Share

Chapter 8

Sumama si Paul sa kanyang mga kaklase noon. Nag - aalangan man pero napilitan na itong sumama.

"Sige, sasama ako pero saglit lang," ani ni Paul.

"Sure, no problem Paul. Saglit lang tayo!" saad ng isa sa kaibigan ni Paul na sabay akbay sa kanyang balikat. "Don't worry, akong bahala sa iyo!"

"Tara!"

Pumunta sila sa isang bar. Pagpasok pa lang nila ay sinalubong na sila ng mga magagandang mga waiter. Sa stage naman ay may sumasayaw na babae na pinapalibutan ng mga ilaw.

"Tara doon tayo sa mesang iyon!" aya nong isa.

Walang magawa si Paul kundi sumama sa kanila. Habang naglalakad patungo sa kanilang mesa ay pumalibot ang paningin ni Paul sa paligid. Bigla niyang naalala ang babaeng sumasayaw noong araw na nagpunta sila ng mga officemate niya sa isang bar. Natahimik tuloy siya at halatang may bumabagabag sa kanyang isipan.

"Umupo na kayo!"

Umupo ang lahat sa upuan na may parihabang mesa. at nag-order ng mga alak. Masayang nagkwekwentuhan ang mga ito.

Sa may backstage, naroon si Gigi at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status