Share

Chapter 7

Nasa opisina sina Mrs. Park at Abby para salubungin ang boss nila na si Kristoff. Matuwid na nakatayo ang dalawa. Halata namang kinakabahan si Abby pero kailangan niyang pigilan ang kanyang kaba.

"Laban lang!" bulong ni Abby sa sarili.

"May sinasabi ka ba?" tanong ni Mrs. Park na katabi lang niyang nakatayo.

"Wala po!" sagot ni Abby sabay yuko ang ulo. 

Kitang -kita na sa dingding na gawa sa salamin na paparating na ang boss nila. 

"He is here. Just be ready. Huwag mong kalimutan ang mga sinabi ko sa iyo," paalala ni Mrs. Park.

"Yes maam!" sagot ni Abby na agad humarap kay Mrs. Park.

Binuksan na ni Kristoff ang pinto at pumasok na sa silid.

"Good morning sir!" bati ni Mrs. Park.

Humarap si Kristoff at napatingin sa kanila. "Good morning!"

Babati na sana si Abby nang may bigla siyang naalala. Nagulat siya sa lalaking kaharap nila. Dahil sa gulat niya ay hindi tuloy siya nakapagsalita bagkos ay mas tinitigan niya ang binata. 

"Siya ang lalaking iyon. Ang lalaking pinamukha akong walang pera!"

"OMG!" Napatakip ng bibig si Abby at namilog ang mga mata. "Siya iyon!!"

Seryosong nakatingin sa kanya ang binata.

Nagsalita si Mrs. Park at inutusan siya. "Greet our boss. Si Mr. Kristoff Walter."

"Uhmm.." medyo nauutal sa pagsasalita si Abby. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking tinulungan niya na napakasuplado ay ang magiging boss niya.

Sa isip ni Abby: "He is really a rich man kaya pala hinabol siya noong mga tambay."

"Ms. Abby, hindi mo ba babatiin ang boss natin?" sermon ni Mrs. Park na napansin na may kakaiba sa dalaga. 

"Huh? Ah, eh.."

Seryoso pa rin si Mr. Kristoff na nakatayo sa harapan nila.  Pasulyap si Abby na tumingin sa binata na medyo natatakot at nahihiya. 

"Uhmm.. good mo- morning sir. I'm Abegail Mau-maureen.." inabot niya ang kanyang kamay para makipagkamay pero hindi ito pinansin ng binata. Binalewala niya ito at umalis sa kinatatayuan para pumunta sa loob ng kanyang opisina. 

"Okay, you work now!" Utos ng boss. 

Napatango nalang si Abby. Sinundan niya ng tingin ang boss na naglalakad papasok sa loob ng silid.

"By the way Ms. Maureen, dito ang opisina mo at iyan ang mesa mo. Sa loob naman si boss. May telephone na konektado sa loob kung saan maaari ka niyang tawagin kahit anong oras," ani ni Mrs. Park na tinuturo ang mga bagay na dapat tandaan ni Abby. 

"Okay po!"

"You stay here."

"Yes maam!"

"Goodluck!"

Lumabas na si Mrs. Park at naiwan nalang si Abby roon. Napabuntong - hininga nalang si Abby at napaupo sa kanyang silya na maaaring mapaikot. 

"Wheew!"

Biglang tumunog ang telephono na nasa mesa nito. Medyo nagulat si Abby sa pagring. Pinagmasdan niya ang telepono na patuloy sa pag- iingay. Nagdadalawang -isip siya na sagutin pero naalala niya na trabaho niya pala ito. Lumingon siya sa salaming dingding nay venetian blind curtain na kita pa rin ang kanyang boss na hawak ang telepono. Seryoso itong nakatingin sa kung saan sya naroon kaya agad na niyang sinagot ang tawag. Sinagot niya ang tawag.

"Hello?" sagot ni Abby na mahinahon.

"Come to my office!" Utos ni Kristoff.

"Huh?" Nabigla siya. 

"Narinig mo ba? Come to my office now!"

"Uhmm.. yes sir!"

Ibinaba ni Abby ang phone at dali-daling pumuta sa loob ng office ni Kristoff.

"Yes sir?"

Seryosong nakatingin sa kanya ang binata. "Siguro sinabihan ka na ni Mrs. Park sa mga gagawin mo at di mo pwedeng gawin. Tama ba?"

"Ye-yes sir!"

"So ngayon, you start your work. May gagawin tayong mga report and I need this urgent."

"Huh?"

Sa isip ni Abby: "Nakikilala kaya niya ako? Naalala kaya niya ang gabing tinulungan ko siya sa mga lalaking iyon? Mukhang okay naman ang mga sugat niya sa mukha at di na halatang sinuntok siya."

Inilapag ni Kristoff ang mga folders and papers na kailangan nilang gawin.

"Heto!"

"Po?"

"You need to make a presentation out of this reports!"

"Ah, okay po."

Kinuha ni Abby ang mga folders. Nang paalis na siya sa office ni Kristoff, napaisip ito.

"Hindi yata niya ako naaalala. Buti naman!" Pangiti- ngiti itong lumabas sa office ng boss nya. 

-----

Habang  nag-aayos ang mga tauhan ni Jerick sa coffeshop para sa surprise birthday party para kay Lala ay  paupo-upo naman ang binata  sa couch. May hinahawakan si Jerick na isang magazine at nakatitig sa isa sa larawan ng isang model.

"Ang ganda mo talaga!" wika ni Jerick na pahalik halik pa sa magazine. Pinapanood naman siya ng mga tauhan niya na kinikilig habang nakatingin sa magazine. Kilig na kilig si Jerick at bakas talaga ito sa mukha niya. 

"Tingnan ninyo si sir, naghuhugis puso na ang mga mata!" sabi ng isang tauhan na lalaki na pansin ang kakaibang saya sa mga mata ng boss nila. 

"Titig na titig siya sa kanyang idol!" sabi pa ng isa.

Nagsalita naman si Wendy, " Kahit anong gawin ni sir, di naman niya makukuha ang babaeng iyan. Hanggang sa magazine lang ang mga ganyang crush."

"I agree!"

"Ako nga may crush rin na artista.." sabi noong isang tauhan.

"Tumigil na nga kayo. Huwag na kayong mangarap. Dapat nakatingin lang kayo kung sino ang nasa malapit at abot ninyo," dagdag ni Wendy na medyo naiinis sa sinsabi ng mga kasamahang lalaki.

Nagpatuloy pa rin si Jerick sa pagtitig sa larawan. "Kung nasa malapit ka lang, talagang hahalikan kita My Lady Maggie! Idol na idol talaga kita! Mwahh!"

--------

Samantala, naghahanda na si Paul na umuwi. Inaayos niya ang kanyang mga gamit para makauwi na. 

" Nagmamadali ka yata Paul?" tanong ng isang kasamahan ni Paul sa trabaho. 

Sagot niya," Magkikita kami ng girlfriend ko. Birthday niya kasi ngayon. We will celebrate together."

"Wow! Nice!"

"Paki greet nalang din sa girlfriend mo, Happy birthday!" sabi pa ng isa.

"Sure!" nakangiting sagot ni Paul.

Pagkalipas ng ilang minuto ay umalis na si Paul sa opisina. Bago siya pumunta sa kainan na sinabi niya ay pumunta muna siya sa isang boutique para bumili ng regalo para kay Abby.

"Hmmm.. ano kayang magandang pangregalo para sa kanya?" tanong niya sa sarili. Napapaisip tuloy si Paul. 

Habang naglalakad, nakasalubong niya ang kanyang mga kaklase noong highschool.

"Paul? Paul David?" tawag ng isang lalaki na nakasuot ng leather jacket. Tatlong lalaki na kaklase ni Paul noon ang nakita niya.

"Yoh! Paul!" Tawag ng isa.

Napatingin si Paul at nakilala naman niya agad kung sino sila. " Mga bro! Kumusta?" bati nito.

"Kumusta?"

"Heto, okay lang naman!" sagot ni Paul.

"Matagal ka na naming gusto makita. Salamat naman nakita ka namin ngayon."

"Sama ka, inuman tayo!!" Yaya noong isa.

"Huh?" Reaction ni Paul.

"Ngayon lang ulit tayo nagkita, magkwentuhan naman tayo!"

"Mga bro, birthday kasi ng girlfriemd ko ngayon.."paliwanag ni Paul.

"Kahit saglit lang.."

"Nangako ako sa kanya ."dagdag ni Paul.

"Minsan lang to bro..sumama ka na."

"Eh kasi.. this is her special day.."

"Isama nalang natin siya.." suhestiyon ng isa.

"May pupuntahan kami na kainan." wika ni Paul na nagpapaliwanag sa kanila.

"Saglit lang.."

Hindi siya tinigilan ng mga ito. Gusto nilang sumama si Paul sa kanila. 

"Mga Bro, birthday talaga ng girlfriend ko."

--------

"Happy birthday Maggie!" bati ng soon to be mother- in law niya. Nag beso- beso ang dalawa ng bumati ito kay Maggie.

" Thanks tita. Salamat naman po at nakadalo kayo sa simpleng dinner na ito.," wika ni Maggie. She was wearing a black long dress with elegant silver design.

Nasa isang Five star restaurant si Maggie at inanyayahan niya ang mga magulang ni Kristoff. Hindi makakadalo ang mga magulang ni Maggie kaya mga soon to be  in-laws nalang ang naroon.

"Tumawag na ba si Kristoff? Di ko kasi siya ma-contact." tanong ng mommy ni Kristoff.

"Hindi pa po. Di ko kasi rin siya ma-contact. But I already texted him na I will celebrate my birthday here and you are here po, tita." 

Pangiti - ngiti si Maggie at halatang masaya rin ang mommy ni Kristoff. 

"That's good. Baka may surprise siya sa iyo. So do not worry to much."

Ningitian naman ni Maggie ang mommy ni Kristoff nang marinig niya ang tungkol sa sopresa. 

"This is it!" 

Nasasabik na tuloy si Maggie sa magiging sorpresa ng boyfriend niyang si Kristoff. 

"Ring na kaya?" Tanong ni Maggie sa sarili na hindi na makapaghintay na dumating ang kasintahan. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status