Share

Chapter 5

Natapos na rin ang pagsusuri at interview na ginawa ni Mrs. Park. Naghihintay nalang ang mga aplikante sa resulta at kung sino ang matatanggap.

Balot ng kaba si Abby habang naghihintay. Pinapawisan siya kahit malamig naman ang silid. Hindi niya maiwasang hindi tumingin sa kanyang relo. Ito yata ang nagbibigay lakas niya. Napatingin din si Abby sa dalawang kasamahan niyang aplikante. Pareho silang mukhang kagalang - galang at propesyonal. Sa aura pa nila ay talagang kaakit akit.

"Matatanggap kaya ako?" tanong ng isip ni Abby. 

Pinuntahan ni Mrs. Park si Kristoff sa opisina.

"Kumusta?" tanong ni Kristoff.

"Magagaling po ang lahat ng aplikante. Lahat po sila ay may karanasan."

"So ano ang resulta?"

Dumating ang pinsan ni Kristoff na si Harry. "Hi bro!" Dire- diretso lang itong pumasok na walang pasabi sa loob ng opisina ni Kristoff. 

"Bakit ka narito?" seryosong tanong ni Kristoff kay Harry.

"Wala lang. Boring kasi kapag walang ginagawa." paliwanag ni Harry at agad na umupo sa couch.

"Haist. Edi magtrabaho ka!" sagot ni Kristoff.

"Boring din. Gusto ko lang magchill!" cool na sinabi ni Harry habang nakaupo sa couch. "Ayokong katulad mo na supah workaholic!"

"Geez!"

Natawa si Mrs Park sa sinabi ni Harry at napansin ito ng binata.

"Hello Mrs. Park, kumusta? Ano ang pinagkakaabalahan ninyo? Mas gumanda pa po kayo!"

Napahawid ng buhok si Mrs. Park sa may tenga niya at mahinhing sumagot. "Nagkaroon kami ng screening sa magiging bagong secretary ni Sir Kristoff."

"Oh, really? Magkakaroon ka nang bagong secretary?" Nasasabik na reaksyon ni Harry. 

"They were all good. Sa written exam, magaling rin sila." Paliwanag ni Mrs. Park.

"Ang galing!"

"So sino ang mataas ang score?" tanong ni Kristoff.

Tumayo si Harry at lumapit kay Mrs. Park. "Patingin ng kanilang resume."

Hinablot ni Harry ang mga resume. Inisa -isa niyang tiningnan ang mga litrato.

"Dapat bro iyong maganda ang secretary mo... Wait, matingnan nga."

"Karla, Sarah at Abby"

Natawa si Kristoff sa sinabi ni Harry. "Loko mo talaga Harry!"

"Heto bro, si Karla! She's so pretty!" Ipinakita niya ang resume na may picture kay Kristoff. "Bagay sa kanya na maging secretary mo."

"Yah, she's pretty," pagsang - ayon ni Kristoff.

"Magaling rin po siya..." dagdag ni Mrs. Park.

"Sumasang-ayon ka ba Mrs. Park?" tanong ni Kristoff.

"Uhmm, ang huling magdedesisyon po ay kayo po sir."

Napaisip si Kristoff. Napapahimas siya tuloy sa kanyang baba at kunot - noong nag- iisip ng malalim. Tila maraming mga bagay ang bumabagabag sa binata. 

Biglang nagsalita ulit si Harry. "Sa kagandahan niya, baka magselos ang gf mo!"

Napalingon si Kristoff at napatingin sila kay Harry.

"Just saying." Pangiti - ngiting sabi ni Harry. 

"May I see all the resumes," mahinahong sabi ni Kristoff.

"Heto po sir," wika ni Mrs. Park ng inabot niya ang mga resume.

"Pero bro, okay na iyon. Suggestion lang naman.."

Hindi na pinansin ni Kristoff ang pinsan niya. Seryoso na itong tumingin sa resume ng mga aplikante at ang kanilang nakuhang marka.

"Karla.."

Next

"Sarah.."

Next

"Abby."

Medyo natigilan si Kristoff nang nakita ang picture ni Abbegail o mas kilala bilang Abby.

"She looks familiar.."

Naalala niya tuloy ang mga nangyari kagabi. 

"Okay ka lang ba?" tanong ni Abby sa nasaktang Kristoff. "May sugat ka!"

Hindi pinansin ni Kristoff si Abby at tumayo lang ito ng dahan-dahan.

"Teka lang!"

Binalewala lang niya ang dalaga na siyang tumulong sa kanya.

"Tulungan na kita!" dagdag pa ni Abby na nagmamagandang loob. 

Kahit anong gawin ng dalaga ay hindi siya pinansin ng binata. Umalis si Kristoff sa kinatatayuan at naglakad nang dahan - dahan. 

Lumipas ang ilang minuto ay bumalik na si Mrs. Park kung saan naroon sina Abby at iba pa. Kinakabahan na nakatingin si Abby kay Mrs. Park na patungo sa kanila. Ang dalawang aplikante ay medyo malakas ang loob ang aura at ang ganda ng ngiti pa. Tila nagpapahiwatig na may magandang balita na matatanggap. Si Abby naman ay pilit na ngumingiti na may magandang aura rin pero di maiwasang hindi siya kabahan.

"Congratulations. Ang pumasa ay si..."

--------

"Ako yata ang kinakabahan.." sabi ni Meimei na nasa labas at naghihintay rin sa resulta. Kasama niya ang kanyang kaibigang lalaki na ka-office mate na si King.

"Magtiwala ka lang sa kaibigan mo..." payo ni King.

"May tiwala naman ako sa kanya pero.."

"In fairness, magaganda ang mga aplikante at sexy pa. Lalo na iyong una."

Nagkasalubong ang kilay na tumingin si Meimei kay King, "Maganda rin ang kaibigan ko. Syempre, medyo conservative manamit lang siya pero sexy rin iyon."

"Hmm.."

Bumukas ang pinto at lumabas na ang tatlong aplikante. Nag-aabang sila Meimei sa labas at gusto ng malaman kung ano na ang resulta.

Pinuntahan ni Abby si Meimei at ang iba ay umalis na.

"Kumusta Abby?" Nasasabik na tanong ni Meimei habang hinahawakan ang kamay ni Abby..

Tahimik sa simula si Abby at napatingin lang sa kaibigan.

Nag-alala bigla si Meimei at nalungkot. "Okay lang iyon Abby.."

Hanggang nagsalita na ito.

"Natanggap ako!" balita ni Abby na ang ang mukhang malungkot ay napalitan na ng saya. 

Nagulat si Meimei at si King. Nanlaki tuloy ang kanilang mga mata sa di inaasahang balita. 

"Really?"

"Natanggap ako!"

Sa tuwa nila ay napatalon ang dalawa. Napangiti si King habang pinapanood ang dalawang dalaga. 

"Congratz! Magkakasama na tayo rito!"

"Ganoon na nga!"

Nagyakapan ang magkaibigan. "I am happy for you Abby!"

Lumabas na si Mrs. Park at tinawag si Abby.

"Ms. Maureen, pumasok ka muna rito para sa kunting briefing sa trabaho mo."

Napatigil ang dalawa. Medyo kinabahan si Abby pero nangibabaw sa kanya ang saya. Masayang sumagot si Abby, "Yes po!"

--------

Sa loob ng opisina ni Kristoff ay talagang nagtataka at di makapaniwala si Harry sa resulta. 

"Final na ba talaga sa napili mong secretary?" tanong ni Harry. "Ayaw mo ba iyong medyo daring at sophisticated. Iyong model ang dating? Sexy at hot lady!"

Sinagot siya ni Kristoff. "Base sa mga nakuha nilang marka, mataas siya kumpara sa dalawa."

Napatingin ang binata kay Harry, "Isa pa Harry, hindi model ang hinahanap ko at sasali ng fashion show. I need a secretary. My secretary and not your secretary. Eh kung gusto mo, ihire mo iyong isa para maging secretary mo!"

Mas naging seryoso ang binata. Pangiti - ngiti lang naman si Harry na tinutukso ang pinsa. 

"Napakaseryoso mo naman. Chill lang bro."

-----

Kinausap na ni Mrs. Park si Abby. Sa mga oras na iyon, sila lang dalawa sa silid. Binigyan ng job description si Abby, at mga bagay na gagawin niya at di dapat gawin.

"Marami kang dapat tandaan. You are the secretary ng CEO ng kompanya. Siya ang tagapagmana o mas kilalang may-ari rito."

Seryosong nakikinig si Abby at nilista ang mga ito sa kanyang notebook.

"Kailangan mong sumama sa kanya sa lahat ng transactions at business matters ni sir maliban lang kung hindi niya nirequest.  Kailangan mong magset ng mga appointments at ang kanyang daily routine sa work. Kailangan mo rin makilala ang mga investors at iba pang mga high profile people na bahagi ng kompanya at sa negosyo."

"Okay.. noted!"

"Pagdating sa private life, labas ka na roon. Huwag makikialam."

"Tatandaan ko po iyan."

"May day off ka naman pero minsan, maraming mga works kaya kailangan ang tulong mo, so dapat ready ka sa mga possibleng mangyari."

"Okay po!"

"Lastly,.." seryosong sabi ni Mrs. Park na nakatitig sa mata ni Abby. Kinabahan tuloy si Abby.

"Ano po iyon?"

"Never fall in love sa boss mo!"

"Huh?"nabigla ito.

Natawa lang si Abby at sinabing, "Huwag po kayong mag-alala... Hindi po iyan mangyayari."

"Dapat lang! Bukas, ang simula ng trabaho mo. Report here before 7 in the morning."

Umalis na si Mrs. Park pagkatapos niyang payuhan si Abby. Medyo kinabahan si Abby sa pinagsasabi ni Mrs. Park lalong -lalo na ang huli. Nang nakaalis na ito, kinausap naman ni Abby ang sarili.

"Hinding - hindi ako makakagusto sa boss ninyo. May boyfriend nako at sigurado na may girlfriend na rin siya. Never as in never!"

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Adora miano
hahaha change bf and gf
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status