Share

Chapter 6

Nasa isang studio si Maggie at nagshoshot para sa bagong commercial ng beauty products gaya ng make up. Sa loob ay puno ng ilaw na nakapaligid sa dalaga. Nakatayo siya sa gitna na panay pose. Lahat ng mata ay nakatitig sa kanya.

"Nice pose Maggie!" ani ng camera man. 

Si Maggie ay sikat na model ng mga kilalang cosmetic at kinukuha rin siya para magmodel ng mga damit. May angking ganda ang dalaga na may makinis na balat kaya mas lalong nagugustuhan siya para maging model sa kanilang mga produkto. Dahil din sa angking ganda nito at ang pagiging fashionista na sa lakad pa lang ay talagang mapapatitig ka sa kanya. They called her Lady Maggie.

"Okay, we are done!" wika ng manager sabay palakpak ng dalawang beses.

"Congrats Lady Maggie. Sa uulitin!"

"Thanks boss!" sagot ni Maggie.

Bumalik na si Maggie patungo sa kanyang dressing room. Nakasunod naman si Pinang, ang private assistant niya na dala - dala ang mga gamit ni Lady Maggie. 

"Congratz Lady Maggie. Ang galing niyo talaga!" masayang pagpuri ni Pinang.

"Ako pa! Syempre naman!"

Umupo na si Maggie sa kanyang upuan na kaharap sa isang salamin at dahan-dahang tinatanggal ang earrings nito.

"Ang ganda ninyo sa mga kuha kanina. Super model niyo po talaga!"

"Im so flattered!"

"Totoo po iyon. Sigurado mas lalong maiinlove si sir Kristoff sa inyo. Talagang bagay na bagay kayo,handsome and beautiful!" dagdag ni Pinang.

Napangiti naman si Maggie sa kanya na halatang kinikilig.

"By the way Lady Maggie, hindi po ba birthday ninyo bukas?" 

"Huh?" Napalingon si Maggie sa assistant.

"Sigurado, may sorpresa si sir sa inyo katulad dati.. aabangan ko iyan!" dagdag pa ni Pinang na mukhang nasasabik.

"Ikaw yata ang nasasabik..." natutuwang sagot ni Maggie na pangiti -ngiti pa. 

Natawa lang si Pinang at mas kinikilig. "Baka magpro-propose na po siya!?" tukso niya.

"Huh?" Namumulang reaction ni Maggie. Umiwas agad siya kay Pinang at tumayo siya. Medyo kumabog ang puso nito at kinilig dahil sa mga narinig na sinabi ni Pinang. Kinuha niya agad ang kanyang cellphone. Naisipan niyang tawagan si Kristoff pero nakita niya ang wallpaper at napatitig siya. Ang wallpaper niya sa oras na iyon ay larawan nilang dalawa ni Kristoff. Bumakas sa mukha ni Maggie ang saya na may halong kilig. Napatitig pa siya lalo sa larawan at hindi na nag-abalang tawagan ang kasintahan.

"Para ma-surprise ako, hindi ko muna siya aabalahin sa kanyang mga plano. Baka sabihin niya desperada ako at assuming," ani nito sa sarili.

Napapangiti nalang ulit si Maggie habang iniisip ang mga bagay-bagay.

--------

Samantala, nagkita sa isang park sina Abby at Paul. Napakaliwanag ng mga ilaw na nasa mga poste sa gilid ng daan. Maliwanag din ang buwan at kumikislap ang mga bituin sa langit.

"Congrats.. balita ko natanggap ka na sa isang kompanya." wika ni Paul.

Umupo and dalawa na magkatabi sa isang bench. 

"Salamat. Congrats din." medyo nahihiyang wika ni Abby na hinahaplos ang sariling mga braso ng sariling mga kamay dahil sa lamig ng ihip ng hangin. 

Napapatitig si Paul sa katabi niyang kasintahan na si Abby.

"Nakita mo ba ang iniwan ko na kahon?" usisa ni Abby.

"Heto ba?" sagot ni Paul at ipinakita niya na suot niya ang relo. "Couple watch ba ito?"

Napangiti si Abby at tumango. Ipinakita rin niya ang kanya na suot rin niya.

"Nice. I like it!" sabi ni Paul. "Thank you!"

"Walang anuman." sagot ng dalaga sabay napalapag ang mga kamay sa kanyang mga hita. 

Hinawakan naman bigla ni Paul ang kamay ng kasintahan na nasa hita nito. Medyo nabigla si Abby.

"Babawi ako Abby! Pangako!" seryosong nakatitig si Paul sa mga mata ni Abby.

"Huh?"

"Bubuuin natin ang ating mga pangarap lalo na ang dream house natin.." sabi ni Paul.

"Dream house na may malawak na hardin?"

"Kahit gaano kalawak, ibibigay ko iyon sa iyo." 

Napangiti si Abby habang nakikinig kay Paul.

"Thanks."

Inilapat ni Paul ang mga palad sa magkabilang pisngi ni Abby. Dahan - dahan siyang lumapit pa sa dalaga. Pumikit ang mga mata ni Abby at handa siya sa ibibigay na halik ng kasintahan. Napangiti si Paul nang makita ang pagpikit ng mga mata ng dalaga na alam niyang handa itong tanggapin ang halik niya. Lumapit pa siya ng dahan - dahan at napapikit ang mga mata hanggang nagkadikit ang kanilang mga labi. Dumampi na ang kanilang mga labi at ramdam ang init ng bawat halik. Nagpalitan ng matatamis na mga halik ang magkasintahan. Tumagal ng ilang segundo bago may dumaan na isang matanda.

"Hay naku! Ang mga kabataan nga naman!" sermon ng matanda. "Umuwi na nga kayo sa inyo!"

Napatigil ang dalawa sa ginagawa. Naudlot ang pinagsaluhang mga halik at bumakas ang nahihiyang reaction sa mga mukha. Namumula ang mukha ni Abby at  napayuko na ito. Si Paul naman ay umiwas na rin.

Nang nakalayo na ang matanda ay nagtawanan ang dalawa.

"Pakialamerong matanda! Haist! Geez!" Nanggigigil na reaction ni Paul. "Nabitin tuloy kami!"

"Hayaan mo na Paul." sumandal bigla ang ulo ni Abby sa may balikat ng kasintahan.

"Huh?"

Bakas sa mukha ni Abby ang kasiyahan. Sa wakas may trabaho na sila pareho at masisimulan na nilang mag-ipon para sa pinapangarap nilang tahanan.

"Masaya ako kapag nariyan ka Abby.."

"Ako rin!"

"Advance happy birthday!"bati ni Paul.

Nabigla si Abby. Muntik na niyang makalimutan na birthday niya pala bukas.

"Birthday ko nga pala bukas.."

"Babawi ako. Kakain tayo sa paborito mong kainan at ako ang taya!" pangako ni Paul.

"Really?"

"Syempre! Ano pa ba ang gusto mo?"

"Hmmm... Mag-iisip muna ako."

"Basta makasama ka lang! Masaya na ako."

"Masaya na ako basta masaya ka lang,"dagdag ni Paul.

----------

Naghahanda sa coffeshop si Jerick kasama ang mga tauhan niya para sa gagawing surprise birthday celebration bukas para kay Lala., ang kanyang kasintahan. 

"Bukas, close muna tayo okay?" utos ni Jerick sa mga tauhan niya.

"Yes boss!" sagot ng mga tauhan niya na mga waiter.

"Tsaka, bawal ninyong sabihin kay Lala ang tungkol sa birthday party. Maliwanag!?" dagdag nito.

"Yes boss!"

Nagreact naman ng palihim si Wendy, "Sana all! So effort naman si sir sa kanyang kasintahan!"

Narinig siya ng isang tauhan at sinagot ito, "Wee, inggit ka lang!"

Mataray na sumagot si Wendy. "Hmp!" sabay walkout. 

Kinabukasan, pumasok na si Abby sa bago nitong trabaho na bilang secretary. Napakaaga niya para maganda ang first day nito. Nakasuot ito ng corporate na damit na nakaskirt at naka-high heels. Fit na fit sa kanya ang damit nito na mas lumabas ang sexy nitong katawan. Hindi maiwasang hindi siya kabahan sa unang araw nito. Hindi niya alam kung anong klaseng tao ang kaniyang boss at pagsisilbihan.

"Kinakabahan ako!" wika ni Abby na kasama si Meimei.

"Kaya mo iyan!"

Dumating si King at napansin ang kagandahan ni Abby. Si King ay kasamahan ni Meimei sa trabaho. 

"Witwew! Oh lala! Pretty and sexy mo pala Miss!" reaction ni King nang makita si Abby.

"Eh?"

Narinig ito ni Meimei at tinapik ang balikat ng kasamahang si King, "Ano ka ba! Tumahimik ka nga!!"

"Anong problema Mei? Sexy naman talaga siya," sagot ni King. 

Kunot noong hinarap ni Meimei si King na naka-krus ang mga braso. 

Habang nakikinig si Abby sa kanilang dalawa ay mas lalong kinabahan siya. Huminga nalang ng malalim si Abby at pinapalakas ang loob nito.

"Kaya mo ito self!" ani ni Abby sa sarili. "Anong klaseng tao ba ang boss?"

Narinig pala siya ni Meimei at sinagot siya. "Hmm...sa itsura, super gwapo!"

Nagsalita rin si King, "Mas gwapo siguro ako kapag ako ang boss!"

"Tumahimik ka nga!" Sermon ni Meimei.

Napadungaw sila sa bintana na nasa pangatlong palapag at nakita ang sasakyan ng boss nila.

"Nandito na siya!" sabi ni King.

"Hayan na siya!" sabi naman ni Meimei.

Pinagbuksan ng pinto ng sasakyan ang boss. Ilang minuto lang ay lumabas na ito.

"Ang gwapo talaga niya!" Kinikilig na sabi ni Meimei.

Nakasuot ng black suit ang boss nila. Sa tindig niya talaga ay kamangha-mangha na.

"Di ko naman makita ang mukha niya!" ani ni Abby.

"Mamaya Abby, makikilala mo siya. Talagang mahuhulog panty mo!" pabirong sabi ni Meimei. 

"Huh? Ano?" Nagulat si Abby sa pinagsasabi ni Meimei.

"Maganda rin ang girlfriend niya, hulog brief ko!" Dagdag na pagbibiro ni King.

Natawa tuloy si Abby sa kanila na nakatulong medyo sa pagkawala ng kanyang kaba dahil sa mga pinagsasabi nilang dalawa.

Ilang minuto lang ay dumating na si Mrs. Park at tinawag na siya.

"Ms. Maureen! Please come to the office now.."

Napatayo ng matuwid ang tatlo nang humarap na kay Mrs. Park. 

"Yes maam!" sagot ni Abby.  "Oh, this is it!"

"Wish me luck guys!"

At pumunta na si Abby sa opisina. Makikilala na niya ang kanyang boss na si Kristoff. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Adora miano
hahaha,grabe na
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status