"PAPA!" sigaw ko pagkapasok ko ng bahay namin. Nagtaka naman ako dahil hindi ako sinalubong ng aking ama sa labas ng bahay namin. Lagi niya kasing ginagawa 'yon. Ngayong araw lang yata hindi.
"Alex nasaan si papa? At saka si mama? Bakit wala dito?" tanong ko sa sumunod kong kapatid nang makitang nakaupo ito sa tapat ng telebisyon namin."Hindi ko po alam ate eh. Kanina po kasi narinig nalang namin na sumigaw si papa tapos ginigising si mama tapos maya-maya po dumating sila Kuya Dante tapos tinulungan si papa na buhatin si mama palabas." tila wala sa sarili na sagot ng kapatid ko sa akin. Na para bang nagkekwento lang siya ng binili niyang candy sa tindahan.Shit anong nangyari? Kailangan kong tawagan si Papa. Baka ano nang nangyari kay mama.Hindi pa man ako nakakabihis ay agad ko lang nilapag ang bag ko at agad kinuha ang cellphone ko para tawagan si Papa. Ilang ring lang ay sumagot na agad si papa."Pa anong nangyari? Bakit sabi ni Alex binuhat nyo daw si Mama palabas ng bahay? May masama po bang nangyari?" tanong ko agad kay Papa. At tila pinapakalma ang sarili."Anak oo eh, pumunta ka nalang agad dito sa ospital dito sa bayan kung gusto mo, hindi ko kasi mapaliwanag ng maayos sayo eh. Ihabilin mo nalang muna iyang mga kapatid mo.""Sige po Pa, hindi na po ako magpapalit. Pupunta na po ako ngayon dyan. Kailangan niyo po ba ng gamit dyan? Damit po? Para makapagdala ako.""Iyong sa nanay mo nalang anak. Baka uuwi din muna ako para makapaghanap ng pera."Bakit parang sobra ang nangyari kay mama. Naaawa naman ako kay papa."Sige po Pa. Hintayin niyo po ako. Mag-aayos lang ako ng gamit ni Mama.""Sige anak, mag-iingat ka."Iyon lang ang huling sinabi ni Papa bago niya binaba ang tawag. Agad kong tinawag ang kapatid ko na si Alex."Bakit po ate?" tanong ni pagkalapit."Bantayan mo muna iyang mga maliliit na kapatid natin ha. Pero sasabihin ko din na samahan muna kayo nila Ate Martha dito." habilin ko sa kanya na patango-tango lang habang hawak ang laruan niya."Sige po Ate." iyon lang ang sinagot niya at bumalik na sa tapat ng telebisyon.Agad akong nagtungo sa kwarto nila Papa at kumuha ng ilang damit ni Mama. Sinalansan ko ito sa malaking bag na nakita ko rin dito sa kwarto nila. Pagtapos noon ay lumabas na ako at nagpunta muna kanila Ate Martha para ihabilin ang mga kapatid ko. Sumakay na agad ako sa jeep na pinara.Habang nasa byahe ay taimtim akong nagdadasal. Mabuti na nga lang at Sabado ngayon. Mayamaya lang ay narating ko na agad ang ospital na sinasabi ni Papa."Analiza Ricaforte po." sabi ko sa nurse nasa reception. Agad naman nitong tingnan ang record at hinanap ang pangalan ni Mama."Room 318 po. Third floor." iyon lang ang sinabi ng nurse at agad ko na siyang iniwanan. Gumamit ako ng elevator para mapabilis ang pagpunta sa kwarto ni Mama."Pa..." tawag ko kay Papa nang makita itong nakatayo sa harap ng isang kwarto at tila malalim ang iniisip."Aliyah anak, andito kana pala. Hindi ko namalayan. Iniisip ko kasi kung saan ako kukuha ng pera pambayad sa mga bill ng mama mo dito sa ospital." mahabang saad ni Papa habang inaaya ako maupo sa mga upuan na nakahilera hind kalayuan."Huwag na po muna kayo mag-isip Papa. Malaki po ang kinita kong tip kagabi sa club. Ako na pong bahala." pag-aalo ko sa aking ama, parang hindi ko kakayanin kung kay papa naman may mangyaring hindi maganda."Pasensya kana anak ha, sagutin mo na nga ang pangaraw-araw nating pamilya pati pag-aaral mo tapos ganito pa ang mangyayari. Pati pa yata sa bayarin ng mama mo sayo pa rin aasa. Pasenya kana Aliyah anak, nahihiya na ako sayo." litanya ni Papa habang pinupunasan ang mga luhang hindi na niya napigilang ilabas. Agad ko siyang niyakap at pinatahan."Pa okay lang po 'yon. Panganay ako at pamilya tayo. Normal lang na magtulungan tayo. Huwag po kayo mag-alala, malalagpasan po natin 'to."Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang tumahan si Papa. Maya-maya lang din ay may lumabas na doctor at hinahanap si Papa."Mrs. Ricaforte relatives?" tanong niya kaya't agad kaming tumayo ni Papa."Ako po ang asawa niya." wika ni Papa."Please come to my office. I will discuss the situation of your wife." iyon lang ang sinabi nito at nauna nang pumasok sa kanyang opisina."Aliyah anak, ikaw muna magbantay sa mama mo ha. Kakausapin ko lang ang doctor.""Sige po Pa."Nang makitang wala na si Papa ay pumasok na ako sa loob ng kwarto ni mama. Tulog ito at may nakakabit na tubo sa kanyang bibig, para yata sa kanyang oxygen.Ilang minuto lang ay naramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Mama kaya agad akong lumingon doon. Si Papa pala ang pumasok."Kamusta Pa? Anong sabi ng doctor?" agad kong tanong."Anak kasi ano eh, over fatigue daw kaya nawalan ng malay ang mama mo.""Ganoon po ba. Eh di pahinga lang po pala ang kailangan ni mama-""Anak hindi eh. May nakita ring iba iyong doctor." putol ni papa sa sinasabi ko."Po? Paanong iba po?""Nakitaan daw nila ng sintomas ang mama mo ng leukemia. Kakailanganin niyang mag undergo sa mga chemo. Anak mahal 'yon eh. Gustuhin ko man pero anak parang kahit yata magtrabaho ako buong buhay ko kukulangin pa rin para matapos ang session ng chemotherapy ng Mama mo -""Pa, ako na pong bahala doon. Saglit po dito muna kayo. Ako po maghahanap ng paraan." saad ko sabay tayo ay labas ng kwarto ni mama.Isang bagay nalang ang naiisip kong magsasalba kay mama. Hindi ko na kailangang mag-isip pa ng matagal. Ayaw ko man ay kailangan. Para sa pamilya ko.Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Ate Elsa. Wala akong number ng taong hihingian ko ng tulong pero siguro naman meron si Ate Elsa."Oh Aliyah napatawag ka?" bungad niya sa akin."Ate Elsa, may contact number ka ba ni Mr. Saavedra?" akala ko ay naputol na ang tawag namin nang mapansin na ilang segundo na ay hindi pa rin sumasagot si Ate Elsa sa kabilang linya."Ate Elsa? Nandyan ka pa?" tanong ko ulit."H-ha? O-oo Aliyah, sorry. Namali yata ako ng rinig.""Hindi po kayo namali ng rinig. Talaga pong hinihingi ko ang number ni Mr. Saavedra." sagot ko ulit sa kanya."G-ganoon ba? Sige teka lang. Itetext ko nalang sa iyo." iyon lang ang sinabi ni Ate Elsa at binaba na rin ang tawag.Para sa pamilya ko, papayag na ako sa proposal ni Mr. Saavedra. I will do everything to lessen my family's burden. I am ready and willing to be sold to Mr. Saavedra."ALIYAH ano? Sumagot na ba si Mr. Saavedra sayo?" tanong sa akin ni Ate Elsa ngunit bigong mukha lamang ang ipinakita ko sa kanya. Nang itext sa akin ni Ate Elsa ang numero ng matanda ay agad ko itong tinawagan. Pero nakakalimang missed call na 'ata ako ay hindi pa rin ito sumasagot kaya't naisipan kong umuwi na lamang at dumiretso sa bahay nila Ate Elsa upang tanungin kung may alam pa ba siyang ibang numero ni Mr. Saavedra. "Ano ba kasing importanteng bagay ang kailangan mong sabihin sa kanya na nagkakandaugaga ka? Hindi ba pwede na mamayang gabi nalang pagkaduty mo?" tanong niya ulit habang naghahanda ng pagkain sa kanyang maliit na lamesa. "Hindi pwede 'te eh. Kailangan ko talaga siyang makausap." sagot ko at isang beses pang tinawagan ang numero ng matanda. Ngunit katulad din kanina, puro ring lang ito at walang sumasagot. "Tama na muna 'yan. Maupo ka muna dito sa tabi ko at sabayan mo akong kumain." yaya ni Ate Elsa habang pinapapunta ako sa katabing upuan niya. "Hindi na p
ALIYAH POV"Pa..." tawag ko sa aking ama dahil pagkadating ko sa ospital ay nakaupo ito sa sulok at nakatulala. Halatang halata na may malalim na iniisip.Agad naman itong tumayo nang makita ako. Isang mano ang ginawad ko pagkalapit ko sa kanya. "Aliyak anak..." "Nasaan na po ang doctor ni Mama? Halika na Pa, puntahan na natin para makausap tungkol sa kundisyon ni mama." yaya ko sa aking ama habang hinihila siya papuntang kung saan. "Aliyah anak, kahit anumang sabihin ng doctor tiyak akong malaking pera ang kakailanganin-" "Pa, wala pa nga eh. Hindi pa nga po natin nakakausap 'yong doctor eh." putol ko sa sinasabi ni Papa. Oo nandoon na tayo sa posibilidad na tama naman si papa pero kahit ganoon, kailangan pa din naman mag-isip ng maganda. Si papa na ang naunang maglakad ako naman ay nasa likod niya lang. Sa dulo ng isang daan nakapwesto ang opisina ng doctor ni mama. Una na akong pinapasok ni Papa. "Take a seat." pormal at seryosong saad ng doctor na agad naman naming ginawa n
ELSA POVDali-dali na akong sumakay ng sasakyan ko papunta sa ospital kung nasaan ang nanay ni Aliyah na malamang ay nandoon na rin si Saavedra. That ruthless man! Hindi talaga siya titigil hanggat hindi nangyayari ang gusto niya. He will intentionally go to that hospital and will take advantage on Aliyah's weakness. Sigurado ako. Tinatawagan ko ang cellphone ng dalaga ngunit ring lang ito ng ring. Marahil nakasilent ito o di kaya'y hindi niya hawak. "Shit nasaan ka na ba Aliyah?" usal ko kahit alam kong ako lang din naman ang nakakarinig. Hindi pwedeng sila ni Saavedra ang unang magkita. Binilisan ko pa lalo ang paandar ng sasakyan at ilang minuto lang ay narating ko na agad ang lugar. Huminga muna ako ng malalim bago napagpasyahang pumasok. Tinanong ko lang saglit sa reception ang room number ng ina ng dalaga bago nagmamadaling sumakay na sa elevator. Nang marating ko ang floor na sinabi kanina ng nurse ay tahimik dito. Walang katao-tao ang daan. Naglakad na lamang ako at sumili
ELSA POV NAGMAMADALI akong bumaba ng aking sasakyan ng marating ang building ni Mr. Saavedra. Kailangan kong makausap muna si Aliyah bago pumayag sa proposal na sinasabi ng matanda. Mabilis na pinagpipindot ko ang button ng elevator. Ngayon ay hinihintay ko na lamang na bumukas ito. Ilang segundo lang ang hinintay ko at bumukas na nga ito. Iniluwa n'on ang isang binatang nakakunot ang noo. Napansin niya siguro ang pagtitig ko sa kanya kaya mas lalong kumunot ang noo nito at halos magsalubong na ang mga kilay. "What? You wanna fuck with me?" hindi ko alam ang irereact sa bastos at bulgarang salita ng lalaki. Sino ba ito sa akala niya at ganoon nalang makipag-usap. "As if. You're not even my type." iyon lang ang sinabi ko at nagmamadali nang pumasok sa loob. Isang beses pa akong nilingon ng lalaki bago tuluyang lumabas ng elevator. Pagkasara ng elevator ay mabilis kong pinindot ang button papunta sa pinakamataas na floor. Alam kong doon ang opisina ni Mr. Saavedra dahil minsan na
ELSA POVMABILIS na lumapit sa akin ang mga bodyguard ni Mr. Saavedra nang marinig nila akong kinakalampag ang pintuan ng boss nila. "Miss Elsa!" sigaw pa ni Allan at inutusan ang mga lalaking pigilan ako. Ngunit bago pa nila ako mahawakan sa magkabilang braso ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa noon ang lalaking kanina ko pa hinahanap."Hey Elsa, I didn't know you will visit me. Sinarado ko pa naman ang pinto ng opisina ko." anito at tatawa-tawa. Mas lalo lang tuloy akong naasar. "Where's Aliyah? Kailangan ko siyang makausap." saad ko at tinitigan siya nang matalim. Kung nakamamatay lang ang pagtingin ay baka kanina pa ito nakabulagta. "Si Aliyah? Well, she's in my office. Probably signing now our contract. The marriage contract to be exact." sagot lang nito at tinawag si Allan. Agad din nitong sinarado ang pinto ngunit pinagpatuloy ko lang ang pagkalampag dito at pagtawag sa dalaga. "Hind ka niya maririnig, stop wasting your energy Elsa. Maybe you're not aware that
PAGKATAPOS nga ng naging pag-uusap namin ni Mr. Saavedra sa opisina niya ay tumigil na ako sa pagtatrabaho sa club ni Ate Elsa. Tanging school, bahay at ospital nalang ang pinupuntahan ko. Halos linggo-linggo rin ito nagbibigay ng pera panggastos ko at ng pamilya ko. "Aliyah anak, matanong ko nga. Bakit parang hindi kana pumupunta kanila Elsa para hintaying sabay kayong pumasok?" tanong ni Papa isang araw nang makitang hindi ako nag-aayos o naghahanda para sa pagpasok sa trabaho. Kagagaling ko lamang ng university n'on kaya naman itinabi ko muna ang ilang gamit ko. "Hindi na ako nagtatrabaho sa kanya Pa." simpleng sagot ko kay papa. Nang magpaalam ako kay ate Elsa na aalis na ako sa trabaho ay hindi na ito nagtanong pa. Dinahilan ko nalang na kailangan ko nang magfocus sa pag-aaral. Hindi nalang ito kumibo at tanging tango lang ang sinagot. "Ah ganoon ba? Eh saan ka kumukuha ng panggastos natin dito sa bahay kung umalis ka na pala sa club ni Elsa?" tanong ulit ni papa habang kuno
BUMUTI-buti na ang kalagayan ni mama at bumabalik na ang dati niyang lakas matapos ang ilang buwan niyang pagtetherapy at madalas na check up sa kanya ng doctor. Pero sa ospital pa rin siya nakatigil, pwede naman na daw siyang umuwi pero mas maganda daw na nasa ospital siya para mabilis siyang maoobserbahan ng mga doctor hanggang sa wala nang madetect na cancer cells sa katawan niya. Malungkot man ay pumayag nalang kami ni Papa dahil alam naman naming mas makabubuti iyon sa kondisyon ni mama. Totoo nga ang sinabi Mr. Saavedra, lahat gagawin niya para lang gumaling at lumakas si mama. Na malaking pinagpapasalamat ko sa matanda.Pagkatapos ng huling punta niya sa bahay namin nang walang pasabi ay hindi na ito muling nagpakita sa akin. Kay Allan niya nalang idinadaan ang perang ibinibigay. Tumatawag-tawag lamang ito sa akin upang mangamusta at tanungin kung may iba pa ba akong kailangan o gusto. "Aliyak anak..." tawag ni mama sa akin kaya naman agad akong tumingin sa kanya at lumapit s
MABILIS nga lamang lumipas ang araw. Ngayong araw na ang graduation day namin. Pinayagan ng mga doctor si mama na makalabas at makadalo sa espesyal na pangyayaring ito sa buhay ko ngunit kailangang nakasakay lamang siya sa kanyang wheelchair. Silang dalawa lang ni Papa ang kasama ko dahil ayaw rin magpaiwan ng iba ko pang kapatid kung sasama raw si Alex, wala nalang siyang nagawa at mas pinili nalang na manatili sa bahay. Mga kaklase ko ang katabi ko habang sila mama at papa naman ay nasa bandang likuran kasama rin ng ibang magulang. Hinihintay pa naming matapos magspeech ang summa cum laude ng aming university bago tuluyang tawagin ang mga estudyante isa-isa. "Aliyah? Matagal pa kaya 'to? Nabobored na ako eh." wika ni Mae sa tabi ko kaya naman napalingon ako sa kaibigan. "Siguro hindi naman na. Kanina pa 'yan nagsasalita 'di ba?" sagot ko sabay ngiti sa kanya. "Oo nga eh, hindi ko nga alam kung pinapakinggan pa ba ng ibang estudyante." dagdag pa nito sabay lingon sa iba pa namin