Share

Chapter 4

"SORRY Ate Elsa, nalate ako ng gising. Napahaba pala ang tulog ko. Last day kasi ng midterm namin ngayon. Pasensya na talaga Ate Elsa, hindi na mauulit." nandito na ako ngayon sa club. Nagkukumahog sa paghabol kay Ate Elsa. Ilang buwan na rin ang lumipas at regular na ako dito.

"Oh siya sige, ngayong gabi ka palang naman nalelate simula ng magsimula kang trabaho ka sa'kin pero ikakaltas ko 'to sa sweldo mo ngayong buwan. Magpalit kana at marami tayong customer ngayong gabi." iyon lang ang sinabi niya sabay lakad nang mabilis sa kanyang opisina.

Hindi pa siya tuluyang nakakapasok sa loob nang bigla niya ulit akong lingunin.

"Aliyah?" tawag niya sa akin.

"Bakit 'te Elsa?"agad na tanong ko at lumapit nang mabilis sa kanya.

"Wala pala, sige na magbihis kana at pumunta kana kay Angela. Maraming tambak na orders doon sa kanya ngayon." nawiweirduhan man ay ngumiti nalang ako at diretso nang kinuha ang uniform ko sa locker ko.

Nagbihis na rin ako nang mabilis at naglagay ng kaunting make up para naman hindi ako magmukhang maputla at pagod.

"Hi Angela!" masayang bati ko sa bartender namin. Nginitian niya lang ako at inabot ang isang alak.

"Here. Order for table nine. Bumalik ka agad ha." tango lang ang sinagot ko sa kanya at mabilis nang kinuha ang alak at naglakad papunta sa sinabi niyang table.

Marami nga kaming customer ngayon. Ibig sabihin, mas maraming customer, mas maraming tip! Nakakasigla naman ng dugo!

Elsa POV

"HINDI nga po pwede Mr. Saavedra, the lady you are talking is our waitress. Hindi po siya belong sa mga babaeng tinatable dito sa club ko." isang beses ko pang paliwanag ngayon sa VIP customer ko.

And when I say VIP, sila lang naman ang mga taong mayayaman na nagtatago dito sa VIP room. Sila rin ang mga taong nagbabayad ng five digits para lang sa isang gabi ng mga alaga ko.

"I already explain to you Elsa, gusto ko lang ng makakasama at makakausap ngayong gabi. I don't need sex. Kilala mo naman ako. I don't force any woman." paliwanag ng matanda at tinitigan ako ng marahan.

Mr. Saavedra or Richard Saavedra is one of the richest not only in our town but also in the whole country. He's in his mid fifties now pero malakas pa ito at makisig. At hindi rin alam ng mga taga media na dito sa club ko siya naglalagi. Well, my club is not cheap. I have beautiful stuff. From waitress to janitress. Lahat ng empleyado ko ay babae. Maliban nalang sa mga bouncer. Well, ang head of security ko ay babae rin. I just want woman empowerment kaya mas pinili ko na mga babae ang mga manggagawa ko.

"But she's only our waitress. Pumili nalang po kayo ng iba. Or kung gusto niyo ako pa ang magrerefer sa inyo. Kahit sino, 'wag lang po siya."

"I'll give you fifty thousand tonight Elsa just let me borrow her. I don't want anyone but her. Take it or leave it."

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Paano ba naman, si Aliyah ang gusto niyang makatable ngayong gabi. Kanina ko pa pinapaintindi sa kanya sa waitress nga lang ang bata na iyon dito. At saka kawawa naman 'yon, mamaya isipin niya pa binubugaw ko siya.

"I'm sorry Sir but-"

"Hundred thousand..." shit ano nang gagawin ko? Malaking tulong na rin iyon kahit papaano.

"Sir..."

"Okay I'll make it two hundred thousand. Just for tonight. I won't force her. Just let me talk to her."

"Okay Sir. I am not promising you anything but I will do my best to convince her. Excuse me for a second." paalam ko kay Mr. Saavedra sabay labas sa VIP room na inuukupahan niya.

I really need to convince Aliyah for this one. But I'm gonna secure her safety first.

Aliyah POV

HALOS mapuno na ang bulsa ng palda ko sa dami ng tip na nakukuha ko ngayong gabi palang! Grabe! Siguradong matutuwa sila Papa pag inabutan ko sila ulit ng pera. Parang maganda pa yatang nawalan siya ng trabaho ay, higit pa sa triple ng sahod niya ang naibibigay ko sa kanila ni mama simula nang maging regular ako dito sa club ni Ate Elsa.

"Aliyah..." agad akong napalingon nang tawagin ni Kuya Bong, isa sa mga bouncer namin ang pangalan ko. Lumapit naman ako sa kanya.

"Yes Kuya Bong? May uupakan na ba tayo dyan?" pagbibiro ko na kinatawa niya nang saglit.

"Hehe wala pa naman. Pero pinapatawag ka ni Ma'am Elsa sa opisina niya. Urgent daw." wika nito sa mahinang boses na tanging kami lang ang nakakarinig.

"Ako? Bakit ako?" tanong ko ngunit sarili ko lang ang nakarinig. Nagpaalam na ako ng mabilis kay Kuya Bong at dali-daling pumunta sa opisina ni Ate Elsa.

"Ate Elsa? Hinahanap niyo daw po ako?" tanong ko agad nang makapasok na sa loob.

"Yes Aliyah, upo ka muna." dahan-dahan naman akong umupo katapat niya. Para siyang may sasabihin ngunit nagdadalawang isip kung itutuloy niya ba itong sabihin sa akin.

"Ate Elsa, okay lang po ba kayo? May nangyari po bang hindi maganda?" ako na ang nagkusang magtanong. Hanggang ngayon kasi paikot-ikot lang siya sa harapan ko. Ako tuloy ang nahihilo sa kanya.

"Aliyah kasi..."

"Ano po 'yon? Bakit po?" ano ba talaga Ate Elsa, sabihin niyo na po. Kating-kati na ang isip ko kakaisip kung ano ba talagang sasabihin niyo.

"Pwede bang favor?" tanong niya na agad ko namang tinanguan ng mabilis.

"Oo naman po. Ano po ba 'yon?"

"May VIP customer kasi tayo, at gusto niyang hiramin ka ngayon-"

"Waitress po ako. Hindi ako babaeng bayaran para lang pagbigyan sila sa kamanyakan nila!" agad kong putol sa sasabihin ni Ate Elsa. Hindi ko rin namalayan na napatayo na pala ako sa kinauupuan ko.

"Oo alam ko naman 'yon. Pero sabi niya gusto niya lang daw ng kasama at makakausap tonight. Pangako ko sayo, if ever na pumayag ka, palalagyan ko ng dalawang bouncer sa labas ng pintuan ng VIP room niya para mabilis kang makakahingi ng tulong kung may gagawin man siyang hindi maganda sa iyo." mahabang paliwanag ni Ate Elsa. Mukha rin siyang frustrated sa nangyayaring sitwasyon.

"Pero Ate Elsa-"

"I'll give you fifty thousand tonight. Cash. Please pumayag ka lang. It's just talk. It won't harm you I assure you. Kahit hindi kana pumasok ng isang linggo pero may sweldo ka pa rin. This person is really important to me." wika ni Ate Elsa at lumapit sa kinatatayuan ko sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko.

Sa huli ay pumayag nalang din ako. Naniniwala ako kay Ate Elsa. I'm sure hindi niya ako hahayaang mapahamak. Usap lang naman.

"Sige po Ate Elsa, mag-aayos lang ako. Saan po pala ang room niya?" tanong ko pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip.

"His name is Richard Saavedra, just go to VIP room number six. He's nice. Pero sumigaw ka agad kung bigla ka niyang babastusin." agad naman akong tumango at tumalikod na.

"Come here Aliyah, papahiramin muna kita ng damit ko. I'm sure wala kang dalang extra." saad nito sabay hila sa akin sa kwarto ng kanyang opisina. Doon ay pinapili niya ako ng susuotin. Lahat magaganda. Hindi ako makapili.

"Wala ka bang nagustuhan?" kapagkuwan ay tanong niya nang mapansin na hindi pa rin ako kumukuha ng damit sa kanyang drawer.

"Hindi po ako makapili Ate Elsa. Okay lang po ba kung kayo nalang pumili." nahihiya kong tanong sa kanya na agad naman niyang tinanguan. Kinuha niya ang isang pulang dress na above the knee. Heart shape ang itaas nito at tila hapit sa katawan ngunit ang ibaba naman ay madulas at maluwag. Naiisip ko palang na susuotin ko iyon ay napapangiti na ako. Para akong aattend ng js prom panigurado.

Iwinaksi ko ang kakatwang naiisip at nagseryso. Kailangan kong mag-ayos at magbihis. Ate Elsa said that this person is important to her, I will do everything to repay and avoid to disappoint her.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
mag ingat Ka Aliyah
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status