"SUMIGAW ka lang ha, nandito sila Kuya Bong at Kuya Gab sa labas. Maririnig ka nila agad." paalala sa akin ni Ate Elsa habang hawak hawak ang dalawa kong kamay. Para siyang nag-aalala. Nginitian ko siya para kahit naman papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.
"Okay lang po ako Ate Elsa. Sige po papasok na po ako." paalam ko sa kanya na tanging dahan-dahan lamang na tango ang sinagot niya. Isang beses pa ay nginitian ko siya."Aliyah?" tawag niya ulit sa akin."Po?""Take care of yourself ha. Nandito lang ako.""Opo Ate Elsa, salamat nga po pala sa damit. Lalabhan ko nalang po.""You can keep that one. Sige na pumasok kana." tango lang ang sinagot ko. Nabigla ako nang bigla niya akong yakapin kaya niyakap ko nalang din siya. Maya-maya lamang ay ako na ang nagkusang kumalas sa yakapan namin at nagdesisyon nang pumasok.Pagkapasok ko sa kwarto ay nagulat ako. Hindi ito mausok kagaya ng lugar sa ibaba. Dim lang din at steady ang ilaw na hindi nakakahilo sa mata. Agad natutok ang mga mata ko sa lalaking nakatalikot sa akin.Siguro ito na si Mr. Saavedra."G-good evening M-mr. Saavedra, I'm Aliyah..." putol-putol kong saad upang makuha ang atensyon ng lalaki.Hindi rin naman nagtagal ang paghihintay ko ay humarap na ito sa akin. Doon ay nakita ko ang isang lalaki na tila hindi yata nalalayo ang edad sa aking ama. Nakangiti ito ngunit ang mga ngiti ay hindi umabot ang saya sa kanyang mga mata."Take a seat, young lady. I won't bite." wika nito sabay tawa ng mahina. Napatulala kasi ako at parang inugatan ang mga paa sa lugar na kinatatayuan ko.Maamo ang mukha nito at mukhang mabait. Hindi naman mukhang bastos kaya umupo na ako agad sa tapat nito."Is there anything I can do to help you Sir?" tanong ko mayamaya sa kanya. Nakatingin lang kasi siya sa akin ngunit ang mga tanaw ay tumatagos sa katawan ko. Parang ang lalim ng iniisip niya."It's Richard-""Sir?" tangang tanong ko ulit. Napangiti naman ako ng makitang ngumiti rin siya ng kaunti."Drop the Sir. Just call me Richard. And your name is?""I'm Aliyah Sir ay I mean Richard." sagot ko sabay lahad ng kamay na agad naman niyang tinanggap.Kanina pa siya nagkekwento, hindi ko alam kung para ba maging kumportable ba ako sa kanya o dahil gusto niya lang na may mapagkekwentuhan. Sabi niya patay na raw ang asawa niya at meron siyang isang anak. Hindi daw iyon umuuwi sa kanya at kung umuwi man ay aawayin lang siya."Napaka-ungrateful naman po pala ng anak niyo. Ako nga po noong sinabihan ako ni papa na baka hindi na niya ako matustusan sa pag-aaral ay hindi ako nagalit. Hindi ako nagtanim ng sama ng loob. Syempre wala namang may gusto na mawalan siya ng trabaho eh. Kaya ang ginawa ko, ako na ang naghanap ng trabaho para maipagpatuloy ko ang pag-aaral ko. Nakakapagbigay na rin ako sa pamilya ko. Kaya po ako nandito ngayon sa harapan niyo." kwento ko na tila proud na proud sa ginawang desisyon ko sa buhay.Well, totoo naman 'yon. Iyan na nga at may taong gustong bumuhay at magprovide sayo sa pangaraw-araw mo, aawayin mo pa. Ano kayang ginagawa ng taong 'yon ngayon."Your parents must be proud of you." wika nito sabay inom ng alak na natitira sa baso niya. Agad ko namang kinuha ang bote ng alak at ako na ang nagsalin ng laman nito sa hawak-hawak na baso ng matanda."Aliyah?""Yes?" tanong ko ngunit ang mga mata ay nakatutok sa alak na sinasalin."Do you want me to sponsor your study?" agad kong naibaba ang bote ng alak at napatitig sa kanya. Seryoso ba siya?"Seryoso po kayo?" tanong ko agad sa kanya at tinitigan siya sa mga mata."Hey quit that staring. Maupo ka muna." utos niya sa akin na agad ko namang sinunod ngunit ang mga mata ay nakatuon pa rin sa kanya."So ano nga po? Is there any requirement I have to pass para maging scholar niyo ako?" tanong ko ulit."It's quite different from the normal scholar Aliyah, baka mabigla ka." wika nito ngunit tinititigan na rin ako sa mata."Paanong iba po?""I already told you that I'm alone in my mansion right?" tango lang ang sinagot ko at pinagpatuloy ang binibigay na atensyon sa kanya kahihintay sa kung anuman ang idudugtong nito. "...I want to propose something for you." shit para 'kong kinakabahan sa kung saan mapupunta 'tong propose-propose na 'to ah. Huwag naman sana. Hindi pa ako ready."Propose? What kind of proposal?" tanong ko ngunit may namumuo nang ideya sa isip ko."I want you to marry me-""What? Sorry Mr. Saavedra ha, but can't you see, I'm only in my twenties. Ni hindi pa nga ako nakakagraduate. Wala pa akong nagiging boyfriend tapos gusto niyong pakasalan ko kayo? Eh ilang taon nga lang ang tanda ng papa ko sa inyo eh." hysterical kong tanong sa kanya. I just can't believe this old man! Kakilala nga lang namin kanina eh."Okay you don't have to be hysterical. I understand where you're coming from." wika nito at akmang lalapitan ako nang mabilis pa sa alas kwatro ay lumayo agad ako sa kanya. He just let a deep sigh after what I did."Huwag kayong lalapit sa akin." pagbabanta ko akma nang lalabas sa kwarto nang pigilan niya ako."Wait, please. I'm sorry if I scared you. That was not my intention. Here." saad nito sabay lapag ng ilang libo sa mesa."Sinusuhulan niyo po ba ako?" pagtataray ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay."No of course not. That is your payment. Hindi kita binabayaran bilang babae. Binabayaran kita because you give me your time, I consumed it na sana dapat ay tinatrabaho mo kanina. So here it is. Your payment." paliwanag nito sabay tayo. Nang magsimula itong lumakad at inakala kong lalapit sa kinatatayuan ko ay agad akong gumilid."I'm sorry again Aliyah. I hope you can forgive me. I will give you time to think about my proposal. Kahit anong isagot mo ay tatanggapin ko." wika lang nito at mabilis nang lumabas sa kwarto.Agad akong lumapit sa mesa at tiningnan ang perang inilapag ng matanda doon kanina. Binilang ko ito nang mabilis. Another fifty thousand. Grabe parang pangdalawa't kalahating buwan ko na 'tong sweldo ah. Iba pa 'yong ibibigay na fifty thousand ni Ate Elsa. Ibig sabihin lang, kumita ako ng isandaang libo para lang sa gabi na 'to? Sobrang swerte ko naman."PAPA!" sigaw ko pagkapasok ko ng bahay namin. Nagtaka naman ako dahil hindi ako sinalubong ng aking ama sa labas ng bahay namin. Lagi niya kasing ginagawa 'yon. Ngayong araw lang yata hindi."Alex nasaan si papa? At saka si mama? Bakit wala dito?" tanong ko sa sumunod kong kapatid nang makitang nakaupo ito sa tapat ng telebisyon namin."Hindi ko po alam ate eh. Kanina po kasi narinig nalang namin na sumigaw si papa tapos ginigising si mama tapos maya-maya po dumating sila Kuya Dante tapos tinulungan si papa na buhatin si mama palabas." tila wala sa sarili na sagot ng kapatid ko sa akin. Na para bang nagkekwento lang siya ng binili niyang candy sa tindahan.Shit anong nangyari? Kailangan kong tawagan si Papa. Baka ano nang nangyari kay mama. Hindi pa man ako nakakabihis ay agad ko lang nilapag ang bag ko at agad kinuha ang cellphone ko para tawagan si Papa. Ilang ring lang ay sumagot na agad si papa. "Pa anong nangyari? Bakit sabi ni Alex binuhat nyo daw si Mama palabas ng bahay? Ma
"ALIYAH ano? Sumagot na ba si Mr. Saavedra sayo?" tanong sa akin ni Ate Elsa ngunit bigong mukha lamang ang ipinakita ko sa kanya. Nang itext sa akin ni Ate Elsa ang numero ng matanda ay agad ko itong tinawagan. Pero nakakalimang missed call na 'ata ako ay hindi pa rin ito sumasagot kaya't naisipan kong umuwi na lamang at dumiretso sa bahay nila Ate Elsa upang tanungin kung may alam pa ba siyang ibang numero ni Mr. Saavedra. "Ano ba kasing importanteng bagay ang kailangan mong sabihin sa kanya na nagkakandaugaga ka? Hindi ba pwede na mamayang gabi nalang pagkaduty mo?" tanong niya ulit habang naghahanda ng pagkain sa kanyang maliit na lamesa. "Hindi pwede 'te eh. Kailangan ko talaga siyang makausap." sagot ko at isang beses pang tinawagan ang numero ng matanda. Ngunit katulad din kanina, puro ring lang ito at walang sumasagot. "Tama na muna 'yan. Maupo ka muna dito sa tabi ko at sabayan mo akong kumain." yaya ni Ate Elsa habang pinapapunta ako sa katabing upuan niya. "Hindi na p
ALIYAH POV"Pa..." tawag ko sa aking ama dahil pagkadating ko sa ospital ay nakaupo ito sa sulok at nakatulala. Halatang halata na may malalim na iniisip.Agad naman itong tumayo nang makita ako. Isang mano ang ginawad ko pagkalapit ko sa kanya. "Aliyak anak..." "Nasaan na po ang doctor ni Mama? Halika na Pa, puntahan na natin para makausap tungkol sa kundisyon ni mama." yaya ko sa aking ama habang hinihila siya papuntang kung saan. "Aliyah anak, kahit anumang sabihin ng doctor tiyak akong malaking pera ang kakailanganin-" "Pa, wala pa nga eh. Hindi pa nga po natin nakakausap 'yong doctor eh." putol ko sa sinasabi ni Papa. Oo nandoon na tayo sa posibilidad na tama naman si papa pero kahit ganoon, kailangan pa din naman mag-isip ng maganda. Si papa na ang naunang maglakad ako naman ay nasa likod niya lang. Sa dulo ng isang daan nakapwesto ang opisina ng doctor ni mama. Una na akong pinapasok ni Papa. "Take a seat." pormal at seryosong saad ng doctor na agad naman naming ginawa n
ELSA POVDali-dali na akong sumakay ng sasakyan ko papunta sa ospital kung nasaan ang nanay ni Aliyah na malamang ay nandoon na rin si Saavedra. That ruthless man! Hindi talaga siya titigil hanggat hindi nangyayari ang gusto niya. He will intentionally go to that hospital and will take advantage on Aliyah's weakness. Sigurado ako. Tinatawagan ko ang cellphone ng dalaga ngunit ring lang ito ng ring. Marahil nakasilent ito o di kaya'y hindi niya hawak. "Shit nasaan ka na ba Aliyah?" usal ko kahit alam kong ako lang din naman ang nakakarinig. Hindi pwedeng sila ni Saavedra ang unang magkita. Binilisan ko pa lalo ang paandar ng sasakyan at ilang minuto lang ay narating ko na agad ang lugar. Huminga muna ako ng malalim bago napagpasyahang pumasok. Tinanong ko lang saglit sa reception ang room number ng ina ng dalaga bago nagmamadaling sumakay na sa elevator. Nang marating ko ang floor na sinabi kanina ng nurse ay tahimik dito. Walang katao-tao ang daan. Naglakad na lamang ako at sumili
ELSA POV NAGMAMADALI akong bumaba ng aking sasakyan ng marating ang building ni Mr. Saavedra. Kailangan kong makausap muna si Aliyah bago pumayag sa proposal na sinasabi ng matanda. Mabilis na pinagpipindot ko ang button ng elevator. Ngayon ay hinihintay ko na lamang na bumukas ito. Ilang segundo lang ang hinintay ko at bumukas na nga ito. Iniluwa n'on ang isang binatang nakakunot ang noo. Napansin niya siguro ang pagtitig ko sa kanya kaya mas lalong kumunot ang noo nito at halos magsalubong na ang mga kilay. "What? You wanna fuck with me?" hindi ko alam ang irereact sa bastos at bulgarang salita ng lalaki. Sino ba ito sa akala niya at ganoon nalang makipag-usap. "As if. You're not even my type." iyon lang ang sinabi ko at nagmamadali nang pumasok sa loob. Isang beses pa akong nilingon ng lalaki bago tuluyang lumabas ng elevator. Pagkasara ng elevator ay mabilis kong pinindot ang button papunta sa pinakamataas na floor. Alam kong doon ang opisina ni Mr. Saavedra dahil minsan na
ELSA POVMABILIS na lumapit sa akin ang mga bodyguard ni Mr. Saavedra nang marinig nila akong kinakalampag ang pintuan ng boss nila. "Miss Elsa!" sigaw pa ni Allan at inutusan ang mga lalaking pigilan ako. Ngunit bago pa nila ako mahawakan sa magkabilang braso ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa noon ang lalaking kanina ko pa hinahanap."Hey Elsa, I didn't know you will visit me. Sinarado ko pa naman ang pinto ng opisina ko." anito at tatawa-tawa. Mas lalo lang tuloy akong naasar. "Where's Aliyah? Kailangan ko siyang makausap." saad ko at tinitigan siya nang matalim. Kung nakamamatay lang ang pagtingin ay baka kanina pa ito nakabulagta. "Si Aliyah? Well, she's in my office. Probably signing now our contract. The marriage contract to be exact." sagot lang nito at tinawag si Allan. Agad din nitong sinarado ang pinto ngunit pinagpatuloy ko lang ang pagkalampag dito at pagtawag sa dalaga. "Hind ka niya maririnig, stop wasting your energy Elsa. Maybe you're not aware that
PAGKATAPOS nga ng naging pag-uusap namin ni Mr. Saavedra sa opisina niya ay tumigil na ako sa pagtatrabaho sa club ni Ate Elsa. Tanging school, bahay at ospital nalang ang pinupuntahan ko. Halos linggo-linggo rin ito nagbibigay ng pera panggastos ko at ng pamilya ko. "Aliyah anak, matanong ko nga. Bakit parang hindi kana pumupunta kanila Elsa para hintaying sabay kayong pumasok?" tanong ni Papa isang araw nang makitang hindi ako nag-aayos o naghahanda para sa pagpasok sa trabaho. Kagagaling ko lamang ng university n'on kaya naman itinabi ko muna ang ilang gamit ko. "Hindi na ako nagtatrabaho sa kanya Pa." simpleng sagot ko kay papa. Nang magpaalam ako kay ate Elsa na aalis na ako sa trabaho ay hindi na ito nagtanong pa. Dinahilan ko nalang na kailangan ko nang magfocus sa pag-aaral. Hindi nalang ito kumibo at tanging tango lang ang sinagot. "Ah ganoon ba? Eh saan ka kumukuha ng panggastos natin dito sa bahay kung umalis ka na pala sa club ni Elsa?" tanong ulit ni papa habang kuno
BUMUTI-buti na ang kalagayan ni mama at bumabalik na ang dati niyang lakas matapos ang ilang buwan niyang pagtetherapy at madalas na check up sa kanya ng doctor. Pero sa ospital pa rin siya nakatigil, pwede naman na daw siyang umuwi pero mas maganda daw na nasa ospital siya para mabilis siyang maoobserbahan ng mga doctor hanggang sa wala nang madetect na cancer cells sa katawan niya. Malungkot man ay pumayag nalang kami ni Papa dahil alam naman naming mas makabubuti iyon sa kondisyon ni mama. Totoo nga ang sinabi Mr. Saavedra, lahat gagawin niya para lang gumaling at lumakas si mama. Na malaking pinagpapasalamat ko sa matanda.Pagkatapos ng huling punta niya sa bahay namin nang walang pasabi ay hindi na ito muling nagpakita sa akin. Kay Allan niya nalang idinadaan ang perang ibinibigay. Tumatawag-tawag lamang ito sa akin upang mangamusta at tanungin kung may iba pa ba akong kailangan o gusto. "Aliyak anak..." tawag ni mama sa akin kaya naman agad akong tumingin sa kanya at lumapit s