sasabihin niya kung saang table, may makikita ka namang number na nakalagay sa gitna ng table. Madali lang 'yon."

Ah ganoon lang pala. Kayang-kaya ko 'yon!

"Sige po Ate Elsa, kaya ko po 'yon." saad ko na tila daling-dali sa pinagagawa sa akin.

"Oh siya halika muna dito, magpalit ka ng damit. Kailangan nakauniform pag magseserve." agad naman akong lumapit sa kinatatayuan ni Ate Elsa at inabot ang mga damit na binibigay niya.

"Magbihis kana dalian mo. Siya nga pala, minsan nagbibigay ng tip ang mga customer. Hindi ko na kinukuha 'yon. Sa inyo na 'yon. Basta advice ko sayo, maging madaldal ka lang sa kanila. Kunin mo lagi ang orders nila. Huwag kang magpapabastos ha." paalala ni Ate Elsa na agad ko namang kinatango.

"Opo Ate Elsa. Huwag po kayong mag-alala." paninigurado ko sa kanya.

"Nakakalat naman ang mga bouncer natin, magsabi ka lang sa kanila agad pag binastos ka. Palalabasin ko ng club." iyon na ang huling sinabi ni Ate Elsa bago pumasok sa loob ng opisina. Agad na rin akong nagpalit ng damit.

High waisted skirt ito na kulay itim habang ang pangtaas naman ay long sleeve na puti. Meron din akong necktie habang ang pangpaa naman ay two inches na black shoes na may tinernuhan ng above the knee na medyas. Mukha tuloy akong estudyante na taga Japan. Napatawa naman sa naisip.

Agad na akong lumabas at nagpunta sa pwesto kung saan nagtitimpla ng mga inumin ang bartender ng club. Nagulat ako na babae rin ito. Ang pagkakaalam ko kasi lalaki ang kadalasan nagbabartender, may babae din pala.

"Bago ka?" tanong niya agad. Saglit akong napatitig sa mukha niya. Makinis ang mukha nito na may mahahabang pilikmata at matangos ang ilong. Halata rin na iba ang kulay ng mga mata nito.

"Ah siguro? Hindi ko pa sure eh. By the way I'm Aliyah." pagpapakilala ko sabay lahad ng kamay sa kanya na agad naman niyang tinanggap.

"Angela. Here, ibigay mo ito sa table number six. Ingat ka ha. Kanina ko pa 'yan napapansin na titig na titig sayo." wika nito sabay ngiti at kindat. Hindi ko na tuloy alam kung ano pang mukha ang ipapakita ko sa customer pagkatapos ng sinabi ni Angela.

"Here's your drink sir. Is there anything else you want to add?" tanong ko sabay labas ng maliit na notebook at ballpen.

"No thanks. I'm good with my drinks." sagot lang nito sabay lahad ng ilang libo sa tapat ko. Hindi ko tuloy malaman kung para saan 'yon.

"Sir? Is this your payment sir?" tanong ko nalang.

"No of course not. My drinks is already paid. This is your tip. Ayaw mo ba?" sa sinabi niyang tip ko iyon ay agad ko na itong kinuha.

Grabe nag-abot lang ako ng order may ilang libong tip na agad ako? Okay din pala magtrabaho dito kay Ate Elsa ha.

"Thank you Sir. Just call me if you need anything." iyon lang ang sinabi ko sabay lakad na pabalik sa pwesto ni Angela.

Sobrang saya ko. Kung ganito ba naman gabi-gabi ay baka ilang buwan lang pwede na ko tumigil. Tip palang parang mapapakain ko na ang pamilya ko ng dalawang linggo eh.

Bibilisan ko ang pagbibigay ng order sa mga customer. More customers meaning more tip! Ang saya-saya naman.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
mag ingat Ka Aliyah
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status