Share

Chapter 10

Tinulungan nina Tofu at Dino si Jerick sa pag-akyat sa bahay niya na nasa 2nd floor ng coffeshop. Sila ang mga tauhan niya sa coffeshop kasama si Wendy. Si Tofu ay mataba na nasa 4'11 ang height at si Dino na matangkad pero payat.

Lasing na lasing na ang boss nila at sa kasamaang palad ay natumba na ito sa sahig.

"Buhatin na ninyo siya!" utos ni Wendy sa dalawa. Pinagtulungan nila si Jerick na buhatin.

Habang naglalakad at umaakyat sa hagdan ay nagsalita ito kahit nakapikit at akay-akay nila.

"Happy birthday... Happy birthday.."

"Si sir talaga!" Sabi ni Tofu. "Kahit sa panaginip, si Miss Lala pa rin ang naroon."

Nakataas ng kilay na tumingin si Wendy kay Tofu. Mukhang naiinis na ito pero nagpipigil lamang. Dinala na nila sa bahay si Jerick.

"Sa kwarto niya.." sabi pa ni Wendy.

"Okay!"

Pinahiga nila ang boss nila sa kama nito. Nakangiting nakahiga si Jerick na para bang may kausap. Napatingin ang tatlo sa kaniya.

"Tignan niyo, mukhang kasama niya talaga si Miss Lala sa panaginip niya..
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status