Share

Chapter 3

May natanggap na mensahe si Abby mula sa kasintahan na si Paul.

 "Binigyan nila ako ng welcome party. Mahuhuli ako sa pag-uwi."

Medyo nalungkot si Abby nang mabasa niya ito pero wala siyang magawa. Kailangan din ni Paul na makipaghalubilo sa mga bagong kasamahan sa trabaho. Nagsulat si Abby sa maliit na papel at inilagay sa mesa kung saan naroon ang kahon ng cake at ang regalo niya na isang relo para kay Paul.

"Congratulations!"

Napangiti si Abby nang binasa niya ulit ang isinulat at iwan ito sa mesa pero bakas pa rin sa mukha ang lungkot na hindi man lang niya nakasama ang Kasintahan. Napatingin din siya pagkatapos sa suot nitong relo na kapareha sa regalong relo nito kay Paul.

"11:30"

--------

Samantala, patuloy ang hiyawan sa bar habang sumasayaw at kumakanta ang babae na kinikilala nilang si Yana.

"Cheers!"

Nagkakasiyahan pa ang grupo ni Paul at nagsimula na rin magsayawan sa kanilang lugar.

"Yeah! Yieee! Yoh!"

Inaangat ang dalang mga bote sabay hiyaw at sigaw ng mga lalaki. Sumabay na rin si Paul sa kanila sas kasiyahan.

Patuloy sa pagsasayaw ang dalaga na may palayaw na Yana pero ang hindi alam ng naroon na ang totoong pangalan nito ay Lala. Nakasuot ito ng maikling buhok na wig para walang nakakakilala sa kanya. Ibang - iba siya sa Lala na nakasuot ng jacket at jeans.

Habang nasa pole at gumigiling - giling, nagulat nalang si Yana nang makita si Paul sa couch kasama ang iba pang mga kalalakihan. Napatigil siya sa pagkanta at napatayo sa may pole pero ang musika ay nagpatuloy pa rin.

"Paul?.. Paul David?" sambit nito ni Yana habang nakatitig kay Paul na nasa upuan niya.

Bigla nalang niya naalala ang nakaraan.

Nagche-cheer si Lala para kay Paul habang naglalaro ng football noong nasa kolehiyo pa lamang sila. Kasama niya ang dalawa niyang mga kaibigan. Sumisigaw sila sa pangalan ni Paul.

"Paul! Paul!! Go go go!!"

"Kaya ninyo iyan!"

"Go Paul!!"

Inaabangan nila ang laro niya. Nasa bench silang tatlo at nagche-cheer. Napapatalon rin sila kapag nakakapag-goal at puntos ang grupo nila Paul.

"Yehey!"

Nakasuot ng eyeglasses si Lala noon at naka-braided ang buhok. Ibang - iba sa ayos niya ngayon.

Nang nagising na si Lala ay dali - daling siyang umalis sa stage. Hindi na niya tinapos ang kanyang performance. Gulat naman ang mga kasamahan niya sa biglaang pag - alis ng dalaga na agad nagtungo sa dressing room nila. 

"Anong nangyari sa kanya?" Patanong na reaksyon ni Gigi.

Upang hindi mahalata ay agad umakyat ang ibang dancers sa stage at pinagpatuloy ang show. 

-----

"Sigh!" Buntong hininga ni Yana nang umupo ito sa upuan na may kaharap na salamin. Napatingin rin siya sa salamin at nakita ang sarili niya noon.

Pumasok sina Marie at Gigi, mga kaibigan at kasamahan ni Lala, sa loob ng dressing room kung saan naroon ang dalaga. 

"Gurl, anong nangyari? Bakit ka biglang nagwalk-out?" Usisa ni Marie.

Inalis agad ni Yana ang kanyang wig at inilapag sa mesa.

"Wala! I just stop!" sagot ni Yana na napakaseryoso.

"Weh?"

"Napagod siguro..." dagdag ni Yana.

"Hay naku!"

Napatingin ulit si Yana sa salamin. Nakita niya at naalala ulit ang nakaraan.

"Dalian ninyo Abby... Maggie.. magsisimula na ang laro nila!"

"Wait lang!"

"Abby dali! Di ba gusto mo siyang makita!"

Tumatakbo silang tatlo patungo sa ground kung saan gaganapin ang football match. Nauna nakarating si Lala sa lugar. Pagkarating niya roon ay sumigaw at nag-cheer na agad ito.

"Go Paul!!" Halos umabot sa tenga ang ngiti ni Lala ng masilayan si Paul, ang pinasikat na football player.

"Go Team!" Hiyaw ng tatlo.

Pagkatapos ng laro ay dali dali silang pumunta sa locker room para salubungin at puntahan ang grupo ni Paul.

Habang nag-aayos ang mga player sa kanilang mga gamit, nagtago silang tatlo sa likod ng kabinet. Hinihintay nilang makaharap si Paul.

Pagkalipas ng ilang minuto ay umalis na ang ibang players at naiwan nalang si Paul roon.

"Mauna na kayo.." wika ni Paul.

"Okay!"

Nakangiti silang tatlo habang pinagmamasdan si Paul.

"Ano na Abby? Ibigay mo na ang regalo mo!" sabi ni Lala na pinipilit si Abby.

"Huh?" Nahihiyang reaction ni Abby. "Nahihiya ako!"

"Ano ka ba, huwag kang mahihiya!" Sabi ni Maggie.

Hinablot bigla ni Lala ang regalo at nagpakita ito kay Paul. Nabigla sina Abby at Maggie sa ginawa ng kaibigan. "Lala?"

"Paul!" tawag ni Lala.

Napalingon si Paul. Mas lumapit pa si Lala hanggang nagkaharap na  silang dalawa na may isang metro ang pagitan. 

Inabot ni Lala ang regalo kay Paul.

"Para sa iyo! Congrats!!" Napayukong ibinigay ni Lala ang regalo sa binata. Natahimik lamang si Paul nang tingnan ang regalo na hawak ni Lala.

"Sana tanggapin mo!"

Kinabahan sina Maggie at Abby habang nanonood sa kanila.

Bumalik ang dalawang kasamahan ni Paul at nagulat sa inabutan.

"Wow! Ayie!" Tukso nila sabay palakpak.

Napalingon si Lala sa mga binata na papalapit sa kanilang dalawa. 

"Tingnan mo nga naman, ang four-eyed lady may gusto sa prince of football."

"Hindi ah! Wala akong gusto sa kanya!" pasigaw na sabi ni Lala.

Napangiti si Paul at kinuha ang regalong inabot ni Lala.

"So kaninong regalo ito?" usisa ni Paul na hawak ang regalo.

"Huh?" Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Lala nang titigan ang mukha ng binata na nasa harapan niya.

Ang mga pangyayaring iyon ay di maalis sa isip ni Lala na hanggang ngayon ay naalala pa niya.

-------

Naglalakad si Abby sa lansangan sa kalagitnaan ng gabi. Pauwi na ito nang may narinig itong pagtatalo.

"Ano iyon?"

Sinundan niya ang ingay at nakitang may tatlong lalaking na naka-leather jacket na may pinapalibutang isang lalaking naka-corporate attire. Nagtago si Abby sa likod ng poste pero pinagmasdan muna niya ang mga ito.

"Ibigay mo sa amin ang pera mo!!" Utos ng isang lalaki.

"Pati cellphone!!" dagdag pa ng isa.

Taas noong sinagot ng lalaki ang tatlo. "Eh kung ayaw ko!"

"Tsk tsk, ang tapang mo!.. ah, ganoon!"

Suminyas ang isa at ang dalawa ay biglang hinawakan ang kamay at balikat ng lalaki.

"Let me go!"

"Matapang ka? Tikman mo ito!!" Sabay suntok sa tiyan ng binata

Nagulat si Abby nangg masaksihan niyang sinuntok ang binata. Napayuko siya pagkatapos matamaan ang  tiyan nito. Hindi pa nakontento ang isa ay sinuntok pa ang mukha.

Napatakip ng bibig si Abby. " Oh my!" Kinabahan siya at di alam anong gagawin. "Anong gagawin ko?"

Napaluhod ang binata pero hawak pa rin siya ng dalawa. Pinagtatawanan nila at isang suntok ulit ang natanggap ng binata. Nahulog tuloy ang cellphone nito sa lupa. Napatingin ang mga lalaki  sa cellphone. ng binata habang nakayuko pa rin ang ulo ng binata. 

Biglang tumunog ang cellphone at lumabas ang picture ng isang babae. Nilapitan ng isa ang cellphone at binasa kung ano ang nakasulat at sino ang tumatawag.

"LOVE_MAGGIE.."

"Tumatawag ang girlfriend mo!"

Napatingin ang binata sa cellphone niya. 

"At dahil di mo gustong ibigay ito, heto ang dapat sa cellphone mo!"

Biglang inapakan ng isa sa mga lalaki ang cellphone na nasa lupa. Nabasag ito at nasira. Bakas sa tatlo ang tuwa sa ginawa nila. 

Umuusok sa galit ang binata na si Kristoff.

"Mga g*go kayo!" galit na sabi ni Kristoff na pumipiglas.

Kahit nagpupumiglas siya ay di niya magawang makawala sa dalawang hawak sa kanya. HIndi pa nakontento ang mga lalaki ay kinuha pa ng isa ang bat na bakal.

"Matigas ka ba?"

HInigpitan ng lalaki ang pagkakahawak sa bat at itinaas na ito. SInundan ng tingin ni Kristoff ang bat at di maiwasan ang kanyang pawis na dumaloy sa kanyang mukha.

"Say Hi to this!"

Balak na niyang itama kay Kristoff nang biglang may sumigaw. 

"Pulis! Pulis!"

Napatigil ang lalaki at palingon - lingon sa paligid. Mas nag - ingay pa ito. 

"Pulis!"

Pinatunog ni Abby ang mp3 nito na tunog ng siren ng pulis.

"Weew Weew!"

"Pulis!"

Pagkarinig nila ay biglang kinabahan ang tatlo. Palakas ng palakas ang tunog. Nabitawan na ng isa ang hawak na bat at ang dalawang ay pinakawalan na ang binata.

"Weeew!"

Mabilis na tumakbo ang tatlo sa kabilang daan. Iniwan nila si Kristoff roon ng walang pag - aalinlangan. Napaupo nalang ang binata at ramdam ang sakit sa tama ng suntok sa mukha at sa katawan.

Nang makaalis na ang tatlo, lumabas na si Abby at pinuntahan ang binatang nakaupo sa lupa.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng dalaga.

Napatingin si Kristoff kay Abby. Natahimik itong nakatitig sa dalaga.

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Adora miano
hahaha buti nalang at may idea si Abby naligtas tuloy nako change lover yatah ito hahaha
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status